WHO WILL BE PROUD OF ME?
"WHO WILL BE PROUD OF ME?"
By: Janna
•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼
This story is dedicated to Ms. Aira.
"Amira, bago ka umalis ng bahay, asikasuhin mo muna yung labahan, tapos magluto ka na rin ng tanghalian para pag-uwi namin mamaya may kainin kami." Utos ni Mama.
Hindi pa nga ako nakakamulat puro na siya utos.
"Bumangon kana diyan! Anong oras na aba, hindi ka mayaman para gumising ng tirik ang araw!" Dagdag niya pa.
Pinilit kong bumangon kahit antok na antok pa ako. Pagtingin ko sa labas ay madilim pa. Tirik daw ang araw.
Napatingin ako sa kanila ni Lisa na nagbibihis.
"Saan po kayo papunta?" Mahina kong tanong habang tinutupi ang hinigaan namin.
"Ibibili ko ng bagong damit si Lisa, recognition kasi nila mamayang alas tres, alam mo may award siya." Proud niya pang sabi at ang laki ng ngiti.
Recognition din namin mamaya, may award din ako at medal.
Napatingin ako sa karton na nasa ilalim ng lamesa sa kuwarto namin na puno ng certificates at medals ko.
"Ma, recognition din namin mamay-"
"Hay naku Amira, bilisan mo na diyan." Napahinga na lang ako ng malalim bago pumunta sa kusina para magluto. As expected.
Kahit kailan hindi ko nakitang gano'n si Mama sa akin kapag sinasabi kong may award ako, ni hindi niya nga ako masamahan sa stage eh.
Recognition na namin at graduating ako ng senior high this year pero parang hindi ata nila alam.
"Amira, kumusta ang pag-aaral mo?" Napalingon ako sa tinig na narinig ko. Napangiti ako ng makita ko si Papa na malawak ang ngiti.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko ng bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko.
Papa, miss na miss na kita.
Kaagad kong pinunasan ang luha ko at nag-asikaso na para magluto pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak habang ginagawa lahat ng bilin ni Mama.
Kagaya ng bilin ni Mama ay ginawa ko na lahat bago ako pumunta ng school. Nakalimutan ko pang plantyahin ang uniform ko bago pumasok dahil gahol na ako sa oras.
"Amira, kanina ka pa namin hinahanap, nasaan ang Mama mo?" Tanong sa akin ng adviser ko.
"Sorry po, hindi po siya makakarating eh, may trabaho po." Rason ko. Yun na lang palagi ang sinasabi ko tuwing kailangan si Mama sa school.
"Gano'n ba? Sayang, ang dami mo pa namang awards, di bale, ako na lang muna ang aakyat." Nakangiti niyang sagot sa akin at ginulo ang buhok ko.
Nagsimula na ang ceremony at umupo na ako ng maayos sa isang tabi. Nang tawagin na ang mga pangalan kada section ay naghanda na ako na tawagin ang pangalan ko.
"Amira Havier, With highest honor, Best in Mathematics, Best in Science, Best in Communication Arts - English, Most Outstanding Journalist, Leadership Awardee, champion in Science quiz bee, champion in English quiz bee, champion in painting competition..." Hindi ko na pinakinggan yung iba at naglakad na papunta ng stage. Hindi ko man lang magawang ngumiti habang yung ibang estudyante ay pumapalakpak sa akin.
"Congratulations, Amira, siguradong akong proud na proud ang Mama mo sa'yo." Nakangiting bati sa akin ng principal namin.
Sana nga.
"Maraming salamat po." Pinilit kong ngumiti kahit mukha yung pilit para lang mapakita sa kanila na masaya ako.
Sa dami ng medal at certificate na dala-dala ko ngayon, kulang pa rin ito para makuha ko ang atensyon ni Mama at maging pround sa akin.
"Ang galing talaga ni Amira, kahit saan na lang nag-e-excell siya." Rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko.
"Kaya nga, introvert na matalino, ni halos wala nga siyang time makipagkaibigan eh, laging nasa library." Bulong pa ng isa.
Hindi ko na sila pinansin at umuwi na. Hindi ko na pinatapos ang recognition dahil wala na rin naman akong gagawin do'n. Inilagay ko sa bag ko lahat ng medal at certificate ko, wala na akong paki kung magusot pa yun, saka tumakbo ng tumakbo habang tumutulo ang mga luha ko.
Hindi ko na kayang makita pa yung ibang estudyante na kasama ang magulang habang umaakyat ng stage, proud na proud na sinusuot ang medal ng kanilang anak. Punas ako ng punas ng luha habang tumatakbo.
"Amira?!" Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang tumatawag sa akin. Nakita kk ang isang lalaking nakasalamin na tumatakbo patungi sa direksyon ko. "Sandali!" Hinihingal niyang sabi ng makalapit sa akin.
"B-Bakit?" Tanong ko dito.
"A-Ano k-kasi... Teka, umiiyak ka ba?" Nag-aalala niyang tanong at sinuri pa ang mukha ko. Kaagad naman akong umiwas ng tingin at pinunasan ang mukha ko.
"H-Hindi ah, napuwing lang ako." Dahilan ko naman. Narinig ko siyang bumuntong hininga saka ako inabutan ng panyo. Napatingin ako doon saka umiwas ng tingin pero ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumulo.
"Sabi ko na nga ba hindi ka ayos eh, tara." Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako sa kung saan, hindi naman ako nakatanggi dahil subrang bigat ng dibdib ko. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit na dinadala ko.
Nakarating kami sa isang puno na may malalaking ugat, malilim ang puno kaya doon kami umupo, punas ako ng punas ng luha ko habang siya naman ay nakatingin lang sa akin.
"Ilabas mo na yan lahat, don't worry, di naman ako judgemental." Sabi niya. Yumuko ako saka umiyak ng umiyak.
"B-Bakit gano'n?!" Umiiyak kong tanong. "G-Ginawa k-ko naman lahat eh... Ginawa ko para lang maging pround sila... Pero bakit?" Alam kong nakatingin lang siya sa akin.
"Alam ko," sisisinghot-singhot akong tumingin sa kaniya. "Sinasabi mong walang proud sa'yo, hindi mo lang alam, may isang taong pinagmamasdan ka sa malayo tuwing sumasali ka sa mga patimpalak, may isang taong pumapalakpak sa'yo tuwing nakakakuha ka ng awards, may isang taong proud na proud sa mga achievements mo." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng deritso.
"S-Sino?" Kunot noo kong tanong. "Ni isa walang nagsabi sa akin na proud siya-"
"Ako." Mabilis niyang sagot, napatingin naman ako sa kaniya. "Hindi mo lang alam pero crush na crush kita simula nung tinulungan mo akong kunin yung aklat sa library." Napanganga ako ng wala sa oras dahil sa sagot niya.
Ni hindi ko nga siya kilala eh, katatapos ko lang mag-drama tapos aamin siya.
"H-Huh?"
"Maniwala ka man sa hindi, crush talaga kita, secret admirer mo'ko, stalker din siguro," natatawa niyang sabi. "Alam mo bang nung una kitang nakita sa library nung grade 11 tayo para akong tanga nun sa subrang kilig, tumigil ang mundo ko nung ngumiti ka sa akin."
"Tumigil ka nga, ang cringe eh." Napasimangot naman siya nung sabihin ko yun. "Sino ka ba ha?"
"Oo nga pala, ako nga pala si Luis, minsan mo na akong nakalaban sa math quiz, kaso natalo eh, ang galing mo kasi." Pakilala niya.
"Wala akong maalala, di din kita nakikita sa school."
"Paano mo ako makikita eh lagi akong nagtatago." Mahina niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ano? Bakit ka naman nagtatago sa akin?"
"Eh kasi nga po crush kita." Di naman ako nakasagot.
Pagkatapos naming mag-usap na dalawa ay lagi na kaming magkasama, nalaman ko ring mahilig siyang magbasa at isa rin siya sa with high honor sa batch namin, siya ata yung una kong naging kaibigan.
One day before our graduation, pag-uwi ko ng bahay ay nakita ko si Mama na tulala habang si Lisa naman ay umiiyak.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila. Hindi sumagot si Lisa at mas lalong lumakas ang iyak niya, lalapitan ko na sana siya ng bigla na lang ilapag ni Mama sa lamesa ang isang Pregnancy test, kaagad ko yung kinuha at nakitang positive yun.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at tumingin kay Lisa.
"I-Ikaw ang buntis?" Nanginginig kong tanong pero iyak lang ang naisagot niya. "Sumagot ka?!" Sigaw ko at lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang buhok niya at pilit kong pinapatingin sa akin.
"Amira, tumigil ka-"
"Ikaw ang tumigil Ma! Buong buhay mo kay Lisa mo lahat binibigay ang atensyon mo, saan napunta yung atensyon na binibigay mo sa kaniy-" hindi ako nakasalita ng bigla na lang niya akong sampalin.
"Wala kang karapatang sumagot sa akin, Amira!"
"Ma, pagod na pagod na akong manahimik! kailan ka ba naging proud sa akin?! Kailan mo ako mapapansin?! Ha?! Buong buhay ko ni minsan hindi mo ako napuntahan sa school, ni misan hindi ka umakyat ng stage kapag may award ako, ni minsan wala akong nakitang ngiti sa'yo tuwing sasabihin kong matataas ang grades na nakukuha ko, kailan Ma?!" Sigaw ko sa kaniya.
Punong-puno na ako, ang bigat na dalhin sa dibdib, nakakapagod na.
Binuksan ko ang bag ko at pinakita sa kaniya ang nga awards ko. "Ayan, kulang pa ba yan para maging pround kayo sa akin?!" Naglakad ako papasok ng kuwarto ko at kinuha ang karton na nakatago doon. "Kung kulang pa yan Ma, ito oh." Binuksan ko yun at binagsak sa harapan niya, nando'n lahat ng medals, certificate at mga trophy ko.
"A-Ate..." Umiiyak na tawag ni Lisa.
"Ano?! Saan kami nagkulang sa'yo?! Lahat ng gusto mo binibigay ni Mama, lahat ng hingiin mo sa kaniya wala kang naririnig, pero ako?! Ang dami pang sasabihin na masasakit na salita bago ako makakuha, minsan mumurahin pa ako kasi hihingi na naman ako ng pambayad ko sa school pero nakarinig ba kayo sa akin?! Di ba wala?!"
Pagod na pagod na akong tanungin ang sarili ko kung saan pa ba ako nagkulang. Pagod na pagod na akong intindihin ang sitwasyon.
"Minsan iniisip ko na lang na balang araw mare-realize nyong nandito pa ako, na may isa ka pang anak."
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano na ang tinatakbo dahil nanlalabo na ang paningin ko sa subrang iyak.
Pagod na pagod na akong intindihin ang buhay ko. Ginawa ko naman lahat, pero bakit hindi pa rin sapat?
Nakarinig ako ng sunod-sunod na busina, saka ko lang na realize na nasa gitna na pala ako ng kalsada, nakatayo habang tumutulo ang luha.
Unti-unti akong nakaramdam na parang may tumutulo galing sa ulo ko, pinilit kong kapain at tingnan yun.
Dugo. May dugo.
Doon ko unti-unting naramdaman ang sakit ng katawan ko, ang tama ng ulo ko mula sa pagkakatilapon ko ng mabunggo ako ng isang kotse hanggang sa bumagsak ang kamay ko sa kalsada, tanda ng pagkaputol ko ng hininga.
💜 K A T H A 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top