Requested - Home is in your Eyes (EXO Kai)
Home is in your Eyes (One Shot)
"I wanna be holding your hand on the sand by tire swing. Where we used to be, baby you and me."
-------------------------------
"Dali na Lin punta ka mamaya sa karenderya namin" kanina pa paulit-ulit tong si KyungSoo. Nabubwisit na ako pati sila Baekhyun. Simula nung pumasok ako kaninang umaga nagsimula na silang mangulit, hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko naman birthday, hindi din birthday ni Chanyeol, mas lalong hindi birthday ni Chen kaya wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito sila kung makakulit sa akin. Kapag may birthday kasi ang isa sa amin, laging pinapapunta sa karenderya nila KyungSoo tapos lulutuan ng Mama nya.
Humarap ako sa kanila at tinaasan sila ng kilay tapos inilagay ko pa yung kamay ko sa bewang ko.
"Ano bang meron ha? Birthday mo ba Chanyeol?" tanong ko kay Chanyeol tapos umiling naman sya.
"Ikaw, di ba March ka pa?" baling ko kay Xiumin. Habang nakakagat sya sa buns na kinakain nya ay tumango-tango sya.
Lumapit sa akin si Chen at minasahe yung balikat ko.
"Kalma Lin, kalma lang." sabi nya habang pinipindot-pindot yung balikat ko kaya inalis ko ang pagkakahawak nya doon.
"Tigilan mo nga ako Chen! Yung utang mong sampu ha? Noong isang linggo pa yun ha!" singil ko sa kanya. Ganun ba talaga kapag kaibigan? Pamasko lagi lahat ng utang?
Ngumiti naman sya ng alanganin at kinamot yung batok nya bago tumakbo papunta sa likod ni Suho.
"Basta pumunta ka na lang kasi" singit ni Luhan tapos inakbayan pa ako tapos sabay kaming naglakad.
"Bakit, ano ba kasing meron?" tanong ko sa kanya pero isiniksik nya lang ako sa kili-kili nya.
"Ano ba! Ang baho!" sabi ko tapos tinulak sya.
"Kapal, mas mabango pa to sayo no!" sagot nya tapos inamoy-amoy pa yung kili-kili nya.
"LOL" sabi ko tapos inunahan na silang maglakad. Maka-uwi na nga, mahahawaan na naman ako ng kabaliwan dahil sa 11 na to.
***
"Nak sila Chen nandito!" sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay. Nagwawalis kasi sya.
"Nu bang kailangan nung mga kumag na yon? Nanonood ako eh" bulong ko habang sinusot yung tsinelas na pambahay ko. Nanood kasi ako ng T.V tapos mangiistorbo tong mga lalaking to.
Lumabas ako at binuksan yung gate namin. Pagkabukas ko eh nandoon silang lahat at nakabihis pa.
"San ang binyag?" tanong ko sa kanila. Mukha kasing pupunta sila ng binyagan dahil sa mga suot nila, naka-ayos pa ang buhok.
"Tayo po ay pumikit at manalangin para sa kaluluwa ng namatay na joke ni Lin" sabi ni Baekhyun habang nakapikit at magkadaop ang palad, sumunod naman si Chanyeol at Chen.
"Tara na!" sabi ni Suho sa akin na nagpakunot sa noo ko.
"Tara saan?" tanong ko. Wala namang kumukuha sa akin bilang ninang ah? Tsaka gabi na, may nagbibinyag ba kapag gabi?
Lumapit sa akin si Lay at hinila ako palabas.
"San ba kayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot, isinarado nya yung gate namin.
"Huy!" sigaw ko sa kanila. Kanina pa ako parang tangang tanong ng tanong dito wala naman nasagot.
"Mukhang di to makukuha sa santong dasalan mga pare" narinig kong bulong ni Chen kila Kris tapos tumango tango naman si Kris at Tao.
"Daanin na natin sa santong paspasan!" dagdag nya tapos ngumiti ng nakakatakot si Tao at Kris.
"Mga pare Plan B!" sigaw ni Chen tapos bigla silang lumapit sa akin lahat.
"Anong Plan B?" tanong ko habang tumatakbo papalapit sa gate namin pero nakaharang na si Lay doon.
Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at parang lumulutang ako sa ere. Nabuhat na pala ako ni Chanyeol.
"Hoy! Ano to? Tenga, ibaba mo ako!" sabi ko habang nagpupumiglas sa kanya. Sabay-sabay silang tumakbo pero naiwan si Lay sa may gate namin.
"Tita peram muna kay Lin ha! Babalik din po namin sya mamaya!" sigaw nya tapos sumunod sa amin.
"Sige lang kahit wag nyo ng ibalik!" rinig kong sigaw ni Mama pabalik.
Ginawa ko na lahat para makawala sa kanila pero hindi ko nagawa.
Buhat-buhat pa rin ako ni Chanyeol hanggang sa makarating kami sa karenderya nila KyungSoo. Ibinaba ako ni Chanyeol tapos nagstretching sya.
"Grabe ang bigat mo Lin, bawas-bawas ng pagkain ha" sabi nya sa akin. Isang sapak naman ang natanggap nya mula sa akin kaya mas namilipit sya sa sakit.
"Anong problema nyong lahat ha! Kanina pa kayong umaga! Ano suntukan na lang tayo!" hamon ko sa kanila. Wala napuno na ako eh. Kung kinaka-usap nila ako ng maayos para sumama din ako ng maayos kaso hindi eh, puro sila kalokohan.
"Yan sabi ko kasi sa inyo wag nyong bina-bad trip si Lin, ano kayo ngayon?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko. Nakarinig ako ng mga yabag tapos may umakbay sa akin. Pamilyar na amoy at pamilyar na pakiramdam.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakita kong nakangiti sya kila Chanyeol tapos lumingon sya sa akin. Nakabalik na pala sya?
"Ne-gro?" tawag ko sa kanya na ikinatawa nilang lahat.
"Boom panes!" komento ni Chen. Naramdaman kong nawala na yung kamay ni Kai sa balikat ko. Na-offend ko ata sya, pero yun kasi ang tawag ko sa kanya noon eh.
Kinamot nya yung batok nya at nahihinayang ngumiti.
"Di ka parin nagbabago Lin, prangka ka pa rin" komento nya kaya natawa ako.
"Oh nandyan na pala kayo, tara na sa loob" yaya sa amin ng Mama ni KyungSoo kaya nagunahan na silang pumasok sa loob pero naiwan kaming dalawa ni Kai.
"Kelan ka pa nakabalik?" tanong ko. Hindi man lang sya nagsabi sa akin na uuwi na pala sya hindi tuloy ako nakapaghanda. Tulad ngayon, nakapangbahay ako.
"Kakaratingko lang, dumiretso na ako dito sabi kasi ni Dyo eh" sagot nya.
"Kamusta?" tanong ko tapos nagsimula na kaming maglakad papasok.
"Ok naman, ikaw?" balik na tanong nya.
"Ok lang din, still breathing" biro ko kaya napangiti sya. Na miss ko ang mga iyon.
"Are you staying for good?" I ask. Matagal-tagal na rin syang nasa Korea.
"I don't know, if someone ask me to stay, then I'll stay" makahulugang sagot nya.
"Ang lalim" komento ko. Ikinakunot naman yun ng noo nya.
"Ng ano?" tanong nya ulit.
"Ang lalim ng hugot pre" sagot ko pero mas ikinakunot ng noo nya yun.
"Hoy tama na yan, mamaya pa ang dessert!" sigaw ni Chanyeol habang nakain. Nakarating na pala kami sa loob.
Natawa na lang kami at sumunod na sa kanila.
***
"Di ba Lin crush mo yang si Kai simula nung-- Aray!" sinipa ko si Baekhyun sa ilalim ng mesa ng magsimula syang magkwento ng kung ano-anong bagay. Tumingin sya sa akin at kita sa mukha nyang nasaktan sya. Binigyan ko naman sya ng Sige-Magsalita-ka-pa-Lagot-ka-sa-akin-Mamaya look kay tumigil sya.
"Oo nga Lin simula nung--Aray!" si Luhan naman ang nasaktan ng sinubukan nya ipagpatuloy yung sinasabi ni Baekhyun, sakto magkatabi pa naman kami kaya nakurot ko sya.
Tumawa naman sila.
"Ayan, wag nyo kasing ibinubuking na may Crush si Lin kay Kai simula noon ay hanggang ngayon pala" dire-diretsong sabi ni Chen na hindi ko napigilan dahil malayo sya sa akin. Naramdaman kong pumunta lahat ng dugo ko sa mukha ko kaya napayuko ako. Narinig ko naman ang tawanan nila.
"Hoy tama na nga yan, gusto ko pang makalabas ng buhay dito no" singit ni Tao.
"Totoo ba Lin?" biglang tanong ni Kai na nagpatahimik sa kanila at syang ikinabilis ulit ng tibok ng puso ko. Mukhang mas lalo ata akong namula.
Aamin na ba ako? Matagal ko naman ng gustong sabihin sa kanya eh kaso kagaya ng ibang tao, kapag nandyan na yung taong gusto mo bigla ka na lang nababalangko. Isa pa, nagbago kasi sya simula nung maging second year kami. Naging ilag na sya sa akin di ko alam kung bakit.
Siguro ito na ang tamang panahon para malaman nya. Gusto ko na rin makawala sa kanya eh, alam ko namang tropa lang ang tingin nya sa akin.
Sasagot na sana ako ng may isang matinis na boses ang sumigaw mula sa labas.
"Oppa!" isang magandang babae ang pumasok tapos lumapit sya kaya Kai at kumapit sa mga braso nito. Napayuko ako.
Nakaramdam naman ako ng maliliit na karayom na natusok sa puso ko. Ito ba? Ito na ba ang sign na dapat na talaga akong tumigil?
"Sino sya?" narinig kong tanong ni Kris. Sabi ko titigil na ako pero may parte sa isip ko na sana hindi sila romantically attached.
"Si Krystal" simpkeng sagit ni Kai pero halata sa boses nya ang saya.Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nakangiti sya, ngiting bgayon ko lang nakita kaya mas lalong dumami yung maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.
"Hi! I'm Krystal. Kai's yeoja Chingu"masiglang pakilala nya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng salitang Yeoja Chingu pero masama ang kutob ko sa ibig sabihin nun.
"Guys, ano yung Yoda Tsonggo?" tanong ni Tao na ikinatawa ni Suho at Kai.
"Yoeja Chingu Tao, hindi Yoda Tsonggo. Ibig sabihin nun Girlfriend" isa lang ang gusto kong gawin nung marinig ko ang ibig sabihin ng Yeoja Chingu, iyon ay umalis doon. Kung kanina ay maliliit na karayom lang ngayon ay parang may atomic bomb na sumabig sa dibdib ko. Sabi na eh, bakit ba kasi umasa ako. Bakit ko nga ba sya hinintay?
Hinili ni Kai yung inuupuan nya at pinaupo doon si Krystal. Nakaramdam ako ng isang kamay na humawak sa kamay ko at nakita kong kay Luhan iyon. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kamay nya.
"Guys labas lang ako" paalam ko, hindi ko na hinintay na sumagot sila. Alam kong alam na nila kung bakit, syempre maliban kay Kai.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad na tumulo ang mga luha ko. Well, ayun naman ang consequence ng Umaasa tapos wala naman palang aasahan di ba? Ang mali ko lang, naghintay ako. Naghintay ako sa taong di naman darating para sa akin.
Umupo ako sa isang gulong na ginawang duyan. Madalas kami dito nung mga bata pa kami. Palagi kaming naglalaro dito, lalo na ni Kai. Sana nga bata pa rin kami.
Di ko alam kung ilang minuto ako doon basta ang alam ko lang ay masakit na ang mata ko kakaiyak. Nilalamig na rin ako pero gusto ko pang magtagal dito. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito since medyo malayo na ito sa bahay namin.
"Bakit di ka na bumalik sa loob?" tanong ni Kai tapos naramdaman kong itinulak nya yung inuupuan ko.
"Na miss ko lang dito. Hindi na rin kasi ako masyadong nakakapunta rito." sagot ko. Patuloy pa rin sya pagduyan sa akin. Bumabalik tuloy lahat ng ala-ala namin noong bata mga pa kami.
"Namiss ko din tong lugar na toh. Dito tayo nabuo, nagka-asaran, nagkapikunan basta lahat ng magagandang memories natin dito nangyari lahat. Dito rin ako nahulog sayo" medyo mahina yung pagkakasabi nya dun sa huli pero sapat ang lakas nun para marinig ko.Tumigil sya sa pagduyan sa akin at pumunta sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya ng isang beses pero agad ko ring ibinaba ang tingin ko. Hindi ko kayang tignan sya.
"Gusto kita Lin, matagal na. Hindi ko lang maamin sayo kasi na totorpe ako. Mas lalo kong pinangsisihan na hindi ako umamin sayo nung umalis kami papuntang Korea. Lin, hindi mo alam kung gaano ako nagselos nung ligawan ka ni Luhan, idagdag mo pang palagi akong pinapadalgan ni Chen ng picture nyong magkasama. Inis na inis ako nun sa sarili ko. Kaya nga ipinangako ko na pagbalik ko aamin na ako. I'll take the risk Lin.". Kinuha nya yung mga kamay ko at hinawakan ang mga iyon.
"Lin, pwede ba?" sabi nya pero hindi ko na sya pinatapos. Binawi ko yung mga kamay ko at umiling.
"Hindi pwede Kai, may girlfriend ka --" ako naman ang hindi nakatapos ng pagsasalita ng hawakan nya ang dalawang pisngi ko at halikan ako sa labi. Hindi ako magalaw. Ramdam na ramdam ko yung mga paru-paro sa tyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Wala akong girlfriend" sabi nya ng matapos yung halik nya pero ako wala pa sa wisyo. Nakatulala lang ako sa kanya habang nakahawak pa rin sya sa mga pisngi ko.
"Kung si Krystal ang inaalala mo, don't worry she's my cousin" dagdag nya. Napapikit na lang ako ng ilang beses at umiwas ng tingin.
"So Lin, pwede bang manligaw?" binuo na nya yung tanong nya.
"Syempre Oo na yan!"
"Hoy Lin magpakipot ka ng konti, mga 5 seconds"
Sigaw nila habang pinapanood kami. Inalis naman ni Kai yung kamay nya sa mga pisngi ko at napakamot sya sa batok nya.
"Nice one Jong In, kakarating lang lumalablayp agad!" sigaw ni KyungSoo.
Tumingin ako sa mga mata nya tapos ngumiti sya, tumango naman ako na mas ikinalaki ng mga ngiti nya.
--------------------------------
Hi! Unnie!! Pasensya na kung ngayon lang to!.. Busy po eh..
Sorry din kung hindi ko nasunod yung nicomment mo... Ito kasi yung biglang pumasok sa isip ko eh..
Pagtyagaan mo na lang XD!
Salamat sa pagrerequest!
Kung may naghihintay po ng kanila, hintay pa po.. Tinatapos ko pa eh...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top