Requested- 14th of February (EXO's KAI)
14th of February
"Cause on this day, you are MINE"
--------------------------------
Agad ako napasimangot ng makita ko kung ano yung hawak hawak ng bestfriend ko habang papasok sya sa room namin. Sa akin, wala bang magbibigay ng ganyan? Nang makalapit sya sa akin ay talagang sinadya nya pang amuyin sa harapan ko yung hawak nyang tatlong bulaklak. Oo, Valentines day ngayon kaya nagkalat na naman yung mga bulaklak.
"Sino nagbigay sayo nyan?" bitter na tanong ko kasi wala paring nagbibigay sa akin ng bulaklak. Noong last last last last last last year pa ako naasa na may magbibigay sa akin ng ganyan sa araw Valentines pero mukhang aasa na naman ako next year.
Inamoy nya ulit bago sumagot.
"Si Luhan, Sehun at Kris, bakit?" proud na sagot nya sa akin. Sino daw? si Luhan, Sehun at Kris? Yung tatlong Crush nya binigyan sya ng Red Rose? Bakit? Nasan ang Hustisya? Sya tatlo yung Crush nya tapos binigyan sya ng bulaklak samantalang ako si Kai lang ang Crush ko wala pa?? Bakit?? Kaiiyak naman TT^TT.
"Bakit ka nila binigyan? Magkano binayad mo ha?" hindi ako convince na binigyan sya nila Luhan ng bulaklak ng ganun-ganun na lang. Loka-loka tong Bestfriend ko kagaya ko kaya hindi ako naniniwala.
"Anong magkano binayad? Nakadrugs ka ba? Hindi ko sila binayaran no, binigyan nila ako ng rose kasi maganda ako" mayabang na sagot nya sa akin kaya nasabunutan ko siya. Agad naman syang gumanti sa akin.
"Bakit ako, walang nagbibigay sa akin ng ganyan ha? Sampung taon na akong naghihintay na may magbigay sa akin ng ganyan eh!!"maktol ko sa kanya. Syempre 8 taon ang yabang dun. Kasi naman eh, simula nung malaman ko yung Valentimes Valentimes na yan, ni isa walang nagbigay sa akin.
"Asa kang may magbibigay sayo, bakit maganda ka ba? Aray!!" agad na dumapo sa batok nya yung kamay ko nung marinig ko yung tanong nya. Aba't kwestyunin daw ba ang kagandahan ko? Malamang maganda ako!
"Maganda ako no!!" giit ko sa kanya. Aba maraming nagsasabi sa akin na maganda ako no. Yung Nanay ko, yung Mama ko, yung Mommy ko at yung Mudra ko!
"Sino nagsabi aber?" napatahimik ako sa tanong nya.
"Yung...Yung" hindi ko matuloy yung sagot ko kasi naman! Si Mama lang nagsasabing maganda ako eh! Yung kapatid ko ngang bunso tatawagin lang akong maganda kapag may kailangan sya! Buwisit!! Pati yung Kuya ko, grabe makalait sa akin!
"Yung?" pinawisan ako ng malamig sa tanong nya ulit. Bakit ba ganto ang nararamdaman ko, eh bestfriend ko naman tong kausap ko!
"Yung.. Yung Nanay ko!" sigaw ko na nagpatawa sa kanya ng malakas. Aba't tinawanan pa ako?
"Malamang Nanay mo yun, sa kanya ka galing kaya sasabihin nyang maganda ka! Haha grabe Eun Ah ang Epic mo! Ganyan ka ba ka desperadang mabigyan ng bulaklak?" tanong nya. Masama ba? Masama bang maranasan ko yung pakiramdam ng kinikilig kapag binigyan ka ng bulaklak? Ha? Masama ba? Gusto ko lang naman ng isang bulaklak eh, mabigat ba yung hinihiling ko?
Hindi ko sya sinagot, u-mub-ob na lang ako sa lamesa ko at pumikit. Nakakainis talaga kapag Valentines Day!
Kakatapos lang ng nung last subject namin sa pang-umaga kaya heto hinila ako ni Faye papuntang cafeteria. Naguilty daw sya kanina dun sa mga pinagsasasabi kasi tumahimik daw ako bigla kaya ayan, ililibre daw nya ako ng lunch. Payag naman ako libre eh. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay nakakita na naman ako ng mga kulay pula, hindi ko tuloy maiwasang mabitter. Naman, bakit ba kasi single ako??
Pagdating namin sa cafeteria ay madaming tao pero gutom na gutom na si Faye kaya go pa rin kami. Pagkatapos naming umorder ay may nakita kaming bakanteng lamesa kaya dun kami pumunta. Pero nakakapagsisi lalo na kung bitter ka din sa Valentines day kagaya ko. Katapat lang naman namin si Kyungsoo at yung girlfriend nyang si Laarnie. Ang sweet nila habang kumakain kaya nakakainggit.
"Babest, sinasabi ko sayo paaalisin mo yan, magwawala ako dito"bulong ko kay Faye habang tinititigan ng masam yung magshota sa harapan namin. Natawa naman si Faye.
"Ayoko nga, ang sweet sweet nga nila oh, yieee ang sweet pala ni Kyungsoo kaya pala crush ko sya dati" komento nya nung makita naming may inilabas na regalo si Kyungsoo para kay Laarnie. Binuksan iyon ni Laarnie at isa yung libro. Nung makita ni Laarnie yung libro ay agad nyang niyakap si Kyungsoo at tuwang-tuwa din si Kyungsoo kasi nakashape na naman ng pa ♥ yung lips nya.
"Yiee ang cute nila tignan"sabi ni Faye habang nakatingin pa rin kila Kyungsoo at Laarnie. Ako kaya kelan magkakaganyan? Naman eh!!
Pagkatapos naming kumain ay ahad kaming bumalik ng room. Boring yung mga sumunod na subject kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay wala ng tao sa room. Agad kong tinignan kung anong oras na at 5:30 na pala, ibig sabihin 30 minutes na ang nakakaraan nung madissmiss kami. Naku kailangan ko ng umuwi. Agad kong inayos yung mga gamit ko at lumabas ng room.
Papaalabas na ako ng room ay may nakuha ng atensyon ko. Isang sobre ang nakasabit sa may pinto ng room namin. Hiwakan ko iyon at may nakita ako To Eun Ah.
Tinanggal ko yun sa pagkakasabit at binuksan.
June 17, 20**
The day I first saw you. You were playing volleyball with your friends.
-KJI
Agad napakunot ang noo ko sa nabasa. May nantitrip ba? Naku wag ako iba na lang basta bitter ako sa Valentines.
Ibinalik ko na lang yun sa pagkakatupi at nagsimulang maglakad palabas. Pero hindi pa ako nangangalahati ay nakasalubong ko si Luhan ay may inabot sya sa akin. Sobre din kagaya nung nakita ko kanina. Tatanungin ko sana kung para saan yun pero agad syang umalis. Ang wierd.
August 30,20**
The day we had a small talk. The day I knew your name. The day I fell inlove with you.
-KJI
Aug.30? Sino bang kausap ko nung Aug.30? Di ko na matandaan eh. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa pagkalito. Ano bang nangyayari? Tsaka ano tong inlove inlove na to? Lakas talaga mantrip. Kagaya nung ginawa ko sa una tinupi ko ulit yung sulat at nagsimulang maglakad ulit.
Pagliko dun sa hallway ay nakita kong nakaupo si Sehun sa isang bench. Nung madaanan ko sya ay may inabot din syang sobre. Tinanong ko sya kung para saan yun pero ngiti lang ang sinagot nya sa akin at iniwan din ako.
October 22,20**
The day you call my name.
-KJI
Hala! Sino bang tinawag ko nung Oct. 22? Nakakabobo naman tong nagbibigay na to. Pinagtothrowback pa ako last year eh, makakalimutin pa naman ako. Binalewala ko na lang ulit at naglakad na ako palabas.
Natatanaw ko na yung gate ng biglang may tumakip sa bibig ko at bigla akong binuhat. Nagpumiglas ako pero di ko sya kaya. Dinala nya ako sa lugar na di ko alam kasi bago sya umalis ang nilagyan nya ako ng blindfold.
Tatanggalin ko na sana yung blindfold ng may sumigaw.
"Wag!" pamilyar yung boses nya pero di ko maalala kung kanino. Naramdaman kong naglakad sya papalapit sa akin ay inayos yung pagkakablindfold ko. Naamoy ko yung pabango nya at kagaya nung boses nya ay pamilyar din ito.
"Sino ka? Ha! Anong gagawin mo sa akin? Wala kaming pera kaya kung balak mong--" hindi ko na tapos yung speech ko ng may lumapat na malambot na bagay sa labi ko kaya napatahimik ako.
"Ang ingay mo talaga, lalo tuloy akong kinakabahan" sabi nya nung matanggal na yung malambit na bagay sa labi ko. Hinalikan nya ba ako? Sa sobrang curiuos ko ay tinanggal ko yung blindfold sa akin. Nanlaki yung mga mata ko ng makita si Kai sa harapan ko, malapit yung mukha nya sa mukha ko. Kaya pala pamilyar yung boses at amoy, si Kai pala to. Napatingin ako sa likod nya at nasa school garden pala kami. Kulay pula ang buong paligid at maraming papel ba puso ang nakakalat. Humiwalay sya sa akin pero hawak hawak nya yung kamay ko.
"Ahh Eun ah, alam ko nagtataka kung anong nangyayari kasi kahit ako nalilito, first time ko kasi to eh. So sana kung may mali wag mo kong pagtawanan ha." panimula ni Kai. Namumula yung buong mukha nya. Ang cute..
"Yung mga sulat sa sobre, ako may gawa nun. Hindi ko kasi alam kung pano manligaw eh, lahat kasi ng naging girlfriend ko, sila ang naligaw sa akin pero gusto ko sa susunod kong maging girlfriend ay ako na yung manliligaw. Sa lahat ng babaeng gusto ko ikaw yung unang liligawan ko kaya sana wag mo akong pahirapan ha!" ang isang Kim Jong In hindi marunong manligaw? Ang cute nya, halata din sa kanya na pinaghirapan nya to.
"Yung mga date dun sa sulat totoo yun. Yun yung mga memorable dates sa buhay ko kaya never ko yung makakalimutan. Aissh ano pa ba?" tanong nya sa sarili nya nung maubusan na sya ng sasabihin sa akin.
"Ah basta, gusto kitang ligawan tapos!" sigaw nya. Hindi naman ako makaimik kasi nashocked ako sa mga nangyari.
"Ayaw kong bigyan ka ng bulaklak kahit alam kong gustong-gusto mo yun kasi sa mga susunod na araw malalanta rin yun kaya ibibigay ko na lang sayo yung puso ko, panigurado hanggang sa eternity sayo to" dagdag nya kaya napangiti ako.
"Ang korni mo" sa lahat ng sinabi nya yan lang ang isinagot ko. Ang dami pang sinasabi, manliligaw lang naman pala.
"Sorry naman hindi nga---" napatigil sya sa pagsasalita ng ilagay ko yung hintuturo ko sa labi nya.
"Wag ka ng magpaliwanag, naiintindihan ko na. Oo na, pwede ka ng manligaw, pasalamat ka crush kita kaya kahit wala kang bulaklak na dala ok lang" sabi ko sa kanya. Niyakap naman nya ako kaya niyakap ko na rin sya.
"14th of February. Mark this date cause on this day, you are mine" bulong nya sa akin.
"You are mine agad? Hindi pa kita sinasagot no!" giit ko sa kanya.
"Ah basta Euh Ah is mine"
Kanina isang bulaklak lang ang gusto ko, higit pa pala dun yung makukuha ko, ang Puso ni Kim Jong In.
------------------------------
Sorry ang pangit at magulo!
Pagtyagaan mo na lang bhe!! Yan lang kinaya ko eh.. Sorryyyy po!!
Singit kami ni Kyungsoo dyan.. Kunyari Valentines pa rin...
Salamat sa pagrerequest!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top