SECOND CHANCE I

"Second Chance I"    
      __✍︎: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to ME, MYSELF and I, wala lang deserve niya made-dedicate sa story HAHAHAHA. Enjoy reading.

___

Pag-uwi ko galing ng work ay nagulat ako ng makita si James sa labas ng bahay.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya at binuksan ang bahay. "Bakit hindi mo na lang binuksan ang bahay? Alam mo naman ang password?" Tanong ko ng mabuksan ko ang pinto.

Narinig ko siyang humihikbi kaya napatingin ako sa kaniya, pero binalewala ko yun at pumasok na sa bahay.

Sumunod naman siya sa akin at nang makapasok siya at sinara ko ulit ang pinto, nang humarap ako sa kaniya ay umiiyak siyang tumingin sa akin.

"What?"

"Luna, I'm really sorry, please forgive me..." Umiiyak niyang magkaawa sa akin. Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko at naglakad papunta sa sofa para ibaba ang mga gamit ko.

"Kung yan lang ang pinunta mo dito, please leave." Madiin kong pagkakasabi sa kaniya.

"Luna naman,"

"Hindi mo na ako madadala sa mga paganiyan-ganiyan mo." Sagot ko.

"Nandito ako para humingi ng tawad-"

"Sa tingin mo ba gano'n na lang kadali na patawarin ka?" Inis kong sigaw sa kaniya. "Tángïna James, niluko mo'ko eh, nag cheat ka! Kapag sa'yo ko ba ginawa yun mapapatawad mo pa ako?!" Umiiyak kong sigaw sa kaniya. "James, 6 years yun, 6 years naging tayo pero sinayang mo lang!"

"Kaya nga nandito ako eh, please, patawarin mo na ako..." Umiiyak niyang sagot at hinawakan muli ang kamay ko. "Hindi ko kayang mawala ka, please Luna."

"Hindi mo kaya?" Natatawa kong tanong habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mga mata ko. "Kung hindi mo kaya bakit ka nagluko?! Bakit ka humanap ng iba?! Tàngína James, sinaktan mo'ko eh, hindi mo alam kung gaano mo ako winasak!" Umiiyak kong sigaw.

"I know, that's why I'm here, please forgive me." Umiiyak niya ding sabi.

"No!" Sigaw ko. "Umalis ka na kasi hinding-hindi kita mapapatawad." Tinuro ko pa ang pinto para paalisin siya. "Leave and don't come back!"

"L-Luna-"

"Leave!!" Sigaw ko.

Wala siyang nagawa kundi ang umatras papunta sa pinto habang umiiyak. Napsambunot ako sa buhok ko dahil sa inis at galit.

Tàngína, sinaktan ako eh, ang sakit ng ginawa niya. Ano pa bang kulang sa akin? Ano pa ba para magluko siya?

Nung gabing yun ay binabad ko ang sarili ko sa trabaho, nagsulat na rin ako para may update ako sa mga readers ko.

Pero habang nagsusulat ay bigla na lang nag pop up ang message ni James sa Instagram ko.

'sorry na, please, love?'

Kaagad ko siyang blinock doon para hindi na mang istorbo. Maya-maya lang sa Wattpad ko naman ulit nag message.

'love, talk to me please.'

Kagaya kanina ay blinock ko ulit siya, pero sa Email ko naman nag message.

'love?'

Lahat ng social media account ko ay naka block na siya. Ang kapal ng mukha niya.

Kinabukasan ay maaga akong lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kape na nando'n sa baba.

Kinuha ko yun at nakita ang isang sticky note na nakalagay sa kape.

'drink your coffee, chocolate coffee yan, alam ko namang hindi ka nagkakape ng 3 in 1.'

Inis ko yung kinusot at tinapon sa basurahan. Writing niya palang kilala ko na eh.

Pagpasok ko ng opisina ay trabaho kaagad ang inuna ko. Nung tanghalian na, nagulat ako nang bigla na lang ilagay ni Stef ang lunch box sa table ko.

"Don't forget your lunch daw." Inirapan niya ako bago tumalikod sa akin. Tiningnan ko yun at nakita na naman yung sticky note.

'eat well.'

Kagaya ng ginagawa ko dati ay hindi ko yun kinakain, binabalik ko yun kay Stef at kumakain ako sa restaurant malapit sa office namin kasama ang iba naming office mates.

Dalawang linggo na gano'n ang routine niya, hindi siya nagpapakita sa akin pero padala ng padala ng kung ano-ano, minsan pa nga ay bouquet of flowers na tinatapon ko lang din. Ayaw kong tanggapin kasi baka isipin niya na gano'n lang ako kadali magpatawad.

Isang umaga, wala akong nakitang kape sa pinto ko kaya nagtaka ako, pero pinagpasalamat ko rin kasi di na siya manggugulo, pati lunch at meryenda wala siyang binigay.

Hanggang sa mga sumunod na araw ay wala siyang paramdam kaya nagtaka na ako.

"Hoy, tulala ka diyan?" Nabalik ako sa ulirat dahil kay Stef. "Miss mo na 'no?" Biro niya na mabilis kong inilingan. "Bakit kasi hindi mo pa patawarin? Mukha naman siyang sincere eh."

"Hindi ikaw ang nasaktan," sagot ko naman sa kaniya. "Hindi madali magpatawad lalo pa't durog na durog ka." Dagdag ko.

Pag-uwi ko galing sa trabaho ay kaagad kong hinarap ang computer ko para magsulat ng new  update for my stories pero bigla na lang pumasok si James sa bahay kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Pinakita niya sa akin yung dala niyang kape at isang box ng pizza. "Para saan yan?" Hindi niya ako sinagot at inilapag lang yun sa lamesa ko.

"I know hindi mo na ako mapapatawad, I just want to say sorry again for what I did, but trust me, pinagsisihan ko na yun lahat, alam ko ring nakukulitan kana sa akin kaya ito na yung huling magpapakita ako sa'yo," napakunot naman ang noo ko dahil do'n pero hindi ako nagsalita. "Pagbalik ko, sisiguraduhin kong mapapatawad mo na ako and that time, I'll make sure na maayos akong haharap sa'yo." Ngumiti siya sa akin pero may mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

Matapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang lumabas ng bahay at iniwan akong tulala at hindi alam kung anong ibigsabihin ng mga sinabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin, tinitigan ko yung dala niyang chocolate coffee at naghanap ng sticky note na lagi niyang ginagawa pero wala akong nakita, wala din sa pizza kaya napahinga ako ng malalim.

Ilang linggo ang nakalipas ay wala siyang paramdam sa akin hanggang sa umabot na yun ng isang buwan.

"Luna, miss mo na ba si James? Ako kasi miss ko na siya," Tanong bigla sa akin ni Stef. Pero hindi ko siya sinagot. "Sayang nga lang ay hindi ako nakapagpaalam sa kaniya nung pumunta siya ng Canada." Mabilis akong napatingin sa kaniya.

"Canada? Kailan pa?" Gulat kong tanong.

"Nakaraang buwan pa daiz, hindi mo alam?" Gulat niya ding tanong at inilingan ko naman siya.

Kailan pa siya pumunta ng Canada? Bakit hindi ko alam?

Nung time na yun, sinubukan kong mag move on, sinubukan kong kalimutan siya pero hindi ko magawa, akala ko kasi siya na eh, akala ko hanggang forever na kami, masyado pala akong naging kampante kaya ngayon nasasaktan ako at hirap na hirap akong kalimutan siya.

—After two years—

"Andiyan na si Miss Luna."

"Ang ganda niya."

"Oh my gosh, ayan na si Miss A."

Malawak akong ngumiti sa nga taong naghihintay sa akin sa book signing, this is one of my big dream, ang magkaroon ng sariling book signing, lahat ng published books ko ay mapepermahan ko ngayon at may interview pa.

"So Miss Luna, who's your inspiration while writing maliban sa mga readers mo?" Tanong sa akin ng nag-i-interview.

"Ahm... Actually this book," I showed them one of my books. "This was written when I was once a happy girl who had a boyfriend, siya yung inspiration ko while writing this, kasi naman mas madali isulat kapag sarili mong love story ang sinusulat mo," natawa ako ng bahagya. "Pero kagaya ng naranasan ko, kagaya ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin buo, at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin, gano'n din ang book na ito." Dagdag ko.

Narinig ko naman ang ibang reaction ng mga readers ko.

"Are you taken or single?"

"Like what I said, I'm still broken, so I'm single but I'm not available." Natatawa kong sagot.

Matapos ang interview ay pumunta na ako sa mismong book signing kung saan nakapila na ang mga readers na magpapa-perma at magpapa-pictures sa akin. May dala akong freebies and stickers para sa kanila at ilang polaroid pictures ko para remembrance na rin. Matagal ko 'tong pinaghandaan eh, kaya dapat successful 'to.

"Next," ngumiti ako lalaking naka facemask nang iabot niya sa akin ang tatlong books ko na papapermahan niya, binigyan ko naman siya ng pictures ko at stickers, nagtataka lang ako kasi hindi siya nagsasalita hindi kagaya nung ibang nauna na ang dadaldal.

"Hindi ka ba magpapa-pictures?" Tanong ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin. "Hey?" Natatawang tawag ko.

"Oh, I'm sorry," tumingin siya sa kaibigan niya at doon ko nakita ang camera kaya ngumiti naman ako. Nang matapos kong permahan lahat ay binalik ko na yun sa kaniya. "I love you." Bulong niya na ikinatigil ko.

Huli na ang lahat ng lumingon ako nang makilala ko kung kaninong boses yun dahil wala na siya sa tabi ko.

"James?" Mahina kong bulong. Gusto kong tumayo para sana habulin siya pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang mga readers ko dito kaya nanatili ako.

Pero baka nagdedelulu lang ako kasi wala naman sa Pilipinas si James. Nang natapos ang event na yun ay pagod na pagod akong umuwi ng bahay at maagang natulog.

Nang magising ako kinaumagahan ay lumabas ako ng bahay dahil wala naman akong pasok ngayon, nagulat ako dahil may kape sa pintuan ko at may notes yun.

'I miss you, drink this when you saw this, please don't throw this on thrush bin, sayang eh.'

Napangiti ako sa di malamang dahilan, maybe I miss hime, I really miss him. Nakangiti ko yung ininom.

Nang may marealize ako ay kaagad akong bumalik sa loob at kinuha ang laptop ko. Tiningnan ko ang block list ng mga social media accounts ko at ini-unblock siya sa lahat.

I visit his Instagram account and gano'n pa rin, walang pinagbago, walang dagdag na pictures, nando'n pa rin yung nga pictures naming dalawa at hindi niya inalis kaya napangiti ako.

Hanggang sa nakita ko na lang yung sarili kong umiiyak sa di malamang dahilan, maybe I miss him so much, I want to hug him again.

Bigla na lang bumalik lahat sa akin ang ala-ala namin kaya para akong tanga na umiiyak sa sala hanggang sa gumabi na.

Nang may mag doorbell sa bahay ay mabilis akong pumunta doon para pagbuksan kung sino man yun.

"James-"

"Ma'am, sorry po ngayon lang ako nakarating,  ang dami po kasing dinaanan kong bahay eh, bill nyo po pala sa kuryente." Napatigil ako ng hindi si James ang nakita ko.

Nakasimagot ko yung kinuha at sinara na ulit ang pinto. Mas lalo akong naiyak dahil sa naging asta ko. Bakit ba ako umaasa na pupunta siya dito? Bumalik na naman ako sa kakaiyak, kaya nung may nag doorbell ulit ay umiiyak ko yung binuksan at laking gulay ko ng makita si James sa labas ng pinto.

"L-Luna? Why are you crying?" Taranta niyang tanong.

Mas lalo akong naiyak dahil sa pag-aalala niya. I want to hug him so badly, I really miss him. Gustong-gusto ko na siyang yakapin pero pag-iyak lang ang nagawa ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hey, what happened?" Tuluyan na siyang pumasok sa bahay at ibinaba lahat ng dala niya saka ako nilapitan at hinawakan ang mukha ko para punasan ang luha ko. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod niyang tanong pero pag-iling lang ang naisagot ko sa kaniya.

Mabilis ko siyang niyakap ng napakahigpit habang patuloy na umiiyak. Bahala na kung anong isipin niya.

"I miss you..." Umiiyak kong sabi sa kaniya.

Hindi ko naramdaman na niyakap niya ako pabalik kaya mas lalo akong naiyak.

"Luna," tawag niya kaya mabilis aking tumalikod at pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry." Mabilis kong sagot pero naiiyak pa rin.

Hindi ko na alam kung anong sinasabi niya dahil blangko na ang utak ko dahil sa pinakita niya sa akin kanina.

"Luna, are you listening to me?" Do'n lang ako tumingin sa kaniya.

"H-Huh?" Napailing siya sa akin. "A-Ano pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Luna, I'm here to visit you, para kumustahin ka sana, I also wants to say sorry again for what I did before." Tumango lang ako.

"Huli na ba ako?" Wala sa isip kong tanong.

"Huh?"

"Do you have a girlfriend?" Dahan-dahan siyang tumango sa akin na lalong nagpasikip ng dibdib ko.

Kaya pala. Huli na ako, huli na para sabihin ko sa'yong napatawad na kita.

💜 K A T H A 💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top