GIVE ME YOUR LAST DANCE

"GIVE ME YOUR LAST DANCE"
                  By: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to Mr. Sanger and Ms. Shiela. (This is not their love story, dedicate ko lang huhunesss, baka may magreklamo kase HAHAHAHAHA)

"Okay, 1,2,3 go." Sigaw ng choreographer nila Jennie, nagsimula siyang gumalaw kasabay ng tugtog. Binigay niya ang best niya sa pagsasayaw para lang hindi magalit ang nagtuturo sa kanila, 'yan ang lagi niyang sinasabi sa akin.

Ako nga pala si Zacharias, 18 years old, I love music, specially when the music is about k-pop, gustong-gusto kase ni Jennie na sinasabayan ng sayaw yung tugtog, simula pagkabata ito na ang kinahiligan niya. Ang pagsasayaw.

"Wala ka pa rin kupas Jennie, magaling ka pa rin," puri ko sa kaniya. I'm with her since we are child. In short, she's my childhood best friend.

Unlike her, I'm not a dancer nor a singer, I'm her number one supporter from the very start. Nanunuod lang ako kapag nagpa-practice siya, at ako rin ang may pinakamalakas na sigaw kapag nasa stage na siya at sumasayaw.

Halos lahat na yata ng mv ng bts at blackpink ay nasayaw niya na, ako yung kumukuha ng video kapag sa kaniya kapag pino-post niya sa TikTok account niya. Bts and blackpink is her favorite k-pop group kase kapangalan niya si Jennie ng Blackpink.

"Kain muna tayo?" Yaya ko sa kaniya ng matapos siya sa practice, lumapit siya sa akin na puno ng pawis kaya inabutan ko siya ng tubig at towel.

"Sige, doon lang sa malapit para makabalik ako kaagad dito," sagot niya naman na ikinataka ko.

"Bakit? Tapos naman na kayo sa practice ah, bukas naman daw," sagot ko naman.

"Kailangan kong magpractice pa, baka kase di kami manalo," napailing na lang ako dahil doon.

"For sure na mananalo kayo, ikaw na yan eh," puri ko. Totoo naman kaseng magaling talaga siyang sumayaw lalo na kapag street dance. Hindi ko pa siya nakikitang sumayaw ng ibang sayaw, hip-hop o street dance lang talaga, ayaw niya din nung mga sayaw na pangdalawahang tao lang, lalo na kapag lalaki ang partner niya, mas gusto niya pa daw na ako ang partner kaysa iba, eh hindi nga ako marunong sumayaw kaya wala siyang magagawa.

"Sana nga, tara na." Kumain lang kami sa malapit na restaurant na lagi naming kinakainan.

Mas gusto niya kase yung pagkain dito kaysa sa ibang kainan, hindi ko alam kung totoo yun o baka gusto niya lang ditong kumain dahil malapit sa studio kung saan siya nagpa-practice.

"Wag kang mag-alala, kapag nanalo ako dito hihinto na ako sa pagsasayaw, pero gusto ko ikaw yung huling kasama kong sumayaw." Napatitig ako sa kaniya.

"Bakit ako?" Taka kong tanong.

"Wala lang."

Nung matapos kaming kumain ng hapunan ay bumalik nga siya sa pagpa-practice mag-isa. Wala na yung mga kasama niya kanina, tanging dalawa lang kami ang nandoon.

Sinusubukan ko namang sumayaw, tinuturuan niya ako pero hindi ko talaga gusto eh, mas gusto ko pang makinig na lang ng music at panuorin siya.

"Hindi nga pala ako makakapanuod ng performance nyo sa Tuesday, may exam kami eh," sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Magkatabi lang kase yung bahay nila at bahay namin.

"Bakit? Yun pa naman yung pinakamalaking competition tapos hindi mo ako papanuorin," nakanguso niyang wika, ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti ng malaki.

"Panuorin ko na lang sa video, for sure na mapo-post yun sa TikTok or Facebook," sagot ko naman nang nakangiti pa rin.

"Ang daya mo." Ang cute niya talaga kapag naiinis. Ni minsan kase wala pa akong na performance niya na hindi ko napanuod, lahat pinapanuod ko dahil nga gano'n ako ka-suporta sa kaniya pagdating sa pagsasayaw.

"Sige na, babawi na lang ako sa'yo." Kumaway na ako sa kaniya nang makapasok siya ng gate ng bahay nila, inirapan niya naman ako kaya napatawa na lang ako.

Jennie is so sweet best friend, maganda, mabait, mapagmahal sa magulang at mga kapatid at higit sa lahat sa kaibigan, siyempre ako yun, ako lang naman ang kaibigan nun. Kagaya ko, siya lang din ang kaibigan ko, para na nga yung lalaki eh, at ako naman yung pinagkakamalang bakla. Mga pormahan niya pang lalaki lahat, minsan dadayo pa dito sa bahay mang-aagaw lang ng mga damit ko, halos lahat ng jersey ko sa basketball nasa kaniya na eh.

Kung siya sinusuportahan ko sa pagsasayaw, ako naman ang sinusuportahan niya pagdating sa basketball, kapag wala siya practice ay ako naman ang sinasamahan niya sa gym para magpractice, marunong siya mag basketball kase tinuruan ko, kaya tinuturuan niya rin akong sumayaw kaya lang hindi ko talaga gusto ang pagsasayaw.

"Para saan 'yan, Zach?" Tanong ni Mommy ng maabutan akong nagde-decorate ng banner.

"Kay Jennie po," nakangiti kong sagot.

"Oo nga pala malapit na yung competition nila, nabalitaan ko pa naman na malaki ang premyo do'n." Napatingin ako kay Mommy, walang sinabi sa akin si Jennie tungkol doon, ang sabi niya lang ay magpe-perform sila pero hindi niya sinabi na malaki ang premyo.

"One Million?" Gulat kong tanong kay Mommy.

"Yup, kaya kailangan nando'n din kami ni kumare," napailing na lang ako, for sure na manunuod si Tita at Tito, pati mga kapatid niya.

Tinapos ko na yung banner na ginawa ko para sa performance nila sa Tuesday, malayo pa naman, next week pa.

Kinabukasan maaga akong bumangon para mag jogging, dederitso ako sa gym lara mag basketball, nagulat ako ng makita si Jennie na palabas din ng gate nila.

"Ang daya mo ha, hindi ka nangyaya," sabi niya kaagad. Napatulala ako sa kaniya ng makita ang outfit niya, naka sports bra lang siya, kaya labas na labas yung shape ng katawan niya, kaya lang flat siya kaya natawa din ako.

"Ba't ganiyan suot mo?" Natatawa kong tanong.

"Anong masama?" Inis niyang tanong.

"Wala, first time kitang nakita na nakaganiyan, karaniwan kase naka jacket ka tapos naka short with white shoes." Sagot ko.

"Wow, buti ka pa naalala mo mga suot ko, ako kase hindi na." Sagot niya napapailing pa.

"Hindi bagay sa'yo." Natatawa kong sabi.

"Sus, sabihin mo lang na maganda ako," natahimik ako sa sinabi niya at mas lalo pa akong natulala nang ilagay niya sa likuran niya ang kaniyang mahabang buhok.

She's right, Jennie is so beautiful, aminin ko man o hindi, crush ko siya simula nung bata pa lang kami, kahit puro sipon ang kaniyang mukha noon ay maganda pa rin siya.

"Kapal mo." Sagot ko, tinawanan niya pang ako saka naunang tumakbo.

Kagaya ng plano ay ay dumiretso kami ng gym para maglaro, siya lang din ang kalaro dahil wala namang ibang tao dito. Yung mga ka-team ko din ay wala.

Lumipas ang ilang araw napansin ko na ang pagbabago sa katawan ni Jennie, kung payat siya dati mas pumayat siya ngayon, bukas ay performance na nila kaya tudo practice sila simula nung sabado. Halos dito na nga siya tumra eh, hindi ko siya masamahan ngayon sa practice dahil nga exam namin. Pero susubukan ko bukas na mapanuod siya.

Pagkatapos ng klase ko nung hapon ay dumiretso ako sa studio at nakita ko siya doong nagpa-practice mag-isa, naka-uwi na yung iba niyang kasama dahil pass 10 na ng gabi pero nandito pa rin siya at sumasayaw.

"Umuwi na tayo, Jennie." Kinuha ko na yung mga gamit niya para wala na siyang magawa.

"Isa na lang," she play the music again and start dancing, lumapit na ako sa speaker at pinatay yun.

"Jennie, may bukas pa, papahingahin mo naman yang sarili mo, tingnan mo nga ang itsura mo sa salamin, ikaw pa ba yan?!" Galit kong sigaw sa kaniya, napahinto naman siya at  napatingin sa salamin. "Tingnan mo yang mata mo, ang laki na ng eyebag, yung katawan mo, payat ka na nga mas lalo ka pang pumayat, hindi na ikaw ito eh." Dagdag ko pa.

Hindi siya sumasagot at nakatitig lang siya sa malaking salamin sa harapan namin, ibinaba ko lahat ng dala-dala kong gamit at nilapitan siya.

"Gaano ba kahalaga sa'yo yung perang mapapanalunan mo do'n kung pinapabayaan mo naman ang sarili mo?" Kitang-kita ko ang luhang namumuo sa mga mata niya, mabilis niyang tinakpan ang mukha niya at malakas na umiyak. "Jennie, ano bang problema? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" Nag-aalala kong tanong.

"S-Si... S-Si P-Papa... M-May... S-Sakit," mabilis ko siyang niyakap at hinagod ang likuran para patahanin. "K-Kailangan niyang operahan, Zach." Dagdag niya pa, pati ako ay napaiyak na rin.

Hindi ko alam na may ganito siya kalaking problema na dinadala, bakit hindi niya sinasabi sa akin? Kaya ba ganito siya kung magpractice dahil kailangan niya talagang manalo?

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may exam pa ako, nagsabi na ako sa prof ko na maga-advance ako dahil may importante akong pupuntahan, mabuti na lang at pumayag siya, dinala ko na rin yung banner na ginawa ko para sa kaniya. Start ng five pm ang performance nila kaya kailangan kong maka-uwi kaagad.

Kabadong-kabado habang hawak-hawak ko ang ballpen ko, nakatitig lang ako sa test paper ko at hindi alam ang isasagot, hindi ko alam kung sa exam ba ako kinakabahan o mamaya sa performance ni Jennie.

May part na sa akin na gustong pigilan si Jennie na sumayaw pero hindi pwede dahil operation ng Papa niya ang nakasalalay doon, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng husto, first time ko kabahan ng ganito sa buong buhay ko. Kaya nang matapos ang exam ay kaagad akong pumunta sa gym kung saan gaganapin ang event.

Sa kasamaang palad ay nahuli ako, pero sakto naman akong naka-upo katabi nila Mommy ay tinawag na ang grupo nila Jennie. Mabilis kong inilabas ang banner ko at itinaas yun.

"GO JENNIE!!!" Sigaw ko, sinabayan naman ako ng mga kapatid niya.

Nung magsimula na ang tugtog ay agad silang sumabay, nagpalakpakan naman ang mga nanunuod, hindi pa rin nawawala yung kaba ko, pakiramdam ko buo kong katawan ay nanginginig sa di malamang dahilan.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasayaw ay natahimik ang lahat ng bigla na lang matumba si Jennie sa gitna, parang huminto ang buong paligid dahil sa katahimikan, yung kaba na nararamdaman ko kanina sa school ay mas lalong nadagdagan ng makita ko siyang buhay-buhat ng mga crew papunta sa backstage.

"S-Si... S-Si J-Jennie." Gulat na sabi ng Mama niya.

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na pumunta sa likuran. Kitang-kita ko siyang inilagay sa ambulance kaya sumunod na ako.

"Jennie!" Tawag ko sa kaniya pero nawalan siya ng malay, kaya agad kong tinawagan si Mommy at sinabing papunta kami ng hospital.

Nang makarating kami sa hospital ay kaagad siyang dinala sa emergency room, hindi ako mapakali sa labas dahil sa kaba, hanggang sa makita ko sila Mommy.

"Nasaan ang anak ko?" Tanong ni Tita, sakto namang lumabas yung doctor at sinabing critical ang lagay ni Jennie.

"Nabali ang buto niya sa binte, pati ang kaniyang mga muscle ay namamaga na." Lahat kami ay natigilan.

Lalo kaming nagulat ng biglang sumigaw si Jennie sa loob kaya mabilis kaming pumasok, doon ay kitang-kita ko ang paghihirap niya, sakit na sakit siya. Gusto ko mang pigilan ang luha ko ay hindi ko na nagawa.

"Hindi na siya magtatagal, I'm sorry." Yun ang huli kong narinig sa doctor after 2 weeks na nandito si Jennie sa hospital. After ng gabing yun ay hindi na siya nagising.

Sa dalawang linggo na din na yun, umiiyak akong pinapractice yung tinuturo niya sa aking sayaw. Lumuluha akong sumasabat sa tugtog kahit hip-hop naman ang sinsayaw ko.

Iyak ako ng iyak habang sinasayaw yung paborito niyang tugtog. Ang sakit. Ang bilis mong nawala Jennie. Paano na ako nito? Mag-isa na lang akong sasayaw? Hindi mo na makikita kung marunong na ba ako o hindi? Akala ko ba sasayawin nating dalawa? Akala ko ba, ako yung huli mong isasayaw? Nasaan kana? Ang daya-daya mo, iniwan mo na ako.

END.

🍒KATHA <3

PS: DO NOT COPY WITHOUT MY PERMISSION!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top