When Love Stops

Jam Santiago, 17 years of age, mula sa isang sikat na angkan. maganda, matalino, mabait,  lahat na siguro nasa kanya na maliban nalang sa taong pinakagusto niya sa lahat, ang taong minahal niya ng palihim ng ilang taon.

 

"goodmorning best!" bati sa kanya ng pinakamatalik niyang kaibigan na si Stephanie Dizon, parang kapatid niya na yan.

 

"goodmorning Stepph! :) " masiglang bati naman ni Jam dito

 

 "teka may iba sa smile mo, nakita mo siya noh?" pang-uusisa ni Stephanie sa kaibigan

 

"grabe hindi naman ahahah! nakita ko siya sa may hallway kanina kausap niya yung mga kaibigan niya." sabi nito.

"kaibigan? sabihin mo mga taong lumalandi sa kanya." inis na sabi ni Stephanie

"ahaha hindi naman siguro mga lalaki kausap niya eh ahahah!" natatawang sabi ni Jam

"adik! di mo naman nilinaw eh ahahah!" tapos eh nagtawanan ang dalawa dahil sa napag-usapan nila

ang tinutukoy ng dalawa kanina sa usapan nila ay si Dave Martinez literal na gwapo, kaya lang kung anong ikinaganda ng panglabas na itsura niya ay ganun din kasama ang ugali at reputasyon nito sa eskwelahan nila. kilala siya bilang isang Hearthrob yung taong habulin ng chiks yung ganun kaya naman pinanindigan niya na ang tawag sa kanya kaya siya naging playboy pero kahit ganun pa ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan pagdating kay Jam wala lahat yun.

 Mga bandang hapon ng biglang pinuntahan ni Stephanie si Jam sa bahay nila

 

 "Jam!" sigaw nito

"oh ano? teka ba't nandito ka?" tanong ni Jam sa kanya.

"alam mo na ba?" hingal na tanong sa kanya ni Stephanie

 


"ang alin?" tanong ni Jam sa kanya


"break na si Dave at yung 17th girlfriend niya :D" maligayang sabi ni Stephanie sa kaibigan

 "talaga?" gulat na sabi ni Jam

 

 "oo nga, kanina lang kumalat sa campus." sabi nito

" Hi Dave! :) goodmorning and have a good day ^^"

 Ang aga na naman ni Jam pumasok para lang mag-iwan ng note kay Dave lagi niyang ginagawa yan, at in fairness sa kanya hindi siya nawawalan ng pag-asa. na baka isang araw magising si Dave tapos siya naman ang makita.

 

" araw-araw nalang , sino naman kaya ang nagtitiyagang gawin to for 5 years? XD" natatawang sabi ni Dave, pero sa kaloob looban niya natutuwa siya, dahil na kahit ganun siya eh pinagtiyatiyagaan pa rin siyang bigyan ng note ng sumusulat sa kanya araw -araw.

buwan din ang lumipas ng wala ng nababalitaan si Jam na kung anong tungkol kay Dave , tapos ilang linggo na ring di nagpapakita sa kanya si Stephanie.

 

 "alam mo na ba yung balita na kumakalat sa campus Jam?" tanong ni Pat dito, isa sa mga kaklase niya.

 

 "tungkol san?" tanong ni Jam

 "yung tungkol kay Dave." sabi neto ng seryoso.

 

 "anong meron sa kanya?" tanong ulit nito.

 

"sila na ni Stephanie, diba bestfriend mo yun?" pang uusisa naman ni Pat, hindi na nasagot ni Jam ang tanong sa kanya ni Pat dahil nagsimula ng dumaloy sa mga mata niya ang kanyang mga luha, sunod sunod ang pagpatak nito , hanggang sa makarating siya sa CR.

 Jam's POV: 

 "bakit? bakit siya pa? bakit siya pa na bestfriend ko ang naging kasintahan ng taong mahal ko?bakit siya pa ang nang-agaw kay Dave? teka, sabagay anong karapatan ko para sabihing inagaw niya saken si Dave eh hindi ko naman sia pagmamay-ari diba? pero bakit ganito kasakit? dahil ba sa mahal ko talaga siya ng sobra? dahil ba sa alam naman ni Stephanie na gusto ko si Dave pero pumayag siya? o dahil sa sobra nakong tanga?"

linggo lang ang itinagal ng relasyon nila Stephanie at Dave. matapos nun sinubukang kausapin ni Stephanie si Jam.

 


"Jam." sabi nito

 

"bakit steph?" tanong ni Jam sa kanya, ngayon nalang kasi sila ulit nakapag-usap.

 "sorry, sorry talaga sa nagawa ko Jami mean it. sorry. " mangiyak ngiyak na paghingi ng tawad ni Stephanie sa kaibigan.

 

"bakit mo nagawa yun?" tanong ni Jam sa kanya.

" kasi, kasi.,mahal ko din si Dave Jam, pero tinago ko para sayo, para di ka masaktan, pero nung may pagkakataon ako para maging kami ko na, not knowing na I became selfish, i knew you love Dave pero nakuha ko pa ring gawin yun, nabulag ako sa pagkakataon na parang bula sa bilis mawala Jam.  and now, wala na kami, bestfriend pa rin naman kita diba?" naiiyak na pagsabi ni Stephanie kay Jam

" syempre papatawarin kita baliw, bestfriends diba?" sabi ni Jam matapos eh niyakap si Stephanie.

 ng araw na yun, bago umuwi si Jam ay dumaan muna siya sa room nila Dave, at tulad ng dati niyang ginagawa, naglagay ulit siya ng note sa desk ni Dave.

(PAKIPLAY NALANG PO UNG VID SA GILID ) 

 

 

 "I always hope that you'll always be happy, take care of yourself , bye :)"

 

 

"ikaw?" nagulat si Jam sa boses na narinig niya, boses na pag-aari ng taong minahal niya ng sobra, walan siyang magawa kundi ang lumingon dahil hindi na niya matatakasan ang pagkakataon.

 

 "ah ano kasi." nauutal na sabi ni Jam

 

"ikaw pala ang naglalagay ng mga yan since 1st year highschool tayo?" gulat na tanong ni Dave.

 

"uhm sorry. " yan lang ang nasabi ni Jam, matapos ay tumakbo na siya palabas, pero hinabol siya ni Dave,at hinawakan ang kamay ni Jam.


"teka" sabi ni Dave

"para san pa?" naiiyak na sabi ni Jam

"alam mo ba na ito ang pinakahihintay kong araw, na makikita ko ang taong naglalagay neto sa desk ko, ang taong laging nangangamusta saken.. ang taong laging nagha-hi hello saken.. taong naggo-goodmorning , ang taong nagtatiyaga saken kahit playboy ako, kahit ang dami ko nang naging babae ee di pa rin nagbabago ang tingin saken,kaya  naging kami ee." sabi neto.

" teka..anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Jam

"kaya kami nagbreak ni Steph kasi nalaman kong hindi pala siya yung taong nagbibigay saken ng mga toh, at ginamit niya lang yun para maging kami, kaya naman nagpanggap siyang siya yung taong nagpapadala saken ng note pero isang araw nahuli ko siya na kinakausap ka at parang may pinapasulat sayo na gaya ng mga binibigay mo saken then i figured out na hindi nga talaga siya yun, na ikaw talaga." pagpapaliwanag ni Dave

"yan ba ang nangyari?" di makapaniwalang tanong ni Jam kay Dave

 

" oo...kaya naman hinintay ko talaga kung sino ang maglalagay ng note saken kanina. kaya kita nakita, sasabihin ko lang sana sayo na gusto kita, na mahal kita, sana ganun pa din ang nararamdaman mo saken..." sa unang pagkakataon umamin si Dave.

 "My love for you has stopped,since the day na naging kayo ni Stephanie, pasensya ka na, that note? ung nilagay ko kanina will be my last note for you." sabi nito.

"pero pwede pa namang mabalik yun diba? pinapangako ko hindi ka masasaktan please try again."  pagmamakaawa ni Dave

 

" minsan kasi may mga bagay na kahit gusto mong ibalik di na pupwede, kahit na gusto mo pa para sa ikakabuti ng karamihan pipiliin mong masaktan nalang. parang ang oras kahit ilang beses mo pa tong gustong ibalik kung san ka masaya, kung san ka nag-eenjoyeh hindi na pupwede kasi hindi lahat ng bagay may pangalawang pagkakataon. walang kasiguraduhan na may susunod pa. mahal kita noon, at hanggang dun nalang yun." matapos ay umalis na si Jam.

 END

___________________________________________________________________________

>>>WUSHU ANSABEH

 

VOTE/COMMENT/SUGGEST/REACT

 

SANA NAGUSTUHAN NIYO ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top