WAITING

"WAITING"
By: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to Mr. Mark A. Dacuma

The concept/idea is from Mr. Clark John Polancos

Enjoy reading ❤️

-***-

"After 5 years, gusto ko nasa Japan na ako," my best friend exclaimed.

"Bakit sa Japan?" I ask curiously.

"Malaki kase ang sahod doon, atsaka mas maganda magtrabaho doon, tapos habang nagtatrabaho ako doon mag-iipon ako ng pera at kapag nakaipon na ako ipapadala ko kayla Mama para makapagpagawa na kami ng bahay." She said while looking up na akala mo ay tinatanaw niya ang mga pangarap niya.

Subrang taas ng pangarap niya, isa yun sa hinangaan ko sa kaniya. Siya na lang yung tanging nag-aaral sa kanilang magkakapatid, siya na lang din yung inaasahan ng kaniyang Mama dahil wala na siyang Papa. Kaya rin siguro ganiyan kataas ang pangarap niya.

"Iiwan mo talaga ako eh 'no?" Pagbibiro ko.

"Ede sumama ka," sagot niya naman. It hurts me. Ayaw kong pumunta sa Japan, hindi Japan ang gusto kong puntahan. US, yun ang gusto kong puntahan.

Hindi ko masabi sa kaniya na yun talaga ang bansa na gusto kong puntahan, siguro dahil na rin sa takot na baka maiwan talaga niya ako. Tho I'm the first who graduate before her.

In our 2 year's of friendship, gusto ko siya, gustong-gusto. But she doesn't know that because I'm afraid that she rejected me after I confess. I never confess my feelings for her.

Never kong sinubukang umamin sa kaniya dahil nga sa taas ng pangarap niya na hindi ko kayang abutin. Gusto ko mang umamin pero dahil nga sa lagay namin ay malabong magustuhan niya ako pabalik.

Siya yung tipo ng babae na uunahin ang ibang tao bago ang sarili niya, kahit walang-wala na siya pero mas gusto niya pa rin ang tumulong sa iba.

Mataas ang pangarap pero hindi para sa sarili niya, kundi para sa pamilya niya, gustong-gusto niya maiangat sa hirap ang kaniyang pamilya, kaya na rin siguro wala sa bukabolaryo niya ang pagkakaroon ng boyfriend.

Maraming nagkakagusto sa kaniya, pinipilit na makuha siya, pero ni isa walang nagtagumpay. Ako lang ata ang lalaking kaibigan niya na nilalapitan niya ng ganito, dahil komportable na din naman kami sa isa't isa.

"Stacy, kapag ba natupad mo na ang mga pangarap mo pwede ka na magkaroon ng boyfriend?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.

"Why not? Siguro naman that time mayaman na ako at kaya ko ng bumuhay ng pamilya." Natatawa niyang sagot.

Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon, wala akong balak na ligawan siya ngayon, pero sana dumating ang araw na maamin ko sa kaniya ang nararamdaman ko bago niya ako tuluyang iwanan.

"Acin, bakit wala ka pa ring girlfriend hanggang ngayon?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko. Napatingin naman kay Stacy na naka-upo sa di kalayuan, baka kase marinig niya.

"Akala ko ba sila ni Stacy?" Jerome said, I glared at him. Saan na naman kaya nila nasagap ang chismis na yan?

"Sino nagsabi sa'yo?" Tanong ko.

"Halata naman kase kahit di nyo sabihin, bagay kayo, parehong matalino at parehong masipag," sagot naman ni Jerome.

Ang sarap lang sa feeling na kahit hindi pa kayo ay nakikita na ng marami na bagay kami. Gusto kong tumanggi sa kaniya pero bigla namang dumating yung guro namin kaya tumahimik na kami.

After class sabay kaming umuuwi ni Stacy, hinahatid ko siya sa kanilang bahay kagaya ng nakasanayan. Yun na yung lagi naming routine, hatid-sundo sa kaniya, hindi rin naman kase kalayuan ang bahay namin sa bahay nila.

Then one day, lahat kami nawendang ng may bagong mukha na pumasok sa classroom namin. Subrang ganda niya, ang puti, akala mo Angel na bumaba mula sa langit. Ang ganda ng kaniyang mga mata, ang linis sa pananamit, almost perfect.

"Shit, gaganahan na ata ako mag-aral," si Jerome habang nakatingin sa bagong transfer. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya habang nagpapakilala siya sa harapan, miski mga babae napatulala sa ganda niya.

"Hello everyone, my name is Lyca Vien, from Laguna, I hope that I'm welcome here-"

"Welcome na welcome ka miss Lyca, dito ka sa tabi ko!" Sigaw ni Jerome na ikinagulat ko.

"Walang problema Lyca, welcome ka sa section namin," nakangiting sabi ng president namin.

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Lyca, grabe nakakatunaw yung ganda niya, siya na yung babaeng pinapangarap naming mga lalaki, pero siyempre mas maganda pa rin si Stacy.

Hinanap ng mata ko si Stacy at laking gulat ko ng magkasalubong ang mga mata namin, kanina pa ba siya nakatingin sa akin o sadyang aksidente lang? Tinaasan niya ako ng kilay kaya dinilaan ko siya at ibinalik ang tingin kay Lyca.

Pero halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita siyang nakatayo sa harapan ko.

"Can I sit here?" She ask pointing at vacant chair in my side.

"Y-Yeah sure," nauutal kong sagot. Shit, her voice is like a music. Bakit may ganitong nilikha tapos ngayon ko lang nakilala? "I'm Acin, by the way." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at malaki naman siyang ngumiti at tinanggap yun.

"Nice to meet you," she said. Napuno ng pang-aasar ang buong classroom. Lalo na si Jerome na ang lakas ng amats.

"Baka type ka ni Lyca?" Bulong niya.

"Manahimik ka nga." Sita ko.

Buong klase ng maghapon ay hindi ako naka concentrate dahil naiilang ako kay Lyca, ang daldal kase tapos ako pa lagi ang kinakausap, kaya ng huli ay bagsak ako sa quiz.

"Stacy!" Tawag ko sa kaniya dahil iniwan niya ako sa room. Mabuti na kang at naabutan ko pa siyang naglalakad.

"What?!" Inis niyang tanong.

"Hintayin mo'ko," sigaw ko. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Mabilis naman ang ginawa kong pagtakbo para lang mahabol siya. "Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko.

"Ang ganda ni Lyca noh?" Wala sa sariling tanong niya.

"Oo nga eh, para siyang Angel na bumaba galing langit," sagot ko naman na medyo may tuno ng pag hanga, totoo naman kaseng kahanga-hanga siya.

"Ayan, may inspiration ka na para mag-aral ng mabuti - ay mali pala, nabagsak ka nga pala kanina sa quiz kase hindi kayo nakikinig na dalawa." Sabi niya at inirapan ako saka mabilis na naglakad.

Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang sinabayan siya sa paglalakad.

"Na distract kase ako, ang dami niya kaseng tanong," sagot ko naman.

"Wag kana magpaliwanag, and can I ask you sa favor?" Mataray niyang tanong at tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

"Ano yun?" Natatawa kong tanong.

"Wag kana munang lalapit sa akin, hindi mo na rin kailangang ihatid at sunduin ako dahil kaya ko na ang sarili ko, ayaw ko na kaseng ma issue eh, lalo na sa'yo." Natulala ako sa mga sinabi niya.

After a year's ngayon niya lang ginawa sa akin ito. Yung mga ngiti ko kanina ay biglang nawala, matapos niyang sabihin yun ay mabilis na siyang naglakad palayo, iniwan akong tulala at hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo, ano bang nangyari?

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay nila, pero ang sabi ng Mama niya ay maaga daw siyang umalis, pagdating ko naman ng room ay nando'n na siya.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" Medyo naiinis kong tanong. Hindi niya ako pinansin na akala mo ay wala ako sa harapan niya, nakatutok lang siya sa cellphone niya. "Stacy-"

"Naka earphone siya, di ka talaga niya maririnig," sabi ng katabi niya.

Inis akong umalis doon at pumunta sa upuan ko, sakto namang dumating si Lyca. Buong maghapon yung wala ako sa mood dahil sa hindu pagpansin sa akin ni Stacy.

Talaga bang totoo yung sinabi niya kahapon? Masiyado na ba talaga akong dikit sa kaniya? Kailangan ko na ba talagang umiwas muna?

Day's has past, sinunod ko ang gusto niya, wala kaming pansinan kahit nasa school kami, hindi na rin ako pumupunta sa bahay nila. Ang lagi ko na lang kasama ay sila Jerome minsan naman ay sumasama sa amin si Lyca.

Hanggang sa maka graduate kami, naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko yun ginawa, ngayon nahihirapan akong kausapin siya, nahihirapan akong batiin siya dahil sa hiya.

Kinabukasan pagkatapos ng graduation namin ay pumunta ako sa bahay nila para sa magbigay ng regalo sa kaniya.

"Acin, akala ko ba kasama ka ni Stacy papunta ng ibang bansa?" Tanong sa akin ni Tita.

"P-Po? P-Pupunta na po si Stacy sa ibang bansa?" Tumango naman su Tita.

"Lumuwas siya ng Manila para asikasuhin ang mga papers niya."

That made me feel sad. Sinisimulan niya na pa lang tuparin ang mga pangarap niya.

Kagaya ng sabi ni Tita ay dumeritso kaagad ako sa airport para habulin siya. Maraming tao ang nagkakagulo, may umiiyak pa dahil iiwan na sila. Subrang bigat ng dibdib ko habang hinahanap ko si Stacy.

Nang makakita ako ng familiar na pigura ay mabilis akong timakbo papunta sa kinaruruonan niya.

"Stacy!" Sigaw ko pero hindi siya humarap, nagpatuloy ako sa pagtakbo ay pagsigaw ng pangalan niya.

Paakyat na siya ng eroplano ng muli akong sumigaw, that moment lumingon siya pero hindi sa akin, hinanap niya kung sino yung tumawag sa kaniya pero hindi niya ako nakita, nang wala siyang makita ay nagpatuloy siya sa pagpasok.

Para akong bata na iniwan ng Nanay dahil sa nangyari. Wala akong contact sa kaniya kaya malabong makakausap ko siya. Sinubukan ko ring hingin kay Tita at sa nga kaibigan niya pero ayaw ibigay ni Tita at wala daw contact ang mga kaibigan niya.

Siguro hindi pa talaga ito yung time para sa amin, may iba pa, hindi naman masama maghintay, hindi masama ang umasa pa rin kahit walang kasiguraduhan.

----- After 10 year's -----

"Acin, oh my gosh, I miss you!" Naiiyak na sinalubong ako ni Lyca at niyakap ng mahigpit ng salubungin niya ako sa airport.

"I miss you too, marami akong pasalubong para sa mga bata," masayang sambit ko.

After 8 years na nasa US ako, finally nakabalik rin ako ng pilipinas. I'm glad that I'll be back to my country. Mabilis akong umuwi ng bahay namin para salubungin sila Mama at Papa.

Subrang saya ko ng makita ko silang muli. Hindi mapapantayan, marami akong dalang pasalubong para sa kanila dahil nakaipon na rin naman ako doon.

"Acin, hindi mo ba bibisitahin si Stacy sa kanila?" Tanong sa akin ni Mama.

"Nakabalik na po siya?" Gulat kong tanong.

"Oo, actually kakauwi niya lang din, pero babalik din ata siya sa Japan." Sagot naman niya.

Mabilis akong lumabas ng bahay, finally makakausap ko na siya. Tumakbo ako papunta sa bahay nila dala ang mga pasalubong ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pinto nila, naririnig ko na rin ang ingay sa loob.

"Oh Acin, ikaw pala, pasok ka,"

"Magandang gabi po, may pasalubong po ako," nakangiti kong sagot at inabot kay Tita ang pasalubong ko.

"Salamat, marami ring dala si Stacy, pasok," dahan-dahan akong pumasok sa loob, nagkakagulo yung mga pinsan at pamangkin niya.

Nagtama ang mga mata namin, parang tumigil ang mundo ko ng makita siyang muli, parang kami lang dalawa ang nandito, subrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa subrang tuwa at saya.

Ang ganda niya pa rin, ang laki nga lang ng pinabago, pumuti siya lalo at humaba ang buhok.

---

"Stacy, worth it ba yung paghihintay ko sa'yo?" I ask, naka-upo siya sa swing katabi ng akin.

"Naghintay ka?" Gulat niyang tanong.

"Oo, kahit walang kasiguraduhan kung may hinihintay pa ba ako o wala."

"I thought you and Lyca are together?"

"No, she's just my friend," natatawa kong sagot.

"Oh god, my mistake, I'm sorry,"

"So, may pag-asa pa ba ako?"

"W-What do you mean? You l-like me?"

"Hindi ba halata?"

"Hindi, akala ko simula nung nakilala mo si Lyca siy-"

"Bakit ba puro ka Lyca? Hindi ko siya gusto okay? Hinintay kita ng sampung taon para lang sabihin sa'yo na MAHAL KITA, STACY!" sigaw ko.

Napatulala siya dahil sa sinabi ko.

"M-Mahal mo ako?"

"Isa pang tanong hahalikan na kita." Banta ko.

"Hindi nga?" I step closer to her and pulled her for a light kiss.

I saw her close her eyes kaya napangiti ako, humiwalay ako sa kaniya ng nakangisi.

"You like-" nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hilahin at halikan.

"I love you too." She said when we cut our kiss. "Matagal na kitang gusto, pinipilit ko lang na wag umamim dahil baka hindi ko matupad ang mga pangarap ko." Dagdag niya.

"I LOVE YOU, STACY!" Sigaw ko sa subrang tuwa.

~END 🌼

PS: Huwag madaliin ang pag-ibig, nandiyan lang yan pwede mong balikan pag natupad mo na ang mga pangarap mo. Love can wait ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top