SECOND CHANCE II

"Second Chance II"    
     __✍︎: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to ME, MYSELF, and I. 😽💜

___

"I want to spend time with her again, nagdala pala ako ng pagkain mo, aalis rin ako kaagad, babalik kasi ako bukas ng Canada." Tumango akong muli.

"Hindi kita pipigilan, hindi rin kita hahabulin, go ahead." Sagot ko sa kaniya.

Para akong sinasaksak sa puso nung makita ko siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Sunod-sunod akong umiyak dahil sa pangalawang pagkakataon, nasaktan na naman niya ako. I guess huli na talaga ako.

Nung gabing yun ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

"Stef, pasabi kay boss hindi muna ako makakapasok, ang sama kasi ng pakiramdam ko eh." Sabi ko sa kaniya sa call.

["Huh? Ayos ka lang ba? Bisitahin kita diyan?"]

"Hindi na, okay lang ako, kaya ko pa naman."

["Sige."]

Wala akong ginawa kundi ang mag-isip ng mag-isip kung anong nangyari sa amin, kasalanan ko ba? Ako ba ang may mali?

Huli na ba para patawarin ko siya? Akala ko ba hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya napapatawad?

Iyak lang ako ng iyak sa kuwarto ko habang nakatingin sa mga pictures namin dati, sana pala hindi na lang ako umasa, sana pala matagal na akong nag move on.

Ang tanga ko kasi eh, it's already 2 years bakit hindi ko pa rin siya makalimutan? Tangina naman eh.

"Hirap mag-move on 'no?" Dinig kong bulong ni Stef. Hindi ko siya pinansin at nanatiling naka tulala lang. "Nasa huli talaga ang pagsisisi," dagdag niya pa, nakwento ko kasi sa kaniya ang nga nangyari nung nga nakaraan. "Maybe he's not the right guy for you, malay mo may better one na darating." Umiling ako.

"Ayaw ko na," sagot ko na mugto ang mata. "That's the last, bakit gano'n 'no? Siya naman yung nagluko pero ako itong naghahabol ngayon, ako itong nasasaktan ng husto."

"Kasi nga mahal mo yung tao, umasa ka kasing magbabago pa siya, umasa kang babalikan ka niya." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

"Ang tanga-tanga ko kasi eh."

"No, nagmahal ka lang naman," binigyan niya ako ng tissue. "Iiyak mo lang yan, malay mo bukas or sa mga susunod na araw ayos kana, wag mong hayaang kainin ka ng kalungkutan at sakit ng puso mo na yan, deserve mo ding maging masaya, try mo pumunta sa beach, mag leave ka ng one month or two, travel around the world," natawa naman ako sa sinabi niya. "Why? You have enough money to travel, masyado ng malaki ang ipon mo ss bangko, deserve mo ding mag unwind."

Maybe she's right, maybe kailangan ko ding makalanghap ng sariwang hangin.

"Gusto mong sumama?" Tanong ko sa kaniya at mabilis naman siyang umiling.

"No, marami pa akong trabaho, and besides may anak na ako, hindi ko pwedeng iwan ang asawa at anak ko 'no." Sagot niya naman.

Oo nga pala.

Nang sabihin niya yun ay kaagad akong nagpaalam sa boss ko, pumayag naman siya dahil sinulsulan ni Stef.

I booked a flight to Palawan, gusto kong bumalik sa probinsya kung saan ako nanggaling, after this flight to Japan and Amsterdam, my dream country, our dream country.

Nang makarating ako ng El Nido ay pumunta kaagad ako sa beach, mabuti na lang at wala halos tao. Update pa ako ng update kay Stef para sabihing ayos lang ako at kaya kong mag travel ng mag-isa.

Nung gabi na ay umupo ako sa tabing dagat, gustong-gusto kong marinig ang hampas ng alon sa buhanginan at dinama yun.

Ang daming pumapasok sa isip ko, mga what if, mga ala-ala naming dalawa na kailangan ko ng i-let go. Mahirap man pero kailangan.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likod ko.

Mabilis akong lumingon at hindi ko makilala kung sino ang nakatayo ngayon dahil ang silaw ng ilaw na nanggagaling sa resort, hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Wala ka bang kasama?" Then I remember his scents and his voice. Para akong aatakihin sa puso sa subrang kaba dahil sa presensya niya.

"W-What are you doing here?" Tanong ko kay James.

Umupo siya sa tabi ko sa buhanginan at tumingin sa dalampasigan. Nakatitig lang ako sa kaniya habang ang nga luha sa mata ko ay tuloy-tuloy na umaagos.

Am I dreaming? Totoo bang nandito siya ngayon sa harapan ko? Totoo bang kinakausap niya ako o baka naman imagination ko lang 'to?

Maya-maya pa ay humangin ng napakalamig, kaya napayakap ako sa sarili ko habang umiiyak pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya.

"Umiiyak kana naman," sabi niya na mas lalo kong ikinaiyak. "Here," inilagay niya sa akin yung jacket niyang suot.

Totoo siya. Totoong-totoo, pero bakit nandito siya?

"I came here to see you, I miss you," Malaki siyang ngumiti sa akin at lumapit, he hold my face at pinunasan ang mga luha ko. "I really miss you." He kiss me in my forehead saka ako niyakap.

Iyak lang ang nasagot ko sa kaniya dahil subrang bigat ng dibdib ko, hindi ko alam kung nasasaktan o nasisiyahan.

"I'm s-sorry," tanging nasagot ko sa kaniya habang magkayakap kami.

"Shhh, it's not your fault." Sagot niya naman.

Nanatili kami sa tabing dagat ng ilang minuto pa, nahihiya akong tumingin sa kaniya para magtanong ulit.

"Bakit ka pumunta dito?" Tanong ko nang makabawi ako.

"To see you and to explain," tumingin siya sa akin. "Hindi totoong may girlfriend na ako, sadiyang hindi pa kita kayang harapin nung time na yun, pero dahil gustong-gusto na kitang makita ay pumunta ako sa bahay mo/natin, hindi ko naman alam na iiyak ka nun, kaya subra akong nakonsensiya lalo na nung nagkwento na sa akin si Stef."

"Si Stef din ba ang nagsabi sa'yo na nandito ako?"

"Yes, she's always update me about you, gusto ko kasing masigurong ayos ka lang while I'm away, trust me hindi ko gustong umalis nun hangga't hindi mo'ko napapatawad, pero nagkaproblema ang company namin at kailangan kong ayusin, that's why biglaan ang pag-alis ko."

"Eh bakit pumunta ka sa book signing ko?"

"Nakalimutan mo na ba? Nangako ako sa'yo di ba na ako ang number supporter mo, at ako ang unang magpapaperma ng books sa'yo? Kaya lang nahuli ako ng dating kaya hindi ako ang nauna sa pila," sagot niya naman. "Umuwi ako para sa'yo, pero kailangan ko ring bumalik dahil marami pa akong aayusin, may sinabi rin ako sa'yo bago ako umalis na kapag babalik ako gustong humingi ulit ng tawad sa'yo at sisiguraduhin kong mapapatawad mo na ako at tatanggapin ulit," nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. "Nung time na umiiyak kana sa harapan ko at niyakap mo'ko at sinabing miss mo na ako, gustong-gusto kitang yakapin at halikan nun, pero hindi pa eh, hindi pa yun yung oras kaya nagsinungaling ako sa'yo." Dagdag niya.

I'm speechless, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

"Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong niya. "Promise, this time I'll be better boyfriend, hindi na ako magluluko at hindi na ako hahanap ng iba, because I realize na wala ng hihigit pa sa pagmamahal na binibigay mo sa akin, I really love you." He hold my hand and kiss it.

Hindi ako ulit ako nagsalita.

"Okay lang kahit hindi mo sabihin ngayon, okay lang kahit mo pa ako mapapatawad, maghihintay ako at gagawin ko lahat-"

"Matagal na kitang pinatawad," sagot ko sa kaniya na ikinatigil niya. "I saw your efforts para lang mapatawad kita, I saw you changing, nakita kita kung gaano ka kadesidisong patawarin kita, you deserve a second chance." Nakangiti kong sagot.

"Really?"

"But, kapag inulit mo pa, wala ng third chance,"

"Promise, I'll never do that again, I love you." He hugged me tightly and kiss me in my lips.

After that, sabay kaming pumunta ng ibang bansa, kung saan dream destination naming dalawa.

Everyone deserves a second chance. Lahat kayang magbabago, pero hindi lahat kayang magbago para sa'yo.

💜K A T H A 💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top