Requested- Free Hug (BTS Jung Kook)
Free Hug (BTS Jung Kook)
Can I get a Free Hug plus your HEART?
------------------------------
"Whaaa!! Bilisan mo nga Nadette!! Gusto kong makakuha ng Free hug mula kay Jimin bili!" sigaw sa akin ng naghyhysterikal na si Mia. Kakalabas lang namin ng classroom para mag lunch break ng bigla nya akong hilain papuntang Gym.
"Free Hug?" tanong ko habang nagpapatangay sa paghila nya. Napansin kong marami ring babae at feeling babae ang nakikitakbo sa amin.
"Hoy Kylie! Umalis ka nga dyan, nauna kami sayo!" sigaw nya dun sa babaeng nasa unahan namin. Di ko naman kilala.
"Anong kayo? Ako kaya!" sagot nung tinawag nyang Kylie at nagkipagsiksikan dun sa mga babae at feeling babae sa labas ng gym.
Grabe sobrang daming tao. Ano bang meron?
"Nadette bilisan mo nga! Kaya nauunahan tayo eh!" maktol nya at muling hinawakan ang kamay ko at hinila papasok ng gym.
Nakipagsiksikan kami sa sobrang daming tao, may nakaapak pa nga sa akin at may humila pa sa buhok ko pero di ko na lang pinansin. Gutom na kasi ako at ramdam ko na na nagwawala na yung mga alaga ko sa tyan, ewan ko ba kasi dito kay Mia bakit sa Gym pumunta. May makakain ba kami dito?
"Guys, guys kalma lang" may nagsalita sa may bandang unahan gamit ang isang mic. Bigla namang nagsitilian yung mga nasa loob ng gym.
"Guys pila po ng maayos! Wag mag-alala makakayakap kayong lahat!" may isa pang boses ang nagsalita sa unahan. Mas lumakas din yung tilian kaya napatakip ako ng tenga ko.
Pagdating namin dun sa unahan ay may isang mahabang mesa at may anim na lalaki ang nakaupo doon. May mga papel din na nasa ibabaw ng mesa.
Anong meron?
Ginawalaw ko yung kamay kong hawak ni Mia para makuha yung atensyon nya, nakatulala kasi sya sa harapan.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya. Gusto kong mapaface palm dahil sa itsura ni Mia ngayon. Para syang isang predator na isang taong di nakakain at ngayon lang nakakita ng target, kulang na lang tumulo na yung laway nya dahil sa pagkakanganga nya.
"Huy!" pukaw ko sa atensyon nya. Tinignan ko yung tinitignan nya at nakita ko yung pandak nyang crush, si Park Jimin. Nandoon din yung kabarkada nya.
Tinignan ko sya ng masama tsaka hinila yung buhok nya. Napaigtad naman sya.
"Ano ba yon? Bakit nananabunot ka?" inis na tanong nya sa akin. Sya pa ang may ganang magalit?
"Kanina pa kita tinatanong kung anong meron dito pero para kang tanga dyan makatitig kay Jimin!" sagot ko sa kanya. Ngitian lang ako ng loka at nagpeace sign pa!
"May project kasi ang Bangtan. Kailangan nilang magconduct ng social experiment kung may libre pa ba sa mundo" paliwanag nya. Ah kaya pala may tarpoulin na may nakasulat na Can I get a Free Hug?
"At yakap ang napili nilang hingin ng libre?" usisa ko. Tumango naman sya at ngumiti ng malapad.
"At mukhang may libre pa rin sa mundo" nakangiting sagot nya.
"Ok guys! Dito po ang pila ng gustong magbigay ng free hug kay Jin, dito kay Suga, dito sa akin, dito kay Hoseok, dito kay Jimin,doon yung kay Taehyung at doon kay Jungkook" paliwanag ni Nam Joon habang itinuturo yung mga pwesto nila.
"Ok, punta na kayo sa gusto nyong pwesto, pumila ng maayos ha!" sabi nya at nagsimulang magkagulo sa loob ng gym. Binitawan ni Mia ang kamay ko at tumakbo papunta doon sa pila para kay Jimin.
Sa sobrang daming tao dagdag mo pang nagkakagulo ay may nakasanggi sa akin, muntik na tuloy akong matumba, buti na lang at may sumalo sa akin.
Tinignan ko kung sino yon at nakita ko yung lalaking matagal ko na ring tinitignan sa malayo, ang bunso ng Bangtan, si JungKook.
Inalalayan nya akong makatayo ng maayos bago pumunta doon sa unahan.
Pinili ko na lang na pumunta sa mga bleachers kesa naman makipagsiksikan sa kanila. Halos magiba yung gym sa sobrang dami ng tao. Halos ata lahat ng estudyanteng babae at feeling babae ay nandito.
Sa tuwing makakayakap sila ay para silang mga bulateng nilagyan ng asin sa sobrang kilig, yung iba nahimatay pa. Well ano nga bang aasahan mo, sikat sila dito eh. Kaso nga lang yung iba sa kanila may girlfriend na.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo dito sa inuupuan ko. Nalipasan na ako ng gutom at nalowbat ko na rin ang cellphone ko sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay Mia. Saan ba pumila yung babaeng yun sa pinakadulo? Pero parang imposible eh, yun pa mukhang singit yun eh!
Malapit ng maubos yung mga gustong yumakap sa kanila pero hindi ko pa rin makita si Mia. Tumayo ako at hinanap yung pila para kay Jimin pero ubos na pala yung sa kanya. Iilan na lang yung kay Jin, dalawa na lang yung kay Suga, isa na lang yung kay Namjoon, tatlo kay Hoseok, dalawa kay V at pareho ng ubos yung kay Jimin at Jungkook.
Inilabas ko yung cellphone ko para tawagan si Mia pero lowbat na nga pala ako. Nilibot ko yung gym baka nandyan lang sya sa gilid, nahimatay kasi niyakap sya ni Jimin pero wala eh.
Lalabas na sana ako ng gym ng may bilang humila sa akin papunta sa gitna ng gym.
"Ah kuya, bakit po?" tanong ko. Nakatalikod kasi sya akin. Humarap yung lalaking nasa unahan ko at si Jungkook pala iyon.
"Ah Hi Nadette!" bati nya sa akin. Bakit nya alam yung pangalan ko?
"Ahmm instruct kasi sa amin ng teacher namin na lahat ng nasa loob ng gym dapat sumali doon sa social experiment namin, since ikaw lang yung hindi pumila sa kahit sino sa amin, kailangan mo pa ring sumali sa social experiment kasi nasa loob ka ng gym" paliwanag nya. Hindi nga ako pumila sa kanya kasi ayaw ko ng marinig nya ang bilis ng tibok ng puso ko kapag niyakap na nya ako tapos gagantuhin nya pa ako? Nasan ang hustisya?
"Ahmm pwede wag na lang?" tanong ko. Baka makalusot.
"Hindi talaga pwede eh, since umalis na yung mga kasama ko no choice ka na" sagot nya. Napalingon ako sa paligid ko at wala na ngang tao bukod sa aming dalawa. Mas naramdaman ko yung hiya. Nasa harap ako ng taong gusto ko at kaming dalawa lang.
"So Can I get a Free hug?" tanong nya tapos inextend na nya yung dalawang kamay nya.
"Pero kasi --" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng yakapin na nya ako. Mas bumilis yung tibok ng puso ko sa ginawa nya, nakaramdam din ako ng mga boltahe ng kuryente nung magdikit ang mga balat namin.
Naramdaman ko ang paghinga nya sa balikat ko, amoy na amoy ko naman ang pabango nya.
"Can I get a free hug plus your Heart?" bulong nya sa akin na ikinagulat ko. Anong plus your heart?
Bilang nagkailaw sa kinalalagyan namin at doon ko lang napansin na napaliligiran kami ng mga rose petals na nakakalat sa sahig ng gym. Nagsimulang kumanta si Jin.
Geunyoneun naege jonggyo, so I can call you she-sus
Niga namchini obtneungeol mirwo
Bwasseulddae mame dureun cheolbyeok
Nagateun pyeongbeomnameun niga mandeun gijune gyeolgyeok
So, sseotji chinguran gamyeon
Niyeopeseo nae bonshimeul sumgyeogamyeo
Pyeonghan saiui beobjuro seullaiding
Dabdabhame maeilbwa ibule nallineun high kick
Inilagay ni Jungkook yung kamay ko sa balikat nya at yung kamay nya sa bewang ko. Nakaramdam ako ng ilang at pagkalito, Anong meron?
Damn neon maeil nal yuhokhaeni
Ni pyojeongdeul hanahana ddaeme nan jajereul mothae
Bogoitjani meoriga bing bing
Pool full beauty and I dive in it
Girl I'm so K. O
Soonshikgane nareul jeomryeonghan napulle-ong
Nan gyesok barabogiman hagetji
Chinguran dugeulja-e nal gamchoonchaero
Pumalit si Jimin at kinanta nya yung chorus. Nagsimulang isayaw ni Jungkook yung mga kawatan namin.
You're beautiful
Cham gwenchanji anhni uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
You're beautiful
Hamggemeyon eoddeolji uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
Si Hoseok naman yung kumanta at patuloy pa rin kami sa pagsasayaw ni Jungkook. Hindi ako makatingin sa mata nya, naiilang ako pero ramdam kong kanina pa sya nakatitig sa akin.
Shijakeun chum hagweoneseo juwi somune nae nuneun neoreul neombwa
Geurigo neol bwasseul ddae doreul jinaseo michweo geurae nae maeumeun geonbwa
Aesseo kol han cheok
Namjaran jonshimeul jikyeo an jweo nungilhanbeon
Geunde bowling cheoreom nimaleun gulleowa nahante
Jeonghwakhi seo itneun naemamiran pin-eul ddak strike-hae
Ieojineun beonho gyohwane bamsae munjawa tonghwahae
Neo-e daehan naui mameun better than better
Geunde neon eoddeoke saengakhae halji gami anwa neowa nae
Sai machim deullyeowa "namchini itdeyo"
Geurae yeojarangeo modu ddokgata machi uniform
Geurae jjaksarangideorado geu soonganmankeumeun beautiful
Si V naman yung kumanta. Napalunok ako dahil mas lalong inilalapit bi Jungkook yung mukha nya sa akin.
You're beautiful
Cham gwenchanji anhni uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
You're beautiful
Hamggemeyon eoddeolji uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
"You're my Beautiful girl" kanta sa akin ni Jungkook. Sya yung tumapos ng kanta. Tumigil kami sa pagsasayaw, iniharap nya yung mukha ko sa kanya.
"Alam kong nagtataka ka kung anong nangyayari pero gusto ko lang sana na maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko sayo." paliwanag nya sa akin.
"Gusto ko lang sana sabihin sayo na gusto kita simula noong ngitian mo ako sa hallway noong First year tayo. Hindi nawala sa isip ko yung mukha mo noon at araw-araw kitang hinahanap sa campus pero hindi kita makita, hanggang sa tutor kita sa Math. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon, pinagbutihan ko ang pag-aaral para ipagmalaki mo ako at nangyari yon" kwento nya. Nakikinig lang ako kasi hindi ako nakapaniwala na nagcoconfess sya sa akin ngayon.
"Alam kong lumayo ang loob mo sa akin simula noong maging sikat ako pero gusto kong sabihin sayo na Miss na kita! Miss ko na yung kulitan natin at kainan sa labas. Miss ko na rin yung mga ngiti mo sa akin." dagdag nya pa.
Ang dami nyang sinabi sa akin pero wala akong maisagot.
"Pwede ba akong manligaw Nadette?" tanong nya tapos sumigaw yung mga kabarkada nya.
"Sagot na agad, Nadette!" sigaw ni Mia kaya napalingon ako sa kanya.
"San na nagpunta ha!" tanong ko sa kanya.
"Tinatanong ka ni Jungkook! Wag ako ang tanungin mo!" sagot nya. Nakita kong lumapit sa kanya si Jimin at inakbayan sya.
Tumingin ako kay Jungkook at ngumiti sya.
"Sige papayag ako" sagot ko sa kanya tapos binuhat nya ako at nagpaikot-ikot kami.
Ibinaba nya ako at inabutan nya ako ng isang red rose na tinanggap ko naman.
-----------------------------
Yieee First BTS One-Shot kong napost XD
Hi sorry kung pangit!
Sorry din kung ngayon lang!
Pagtyagaan mo na lang!
Salamat sa pagrerequest!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top