AT LEAST WE MET

"AT LEAST WE MET"
   By: JustUnUglyGirl

•𝚆𝙾𝚁𝙺 𝙾𝙵 𝙵𝙸𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
•𝚃𝚈𝙿𝙾 𝙰𝙽𝙳 𝙶𝚁𝙰𝙼𝙰𝚃𝙸𝙲𝙰𝙻 𝙴𝚁𝚁𝙾𝚁𝚂
•𝙿𝙻𝙰𝙶𝙸𝙰𝚁𝙸𝚂𝙼 𝙸𝚂 𝙰 𝙲𝚁𝙸𝙼𝙴
•𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙵𝙾𝚁 𝙲𝚁𝙸𝚃𝙸𝙲𝙸𝚂𝙼

This story is dedicated to Mr. Zeicred. Not a real story, but a FICTION. Enjoy reading. Mwuah 😽❤️

"Ready ka na ba?" Tanong ko kay Lisa. Tumingin muna siya sa akin bago tumango at bumuga ng hangin. Kita ko ang kaba sa kaniyang mukha. "Hinga ka muna ng malalim." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Ilang beses ba dapat ako hihinga ng malalim para mawala ang kaba ko?" Mabilis niyang tanong at halatang kabadong-kabado. Natawa naman ako sa kaniya kaya ayun, nakatanggap ako ng hampas sa braso. "Huwag ka ngang tumawa, lalo mo akong pinapakaba eh." Dagdag niya pa.

"Ano ka ba? Wag kang kabahan, sila Mama at Papa lang yan oh." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Yun na nga, sina Tito at Tita, paanong hindi ako kakabahan? What if hindi nila ako tanggap? What if ayaw nila ako para sa'yo? What if iba talaga ang gusto nila at hindi ako?"

"Ano ba?! Ako naman ang magmamahal sa'yo hindi sila, nandito tayo sa bahay para ipakilala kita bilang girlfriend ko." Medyo galit kong sabi sa kaniya.

"Oo na, oo na." Huminga ulit siya ng malalim at this time sinabayan ko na siya dahil pati ako kinabahan bigla.

Sabay naming binuksan ang pinto ng bahay namin at bumungad naman sa amin si Papa na nanunuod ng Tv. Kaagad akong lumapit sa kaniya para mag-mano, bigla namang lumabas si Mama galing sa kusina at gano'n din ang ginawa ko, sinundan naman ito ni Lisa.

"Good evening po." Bati niya kay Mama at Papa.

Nagtataka namang tumingin sa akin si Mama at Papa, alam ko na ang iniiisip nila, pero bago pa man ako magsalita ay bumaba na si ate galing sa taas.

"Oh Ivan, sino yang kasama mo?" Tanong niya na mas lalong nagpakaba sa akin.

Kainis naman, paano ko ba 'to sisimulan. Kinalabit naman ako ni Lisa.

"A-Ah Ma, Pa, s-si L-Lisa po, g-girlfriend ko." Utal-utal kong pakilala kay Lisa, napapikit naman ako matapos kong sabihin yun.

Hindi ko alam kung anong reaction nila dahil bigla akong napapikit sa subrang takot kong baka hindi nila matanggap si Lisa. Kagaya ni Lisa kanina, marami na ring 'what if' ang pumapasok sa utak ko.

"Ah ikaw pala si Lisa, hali ka, tikman mo yung niluto kong adobo." Dahan-dahan akong napamulat nang sabihin yun ni Mama.

'Ikaw pala si Lisa?' how did she knows?

Nginiritan naman ako ni Lisa bago sumama kay Mama sa kusina, lumapit naman sa akin si Ate at inasar ako.

"Ikaw nagsabi kay Mama 'no?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasalanan ko bang pakalat-kalat ang mga picture niya sa kuwarto mo." Natatawa niya namang sagot at iniwan ako.

After 4 years sa wakas napakilala ko din siya sa parents ko, hindi ko na kailangang magtago pa para lang makipagkita sa kaniya.

After those scenes in our house, naging masaya naman kaming dalawa but there's a sad news I heard from her friends.

"Aalis ka?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa akin pero nanatili akong nakatingin ng deritso.

"How did you know?" Tanong niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mahinahon kong tanong. "Wala ba akong karapatang malaman kung anong nangyayari sa buhay mo?" Dagdag ko pa.

This day is supposedly our date dahil bukas ay monthsarry namin, pero simula nung nalaman kong aalis siya parang wala na akong gana sa lahat.

"Nahihirapan pa akong banggitin sa'yo eh, pero matagal pa naman, after graduation pa-"

"2 months na lang, Lisa!" Sagot ko sa kaniya. "after 2 months aalis ka na, paano na ako?" This time, tumingin na ako sa kaniya ng deritso.

"Bakit, kapag umalis ba ako maghihiwalay na tayo? Kapag umalis ba ako wala nang tayo? Ivan, aalis ako para mag-aral, hindi para kung para saan lang."

"Pero ang layo nun, hindi na tayo magkikita, kailan pa?"

"Anong silbi ng cellphone? Ang video call?!" Galit niyang tanong sa akin. "Ivan, it's for my future, kung ako lang ang tatanungin ayaw ko mag-aral sa Canada!" Sigaw niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya, iniisip ko lang na paano kapag umalis siya? Paano kapag nakahanap siya ng iba do'n? Paano na ako? Kahit pa araw-araw kami magka-usap, kahit pa araw-araw kaming mag-usap, hindi pa rin maaalis sa utak ko ang mag-overthink.

Then our grade 12 graduation start, hindi ko magawang ngumiti kahit pa may award akong natanggap, yung utak ko nando'n pa rin sa pag-alis niya.

Wala man lang kaming picture. Miski magpansinan ay hindi namin nagawa.

After this day, ilang araw at oras na lang ang bibilangin ko ng kasama ko siya. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil desisyon yun ng mga magulang niya.

I spend time with her, treat her everything she wants para lang maging masaya siya bago siya umalis. Pati mga kaibigan namin nag-set ng overnight para makapag-bonding kaming lahat.

"I promise na no matter what, maghiwalay man tayo di kita ipagpapalit." Nakangiti akong napatingin sa kaniya nang bigla niya yung banggitin. "Hindi ko nakikita ang sarili ko na hindi ikaw yung boyfriend ko, Ivan." Dagdag niya pa. Naka-upo kami ngayon sa isang tumbang puno ng niyog habang nakaharap sa dagat.

"Pag naghiwalay tayo wala ng kasunod, Ivan." Tumingin siya sa akin ng deritso, "I promise aayusin natin lahat."

Pinanghawakan ko yun kaya gumaan ang loob ko, hindi na ako natatakot na malayo siya kahit pa mahirap.


3 days after, nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa erplanong sasakyan niya, wala akong magawa, hindi sapat yung yakap at halik na binigay namin sa isa't isa.

Kumaway siya sa akin at ngumiti bago tumalikod at tuluyan ng umalis.

"Baka makahanap yan doon ng foreigner haha." Kinabahan ako sa sinabi ni ate. Although may tiwala naman ako sa kaniya hindi lang talaga maalis sa isip ko na baka nga may makita siyang iba.

'Nangako si Lisa, Ivan.' yan na lang ang palagi kong tinatatak sa utak ko para hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano.

First week niya sa Canada nahihirapan siya mag-adjust, nagkaka-usap pa kami pero minsan na lang dahil nga magka-iba ang oras namin pareho. Minsan nagpupuyat ako para lang makausap siya, may time pa na kahit nasa school ako ay kausap ko siya dahil yun lang ang bakanteng oras niya.

Hanggang sa once a day ko na lang siya nakakausap dahil nga sa schedule at na busy siya sa school. Hindi ko na alam ang gagawin ko, palala na ng palala yung pag-o-overthink ko.

Idagdag pa na nagkaroon kami ng problema sa bahay, gulong-gulo na ako, hindi ko na alam ang uunahin ko, cold na nga replies ni Lisa, iyak pa ako ng iyak dahil sa problema na hindi ko alam paano namin susulusyunan.

Kapag tinatanong ko naman siya ay palaging 'wala' ang sagot niya, pero nagdududa na talaga ako. Hanggang sa tumawag siya sa akin kaya excited akong sinagot yun dahil wala rin kaming pasok. Pero naiinis ako, galit ako sa lahat pero pinilit ko maging kalmado.

"Hi Love, hows school?" Nakangiti kong tanong sa kaniya matapos kong sagutin ang cellphone.

"Ivan," her voice made me think for sa seconds, para siyang walang gana sa pagbanggit ng pangalan ko, bakit hindi niya ako tinawag na 'love'? "Hindi ka ba napapagod?" Napa-upo ako sa kama ko nang tanungin niya yun.

Ito na ba yun? Ito na ba yung results ng palagi kong pag-o-overthink?

"W-What do you mean? Wala naman kaming pasok ngayon kaya hindi naman ako pagod, ikaw ba? Gabi na diyan sa inyo, baka pagod kana, pwede ka naman ng magpahinga." Mabilis kong sagot sa kaniya.

"No Ivan." Natahimik ako at hindi nagsalita.

"Kung ano man yang sasabihin mo, please wag mo na ituloy."

"Ivan pagod na ako, ni hindi nga tayo magtugma oh-"

"T*ng*n*, mahal kita eh, paano ako mapapagod? Kung pwede nga lang lumangoy ako papunta diyan sa'yo gagawin ko eh, kailan man hindi ako mapapagod na mahalin ka."

"Paano ako, Ivan? Pagod na akong mahalin ka, pagod na akong intindihin ka, puro ka overthink, puro ka tanong na wala namang silbi, pakiramdam ko nga nawawalan ka na ng tiwala sa akin eh, nakakasawa na!" Sigaw niya sa akin.

"I'm sorry, mahal lang naman kita kaya ako nagkakaganito, natatakot lang naman ako na baka makahanap ka ng iba-"

"Yun na nga eh, sa kaka-ganiyan mo, napagod na ako, nanawa na ako! Mabuti pa, maghiwalay na tayo, tama na Ivan, wag na tayo maglukuhan dito!"

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Bahagya siyang tumango. "Oo nga nakakapagod, pagod na din ako sa buhay ko, hindi ko na alam paano ako babangon sa umaga dahil sa mga problema ko, siguro nga tama na muna." Sagot ko sa kaniya.

Baka kahit isang problema lang ang mawala, gagaan kahit papaano ang buhay ko.

We decided to broke up. Pareho naming gusto, pareho kaming napagod.

Nung ayos na kami sa bahay, I tried to contact her, ginawa ko lahat para makausap siya ulit.

"Love, how are you?" Tanong ko.

"Ivan, can you stop calling me? It's bothering me, nag-aaral ako eh." Inis niya namang sagot sa akin.

"Oh, I'm sorry, di na mauulit-"

"And one thing, wala na tayo."

"Lisa, akala ko ba aayusin natin?"

"Ang alin? Tapos na tayo, hindi na pwedeng maging tayo ulit, kailan man hindi na mababalik ang natapos na." Sagot niya.

"But-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ay pinatayan niya na ako ng tawag. Pilit ko siyang tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot, pati sa messenger hindi niya rin ako nerereplyan. Iyak na ako ng iyak habang sinusubukan ko siyang tawagan.

"Sagutin mo please." Paki-usap ko sa hangin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nung time na yun, nanghingi ako ng tulong sa mga kaibigan niya pero maging sila ay wala rin akong nakuha.

I tried many times asking her to come back to me, but she refused, kesyo mahirap ang pag-aaral niya, hindi niya na daw mapagsabay ang studies at pagkakaroon ng boyfriend.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak na kang ng umiyak, tapos kapag nasa school tawa naman ng tawa. Gusto kong magwala pero para saan pa?

"Miss ko na si Lisa Avi. Miss na miss ko na siya." Umiiyak kong sabi kay Avi, kaibigan niya na kaibigan ko rin.

"Ivan, tama na, nakakarindi ka na, oras-oras na lang si Lisa lagi ang bukang bibig mo." Inis niyang sabi sa akin. Palagi na lang kasi siya ang takbuhan ko tuwing nami-miss ko si Lisa.

"Miss na miss ko na siya." Bulong ko pa.

"I have a bad news." Pinilit kong makinig sa kaniya.

"What?"

"Tumigil ka na kaka-asa sa kaniya, shes already have a boyfriend, at legal na sila." Natulala ako sa sinabi niya.

Hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako sa kaniya habang pinipilit ko mag sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya. Agad-agad?

Iyak ako ng iyak ng malaman ko yun. Wala ba siyang respeto? 4 years, pinaghirapan ko siyang ipakilala sa pamilya ko sa loob ng 4 years, tapos yung bago niya, legal agad?

That time, exam namin tulala ako, walang review, para akong lantang gulay nung papasok ako sa room, pero nung pagpasok ko, tumatawa pa ako at nakikipagbiruan ss mga kaklase ko. Pero ang results ng exam, bagsak. Ang sakit eh. Ang sakit-sakit.

Paano na ako nito ngayon? Paano na yung mga pangako niya? Bakit hindi niya tinupad? T*ng*n*, hindi ko matanggap. Pero kahit na gano'n, at least we met.

✨KATHA~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top