PAINFUL DREAM

"Babe, wake up na. Late ka na" gising sa akin ng boyfriend kong si Jeyshien.

"Inaantok pa 'ko. 5 minutes" sabi ko at tumalikod sa kaniya.

"Ayaw mong bumangon diyan?" Tanong niya.

"Ayaw"

Nagulat ako ng buhatin niya ako at dalhin sa kusina.

"Inaantok pa ako ehh" maktol ko.

"Umupo ka lang diyan" sabi niya habang naghahanda ng pagkain.

"Ano bang gagawin mo?" Inaantok na sabi ko at kinusot pa ang mga mata ko.

"Papakainin ka" sabi niya at sinubuan ako.

Pagtapos noon ay naligo na ako at nagbihis.

"Babe, alis na 'ko" paalam ko.

"Ingat ka. I love you"

"I love you more"

"Saranghae"

"Te amo" habol ko at tuluyan ng umalis.

I love Jeyshien so much. I believe that he's my forever. Kababata ko siya. Kasama ko siyang lumaki at sa kanila ako tumira noong namatay ang parents ko dahil sa isang car accident. He always protecting me, until now. Hindi niya ako pinapadapuan ng lamok. Para akong cellphone na hindi maaalis sa tabi niya. 6 years niya akong hinintay. Noong nag 18 years old na 'ko, sinagot ko na siya. 8 years na kami bukas.

*KRING KRING*

Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag. It's Jamie, my friend.

"Bess, narinig mo ba yung news?" Bungad niya.

"Anong news?"

"Sa company ng boyfriend mo, maraming nagproprotesta"

"What? I call you na lang later" sabi ko. Ngunit, isang hakbang ko pa lang bigla akong tumalsik sa sahig. Hindi ako makagalaw. Nakita ko si Jeyshien na palapit sa akin.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" Sigaw niya.

"Babe"

"Huwag ka muna magsalita, babe! Lumaban ka! Huwag mo akong iiwan!" Umiiyak na sabi ni Jeyshien.

"I love you so much, Jeyshien"

"Malapit nang dumating yung ambulansya, Kreiszha. Lumaban ka! Ipangako mo iyan!"

Hindi na ako nakasagot pa ng unti unti nang pumipikit ang aking mga mata.

After a while...

"Teka, sino ka?!" Tanong ko nang may humatak sa akin.

"Hindi mo na dapat malaman ang aking pangalan. Narito ako para gisingin ka sa katotohanan" sabi ng babae na nasa 30's ang edad.

"Ano bang katotohanan ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan!"

Hindi ito sumagot at ipinagpatuloy na lang ang panghahatak sa akin. Teka, bahay namin 'to ahh. Anong ginagawa ko dito sa bahay namin ni Jeyshien? Naglibot pa ako ng makita ko ang lalaking pinakamamahal ko. Pupuntahan ko sana siya ng may lumapit na babae sa kanya.

"Is this okay?" The girl asked.

"Change your clothes. Ayoko niyan, masyadong maiksi yung short" Jeyshien said. Who is that girl?

"Babe!" Sigaw ko, ngunit hindi siya lumingon. "Babe! Babe!" Ulit ko pa, ngunit hindi man lang siya tumingin o naghanap. Bakit parang hindi niya 'ko naririnig o nakikilala?

"Eto, okay na ba 'to?" Sabi nung babae.

"Perfect! Let's go!" Sabi ni Jeyshien at umalis na sila. Humakbang na 'ko para sundan sila, pero may pumigil sa akin. Yung babaeng nagdala sa akin dito.

"Huwag mo na silang habulin"

"Boyfriend ko yung kasama niya. Bakit hindi ko siya hahabulin?" Tanong ko.

"Ayan ang mapait na katotohanan. Nasa future ka" sabi ng babae at naglaho ito na parang bula.

Naguguluhan ako! Ano bang sinasabi niya?

Nanatili lang ako dito, hanggang sa makabalik ang boyfriend ko.

Sinundan ko siya hanggang sa sala. Umupo siya sa isang sofa at nagpahinga.

~~~KINABUKASAN~~~

Narito pa rin ako sa sinasabi ng babae na future. Pinagmamasdan ko pa rin si Jeyshien. Ano kaya ang nangyayari sa kasalukuyan? Sigurado akong hindi nakakakain si Jeyshien dahil sa nangyari sa akin. Sinundan ko si Jeyshien hanggang sa kotse niya. Saan kaya siya pupunta? Huminto siya sa isang flower shop at bumili ng Gumamela na nasa basket. Gumamela ang binibigay niya sa akin tuwing nagcecelebrate kami ng anniversary. Matapos noon ay nagpatuloy na siya sa pagdadrive hanggang sa nakarating sa sementeryo. Anong meron sa sementeryo?

Bumaba siya ng kotse, kaya bumaba din ako. Kinuha niya ang flower na dala niya sa backseat.

Napatingin ako sa puntod na pinuntahan niya.

Kreiszha Allison Riego
December 18, 1994 - June 29, 2020

Teka, ba't nandiyan yung pangalan ko!? Hindi ako 'yan! Hindi pwedeng ako 'yan! Buhay pa 'ko! Magpapakasal pa kami ni Jeyshien! Magkakaroon pa kami ng mga anak! Tatanda at puputi pa ang mga buhok namin ng magkasama!

"Babe, Happy 18th Anniversary. Nandito ako sa harap mo. Nagcecelebrate ng anniversary natin. Maraming salamat sa lahat. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Gusto ko lang magpaalam sayo. Sana, payagan mo akong magmahal ulit. Sa tingin ko, nahuhulog na ang loob ko kay Alexis. Sa loob ng sampong taon, siya ang naging daan ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko noong nawala ka"

Unti-unting namuo at tumulo ang mga luha ko.

"B-babe. I-i'm sorry. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung nasaktan kita. Mahal na mahal kita, babe" ayan lamang ang mga nasabi ko.

3rd Person's POV

Matapos ang aksidente, hindi iniwan ni Jeyshien si Kreiszha kahit pa namomoblema ang company nila. Naoperahan na rin si Kreiszha at dinala na sa private room.

"Babe, gumising ka bukas ahh. Isurprise mo 'ko, 8th Anniversary pa naman natin. Ready na yung gift ko para sayo. Eto, gusto mo ba makita?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jeyshien. Kinuha niya ang isang bagay sa bulsa niya.

"Tommorow ko pa sana ibibigay sayo 'to. Babe, will you marry me?" Jeyshien asked. Ngunit hindi sumagot si Kreiszha.

"Alam ko namang yes ang isasagot mo sa akin. Isusuot ko na sayo 'to ahh. Para paggising mo bukas, masurprise ka. I love you, Saranghae, Babe"

~~~KINABUKASAN~~~

"8th Anniversary na natin, Babe. Happy Anniversary. Wish ko sana gumising ka na. I love you" laking gulat ni Jeyshien ng gumalaw ang daliri ni Kreiszha.

"Babe, natupad na yung wish ko. Happy 8th Anniversary. Sorry nagpropose na 'ko sayo kahapon kahit hindi ka pa nagigising alam ko namang sasagutin mo ko diba?" Masayang tanong ng lalaki.

"I love you so much, Babe. Te amo. Pinapalaya na kita." nanghihinang sabi ni Kreiszha.

Nagulat si Jeyshien nang magstraight ang vital signs na nakakonekta sa pulso ni Kreiszha. Dali dali siyang tumawag ng doktor.

"B-babe, huwag kang susuko. Huwag naman ganito. Huwag mo akong iiwan. Babe!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jeyshien.

May pumatak pang luha sa mata ni Kreiszha bago ideklara ng doktor na patay na siya. Parang gumuho ang mundo ni Jeyshien nang malaman ang masamang balita.

THE END....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top