KAPALIT-PALIT BA AKO?
"KAPALIT-PALIT BA AKO?
__✍︎: Janna
•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼
This story is dedicated to Ms. Melissa Demin 😽💜 Again, this is not her real story, it's all FICTION!
____
"Hey, Skye! Can I ask you?" Tanong ni Fluorine sa akin.
"Ano na naman? Masamang chemical ka para sa mga tao, lubayan mo'ko!" Kunwari ko siyang tinutulak palayo na natatawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Paano ba naman kasi, sa dinami-dami ng pwedeng pangalan, Fluorine pa ang binigay sa kaniya ng Mama niya.
"Mahal na mahal ni Mama mo ang periodic table 'no?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Shut up! I just need to ask you something," Natatawa niyang sagot sa akin. Sa lagay niyang yan, walang kwenta na naman ang itatanong niya.
"Ano na naman yun?" Inis kong tanong.
"Ano ba ang orange, fruits or color?" Napairap ako sa tanong niya.
"Itanong mo kay google." Inis kong sagot at naglakad na palabas ng room.
"Itanong natin kay Ma'am." Hinila niya ako pabalik at lumapit sa adviser namin.
Baliw na talaga 'to.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kaniya at pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin dahil hila-hila niya ako patalikod. Mapupunit yung bag ko eh.
"Ma'am, may tanong po si Skye, ano daw po ang orange? Kung prutas daw po ba or kulay?" Natatawa niyang sigaw.
"Ma'am wag kang maniwala diyan!" Balik sigaw ko.
"Both! Orange is a color and a fruit. The color orange is named after the fruit because of distinctive color." Sagot naman ng adviser namin.
Buang talaga kahit kailan eh.
Hiyang-hiya tuloy kaming lumabas ng room dahil sa ginawa niya.
"Alam mo Skye-"
"Hindi ko alam, manahimik ka na!" Sigaw ko sa mukha niya at inirapan niya naman ako.
Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko 'to eh.
"Let's have a deal?" Napahinto ako sa paglalakad at masama siyang tiningnan bago tinaasan ng kilay. "Magtatanong tayo sa isang stranger kung kulay o prutas ba ang Orange, then kapag sinabi niyang kulay, you need to ask your crush like 'kapalit-palit ba ako'," natawa ako sa sinabi niya. Lakas ng trip ampt. "Kapag sinabi naman niyang prutas, itatanong ko din kay crush kung kapalit-palit ba ako with acting effect."
Na challenge naman ako sa sinabi niya dahil gusto kong mapahiya siya haha.
"Lakas din ng amats mo ha," natatawa kong sagot. "But, deal."
Bumaba na kami ng third floor at sakto dahil may nakasalubong kaming lalaki na paakyat. Tinulak pa ako ni Fluorine para ako ang magtanong.
"Sige na," sabi niya sa akin. "Bilisan mo." Sinamaan ko muna siya ng tingin saka ko hinarang yung lalaking busy sa cellphone.
"Hi kuya, may tanong lang po kami," nahihiya kong sabi sa kaniya at huminto naman siya sa pag-akyat.
"A-Ano y-yun?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.
"Kung yung Orange po ba ay kulay o prutas?" Tanong ko.
Please sabihin mo Prutas, orange is a fruit, please, please.
"F-For me, it's a color." Nakangiti niyang sagot. Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinagot niya. Napatingin ako sa id niya at nalaman ko ang pangalan niya.
Sinusumpa kita Felip! Dahil sa'yo mauubos ang dignidad ko ngayong araw!
Tuwang-tuwa namang tumatalon si Fluorine at nagpapasalamat pa kay Felip.
"Thank you kuya, you save me!" Sabi niya pa at tinulak na ako pababa. "The deal is a deal," tumatawa niyang sabi sa akin. "Now, we need to find Calvin para matanong mo na siya." Tinulak niya ako pababa ng second floor dahil nando'n ang room nila Calvin.
Kabadong-kabado ako habang papalapit kami ng papalapit sa room nila.
"Wag na lang kaya natin ituloy, libre na lang kita ng milk tea?" Umiling naman siya kaya napasimangot ako.
I hate this girl so much.
Isang pinto na lang ay nasa room na kami nila Calvin at sakto din dahil bigla na lang itong lumabas na may dalang walis tambo.
"Calvin!" Sigaw ni Fluorine na walang kahihiyan sa katawan.
"Yes?" Tanong naman ng lalaki sa kaniya. Ang pogi niya talaga, matalino na, pogi pa. "May tanong daw sa'yo si Skye." Tinuro niya pa ako at hinila palapit kay Calvin.
"A-Ah... A-Ano kasi..." Tumingin ako kay Fluorine at sinamaan niya naman ako ng tingin. "Kapalit-palit ba ako?" Mabilis kong tanong na nagpanganga kay Calvin.
Tawang-tawa naman si Fluorine sa tabi namin at inaasar ako. Hindi ako maka react dahil nakatingin lang ako kay Calvin na ngayon ay natatawa na rin.
"Ewan," sagot niya at tumawa. "Itanong natin kay Google?" Suggestion niya pa. Napasimagot naman ako bago ko siya binatukan.
Calvin is our friend, hindi niya lang alam na crush ko siya, tanging si Fluorine lang ang nakakaalam.
"Wala ka pa ngang jowa tapos itatanong mo kaagad sa akin kung kapalit-palit ka ba?" Natatawa niya pa ulit na sabi.
"Eh bakit kasi di na lang ako ang magustuhan mo?" Mahina kong tanong na alam kong hindi niya narinig.
"Huh?"
"Wala, ang sabi ko bilisan mo na at uuwi na tayo." Sagot ko sa kaniya at umirap.
Ginulo niya naman ang buhok ko saka pumasok sa loob ng room nila at kinuha ang bag niya para sumabay na sa amin umuwi.
"Umamin kana kaya?" Bulong sa akin ni Fluorine.
"Eh kung itong kamao ko ang paaminin ko diyan sa mukha mo?" Banta ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
____
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Pag-akyat ko ng hagdan ay may nakasabay ako, sunod-sunod ang pintig ng puso ko nang tiningnan ko kung sino yun.
"C-Calvin?"
"Kanina pa kita sinisigawan, di mo man lang naririnig." Nauna siyang maglakad kaya sumunod na ako.
"Sorry, hindi ko narinig."
"Ang layo kasi ng isip mo eh," sagot niya naman. "By the way may ipakikilala pala ako sa'yo," may tinawag siya sa likuran ko kaya napalingon naman ako do'n. "Skye, this is Felip, my cousin." Pakilala ni Calvin, na kay Felip lang ang atensyon ko dahil may kasalanan pa siya sa akin kahapon.
"H-Hi," bati niya.
"Diyan mo itanong sa kaniya kung kapalit-palit ka ba, maiwan ko na kayo, dito na room ko eh." Natatawa niyang paalam.
Inis ko naman siyang pinatid bago umakyat ng isang hakbang sa hagdan.
"Deserve." Natatawa kong sabi sa kaniya at iniwan siya doon.
Masama naman niya akong tiningnan bago tumayo. Sumunod naman sa akin si Felip kaya nagtaka ako.
"May kasalanan ka pa sa akin ha, dapat Prutas ang sinabi mo kahapon." Nakasimagot kong sabi sa kaniya.
"Oh? Sorry," sagot niya naman.
"Third floor ka o fourth floor?" Tanong ko.
"Third." Tipid niyang sagot.
"Oh? Pareho tayo, anong room mo?"
"15."
"14 ako."
"I know." Eh? Paano niya nalaman? "You like Calvin right?" Napahinto naman ako sa paglalakad at tumingin sa likuran namin dahil baka sumunod sa amin si Calvin.
"Paano mo nalaman?" Mahina kong tanong sa kaniya.
"I notice it," sagot niya naman saka ngumiti. "His already courting someone, did you know about that?" Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Kaibigan niya naman ako ah.
"K-Kailan pa?" Tanong ko pero ilang salita ko pa babagsak na ang luha ko.
"Matagal na, ldr lang sila." Sagot niya.
"But how? Hindi niya nababanggit sa amin." Mabilis akong tumalikod sa kaniya at naglakad papunta sa room namin, sumunod naman siya sa akin.
"I'm sorry, sana pala di ko na lang sinabi sa'yo," hindi ko sinagot si Felip. "I also have something to tell you."
"What?"
"He knows that you like him." Napanganga naman ako.
Matagal niya ng alam?
Iniwan akong tulala ni Felip sa harapan ng room namin. Mabilis akong pumasok sa loob at nag-iisip kung paano ako haharap kay Calvin nito.
Sinabi ba ni Fluorine? Paano nalaman ni Felip? Gusto kong sumigaw dahil sa inis pero hindi pwede dahil maraming makakarinig sa akin.
___
Uwian na namin at daldal ng daldal si Fluorine sa tabi ko, pero hindi ko siya magawang sagutin dahil ang utak ko ay nag-iisip kung paano ako haharap kay Calvin.
"Skye!" Sigaw ni Calvin ng makita kami, kasama niya ngayon si Felip na nakahawak sa dalawang bulsa niya. "Tara?"
"Oy, kilala mo siya?" Tanong ni Fluorine patukoy kay Felip.
"Oo, pinsan ko pala." Pakilala ni Calvin. Hindi na tuloy ako makatingin sa kaniya.
"Ahh, tara na."
Tahimik lang ako habang naglalakad kami pauwi, sa bahay daw nila nakituloy si Felip, tanging si Fluorine at Calvin lang ang nag-uusap at nauunang maglakad, samantalang kami ni Felip ay nasa hulihan nila at walang kibuan.
"S-Skye?" Tawag ni Calvin.
"Huh?"
"Gusto mo ba ng ice cream? Wala kang kibo eh." Umiling naman ako bilang sagot.
Siya na pala ang katabi ko sa paglalakad, di ko man lang napansin.
"Tara, ice cream muna tayo, libre ko." Hinawakan niya ang kamay ko at dumaan kami sa isang tindahan, nauna namang maglakad si Felip at Fluorine kaya di kami napansin.
Bumili siya ng dalawang ice cream at binigay sa akin yun.
"May problema ka ba?" Tanong niya, umiling lang ako bilang sagot. "Bakit ang tamlay mo ngayon? Kahapon lang tawa ka pa ng tawa eh."
"W-Wala."
"May sasabihin pala ako sa'yo," tiningnan ko lang siya at hinihintay ang sasabihin niya. "May nililigawan na ako Skye, he's from Laguna." Nakangiti niyang sagot.
Eh? He's? Lalaki? What the?
"Ano? Paki-ulit?"
"Yes, tama ang narinig mo, lalaki ang nililigawan ko." Nabitawan ko yung hawak kong ice cream dahil sa gulat. "Kaya wag kana mag aksaya ng panahon sa akin, alam kong crush mo'ko, you deserve better, Skye." Natatawa niyang sabi.
"P-Paanong-"
"Felip likes you, na love at first sight ata sa'yo," natatawa niyang sabi. "What do you think about him?"
"Sandali, hindi pa nagp-process sa utak ko lahat!" Sigaw ko sa kaniya.
___
"Skye, can I court you?" Nanlaki ang mata ko dahil sa bungad ni Felip sa room namin. May mga dala pa siyang chocolates and flowers.
"Yiee!" Pang-aasar naman sa akin ni Fluorine.
Napatingin naman ako kay Calvin saka umiling, siya kasi yung may hawak ng banner na may nakalagay na 'can I court you?'.
"Oo na!" Sagot ko kay Felip.
Kung sino pa yung kinainisan ko, siya pa itong makakatuluyan ko.
💜 K A T H A 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top