HE DIDN'T KNOW

"HE DIDN'T KNOW"
By: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to Ms. @Chenny Chenny Faye Guimeroy, this is not her story, this is not a real story, FICTION 'to FICTION!

⚠️ TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT THAT MIGHT TRIGGER YOU! This story contains distributing imagery that some reader find unsettling. READER DISCRETION IS ADVISED. ⚠️

"Missy, bilisan mo naman, naji-jibs na ako eh." Reklamo ko sa kaibigan ko.

"Nath, tingnan mo, ang pogi nung pinsan ni Gia." Tinuro niya sila Gia na nag-uusap sa labas ng classroom.

I look at the guy he talking about, matangkad, maputi, matangos ang ilong and ang cute niya ngumiti.

"Ngiti mo, Nathalie, halatang na love at first sight ka," pang-aasar ni Missy.

Parang umatras ata yung t*e ko eh.

After that day, kinausap ko si Gia at nagtanong tungkol sa pinsan niya, napag-alaman kong mas matanda ito sa akin ng tatlong taon but it's okay, age doesn't matter naman.

Matapos kong makuha ang facebook account nung pinsan niya ay agad ko itong chinat.

"Hi, Mr. Pogi." Chat ko.

"May pangalan po ako, Nathan." He replied. Hindi ko alam na papansinin niya ako, I wasn't expecting that, ang plano ko kase ay kulitin lang siya hanggang sa mainis siya sa akin at magreply na siya, di ko naman alam na kaagad siyang magrereply sa message ko.

After that conversation ay palagi na kaming magka-usap, hanggang sa natanong niya nga sa akin ang isang tanong na hindi ko inakalang itatanong niya sa akin.

"Gusto mo bang more than friends?" I'm speechless.

I want him more than friends, of course, pero natatakot ako na baka mali ang maging desisyon ko, this is not my first time to get a boyfriend, pero lahat ng naging boyfriend ko ay iniwan ko, bukod sa toxic, red flag, at di kami compatible, isa sa pinaka ayaw kong reason ng break up is cheating, my last break up is my boyfriend cheat me with my best friend, mas pinili niya yung kaibigan ko kaysa sa akin, it's real hurt to admit that I'm beautiful than my best friend, nasa Adobo na siya, mas pinili niya pa rin yung bagoong.

"Ice cream?" Tanong sa akin ni Nathan, nasa labas kami ngayon at sinasamahan niya akong mamili sa palengke ng grocery namin sa bahay.

"Yeah, yung vanilla flavour." Sagot ko naman at kumuha ng chitchirya. Nasa isang mini store lang kami, pauwi na rin sana pero mas pinili niyang mag stay dito.

Since the day he ask me if I want us to be more than friends, he court me, even I didn't answer his questions, tho alam niya naman ang sagot dahil pinaparamdam ko naman ito sa kaniya.

"Bakit si Nathan? He's red flag girl, pumili ka naman ng maayos." Iritang-irita ako kanina pa dito sa kaklase kong si Jasmin, akala mo naman kung sinong maganda kung makasabi ng red flag si Nathan.

"He's not red flag okay." Pagtatanggol ko naman.

"Jasmine is correct, Nathalie, be careful with my cousin, actually I don't want you to be his girlfriend because I know one day iiwan ka din niya." Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Gia.

"Sure ka ba na ikaw lang ang gusto niyan? Baka naman madami kayo?" Tanong din ni Missy.

Natahimik na lang ako dahil doon, tama si Missy, paano nga ba ako nakakasiguro na ako lang ang mahal ni Nathan?

After that conversation, sinabi ko kay Nathan na magkita kami after class, pumayag naman siya kaya excited akong umuwi.

Pagkatapos ng klase namin ay agad akong lumabas ng room, kung dati hinihintay ko pa si Missy ngayon hindi na. Nakita ko naman kaagad si Nathan na naghihintay sa gate, malapad siyang ngumiti ng makita ako.

"Ride?" He ask, inabot niya sa akin ang isang helmet at tinanggap ko naman yun.

Sumakay ako sa motor niya at humawak sa balikat niya, pero laking gulat ko ng tanggalin niya yun doon at pinulupot sa katawan niya.

"Kapit ng mahigpit." Utos niya bago nagpaandar ng subrang bilis.

"Dahan-dahan lang." Natatakot kong sabi at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya dahil sa takot kong malaglag.

"Sure, for my baby." Sagot niya naman, pakiramdam ko subrang pula na ng mukha ko kung titingnan.

Gusto kong sumabog ngayon pa lang, nakakahiya, parang may kung anong kiliti sa tiyan ko.

"Nathan? Do you love me?" I ask when we stop at the beach. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan habang nakatingin sa bilog na bilog na buwan na tumatama sa dagat.

"Why? Isn't it obvious that I love you? If I didn't love you, I wouldn't have brought you to this place at this time." Napangiti naman ako dahil doon.

"I love you too." Sagot ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata, nakakalunod ang kaniyang mga tingin. After that he gave me a kiss, a smack one.

That night is unforgettable, never kong makakalimutan ang gabi na yun, the night he kiss me for the first time, the night I tell him that I love him, I will cherish that memories.

Hinatid ako ni Nathan pauwi ng bahay, hindi sa mismong bahay namin, dahil hindi pa naman kami legal na dalawa kaya sa kanto niya lang ako hinatid, marami pa rin namang tao sa labas, medyo malayo nga lang sa mismong bahay namin.

"Mag-iingat ka." Paalala ko sa kaniya.

"Ikaw din, good night." He kiss me again in my forehead, nginitian ko lang siya bago kumaway para mamaalam.

Nang makaalis na siya ay nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay. Habang naglalakad ay nagulat ako dahil may lalaking humarang sa daraanan ko.

"Hi Nathalie, do you remember me?" Napatingin naman ako kung sino yun, at napangiti ako ng malaki ng makilala siya kaya nawala ang kaba ko.

"Brix, how are you? Ang tagal na nating di nagkita ah." Sabi ko ng makilala ko siya.

Brix is my childhood friend, hindi kami masiyadong close pero kaibigan ko siya.

"I'm fine, how about you? Boyfriend mo yung kasama mo kanina?" Tumango naman ako. "Ang swerte niya naman, ang ganda ng nadali niya." Napakunot ako ng noo dahil doon.

Nagsimula na akong kabahan sa kaniya.

"S-Sige na, k-kailangan ko ng umuwi eh, baka hinahanap na ako nila Mama." Paalam ko dito at humakbang na pero hinawakan niya ako sa braso na mas lalong ikinakaba ko.

"Can we talk please? Libre kita ng barbeque?" Umiling naman ako.

"Hindi na, sa bahay na lang ako kakain." Mabilis kong sagot, tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko pero mas lalo niya yung hinigpitan. "B-Brix, n-nasasaktan ako." Reklamo ko.

"Mas lalo kang masasaktan kapag pumiglas ka." Nanlaki ang mata ko dahil sa bulong niya.

Niyakap niya ako ng subrang higpit at inamoy-amoy ang buhok ko. "Hmm, ang bango mo pa rin," naamoy ko sa kaniya ang alak, may inilabas siya sa bulsa niya at laking gulat ko ng itutok niya yun sa tagiliran ko. "Kapag sumigaw ka, papatayin kita." Banta niya. Napatingin naman ako sa paligid, wala na halos tao, at kung mamalasin ka nga naman, nasa madilim na parte pa kami.

"P-Parang awa mo na, g-gusto ko ng umuwi." Umiiyak kong makaawa sa kaniya.

"Papauwiin naman kita," sabi niya at sinimulang halikan ang leeg ko, hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap niya, idagdag mo pa na may nakatusok sa aking kutsilyo. "Nakakaadik talaga ang amoy mo," tahimik akong umiiyak habang sunod-sunod na tumutulo ang luha ko.

Nathan, please help me, someone help me please.

Diring-diri na ako sa sarili ko habang dumadampi ang mga labi niya sa leeg ko, paano ba ako makakawala dito?

"Hmp, ang bango mo." Paulit-ulit niyang sinasabi yun, naramdaman kong medyo lumuwag ang pagkakayakap niya kaya mabilis kong inangat ang paa ko at sinipa ang private part niya.

"What the f*ck!" Mabilis akong tumakbo paalis doon habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.

Tama nga ang sinabi ko, ang hirap kalimutan ng gabing yun. Pag-uwi ko ng bahay ay mabilis akong naligo, parang dumikit sa akin lahat ng nakakadiring bagay sa buong mundo, habang umaagos ang tubig sa shower patuloy din ang pag agos ng mga luha ko.

Kinabukasan, tulala lang ako sa room, ang dami nilang pinag-uusapan, bulong-bulungan ng makapasok ako sa room, hindi ko naman maintindihan dahil yung isip ko nandon pa rin sa nangyari kagabi.

"Nath? May gustong kumausap sa'yo, nasa likod siya ng building." Mahinang sabi ni Missy. Taka naman akong tumingin sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, lahat sila ay nakatingin sa akin. Anong meron?

Tumayo ako at tumingin sa salamin, magulong buhok, malaking eye bags, teary eye, hindi plansyado ang uniform, para akong pulubi, miski ang mukha ko hindi ko na maintindihan.

Sumunod ako kay Missy nang lumabas siya, dinala niya ako sa likod ng building namin, nagulat ako ng makita si Nathan, ayaw kong makita niya akong ganito kaya mabilis akong tumalikod para bumalik na sa room.

"Where are you going? Tatakas ka ba sa kasalanan mo!?"

What is he talking about?

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, nakakunot noo.

"H-Huh?" Taka kong tanong. Then his tears start droping, nang makita ko ang luha sa mga mata niya, sunod-sunod din ang luha na tumulo mula sa mga mata ko.

"Why Nath? Anong pagkukulang ko sa'yo? Nagbago ako para sa'yo kase akala ko mahal mo din ako, pero bakit nakuha mo pa rin akong lukuhin? Bakit naghanap ka pa ng iba?!"

I don't know what is he talking about.

Lumapit sa akin si Gia at sinampal sa akin ang mga litrato, magkalat yun sa lupa at ng makita ko yun ay halos maputulan ako ng hininga.

How did they take a picture of what Brix did to me last night?

"Now, tell me, Nathalie?! Why are you cheating on me?!" Sigaw ni Nathan.

"Nakakadiri ka!" Sigaw sa akin ni Gia.

Nakatingin lang ako sa mga picture at patuloy na umiiyak. Lumapit sa akin si Nathan at hinawakan ang balikat ko.

"Look at me, and tell me what happened last night! Tell me, may nangyari ba sa inyo ng lalaki na yan?!" Sigaw niya sa mukha ko.

Gusto kong sabihin sa kaniya na muntik na akong ma r*pe, gustong-gusto ko pero natatakot ako, hindi bumubuka ang bibig ko at walang lumalabas na boses.

"I guess, mayroon nga," natatawang sabi ni Nathan at nagsimula ng tunalikod sa akin. "We're done." Then he walk away with Gia.

"H-He... H-He harass me." Bulong ko at napaupo sa lupa habang patuloy na umiiyak.

"Muntikan na akong ma-r*pe."

-END-

PS: DO NOT COPY WITHOUT MY PERMISSION!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top