ANG AKING LALAKING KAIBIGAN

This story is dedicated to hemshie

***

"Aixel san ka pupunta?" Tanong ng kaibigan kong lalaki, nakita nya kase akong palabas ng bakuran dala dala ang aking bike.

"Tatae, sasama ka?" Tanong ko at inirapan sya.

"Sige ba," sagot nya at ngumisi, mas lalong akong napairap sa kanya. Kung malapit lang sya malamang nabatukan kona sya. "San ka nga?" Natatawa nyang tanong.

"Sa mini store, may bibilhin lang." Sagot ko naman.

"Samahan na kita, sandali kukunin ko lang ang bike ko." Sabi nya, hindi pa ako nakakasalita ay pumasok na sya sa garahe nila para kunin ang bike nya.

Sya si Hemar, boy best friend ko, mag kapitbahay na kami since grade 1, sya yung lagi kong kasama sa away, iyakan, tawa at kaguluhan. We're in highschool, pa-graduate na kami isang year na lang, halos sya ang nakakasama ko sa araw araw kong buhay. Hemshie naman ang tawag ko sa kanya sakin naman minsan Ai minsan naman panget, depende sa mood nya.

Our parents is always busy in our business, saktong ding magkasyoso ang mga magulang namin sa isang business, kaya okay lang sakanila na mag kasama kami lagi.

"Tagal mo naman." Reklamo ko dahil kanina pa ako nag hihintay.

"Sorry na ba, ito na nga eh paalis na." Sinarado ko ang gate namin at ganon din ang ginawa nya, pareho kaming only child of our parents kaya naman iniingatan talaga kami at syempre di mawawala yung pagka spoiled namin.

"Bilisan mo." Usal ko at nag simula nang mag pidal ng bike ko. Nakarating ako sa mini store at kasunod ko naman sya.

Matapos iparada ang bike ay pumasok na kami, bumili lang ako ng pagkain ko dahil mag aaral ako mamaya, mas gusto ko kase yung may kinakain habang nag re-review.

"Gusto mo ice cream?" Tanong ni Hemar. Ipinakita nya sakin ang chocolate flavored na Cornetto at tumango naman agad ako, alam kase nya na paborito ko yun.

Napangisi sya bago kumuha ng dalawa, chocolate ang sakin at milk naman yung sa kanya. Favorite nya ang milk samantalang chocolate naman sakin.

Matapos kong mamili ay umupo muna kami sa may upuan sa labas ng mini store habang kumakain ng ice cream.

"Panget," tawag sakin ni Hemshie. Tinaasan ko sya ng kilay dahil mukhang pagti-tripan na naman nya ako.

"Mas panget kapa sakin, mukha mong yan." Sabi ko at inirapan nya, napa tawa naman sya bago sabihing-

"Ang dungis mo," Natatawa nyang saad at tumingin sa malayo. "Pano kaya ako magugustuhan ni Althea?" Biglang tanong nya na nagpatulala sakin.

Althea is he's crush since tumuntong kami ng grade 10, nung unang pasok pa lang pag uwi namin sya na agad ang kinukwento nya sakin, na si Althea daw maganda, mabait, minsan naman nilalait nya na maliit, hanggang sa umamin nga sya na may gusto sya sakin na may gusto sya dito.

"I don't know." Tanging sagot ko kase diko naman talaga alam, ako ba si Althea? But I wish I was her.

"Ang panget mo na nga, ang panget mo pa kausap, syempre babae ka, kaya alam mo dapat kung paano magustuhan ang lalaki." Usal nya, hindi ako tumingin sa kanya at patuloy ba kumain ng ice cream.

"Yeah I'm a girl, pero hindi ako si Althea, pano ko malalaman kung anong gusto nya sa lalaki?" Saad ko naman.

"E ikaw ba? Sinong nagugustuhan mo?" Tanong nya, hindi na ako nagulat don dahil yan naman lagi ang tanong nya, never akong umamin sa kanya kung sino ang crush ko, pero si mommy at daddy alam nila.

"Wala akong crush, dipa ako ready sa mga ganyan, alam mo naman, study first." Natatawang saad ko.

"Corny, pwede namang magka crush kahit nag aaral ah." Inirapan na naman nya ako.

"Paki mo ba? E sa ito ang gusto ko eh, atsaka, bata pa tayo diko pa iniisip ang mga ganyan." Dagdag ko pa.

"Bata o.-" he paused and stared at me. "Hindi ka gusto ng crush mo?" Napatitig ako sa kanya at hinampas sya.

"Ang sama mo." Sagot ko at patuloy syang pinapalo. Yeah, you didn't like me and you didn't know that you're my crush since day 1.

"Totoo 'no? Ang panget mo kase kaya dika magustuhan ng crush mo." Saad nya pa at patuloy akong tinatawanan.

Masaya na ako sa lagay namin ngayon, di naman ako nag e-expect ng kung ano, tama na sakin yung makita sya araw araw, maka sama sya araw araw, makasama sa tawanan, asaran at kadramahan sa buhay.

Hindi ako umaamin sa kanya kase natatakot akong baka mawala yung pagkakaibigan namin, natatakot ako na baka hindi nya ako gusto at kapag umamin ako baka di nya ako pansinin.

Bakit kase di na lang pwedeng yung taong gusto mo 'e gusto ka rin? Bakit hindi pwedeng mag mahal ng hindi nasasaktan? Kailangan bang masaktan kapag nag mamahal?

"Ai, kakain na." Tawag sakin ni Manang, iniwan ko yung ginagawa kong project sa sala at pumunta na sa dinning table.

"Sila Mommy at Daddy?" Tanong ko.

"Wala pa eh, baka di kana masasamahan mang dinner." Sagot naman nya.

"Always." Sagot ko at nagsimula ng kumain nang mag isa. Lagi naman silang ganyan, laging wala sa bahay, laging wala sa event ng school kapag kailangan sila, kaging wala sa mga Awarding ko, puro na lang si Manang ang kasama ko, buti pa si Hemar kapag important events sa buhay nya nandiyan lagi ang parents nya.

Matapos kumain ay binabad ko ang sarili ii sa kakaaral, baka kahit dito manlang maging proud sila sakin at makita nilang may anak pa sila.

Diko napansin na hating gabi na pala, andito pa din ako sa sala, di manlang sila umuwi, miski tawagan ako ay di nila ginawa.

Napa buga ako ng hangin bago umakyat sa kwarto ko, pagbagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama habang umiiyak.

"Panget, Ai... Gising na dali may pupuntahan tayo."

"Hmm? Ano ba!? Kita mong natutulog pa yung tao oh!!?" Irita kong saad kay Hemshie. Bakit ba nandito ito?

"Ayaw mo ba? Diba sabi ko sa'yo tuturuan kitang mag drive ng kotse?" Napa bangon naman ako bigla sa sinabi nya.

"Ngayon ba yun?" Takang tanong ko at napakamot sa ulo. Habang pupungay pungay pa ang mata dahil sa antok, late na ako natulog kagabi 'e.

"Oo, kaya bilisan mo na, aantayin kita sa bahay." Sagot nya naman, he tap may head bago lumabas. Napa tulala ako sa ginawa nya, nagtatalon ang buong kalamnan ko dahil don.

Binibilang ko kung ilang beses nya na bang nagagawa sakin yun, hindi ko alam kung bakit pero bilang ko talaga. Pang three times nya nang ginagawa yun sakin. Hindi sya mahilig sa ganon pero malaking epekto non para sakin.

I was in hurry to note it on may diary, lagi kong sinusulat doon kung kailan nya ginawa sakin yun.

Naka ngiti ako habang naliligo at di mapigilan na tumili pa, masayang masaya ako habang nag aasikaso, kay Manang na ako nagpaalam na aalis dahil wala naman sila mommy.

Hindi ko sinabi sa kanya na tuturuan ako ni Hemshie mag drive dahil alam kong isusumbong nya ako kay mommy.

"Bilisan mo, sakay na." Tuwang tuwa akong sumakay at nag maneho na nga sya, pumunta kami sa lugar kung saan walang masyadong dumadaan na sasakyan.

Tinuruan nya ako simula sa umpisa, kung paano paandarin ang kotse, kung saan hihinto, paano mag preno, at marami pa.

"Preno!!!" Sigaw nya at agad ko namang ginawa yun, kabadong kabado kami pareho dahil nalapit na naming mabunggo ang puno ng mangga.

"Muntik na." Usal ko at hingal na hingal.

"Buti di tayo natuluyan," saad nya at naka hinga ng maluwag, "dadalhin mo ata agad ako sa langit 'e."

"Ang tanong don kaba pupunta kapag namatay ka? Sa kademonyohan mo pati si Satanas tatanggihan ka." Natatawang saad ko at nag simula muling mag maneho.

Binatukan nya lang naman ako bilang ganti sakin, inirapan ko lang sya at nagpaturo muli. Tinuruan kase sya ng daddy nya, ako naman ayaw nila turuan dahil baka daw kung saan saan na ako maka abot.

Nang mapagod ako at medyo kuha ko na rin naman, sya na ang nag drive papunta sa restaurant para kumain kami.

"Dahil napagod ako sa pagturo sa'yo, hindi yun free, may bayad yun kaya ililibre mo ako ngayon." Naka ngisi nyang saad.

Inirapan ko lang sya bago tumawag ng waiter para umorder na kami. Ang saya nya habang kumakain dahil first time daw akong nanlibre sa kanya, samantalang ako naman laging nanlilibre.

"Mabulunan ka sana." Sagot ko sa pang aasar nya. Lagi na lang akong pinag ti-tripan.

"Manang, nakita nyo ba yung notebook ko sa kwarto ko?" Tanong ko kay Manang habang bumababa ng hagdan.

"Hindi, bakit?" Tanong nya pabalik.

"Nawawala po kase 'e, sino po ba ang nag linis ng kwarto ko?" Medyo naiinis na ako dahil diary ko yun.

"Hindi pa ako nakakapag linis ng kwarto mo 'e, baka naiwan mo lang sa kung saan?" Hindi ko na sya pinansin at nag patuloy sa pag hahanap, wala naman sa sala at sa garden, dito lang naman ako madalas nag aaral kapag nasu-suffocate ako sa kwarto ko.

"Ayus lang yan, makikita mo rin yun." Saad nya at ginulo ang buhok ko. Shittt pang apat na. Nakakarami na sya, napapadas ata ang pag tap nya sa ulo ko.

Pinigilan ko ang pamumula dahil don, nandito kami ngayon sa school at nag aaral.

"Ano nga yung sagot kanina sa English?" Tanong ko sa kanya, pero hindi nya ako pinansin at nakipag tawanan sa mga kaklase nyang dumaan, kasama na don si Althea.

Napa hinga ako ng malalim bago niligpit ang gamit ko. Mas mabuti pang umalis kaysa mang gulo ako dito, nakaka isturbo ka lang naman Ai eh.

Mabilis ang naging kilos ko at agad na umalis doon. Diko naman kailangang ipagsiksikan ang sarili ko sakanila, mas mabuting ikaw na yung umiwas.

Mabilis ang naging klase namin kaya agad na rin akong umuwi sa bahay dahil marami pa akong project at assignment na tatapusin.

"Ai may nag hahanap sa'yo sa baba." Tawag sakin ni Manang sa labas ng kwarto ko, kahit nag tataka ay bumaba ako.

Wala sya sa sala kaya lumabas ako at don nga naka tayo si Hemshie at naka talikod sakin.

"Bakit?" Mataray kong tanong at tinaasan sya ng kilay, dahan dahan syang humarap at gulat na gulat ako ng makita ang dala-dala nya. Shit that's my dairy.

"Nagtataka ka kung pano napunta sakin ito noh?" Naka ngisi nyang tanong, naging mabilis ang pag kilos ko at agad na inagaw sa kanya yun.

"P-pano napunta 'to sa'yo?" Kinakabahan kong tanong.

"Ako muna mag tatanong," bahagya syang lumapit sakin kaya napaatras ako. "Bakit ang galing mong mag tago ng nararamdaman mo?" Tanong nya na diko alan ang sagot.

Nanatili akong tahimik dahil kinakabahan ako, baka kung ano ang masabi ko kapag nagkataon.

"Kaya ba dimo masabi sabi sakin kung sino ang crush mo dahil ako pala yun?" Natatawa nyang tanong. Inirapan ko sya at papasok na sana sa loob ng bahay pero pinigilan nya ako at hinarangan ang pinto.

"Bakit ka natatakot umamin sakin? Alam mo bang matagal na din kitang gusto?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, titig na titig ang mga mata nya sakin na para bang may malaki akong kasalanan.

Natameme ako don at di naka sagot, napayuko na lang ako dahil sa hiya, Pano nangyari ito? Hanggang ngayon diko pa rin maisip na mangyayari ang araw na'to.

"Panagutan mo ako, may date tayo bukas 6 pm." Sigaw nya bago umalis sa harapan ko at tumakbo papunta sa bahay nila.

Yakap yakap ko ang notebook ko paakyat ng hagdan, nakatulala pa rin ako at dipa nag si sink in sa utak ko ang nga nangyayari.

Nakita ko na lang ang sarili kong bag aantay sa labas ng bahay dahil tinawagan ako ng kumag, dala nya ang kotse ng Daddy nya kaya malamang na medyo malayo ang pupuntahan namin. At tama nga ako dahil malayo talaga, dinala nya lang naman ako sa dagat.

"Naalala mo'to?" Tanong nya pagka baba namin, inalalayan nya akong mag lakad sa buhanginan.

"Sino ba namang hindi makakaalala ng ginawa mo sakin dito." Irita kong saad. Tumawa lang sya at di ako pinansin.

"Alam mo bang bawat labas natin ay para sakin isa yung date? Kase natatakot akong umamin sa'yo na baka iba ang gusto mo, natatakot akong masaktan kase kapag nangyari yun alam kong mawawala ka sakin." Saad nya, lumuhod sya gamit ang kanang tuhod at tumingin ng deretso sakin. "Pwede ba tayong mag date? Ng official?" Hindi ako naka sagot sa tanong nya, pero alam nya namang payag ako.

From that moment lagi na kaming lumalabas, lagi nya akong dinadala sa magagandang lugar kung saan nagiging masaya kaming dalawa.

One night umuwi akong subrang saya dahil dinala nya ako sa amusement park, subrang saya ng gabing yun pero nawala lahat yun dahil sa nadatnan ko sa bahay.

"San ka pupunta Albert? Don sa babae mo!?" Sigaw ni Mommy.

"Tumigil kang babae ka!? Bakit ikaw ba wala!? Anong meron sa inyo ni Zach!? Putangina bakit yung tatay pa ng kaibigan ng anak natin!?" Balik sigaw ni Daddy.

What?

Para akong nabinge sa mga sigawan nila at batuhan ng salita, bakit!?

Galit na galit ako sa kanilang dalawa kaya kinuha ko ang susi ng kotse ni Daddy at pinatakbo yun sa kung saan.

Tangina bakit ganon sila? Hindi ba nila inisip na may anak sila bago sila nag hanap ng ipapalit sa isa't isa?

At bakit tatay pa ni Hemar Mommy? Bullshit this is fucking bullshit. Tuloy tuloy ba umagos ang luha ko sa mga mata. Why this is happening in my life?

Aksidente kong naapakan ang Gas ng kotse kaya bumilis ang takbo, kabadong kabado ako at higpit na higpit ang hawak sa manubela.

Pinikit ko ang mata ko at sinadyang bitawan ang manubela, nakarinig ako ng ingay at isang pag sabog, takot na takot akong buksan ang mga mata ko kahit andami ko ng nararamdamang sakit.

"Ai!?" Sigaw ng isang lalaki, yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Ai? Honey, are you awake?" Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Daddy na mangiyak ngiyak. Tumawag sya ng doctor at don na naging malinaw sakin lahat, nasa hospital ako at andami kong galos.

Bakit dipa ako namatay? Bakit hindi pa ako natuluyan?

Lumuluha ako habang inaasikaso ng doctor, alalang alala si daddy kung bakit ako umiiyak.

"H-hemar..." Tawag ko sa pangalan nya.

"Hemar is not here honey," Sagot ni Daddy na nagpaiyak sakin ng husto. "Umalis sila ng pamilya nya at pumunta sa ibang bansa kasama ang... Ang mommy mo..." Don na sya tuluyang umiyak.

That's bullshit!!! That's fucking insane!!! Why the hell they do that? She's fucking mistress, she's fucking unforgivable!!!



I live my life with my dad, and hindi totoong nay kabit si daddy, yun lang ata ang paraan ni Mommy para makaalis samin. And hanggang ngayon galit na galit ako kay Hemar, wala manlang paalam, hindi manlang ako binisita sa hospital nung mga panahon na yun.

Now, I'm successful business woman, sinundan ko ang yapak ni Daddy, ako na ang namamahala sa company namin at nagpapatakbo nito. Dahil matanda na sya, tinutulungan nya na lang ako kapag meron akong hindi alam.

After 8 year's nagagawa ko ang mga bagay na ako lang mag isa, hindi ko na kailangan ng kaibigan na kagaya ng dati, hindi ko rin kailangan ng boyfriend dahil kaya kong mabuhay ng wala non.

Pauwi na ako bahay dahil ginabi ako pauwi, subrang lakas pa ng ulan kaya sa bahay na lang ako dumeretso dahil malapit lang at gusto ko ring makita si Daddy.

"Anak may bisita ka." Saad ni Daddy pag pasok ko ng bahay.

"Sino daw po?" Tanong ko at hinalikan sya sa noo.

"Hi panget." Dahan dahan kong inangat ang ulo ko sa lalaking nasa harapan ko, 8 year's? 8 year's kang walang paramdam tapos nandito ka ngayon sa harapan ko!?

Gusto ko sanang isumbat sa kanya kasi sino nga ba ako? Hindi naman naging kami dahil umalis sya na parang bula, hindi na nagpakita kailanman tapos ngayon? Nandito sya sa harapan ko na parang walang nangyari?

"L-long time no see." Saad ko at pilit na ngumiti.

Hindi pa rin sya nag babago, ganon pa rin ang ugali nya, pero bakit parang may mali? Bakit parang wala lang sa kanya na iwan ako dati ng walang paalam?

"Pwede ba nating tapusin ang naudlot nating pagmamahalan noon?" Nabitawan ko ang hawak kong nga papel dahil sa tanong nya.

"W-what?"

"Ai?"

"MATAPOS MONG UMALIS NG WALANG PAALAM? MATAPOS MOKONG IWANAN NG KUNG ANO ANONG KATANUNGAN NA DIKO MASAGOT SAGOT!? MATAPOS MONG HINDI SABIHIN SAKIN NA MAY NAMAMAGITAN SA DADDY MO AT MOMMY KO!? PARA SAN PANG MAHALIN KA HEMAR!? PARA SAN PA YUNG PAGMAMAHAL NA MATAGAL KO NG KINALIMUTAN SIMULA NG UMALIS KA!? HA!!? SABIHIN MO DAPAT KAPA BANG MAHALIN NG KAGAYA KO!!!!?" Galit kong sigaw sa kanya, tuloy tuloy na umagos ang luha ko sa mga mata dahil sa tindi ng galit na ngayon ko lang nalabas.

"A-ai?"

"DON'T FUCKING CALL ME TO THAT NAME!! YOU KNOW THAT I LOVE YOU SO MUCH AND YOU SAID YOU LOVE ME TOO, PERO NASAAN KA NUNG NGA PANAHONG KAILANGAN KITA?!? NASAN KA!? PUTANGINA UMALIS KA!! UMALIS KA NA HINDI MANLANG INISIP KUNG MAY MASASAKTAN KABA O WALA, TAPOS NGAYON BABALIK KA MATAPOS ANG WALONG TAON AT SASABIHING ITULOY ANG PAGMAMAHALAN NOON!!!? TANGA LANG ANG PAPAYAG HEMAR!!!!" Mahaba kong sabi at dinuro pa sya. Napayuko sya dahil sa di alam ang sasabihin, galit kong pinunasan ang luha ko at tinuro ang pinto.

"UMALIS KANA BAGO PA AKO MAY MAGAWA SA'YO." Sabi ko na sinunod naman nya.

Patakbo akong pumasok sa kwarto ko at nag kulong, iyak lang ako ng iyak at dina alam ang gagawin. Hanggang sa nakatulog na lang ako.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko subrang bigat nito, pati katawan ko subrang lamig sa pakiramdam kahit patay naman ang aircon.

"D-daddy!!" Sigaw ko, mahina lang yun dahil hirap ako magsalita, pero dumating naman si daddy.

"Gising kana pala, ang taas ng lagnat mo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, buti na lang dumalaw si Hemar kaya naisip kong sya muna mag alaga sa'yo, hirap na akong kumilos anak eh." Saad nya na medyo naiiyak na.

Hindi na ako naka react ng pumasok si Hemar na may dalawang tubig at bimbo. Hindi sya nag salita at inilagay lang yun sa nuo at lumabas na rin.

"Hindi mo ba talaga sya mapapatawad?" Tanong ni Daddy, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dina nagsalita.

Narinig ko naman na lumabas na si Daddy kaya natulog na lang ako ulit.

"Ai? Kumain ka muna," Rinig kong tawag ni Hemar, diko sya pinansin pero ramdam kong umupo sya sa uluhan ko at inayos ang tela na nakapatong doon. "Andami ko pa naman sanang gustong ekwento sa'yo, andami ko ring pasalubong na chocolate kase alam kong paborito mo yun, at pasensya kana kung umalis ako ng walang paalam... Binawalan kase ako ni Daddy na kausapin ka, but now? Kaya ko na, nay sarili na akong trabaho at gusto kong balikan ka at gusto kong bumawi sa mga kasalan ko sa'yo, gusto kong kasama ka sa bawat pahina ng aking kwento." Rinig kong humikbi sya kaya alam kong umiiyak sya.

Panahon naba para patawarin ka? Handa pa nga ba ang puso kong mahalin ka?

"Pahinging chocolate," Saad ko at minulat ang mata, kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya at di agad naka react. "Sige tingnan mo lang ako may lalabas na chocolate diyan." Sabi ko na ikinabalik nya sa katinuan.

"K-kukuha lang ako sa kotse." Taranta nyang sabi, kitang kita ko ang pagdaan ng tuwa sa nga mata nya. Pag balik nya ay isang karton na malaki ang dala nya.

"Yung iba nasa refrigerator nyo na." Napakamot sya sa ulo nya bago inabot sakin ang isang branded na chocolate.


Pag uwi ko galing sa trabaho ay sinusundo nya ako, dinadala nya ako sa magagandang lugar kagaya ng dati, pag sya naman ang hindi pa nakaka uwi ay bumibisita ako sa company nya para guluhin sya, pero hindi daw sya naguguluhan dahil mas lalo daw syang namomotivate kapag nandiyan ako.

Senet ni Daddy ang kasal namin agad agad dahil baka daw di na sya abutin, pumayag naman ako dahil alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin sya.

Yung akala mong wala nang pag asang babalik, yung akala kong hindi na magkakaroon ng hustisya ang pinatay na pag ibig, hindi pala totoo, dahil kung mahal nyo ang isa't isa at kung kayo talaga ang itinadhana, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ni tadhana.

~END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top