REMINISCING SOLACE
“Alexa, wala pa bang update sa story na sinusulat mo?” My friend ask me, she’s my number one supporter when it comes on my writing journey.
“Mag-antay ka naman, mamayang gabi pa ako magu-update,” wika ko at inirapan siya. “Pagkatapos ko manuod ng blackpink mv.” Dagdag ko habang tumatawa.
“Ano ba yan, ang tagal kase tapos bitin pa lagi,” nakasimangot niyang sabi at kumain ng chitchirya. “Puro ka kase blackpink.”
“Matuto kang maghintay!” Usal ko.
I been writing on Wattpad two years ago, hindi pa ako gano’n kagaling pero isa siya sa nag-aabang ng update sa story ko, wala rin akong masiyadong followers, wala akong masiyadong readers pero ayos lang sa akin dahil hindi naman ako nagsulat para makilala, nagsulat ako para mabahagi yung mga kwentong gusto kong isulat sa maraming tao. And I’ve been a k-pop fans since I was in grade 7, lagi ko ng inaabangan ang mga bagong mv ng blackpink.
Pauwi na kami ni Cristine galing sa school, this day is so tiring. Nakakapagod mag-aral pero wala akong choice, bakit kase ang hina ko pagdating sa academics eh. Parang ako na yung pinakabobong students dito sa buong campus.
“Doon na lang tayo dumaan sa junior high para malapit,” sabi ni Cristine na tinanguan ko lang, hawak-hawak ko yung cellphone ko habang naglalakad dahil nagbabasa ako, nakahawak naman ako kay Cristine para hindi niya ako maiwan at madapa.
Habang naglalakad kami ay gulat kong napaangat ang ulo ko dahil may biglang bumati sa aming mga junior high.
“Good afternoon po,” napatingin ako sa isang batang lalaki na bagsak ang buhok, moreno at naka hoodie. Takang-taka kami ni Cristine kung kami ba yung binati niya o hindi, wala din naman kaming kasunod na teacher kaya imposible.
Natawa na lang kaming dalawa at nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang sa napansin na naman naming dalawa na sa tuwing dadaan kami doon sa room na yun ay lagi kaming binabati at lagi kong nakikita yung lalaki na yun. Minsan naglalaro siya sa cellphone niya hindi ko lang alam kung ML ba yun o ano.
“Anong pangalan mo?” Tanong ni Cristine sa lalaki kaya hiyang-hiya akong hinila na siya paalis doon pero hindi pa rin siya nagpatinag.
“Alvin po,” nakangiti namang sagot niya kay Cristine pero sa akin nakatingin. Pilit ko lang siyang nginitian at hinila na ng tuluyan si Cristine.
“Cute siya noh?” Tanong ni Cristine sa kawalan.
“Sino?” Taka kong tanong, wala naman siyang tiningnan, wala din siyang tinuro, eh sino?
“Si Alvin.” Napangirit na lang ako sa kaniya at napailing. Cute naman kaso bata. Di ko type.
Senior High na kami at si Alvin ay grade 9 pa lang. Baka naman crush niya si Cristine? Natawa ako sa naisip ko at hinayaan na yun.
One time napadaan ulit kami sa room na yun dahil uwian na nga namin. Nakakapagod din kase kapag umikot pa kami eh.
“Bye po Ate Alexa,” nakangiti niyang paalam, gulat akong napatingin sa kaniya. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” Tanong ko nang hindi humihinto sa paglalakad.
“Kase po ako si detective conan,” sigaw niya nung medyo malayo na kami sa room nila. Napangiwi ako dahil doon. Inasar pa ako ni Cristine. Grabe, akala ko ba si Cristine ang crush niya? Bakit sa akin lang nagpaalam?
Hindi ko na din natanong si Cristine dahil sinundo na siya ng boyfriend niya. Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako pag-open ko ng Facebook account ko.
‘Alvin Reyes sent you a friend request’
Huh? Paano niya nalaman ang account ko? Ilang minuto kong pinag-isipan kung eco-confirm ko ba siya o hindi. Pero sa huli ay enaccept ko siya.
Nung bandang alas sais na ay nagulat ako dahil bigla siyang nag reply sa story ko.
Alvin
Ganda mo Ate
Paano mo nalaman ang Facebook account ko?
Sabi ko sa’yo ako si detective conan.
And after that lagi na kaming nag-uusap, nahihiya na akong dumaan sa room nila pero wala akong choice dahil mas mapapalapit ako doon kaysa umikot pa ako.
Kapag dumadaan ako sa room nila ay lagi niya akong binabati, hindi ko pa sinasabi kay Cristine na nag-uusap na kami ni Alvin dahil nahihiya ako, lagi niya pa naman akong naasar doon.
Habang nag-uusap kami ni Alvin ay nagulat ako ng bigla na lang siyang umamin na crush niya ako, natawa ako kase imposible dahil ni minsan walang nagkagusto sa akin.
Hanggang sa hindi ko na napansin sa sarili ko na lagi na akong masaya kapag kausap siya, lagi niya akong napapatawa kapag may problema ako, isa rin siya sa nagpapataas ng confidence ko lalo na kapag inaatake ako ng insecurities ko.
Sweet siya, clingy and caring, he also give me hand written letter with three chocolates, para daw ‘I love you’ kaya tatlo.
After five weeks naming magkausap sa messenger at call, doon ko lang narealize na nag-iba ako, hindi na ako yung dating Alexa, nagagalit na nga sa akin si Cristine dahil lagi akong late mag-update ng story ko sa Wattpad, lagi ko kaseng kausap si Alvin, nasanay na ako na nadiyan siya palagi. Naiiyakan at natatakbuhan ko kapag may problema ako. Hanggang sa napunta kami doon sa tinatawag nilang ‘talking stage’, walang label na relasyon. Pareho naming gusto ang isa’t isa pero ayaw lagyan ng label.
Dumating sa point na yung mga hindi ko ginagawa dati ay ginagawa ko na para sa kaniya.
“Do you want ice cream?” Tanong niya sa akin, hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa research na ginagawa ko. Defense na namin next week eh. “Love? Ayaw mo ba?” Napatingin ako sa kaniya na inis na.
“Can you please be quiet for a minute? I’m stressed out because of this fucking research!” Sigaw ko sa kaniya.
I really don’t mean it, sadyang stress lang talaga ako nung mga time na yun, kaya ang ginawa niya, umalis siya sa condo ko ng walang paalam, nakosensiya ako nun pero hindi ko na siya nasundan pa dahil nga kailangan kong matapos yung ginagawa ko.
Nung una green flag siya, akala ko kagaya siya ng ibang lalaki, babaero, manloloko, mapanakit, red flag, at higit sa lahat cheaters. Pero hindi, ibang-iba siya sa ibang lalaki.
Tumagal ng ilang months yung relasyon namin na lagi kaming may pinag-aawayan. Minsan naaayos naman namin, nagkikita kami lagi sa isang park na kung saan doon ang aming tagpuan.
“May dala akong pagkain,” sabi niya at inabot sa akin yung paper bag.
“I have something for you,” nakangiti kong sabi at inilabas ang isang box, inabot ko yun sa kaniya at curious naman niyang binuksan. “Happy monthsarry.” Sabi ko na ikinagulat niya.
“H-Happy monthsarry din,” parang hindi niya ata naalala.
“Don’t tell me you forget our monthsarry?” Napakamot naman siya sa ulo niya.
“Sorry, anong date ba ngayon?”
“It’s fucking August 28, we been five months, Alvin, how’d you forget?” Para tuloy akong nawalan ng gana sa lahat, inis kong ibinaba yung paper bag na binigay niya sa akin at hindi na siya pinansin.
Ang saya-saya ko pa naman kanina lase magkikita kami, tapos hindi niya pala naalala na monthsarry namin, proket ba wala kaming label bawal nang may monthsarry? Nakakainis.
“Love, sorry na,” niyakap niya pa ako pero inalis ko din ang kamay niya sa akin. “Joke lang naman yun, naalala ko kaya, actually I have a gift for you.” Napatingin naman ako doon sa ipinakita niya sa aking white envelope.
“Ano yan?” Taka kong tanong, naiinis pa rin.
“Open it.” Nakangiti niyang utos, dahan-dahan ko naman yung binuksan at nagulat ako ng makita ang concert tickets ng hinahangaan kong k-pop idol.
“Totoo ba ‘to? Oh my god!” Napatalon ako sa subrang tuwa ng makita kong totoo nga, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisnge. “Thank you so much!” Dagdag ko.
Hindi mapaliwanag ang saya ko ng araw na yun, yun na ata ang isa sa mga regalong pinaka special na binigay niya sa akin.
“I love you.” Bulong niya sa akin habang nakayakap ako sa kaniya.
“I hate you,” napabitaw siya sa akin ng nakanguso. “I love you so much.” Dagdag ko na ikinangiti niya ng malaki.
Di nagtagal ay nagbago siya, minsan na lang kami magkita sa isang linggo, minsan nga ay wala pa, hindi na rin kami masiyadong nag-uusap sa messenger, pati nga kaibigan niya tinanong ko tungkol sa kaniya pero hindi rin nila sinasabi ang totoo kaya nag o-overthink na ako tungkol sa kaniya.
Yung akala kong green flag na lalaki ay hanggang akala ko lang pala yun, kase habang tumatagal ay napansin ko ang pagbabago niya.
“Bakit ngayon ka lang?” Tanong ko sa kaniya ng sagutin niya yung tawag.
[“Playing codm, love,”] he answered.
Codm na naman? Lagi na lang siyang nasa codm niya, kulang na lang asawahin niya yun eh, yun na lang kaya gawin niyang girlfriend? Pakasalan niya na kaya yun.
Tuwing online sa Facebook niya codm lagi niya ang pinag-aawayan namin, hindi ko siya masabayan sa paglalaro niya dahil hindi naman ako marunong at isa pa tuwing alas dose ng madaling araw siya naglalaro hanggang alas kuwatro ng madaling araw ay gising pa siya. Minsan nga nasasabayan ko pa siya magpuyat, gumigising ako lagi ng alas tres para lang maka-usap siya pero wala pa rin, puro away pa rin kami.
Wala akong pinagsabihan na ganon kami, kase natatakot ako na baka husgahan nila ako, baka sabihin nila na ‘bakit bata?’ ‘bakit siya? Marami namang iba?’ bakit masama ba magmahal? Nagmahal lang naman ako ah.
Nagbago siya, lagi na siyang walang time sa akin, minsan cold pa, minsan ‘di ako narereplyan, minsan seen, minsan wala talagang pansinan, never ako sinuyo kapag galit ako, hindi ko alam kung anong nangyari, basta nagising na lang ako isang araw na ganon na siya, alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero bakit? Bakit siya naging ganon?
Hanggang sa nagpasiya siyang itigil namin, kase nasasaktan na talaga ako sa ginagawa niya, lagi niya na lang akong pinaghihintay sa reply niya, lagi pang magka-away, nakakasawa pala.
Siya pa itong nakipaghiwalay sa akin, samantalang ako yung nasasaktan na hindi bumibitaw sa kung anong meron kami.
Lagi na lang kaseng gano’n ang set up namin eh, nasasaktan na ako, alam kong wala akong karapatang masaktan pero ang sakit kase talaga. Pero anong magagawa ko, siya na itong umayaw?
Nagsulat ako ng letter sa kaniya, gusto kong ibigay pero natatakot pa rin ako, mahalaga sa akin yung letter’s na yun, kaya natatakot akong ibigay dahil baka itapon or sunugin niya lang. Pero gusto kong ibigay sa kaniya bago kami matapos.
“I’m sorry, ayaw man kitang pakawalan pero kailangan, Alexa, hindi ako ang lalaking para sa’yo, baka may mas better kaysa sa akin, hindi ko kayang magbago pero ayaw kitang saktan at paiyakin-“
“Alvin, maging better ka para sa akin, bakit hahanapin ko pa sa iba kung pwede ka namang maging tama para sa akin!?” Sigaw ko sa kaniya habang tumutulo ang luha ko.
“Hindi mo ako naiintidihan eh!”
“Ede ipaintindi mo! Kase kahit anong sabihin mo hindi aki aalis, ayaw kitang iwan kaya sana ayusin natin ‘to!”
“Hindi na nga maayos eh, Alexa makinig ka, hindi mo ako deserve, kaya wag mo akong iiyakan-“
“Alvin, mahal mo ako di ba? Bakit!?”
“Alexa makinig ka!”
“Alvin, please, stay with me, love-“
“Alexa! I cheated on you!”
Yun na yata yung pinakamasakit na narinig ko sa buong buhay ko, he cheated on me, hindi ko na hinintay yung paliwanag niya, I slapped him two times, yung tinatawag nilang mag-asawang sampal.
Kaya ba cold na siya sa akin? Kaya ba hindi na kami nagkikita? Bakit? Anong pagkukulang ko sa kaniya? Iniintindi ko naman siya palagi. Lahat ng mga pwede kong ibigay binigay ko na lahat sa kaniya, kung pwede ko lang ibigay ang sarili ko ginawa ko na eh.
Hindi ko pa enexpect na yung paghihiwalay namin na yun ay exam din pala namin, kaya subrang hirap na hirap ako kung makakapasa ba ako o hindi, dahil blangko pa yung utak ko at hindi ko alam ang gagawin ko.
Occupied pa rin yung utak ko sa relationship namin ni Alvin, ang dami kong sinabi nun sa kaniya, ang dami kong effort na ginawa para lang maparamdam sa kaniya na mahal ko talaga siya, pero wala na akong nagawa. He cheat on me, siguro mas maganda yung babae na yun kaysa sa akin, is she better than me? Malamang, maganda yun at matalino, siguro mayaman din.
Two to three days ata kaming walang pansinan, nakasalubong ko siya nung papunta kami ng school ni Cristine para sa admission namin sa college university na papasukan namin, nakita ko siya, tawang-tawa pa nga ako nun kase bagong gising siya.
And dumating yung araw ng birthday niya, 12:00 ng gabi, gising pa ako kase gusto ko siyang batiin pero pinangunahan ako ng takot na baka hindi niya rin pansinin kaya natulog na lang ako kase kinabukasan exam pa rin namin. Hindi ko alam kung tama ba yung mga sagot ko sa test paper ko kase si Alvin lagi yung pumapasok sa isip ko, nasasaktan pa rin kase ako.
May time pa yan na lagi kong tinitingnan yung Facebook account niya if may bago siyang shared post o my day man lang, kuntinto na ako sa ganon, makita ko lang siyang online kapag gabi, okay na ako, makakatulog na yan ako.
After one week of our break up, he chat on me, in my messenger account.
“11:11 uy.” Chat niya. I think 11:20 ko yun nakita, na busy kase ako nun sa wp account ko dahil nagsusulat na ulit ako. Nagtaka ako kung bakit siya nag chat.
Unti-unti na ulit akong nakakaahon eh, unti-unti ko ng natatanggap, pero ito, nagparamdam na naman siya, that time hindi ko pinakita sa kaniya na subra ko siyang na-miss, pinakita ko sa kaniya na okay na ako pero ang totoo umiiyak ako habang kausap siya nung gabi na yun. Sinabi ko rin sa kaniya na hangga’t hindi ko pinuputulan ang buhok ko ibigsabihin ay hindi pa ako nakakamove on. Dahil maikli ang buhok ko nung time na yun, ibigsabihin kailangan niyang maging maikli ulit if ever man na maka move on na ako sa kaniya kaagad.
Doon ko lang narealize na hindi siya nagparamdam para makipagbalikan, ultimo katiting na pag-asa wala kang makikita sa kaniya, minsan nga naitanong ko sa sarili ko kung minahal niya ba talaga ako o pinaglaruan lang? Hindi ko alam, takot na takot akong malaman ang totoo. Nagparamdam siya kase gusto niya lang, kase bored lang siya at walang magawa sa buhay, natawa ako sa sarili ko habang iniisip yun.
Nag focus ako sa pag-aaral ko, nag focus ako sa mga bagay na nagpapasaya sa akin, sinubukan ko ulit maging okay, pero aaminin ko bawat online ko sa Facebook account ko message niya lagi ang hinahanap ko.
Sinubukan kong maglaro ng codm, nag-download ako at naglaro, iniisip ko ano bang meron sa games na ito at dito siya na adik ng subra, ito na yung ginawa niyang tahanan, napapabayaan niya na yung pag-aaral niya pati sarili niya hindi niya na naasikaso dahil sa laro na ‘to.
Doon ko lang narealize na maganda nga, nakakaadik, kaya bago pa ako mawala sa sarili ko ay denelete ko na yung apps na yun, bumalik ako sa pagsusulat ng kwento. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko, doon ko inilabas lahat ng hindi ko masabi sa kaniya, dahil nga malungkot ako habang nagsusulat pati yung mga main character sa story ko, pinatay ko lahat, ang dating happy ending na novela ay naging tragic.
Ilang buwan yung nakalipas hanggang sa mawalan na talaga ako ng pake ng tuluyan sa kaniya, hindi ko na hinahanap ang presensiya niya, masasabi kong okay na ako, masaya na ulit ako.
It’s our graduation day, masayang-masaya ako kase aakyat ako ng stage na may karangalan, proud ako sa sarili ko kase magtatapos na ako. Malapit ko ng maabot yung mga pangarap ko, kaunti na lang.
Nung matapos yung graduation namin, hinihintay ko siyang bumati sa akin, kahit sa post ko man lang na ‘congrats’ pero wala, wala akong natanggap sa kaniyang ganon.
Lumipas ang ilang linggo, subrang-saya ko dahil natapos na yung sinusulat kong kwento, nagkaroon din ako ng five thousand follower’s sa Wattpad.
“Girl, celebrate natin?” Tuwang-tuwa na suggestions ni Cristine.
“Oo ba, libre ko, saan tayo?” Yaya ko kaagad sa kaniya.
“Bar?” Natatawa niyang tanong, napatawa naman ako ng malakas dahil never pa kaming nag bar.
“Pwede naman na tayo doon eh, legal age na din naman tayo, so pwede na tayong pumasok,” patuloy pa rin siya sa pagtawa.
“Baliw ka na talaga, ikaw na lang, kakain na lang ako ng pizza sa labas,” sagot ko sa kaniya.
Never pa akong uminom ng alak sa buong buhay ko. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa park kung saan kami laging nagkikita ni Alvin. Nagdala din ako ng pagkain, paano na yan, mag-isa na lang ba akong pupunta ng concert ng blackpink?
Napahinga ako ng malalim ng maalala ang mga ala-ala namin dito, may tumulong luha sa mga mata ko pero mabilis ko ring pinunasan dahil maraming tao ang makakakita.
Aalis na sana ako ng makakita ako ng isang familiar na lalaki, hindi ako pwedeng nagkamali dahil likod pa lang niya alam kong si Alvin na yun.
Naka-upo lang ako sa swing habang pinagmamasdan siyang tumatawa kasama yung mga barkada niya. Mabuti pa siya nakukuha niya pang tumawa, mabuti pa siya naka move on na. How about me? Kailan ako mabubuo ulit.
Napailing na lang ako bago tumayo, wala rin akong mapapala kung lalapitan ko siya we’re done, there’s no reason that we talk again.
From strangers to lovers and strangers again.
After a year. I saw him graduating in senior high, ako naman ay fourth year college na, ang saya ko nun para sa kaniya, yung buhok hanggang hips ko na kase hanggang ngayon talagang siya pa rin yung mahal ko, hindi ko siyang kalimutan, siya ang first love ko kaya mahirap pakawalan kahit ilang years na ang nakalipas.
“Putulan mo na kaya yang buhok mo? Ang haba na masiyado eh, hindi ka ba naiinitan?” Tanong ni Cristine.
“Hindi,”
“Kase nasanay kana, bakit kase hindi mo na e-let go yung mga ala-ala mo dati? Hanggang ngayon dala-dala mo pa rin, paano ka makakaahon niyan? Hanggang kailan mo lulukuhin yung sarili mo? Kinalimutan ka na nga ata nung tao eh.” Ayan palagi ang naririnig ko sa kaniya kapag buhok ko na ang pinag-uusapan.
It’s been three years since we broke up, dapat ko na nga bang kalimutan ang lahat? Pero what if bumalik siya? What if hinihintay lang pala namin ang isa’t isa?
“Girl, kung gusto niya may paraan siya, if he loves you, he do everything for you, pero ano? Naghihintay ka sa wala.” Dagdag niya pa.
Siguro nga tama siya, dapat ko na nga talagang bitawan ang lahat.
“Mas matagal pa yung pag mo-move on mo kaysa sa relasyon niyo dati.” Napa-irap pa siya kaya inirapan ko din siya.
Pagkatapos ng pag-uusap namib na yun ay dumiretso kaagad kami sa isang parlor shop para magpagupit, ibabalik ko na yung dating Alexa na maikli ang buhok.
Nung una ay nanibago pa ako, mas maganda pala ako kapag maikli ang buhok. Halos lahat tuloy ng kakilaa ko nanibago sa akin, nasanay kase silang mahaba ang buhok ko.
One day napadaan ako doon sa park na lagi naming pinypuntahan.
“Alexa, last na lang, last na lang ito,” Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa swing. Wala halos tao dito dahil nga gabi na. “I think this is the last time na mapupuntahan ko ang lugar na ‘to.” Sabi ko pa.
“Why?” Halos mapatalon ako sa gulat ng may sumagot, napatingin naman ako kung sino yun. Halos mahimatay ako sa subrang kaba ng makilala ko kung sino yun.
“A-Alvin?” Utal-utal kong tanong.
“Yes, bakit ito na ang huling makikita ko ang lugar na ‘to? Aalis ka ba?” Sunod-sunod niyang tanong.
“Yes, maybe next week, sa Manila na ako mag-aaral ng fourth year.” Sagot ko naman, umupo siya sa katabi kong swing.
“Why?” Kunot noo niyang tanong. Pansin ko ang pamumutla ng kaniyang labi, naka jacket siya at medyo madilim pero halata na parang may sakit siya.
“Anong ‘why?’ malamang mag-aaral ako,” natatawa kong sagot sa kaniya.
“I mean, bakit ngayon mo lang pinutulan ang buhok mo?” Seryuso niyang tanong, napaiwas naman ako ng tingin dahil doon.
“Kase ngayon lang ako naka move on?” Natatawa kong sagot.
“Ang ganda mo pa rin, walang kupas.” Ayaw ko ng magtagal doon baka hindi ako makaalis at pilitin na naman siyang bumalik sa akin kaya laking pasasalamat ko ng tumawag sa akin si Cristine, sinabi ko kay Alvin na si Mama ang tumatawag at hinahanap na ako kaya nakaalis ako.
Pero habang naglalakad palayo sa park ay pabigat ng pabigat ang dibdib ko kaya hindi ko na naiwasang umiyak. Ang sakit pa rin, I really miss him, subrang miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin kanina pero para saan?
Para akong tanga na hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa kaniya. Galit ako sa kaniya kase nag cheat siya sa akin pero may part pa rin dito sa puso ko na gusto siyang balikan kase hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko, siya pa rin ang gusto ko kahit hindi na tama.
After one week, handa na ang lahat ng gamit ko para sa pagluwas ko ng Manila, handa ko ng harapin ang panibagong mundo ko doon. Nasa airport na ako at hinihintay na lang ang pag-alis ko.
Maya-maya pa ay napatayo ako bigla dahil sa biglang pagsigaw ng pangalan ko, palinga-linga pa ako para makita kung sino yun, ang dami pa namang tao, nakakahiya.
“Ate Alexa!!” Sigaw niya, nakita ko naman kung sino yun, isa sa mga kaibigan ni Albin, si Kurt. “Ate Alexa, si Alvin po nasa hospital.” Nabitawan ko yung hawak kong ticket at cellphone , kitang-kita ko yung lungkot sa mga mata niya.
Kaya kahit aalis na ako ay dali-dali akong tumakbo ng papunta hospital kasama ang kaibigan niya. Namg makarating kami sa hospital ay nakita ko sa kuwarto niya ang buo niyang pamilya. Nahihiya akong magpakita sa kanila, per wala akon choice, ni hindi ko nga alam kung kilala nila ako eh.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa mata ng makita ang sitwasyon niya, hindi ko na siya makilala dahil sa subrang payat, halos wala na siyang laman at puro buto na lang ang natira, subrang itim rin ng paligid ng mata niya. Para siyang matanda na hindi mo maintidihan.
Hind ko alam pero bigla akong natakot sa kaniya, hindi ko na siya makilala, mahimbing siyang natutulog na parang wala lang, marami ring tubo ang nakatusok sa katawan niya.
Anong nangyari sa kaniya?
“Alexa, wala na si Alvin.” Umiiyak na sabi ng Mommy niya. Yung iyak ko kanina mas lalo pang lumakas dahil sa yakap ng Mommy niya.
May inabot sa aking papel ang kuya niya, wala akong idea kung ano yun pero binuksan ko habang nanginginig ang mga kamay.
Hi Love,
If you’re reading this, I want to say I’m sorry, I’m sorry if I lied to you, I’m sorry kase hindi ko nagawa yung mga pangako ko sa’yo, sorry kase hindi kita nasamahan sa mga pangarap mo, sorry din kase hindi ko nagawang maging better para sa’yo, I’m sick Alexa, ayaw kong sabihin sa’yo kase ayaw na kitang masaktan, ayaw kong nakikita kitang umiyak kaya mas pinili kong palayain ka at paniwalain kang nag-cheat ako sa’yo, pero ang totoo hinding-hindi ko magagawa yun sa’yo, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay.
Alexa, you’re everything Love, lahat ng katangian na hinahanap ng isang lalaki nasa iyo na, understanding kang partner, lahat naiintindihan mo kahit nasasaktan kana, subra ka kung magmahal kaya kahit ilang beses na kitang nasasaktan ay pinapatawad mo pa rin ako.
Alexa, yung nga panahong hindi kita nakaka-usap, yung mga panahong ang cold ko na sa’yo, inaatake na ako ng sakit ko nun, akala ko nga hindi na ako gagaling eh, pero sa awa ng diyos gumaling ako, gustong-gusto kong balikan ka nung mga panahong ayos na ako, pero hinintay lang talaga akong maka graduate ng senior high, bumalik ulit yung sakit ko.
Kaya hanggang ngayon dala-dala ko, nung nakita kita sa park nung isang linggo, gustong-gusto kitang yakapin nun lalo na nung sinabi mong aalis ka, kase alam kong yun na rin yung huling pagkikita natin, stage four na ang cancer ko kaya alam kong hindi na ako gagaling.
Alexa, love? Don’t forget to take care yourself ha, lagi kang mag-iingat, kagaya ng lagi kong sinasabi sa’yo, tuparin mo yung mga pangarap mo kahit wala na ako, sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. You’re the only one I love the most.
I love you my binibini.
Love,
Alvin
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top