Requested- Sorry Na (EXO's Chanyeol)

Sorry na

"Sorry na"

 

-----------------------------

Agad kong inayos ang gamit ko ng marinig kong idinismiss na kami nung boring naming prof. Maganda sana yung topic nya kaso nakakaantok yung boses nya kaya nakakawalang ganang makinig. Pagkalabas ko ng room ay agad bumungad sa akin yung mga higad. Ginagawa na namang Luneta tong school, di na nahiya! Alam kaya ng Nanay at Tatay nila yung mga ginagawa nila? Puro sarap ang alam at gusto. Sarap buhusan ng asin eh.

Agad akong naglakad papunta sa gate para hindi ko na makita yung mga eyesore kaso mas malala palang eyesore yung naka-abang sa may gate.

Isang lalaking may matangkad na pigura at malalaking tenga ang naka-abang sa gate. Nagtagpo ang mga mata namin pero agad akong umiwas ng tingin. Hindi ba sya aalis dun sa may gate? Paano ako makakauwi neto? Tanong ko sa isip ko. Paano ang laki nya tapos nakaharang sya sa may gate. Yung maliit na gate lang kasi yung bukas ngayon since maaga pa at hindi pa labasan ng lahat. Maaga lang talaga yung end ng last period ko kaya maaga akong uuwi pero mukhang hindi ko na magagawa dahil nakaharang tong kapre na to.

Nakita kong lumapit sa kanya yung Heartrob ng school, si Lu Han at kinausap sya. Nagtataka nga ako bakit naging heartrob yun samantalang mas maganda pa sya kesa dun tinatawag nilang sa Campus Queen. Tinapik ni Luhan yung balikat nya at tumingin sya sa akin. Malungkot ang mga mata nya kaya nakaramdam ako ng tumutusok sa puso.

"Jera!" nakarinig ako ng tumatawag sa akin kaya hinanap ko, nakit ko namang natakbo papalapit sa akin si TaeHyung. Shit yung crush ko.. Parang nagsoslow motion sya habang natakbo. Tinatangay ng hangin yung buhok nya kaya ang perfect nya tignan.

"Huy!" sabi nya kaya napabalik ako sa realidad kahit ayaw ko pa. Nakatayo sya sa harapan ko at may hawak syang papel.

 

"Bakit?" pabebe kong tanong. Syempre si Crush to kaya dadamoves na ako. Pinunasan muna nya yung pawis nya bago sumagot.

"Magrereport na pala tayo sa Statistics hindi ko pa nabibigay sayo yung report mo" sagot nya tapos inabot sa akin yung papel na hawak nya. Tinignan ko iyon at wala akong naintindihan dahil puro numero at letra ang nakasulat doon. Gusto ko ng math kaso nandyan si Crush kaya hindi nagfufunction ng maayos yung utak ko. Sorry naman si Kim Taehyung to eh..

"Sinammarize ko na yan kaya madali ng intindihin. Sige una na ako. Sa Monday na tayo magrereport ha!" paalala nya tapos ginulo pa yung buhok ko bago muling tumakbo papalayo sa akin. Doon ko napatunayan na wala talagang Forever. Bakit kailangan syang umalis agad?? Naman eh TT^TT..

Inayos ko yung buhok kong ginulo ng Taehyung at inilagay sa bag ko yung report ko. Habang inilalagay ko yung papel na ibinigay nya sa akin sa bag ko ay naalala kong magrereport din pala ako bukas sa Chemistry at hindi pa ako nakakagawa ng power point kaya kailangan ko na talagang umuwi. Muli akong tumingin dun sa may gate at nagdiwang ako nung makita kong wala na yung kapre dun.

Agad akong naglakad papalabas pero hindi pa ako nakakalayo ay

"Jera " hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino yon. Kilala ko ang boses na iyon pero pinipigilan ko ang sarili ko na lumingon dahil kapag ginawa ko yun lalambot na naman ang puso ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggan sa makarating ako sa bus stop pero sumunod pala sya.

 Jera, sorry na oh. Kausapin mo naman ako please" pagmamaka-awa ni Chanyeol. Akala ko umalis na to? Gustong-gusto ko na talagang lumingon pero pinipigilan ko ang sarili. Wag. Ayoko. Galit pa rin ako sa kanya.

May tumigil na bus sa harapan ko at dali-dali akong pumasok doon. Narinig ko pang tinawag nya ako pero nagmatigas pa rin ako.

Kung iniisip nyong Boyfriend ko si Chanyeol, pwes ang talino nyo dahil naisip nyo yun. Oo, boyfriend ko sya for 3 years. Me and you against the world ang peg namin dahil kagaya ni Luhan heartrob din sya sa school kaya maraming nahanga sa kanya samantalang ako isang simpleng babae lang na gustong  makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ang pamilya nya. Maraming ayaw sa relasyon namin pero palagi akong sinasabihan ni Chanyeol na wag na lang pansinin dahil ikakapanget ko lang daw yun. Pero kung isang heartrob ang boyfriend mo ay hindi mo maiiwasan yun. Oo may tiwala ako sa kanya pero sa mga lintang nakakalat sa paligid, wala.

Kagaya nung nagyari noong isang linggo. Nakita ko lang naman na may nakahawak sa mukha nyang isang linta at hinalikan sya. Oh di ba ang saya? Tapos etong kapre mukhang nasarapan pa!  Di pa nga nakuntento sa peck ang linta aba't humirit pa ng torrid. Well nakuha naman nya ang gusto nya,di nga lang sa nguso ni Chanyeol kundi sa lupa.

Kaya ngayon warla kami ni Chanyeol. Nagtry sya magexplain pero sarado pa yung isip ko eh.

Nung makauwi ako ay agad akong nagpalit ng damit at humarap sa laptop ko pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay tinamad na ako kaya naisipan ko munang humiga na lang.

Habang nakikipag eye to eye ako dun sa butiki sa kisame ay nagpop up sa isip ko yung mukha ni Chanyeol kanina. Nasasaktan din naman ako sa pag-iwas ko sa kanya pero ginagawa ko yun para mabigyan sya ng Space at time para narealize kung ano pa ba ako sa kanya. Alam mo yun, baka mamaya nafell out of love na pala sya pero ayaw nya akong saktan kaya ganun. Gusto ko ring malaman kung anong gagawin nya kapag hindi na nya naramdaman yung presence ko.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko iyon. May nagtxt.

 

1 unread message

 

From: Kapre

Sorry na Jera ko.

Wag na kayong magtaka kung kanino naggaling yan, malamang kay Chanyeol. Sa sobrang inis ko sa kanya noong isang linggo ay pinalitan ko yung pangalan nya sa phonebook ko.

"Sorry sorry, mukha mo! Dun ka sa mga linta mo. Magsama kayo!" komento habang idinedelete yung message ni Chanyeol sa inbox ko. Inexit ko na yung messages ko sakto namang may lumabas na notification.

Your SD card was already full. Please delete some unimportant files.

Yan yung notification. Puno na pala SD card ko, siguro napuno kakaselfie nung mga classmate ko.

Agad akong nagpunya sa gallery at ang dami nga nilang picture. Dinelete ko na yung mga naupload ko na lara mabawas-bawasan na yung laman. Habang nagsoscroll ako ay nakita ko yung folder na may pangalang Videos. Sa pagkaka-alam ko wala akong video sa phone ko dahil 2gb lang to kaya di ako naglalagay. Nacuriuos ako dahil isang black na image lang yung nakalagay, yung parang corrupted files ganun. Baka nakidownload na naman ng MV yung kapatid ko kaya may video ako. Ganun kasi yun, kapag nagtotopak yung cellphone eh sa cellphone ko sya nagdodownload ng MV nung Kpop Kpop nya. Niclick ko yung video since bored ako baka pwede na tong pagtyagaan para malibang ako ng konti. Isang beses kasi napanood ko yun MV nung EXO yung Growl? Grabe ang galing nila.

Pagplay nung video ay all black yung makikita mo. Walang ibang tunog basta all black lang sya. 30 seconds na ang nakakalipas pero ganun pa rin yung nasa screen, aalisin ko na sana nung may lumitaw na isang pamilyar na tenga kaya napatigil ako sa balak ko. Unti-unti nagadjust yung screen tapos nakita ko yung malungkot mukha ni Park Chanyeol.

Namumugto yung mga mata nya at namumula yung ilong nya. Napansin kong parang sa pamilyar yung background nya kaya napalingon ako sa paligid ko at sa kwarto ko nga yung background nya. Muling gumalaw yung screen at isibakto nya sa mukha nya yung screen.

Tumingin sya sa baba tapos muling umangat. Binasa nya yung labi nya at nagsalita.

"Jera ko sorry na" parang bata na sinabi nya. Muling namula yung mga mata nya ay may namumuong luha sa mga ito. Jera ko? Mukha mo! Sabi ko sa isip ko nung marinig ko kung anong tinawag nya sa akin.

"Alam kong galit ka sa nakita mo pero wala akong kasalanan. Sya yung humalik sa akin Jera ko. Sya, ayokong ngang magpahalik kasi alam kong magagalit ka kapag nalaman mo pero ipinagpilitan nya pa rin. Naiinis nga ako dun eh, alam mo bang isang daang beses ako nagtoothbrush at naka limang malalaking bote ako ng Listerine para lang mawala yung bacteria nya sa bibig ko pero parang kulang pa rin eh. Hindi pa rin kasi ako pinapansin ni Jera ko eh. Ayan naiiyak na naman ako, ang sakit pala kapag hindi ka pinapansin ng taong mahal mo" sabi nya tapos pinunasan nya yung tumulong luha sa mga mata nya. Isang daan? 5 bote? Parang ang exagge masyado.

"Alam ko makulit akong tao,isip bata, moody, bipolar at kung ano-ano pa pero nagpapasalamat ako sayo kasi iniintindi mo ako. Kinokonsider mo lahat para sa akin, ginagawa mo ang lahat para sa akin. Kaya nga nag-sisisi ako sa nangyari eh. Dapat hindi ko hinayaang magyari yun, yan tuloy hindi ako pinapansin ni Jera ko. Hindi na natalab sa kanya yung pagiging gwapo at cute ko ng sabay. Hindi na sya namamangha sa paggigitara ko at sa malalim kong boses. Wala ng nahawak sa malalaki kong kamay. Wala ng nagcocomplain na ang tangkad-tangkad ko. Wala ng nagpapakain sa akin ng Sinigang sa miso. At wala ng napingot sa malalaki kong tenga. Miss na kita Jera . Miss na miss ko na si Jera ko." biglang tumulo yung mga luha ko ng sunod-sunod nyang sabihin yung mga kadalasan kong ginagawa sa kanya. Eto ba yung reaction nya nung mawala yung presence ko? Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

"I love you Jera . I really love you!! Mahal pa kita sa buhay ko kaya kung hindi mo pa ako kayang kausapin maghihintay ako! Maghihintay ako hanggang forever. Ay wala palang forever pano yan? Sana bukas kausapin na ako ni Jera ko kasi Miss na miss ma miss ko na sya!" Miss na rin kita Kapre ka! Pinunasan ko yung mga luha ko at napangiti ako. Hanggang ngayon para syang bata, pero hindi nya nakakalimutang pangitiin ako.

"Ikaw! Oo ikaw na nanonood nito kilala mo ba si Jera ko? Yung babaeng sobrang ganda kaya bagay syang maging asawa ko,  yung babaeng magaling sa math kaya nakuha nya yung atensyon ko at yung babaeng magaling magluto kaya nakuha nya yung puso ko! Kilala mo ba yun? Kung oo sabihin mo mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko sya!

At sorry na sa nagawa ko! Promise sa kanya na lang ako magpapahalik. Sabihin mo sa kanya na tong labi ko, tong mata ko, tong tenga ko, tong buong katawan ko, at itong puso ko. Oo nga pala, sa kanya na rin pala tong apelyido ko."natawa ako sa pinagsasabi nya. Bakit ang sweet ni Chanyeol ngayon? Sumeryso yung mukha nya.

"I'm sorry Jera . God knows how much I'm sorry about what happened. I don't want to hurt to. I really don't but I maybe things really happen for a reason so I believe that we both learned a lesson from what happened. If you can't forgive me now I understand but avoiding me is too much. Seeing you avoiding me kills me, I don't want you to ignore me Jera. It fucking hurts but I think this is the consequence of what I've done to you. Sorry My Jera .

If that's what you want, I'll give you space. I'll give you time to think but please let me know if youre ready. If youre ready to talk with me. Please Jera , Let me know. I love you. I really do." natapos na yung video pero hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Chanyeol sa huli. Sorry Chanyeol, sorry kung hindi kita pinakinggan at pinairal ko yung pride ko sorry.

Agad akong nagpalit ng damit at lumabas ng bahay. Pumara ako ng taxi at sumakay.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong tumawag. Lumabas yung katulong nila at sinabing wala daw si Chanyeol pero halata namang nasa loob sya dahil kita yung tenga nya dun sa may bintana.

May nakita akong isang katamtamang bato tapos binato ko yung bintana ng kwarto nya. Nakita kong gumalaw yung kurtina pero hindi pa rin sya lumabas. Kumuha ako ng mas maraming bato at pinagbabato yung bintana nya. Ang tigas n ulo nya kasi hindi pa rin sya lumalabas. No choice ako isang medyo malaking bato yung huling bato na natitira dito. Bumubwelo na ako ng pagbato ng buksan nya yung bintana ng kwarto nya.

"May balak ka bang basagin yung bintana ng kwarto ko?" sigaw nya sa akin. Magkasalubong yung dalawang nyang kilay at galit ata sya. Aba sya pa may ganang magalit?

"Oo at may balak din akong basagin yang mukha mo kapag hindi ka pa bumaba dito!" sagot ko sa kanya. Napakamot naman sya ng ulo nya at sumunod sa gusto ko.

Hinintay ko sya sa labas ng bahay nila. Pagkalabas nya ay nagkakamot pa rin sya ng ulo nya. Halata pa rin sa mata nya yung pamamaga nito. Naguilty tuloy ako.

 

"Anong proble--" hindi ko na sya pinatapos. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I love you, Chanyeol" bulong ko haban naiyak. Akala ko sya yung may kailangan ng time at space hindi pala, ako. Naramdaman kong yumakap sya pabalik sa akin at hinalikan ang ulo ko.

"Sorry Jera, sorry sa--" sa pangalawang pagkakataon hindi ko sya pinatapos. Hinalikan ko sya sa labi para magtigil na sya sa kakadaldal nya at medyo nabibingi na ako.

Nang humiwalay ako ay nakatulala lang sya sa akin na para bang ngayon lang sya nakakita ng babaeng unang nahalik sa lalaki.

"Yang mata mo nagaya na naman kay Kyungsoo. Wag ka ng manggaya ng iba, mata na yung sa kanya, ang sayo tenga." sabi ko sabay hawak sa tenga nya. Nakita kong ngumiti sya. Yung ngiting kita yung mapuputi nyang ngipin. Yung ngiting nagpainlove sa akin.

"I Love you Jera ko" sabi nya tapos niyakap nya ako ulit.

"At talagan inangkin mo na ako ha?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Oo naman, dun din naman yun pupunta eh" sagot nya kaya napangiti na lang ako.

--------------------------------

First of all I want to say Sorry!! Sorry kasi ang tagal bago ko sya nagawa! Busy sa school then minsan wala pa ako sa mood na magUD. Actually binibisita ko lang yung Wattpad ko then alis na. Sorry talaga TT^TT.. Isa pang sorry kung wala syang FANTASY.. I want to do it but my mind was occupied in school so I can't open my imagination that much. Isa pa kung ipupush ko baka mas matagalan kasi busy talaga eh sorry.....

 

Ayos lang ba? Yan lang kasi ang kaya ko ngayon eh.. Sorry talaga....

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top