BFF

"BFF"
  By: Janna

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated sa mag-jowa na 'to, Kurt and Vimmia.

_____

"Hoy, Kurt, alam mo na ba kung anong section mo?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Ken.

"Hindi pa nga eh, kanina pa ako naghahanap dito, hindi naman ako makasingit sa dami ng tao." Reklamo ko.

Napakamot na lang ako sa ulo ko habang tinatanaw sa malayo ang listahan ng mga estudyante dito sa room 15.

"Wala dito, mga lower section naman 'to eh." Rinig kong reklamo ng isang estudyante.

"Kaya nga, baka do'n tayo sa room 5, tara." Sabi naman ng kasama niya.

Nang makaalis sila sa harapan ay kaagad kaming pumunta do'n ni Ken.

"Wala ang akin, sa'yo?"

Hinanap ko ang pangalan ko at nakita ko yun, salamat naman at hindi na ako maghahanap.

"Nandito na," sagot ko. Nagpaalam na siya sa akin na aalis na dahil hahanapin niya pa ang pangalan niya. Ako naman ay napatingin sa loob ng classroom.

May ilan ng tao doon kaya pumasok na lang din ako, umupo ako sa pinakadulong upuan kung saan halos walang tayo. Maya-maya pa ay may pumasok na apat na lalaki, they laughing while walking inside the room.

"Bakit kasama kayo dito sa lower section?" Natatawang tanong ng isa.

"Malay ko, wala naman sinabi na lower ito eh, baka ramble ang pagpili nila." Sagot naman ng isa.

"Hindi ko tanggap na kasama ko kayo." Sabi naman ng isa.

Umupo sila sa harapan ko. Ako naman ay pinasak ang earphones ko sa tenga ko at pinakinggan ang kanta ni Olivia Rodrigo.

Olivia's music is my comforter, it make made me happy everytime I listening to it.

Maya-maya pa ay pumasok na ang adviser namin at nagpakilala. Kagaya ng laging ginagawa kapag first day of school, introduce yourself.

Nakikinig lang ako sa likod dahil sa unahan ang unang magpapakilala. Wala man lang akong natandaan sa nga pangalan nila.

Hanggang sa napukaw ang attention ko sa isang babaeng nagpakilala.

"Hi, good morning everyone, my name is Vimmia Rantacan, 14 years old." Pakilala niya, hindi ko na naintindihan ang sinabi niyang iba dahil nakita ko na lang ang sarili kong nakatulala sa kaniya.

Vimmia is so cute, no, pretty, she's pretty.

Unang pasukan kaya walang klase, kahit unang pasukan pa lang ay magulo na ang mga kaklase ko at nagtatanungan ng kung ano-ano.

Isusuot ko na ulit sana ang earphones ko at makikinig ng music pero bigla na lang may lumapit sa akin.

"Hey Kurt, do you know me?" Nakangiting tanong ni Mark na kaklase ko dati na hanggang ngayon ay kaklase ko din pala.

"Bakit?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" Napalakas ang tanong niya kaya napatingin sa amin yung iba naming mga kaklase.

"Oo nga, ang daming bakante sa harap oh," kinabahan naman ako bigla ng sumingit si Vimmia at lumapit pa talaga sa akin. "Dito ka na lang sa tabi namin, may bakante pa naman eh." Dagdah niya pa.

"Para kang introvert, di ka naman ganiyan dati." Sabi pa ni Mark. Babatukan ko na 'to mamaya eh.

Hindi ba pwedeng pa-mysterious muna tayo sa first day of school na kunwari introvert. Panira talaga kahit kailan eh.

"Sige, e-expose mo pa ako." Sagot ko sa kaniya at inambahan siya ng suntok pero mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.

Hiyang-hiya naman akong tumingin kay Vimmia na nakangiti pa rin sa akin.

"Vimmia nga pala," pakilala niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. "Ikaw?"

"Kurt!" Pakilala ko rin at tinanggap ang kamay niya.

Shit, her hands is so soft, parang walang trabaho.

"Do'n ka na umupo sa amin, may bakante pa do'n." Sagot niya naman at hinila na ako papunta sa harapan.

After that, sabay kaming nag recess ni Vimmia kasama yung iba naming kaklase.

Gano'n palagi ang routine namin, simula nun naging magkaibigan na kami at matatawag ko nang best friend si Vimmia dahil kapag may problema ako siya lagi ang nalalapitab ko at gano'n din naman ako sa kaniya.

We know each other a lot na para bang magkapatid na kami at ayaw kong masira yun.

Gustong-gusto ko palagi ang presence niya, gustong-gusto kong palagi ko siyang kasama kahit sa man kami pumunta, pero may pagkakataon pa rin talaga na kahit gaano mo kagustong kasama yung isang tao hindi pwedeng ipilit.

"Sorry, hindi ako makaka attend ng birthday mo eh, may emergency kasi sa family namin and kailangan kong umuwi ng city." Nanlumo naman ako sa sinabi ni Vimmia.

"Gano'n?"

"Sorry talaga, hayaan mo babawi ako sa'yo." Napangiti ako ng banggitin niya yun.

Malungkot man na hindi ko siya kasama ay nabuhayan naman ako ng loob dahil sinabi niyang babawi siya.

Tinupad niya naman yung sinabi niya, bumawi siya sa akin pagbalik niya.

Subrang bait ni Vimmia, palagi niya akong tinutulungan sa mga school works ko dahil ang hina ko pagdating sa acads, samantalang siya kasama pa sa honor list, hindi ko alam kung bakit sa lower section siya napunta eh, dapat sa higher section kasi matalino siya.

"Vim, may sasabihin ako sa'yo." Bulong ko sa kaniya habang kumakain kami. Nakangiti naman siyang humarap sa akin.

"Ano yun?" Nakangiti niyang tanong.

"I think I like her." Tinuro ko si Kristal sa section 1 na katabi lang ng room namin, napatingin naman doon si Vimmia at kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang mga labi. "Ang ganda niya 'no?" Dagdag ko.

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"O-Oo, ang ganda niya," sagot niya naman. Tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya sa tabi ko. "Oo nga pala, pinapatawag ako ni Ma'am sa office, may sasabihin daw siya eh, una na ako ha, thank you nga pala sa ice cream." Mabilis siyang umalis kahit wala pa akong masasabi.

"Anong nangyari do'n?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Sa totoo lang sinubukan ko lang si Vimmia, una pa lang gusto ko na talaga siya, pero natatakot akong umamin dahil baka hindi kami pareho ng nararamdaman, natatakot ako na baka mawala yung pagkakaibigan namin. Ayaw kong mangyari yun.

Kaya pinipilit kong magkagusto sa iba na katulad niya ang personality, pero hindi ko kaya. Sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko.


And her birthday come. Hindi ako pwedeng mawala kaya nag-ayos talaga ako ng sarili ko, bumili ako ng regalo for her. Sana lang magustuhan niya.

This time, balak ko na ding umamin sa kaniya, kahit hindi niya ako gusto, ayos lang, basta masabi ko lang ang nararamdaman ko.

Kung layuan niya man ako, siguro maganda na yun.

"V-Vimmia," tawag ko sa kaniya, kinabahan ako lalo nang humarap siya sa akin. Shit, ang ganda niya. Ngumiti siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Para sa akin ba yan?" Tanong niya at tinuro ang regalo ko.

"A-Ah... O-Oo, para sa'yo yan, I hope you like it." Sagot ko naman.

"Pasok ka, maraming pagkain sa loob, thank you ha." Sagot niya naman.

"Happy birthday." Bati ko sa kaniya at inabot ang gift ko.

"Thank you, oo nga pala may bisita ako, nando'n si Kristal sa loob, di ba crush mo yun?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"H-Huh?"

"Sus, Kurt, sige na, nando'n siya sa loob-"

"Vimmia!" Putol ko sa kaniya.

"Oh?"

"Ikaw ang gusto ko!" Mabilis kong sabi sa kaniya na ikinagulat niya.

Narinig ata yun ng iba niyang bisita na nandito sa labas kaya napatingin sa amin.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Natatawa niyang tanong.

"Hindi ako nagbibiro, gusto talaga kita," Sagot ko sa kaniya. "Ayaw ko lang umamin nung una kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin at ayaw kong layuan mo'ko, pero ngayon hindi ko na kayang itago pa ito ng matagal," Dagdag ko. Hindi siya nakasalita at nakatitig lang sa akin. "Pero ngayon handa na ako, kung hindi man tayo pareho ng nararamdaman, ayos lang, tatanggapin ko kung lalayo ka na sa akin."

"Sinong lalayo?" Natatawang tanong ni Kristal kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit hindi ka na umamin Vimmia kay Kurt? Pagkakataon mo na 'to para sabihin sa kaniya na you like him." Pinanlakihan ni Vimmia ng mata si Kristal pero ang isa ay natatawa lang.

So, she likes me too?

"Aamin na yan! Aamin na yan!" Panunukso ng ilan sa mga kaklase namin.

Naiinis naman si Vimmia na tumingin sa akin

"Kainis ka naman, hindi pa ito yung time para sabihin ko sa'yong gusto kita pero inunahan mo na kaya, Oo gusto kita matagal na," sabi niya at napangiti naman ako. "Kaya nung sinabi mong gusto mo si Kristal ay nalungkot talaga ako nun at gusto kitang sigawan pero hindi pwede kasi wala naman akong karapatang mag selos." Dagdag niya pa.

Mabilis ko siyang niyakap nang sabihin niya yun.

"Thank you." Sabay naming sabi at natawa.

____

"Nakakatakot umamin sa best friend, pero bakit ayaw nyong subukan? Ayaw nyo ba makasama yung kaibigan ko habang buhay?" Nagkatingin kami ni Vimmia nang marinig namin ang magkakaibigan na kumakain sa restaurant.

After 8 years, mayro'n na kaming sariling bahay at balak na naming magpakasal.

Tama, hindi masamang umamin sa kaibigan, habang buhay na kaming magsasama ni Vimmia at habang buhay siya pa rin yung best friend ko.

My best friend forever.

💜 K A T H A 💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top