I've Been Waiting For You
Hanggang saan nga ba aabot ang pagiging tanga mo para sa taong mahal mo? Kaya mong ibigay lahat para sa kanya maging masaya lang siya. Kagaya ko, isang tanga na hanggang ngayon ay umaasa na mamahalin ako ng taong may mahal ng iba.
"Clarissa! Sama ka?" Sigaw ni David nang makalabas na kami ng restaurant, it's five o'clock in the morning at katatapos lang duty namin as graveyard shift.
"Seriously? Saan? Alas singko na ng madaling araw, wala ka bang kapaguran?" Natatawang sabi ko saka naglakad na. Medyo mainit na ngayon dito sa Dubai dahil pasimula na ang summer. Uso na naman ang nakawan ng ipon ng tubig sa cr, dahil nakakapaso ang mainit na tubig dito tuwing tag-init.
"Ikaw naman, alas singko pa naman ng hapon ang pasok mo mamaya. Sumama ka na, dahil umiiyak ang tropa natin ngayon." Pilit niya habang sinasabayan na akong maglakad. Malapit lang kasi ang bahay ko dito sa pinapasukan ko.
"Sino? Bakit wala akong alam?" Natatawang tanong ko dahil ilang araw na rin akong graveyard shift kaya wala na akong balita sa mga morning and mid shift.
"Si Michael, niloko ng girlfriend niya." Sabi niya na nagpalaki sa dalawang mata ko, humarap ako sa kanya.
"What?! Yung girlfriend niya na nasa Pinas? Yung 3 years na niyang girlfriend?!" Hindi makapaniwalang sambit ko, tumango-tango siya habang nakangiti sa akin.
"Yes! Kaya magkakaroon ka na ng pag asa sa kanya!" Pang aalaska niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang kinurot na siyang inarayan naman niya!
Si Michael ang pinaka masiyahin sa aming magkakatrabaho, isa siya sa pinaka loyal na nakilala ko sa kabila ng pagiging long distance relationship niya sa girlfriend niya. Never ko siya nakita or may narinig na balita na may iba siya or may pinopormahan siyang iba. Kahit pa napaka gwapo niya at gentleman. Palagi niyang ka-video call ang girlfriend niya and sinisigurado niyang alam ng girlfriend niya kung nasaan siya at sinong kasama niya. Madalas siyang iasar sa akin ng mga tropa dahil tinatawag niya akong best friend niya simula nang dumating siya dito sa Dubai.
Kaka isang taon palang niya dito. At nung matanggap siya sa company namin ay ako ang una niyang nakilala dahil ako ang pinaka matagal na sa isang branch namin dito sa Dubai. Ako ang naging trainor niya na naging dahilan para mas maging malapit kami sa isa't isa.
"Nasaan siya ngayon?!" Hiyaw ko.
"Na kela Jhano siya." Sabi niya na ngiting ngiti saka nagmadali na kaming maglakad papunta kela Jhano.
Pare-pareho lang kaming malalapit ang bahay sa trabaho, mga kinse minutos ang nilalakad papunta kela Jhano.
Isang doorbell palang namin ay pinagbuksan na kaagad kami ni Jhano. "At dumating din ang kanina pang hinahanap ni Michael!" Bungad ni Jhano.
"Nasaan siya?" Pag aalala ko.
"Wow! Alalang alala si best friend!" Pang aasar ni David na nagpatawa kay Jhano.
"Nasa balcony, kanina pa nagrereklamo yung mga ka-flat ko dahil sa ingay niya." Dinig na dinig ko ang boses niya na ngayon ay kumakanta ng one last cry.
Nang sumilip ako sa balcony ay napatigil siya sa pagkanta at isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin at sinabing... "Bakit ngayon ka lang?!" Hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap na siyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Panay ang hagikhikan nila David sa isang sulok at alam kong pinipicturan na naman nila kami para ipost sa secret group naming magkakatrabaho at pagpiyestahan ng asaran.
Dahan dahan kong tinulak si Michael palayo sa akin at tinitigan ko siya. Lasing na lasing na siya at sobrang hindi na okay ang itsura niya ngayon.
"Umuwi ka na." Sabi ko, ngumuso siyang parang bata at umiling. "Hinintay nga kita eh. Tapos pauuwiin mo naman ako." Reklamo niya.
Kahit lasing siya kita ko sa mata niya na gusto niyang magsumbong sa akin. Yung mga mata niyang kayang kaya akong kausapin at pasunurin. "Ilang box ng red horse ang naubos niyo, Jhano?" Usisa ko.
"Nakadalawa na kami. Kanina nandito din sila Sasa, kaso lasing na kaya kaming dalawa na tumapos nung mga natira." Kwento niya.
"Dalhin mo na yan kung saan man, gusto ko na rin matulog. Mid pa ako mamaya." Dagdag ni Jhano bago pa pumasok sa loob ng kwarto nila.
"At ako uuwi na ako dahil may day off ko na." Masayang sabi ni David saka nagmadali nang lumabas.
"Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong ko sa kanya, umiling iling siya. "Pero, lasing ka na." Sabi ko.
Suminok siya bago nag salita. "Hindi ako lasing. Mawawala 'to. Mawawala 'to, kapag nagkape tayo sa inyo." Aniya saka hinila na niya ako palabas ng flat nila Jhano.
Kahit na 20 minutes lang ang lalakarin papunta sa tinitirahan ko ay mas pinili ko na mag taxi nalang kaming dalawa dahil baka matiyempuhan kami ng pulis na lasing na lasing siya. 12 dirhams lang naman ang aabutin sa metro ng taxi kaya pwede na.
Nang makarating kami sa flat ay nagsisi-alisan na ang ilan sa mga ka-flat ko. Mga morning shift sila. Sa isang flat ay 20 kaming nakatira, may tatlong malaking kwarto ang flat na ito at tatlong wooden partition. Dalawang CR at isang kusina na para sa lahat. Sa isang kwarto ay anim kaming nakatira, bed space ang binabayaran ko, na nagkakahalaga 850 dirhams kasama na ang kuryente at internet. Kung i-co-convert mo ito sa pesos ay halos 11 thousand na ito. Imagine? Nagbabayad ako ng 11 thousand pesos buwan buwan para lang sa isang kama. Akala ng iba ang sarap ng buhay ko dito, pero ang hindi nila alam katakot takot na pagtitipid ang ginagawa ko makapag padala lang ako sa pamilya ko.
Inilapag ko sa mesa ang dalawang tasa ng kape kung saan tutulog tulog na si Michael. Bigla siyang nabuhayan nang maamoy niya yung kape. "The best ka talaga, Cla." Sambit niya saka sandaling humigop doon sa kape.
Umupo ako sa kaharap niyang upuan at sinabayan siyang magkape. "Sorry ha? Alam ko namang graveyard ka. Pagod ka na pero inistorbo pa rin kita." Paumanhin niya na medyo nahimasmasan na.
Huminga ako ng malalim dahil totoo namang pagod at inaantok na ako. "Ano ba kasing nangyari?" Basag ko sa lasing niyang pagkatao.
Sandali siyang natulala bago ako tinitigan ng malalim sa mata.
"Buntis si Kathy." Simula niya na nagpakabog sa puso ko. Kumakabog ang puso ko hindi dahil natutuwa ito, kumakabog ito dahil sa galit na nararamdaman ko. "At obvious na obvious na hindi ako ang ama, fuck, paano ko siya mabubuntis ng ganito kalayo hindi ba?" Nakakapag biro pa siya pero sa bawat pagbigkas niya ng salita ramdam ko ang hinanakit niya.
Kailan ko ba minahal si Michael? I don't know. Basta bigla ko nalang naramdaman na hindi na kaibigan ang tingin ko sa kanya. Pero hindi ko yon inaamin sa tropa kahit na palagi nila kaming inaasar. Dahil nirerespeto ko na committed siya sa isang relasyon.
"Hindi ko alam kinasal na siya kahapon. Kahapon ko lang din nalaman nung mag post na sa facebook yung mga barkada namin sa Pinas." Tumingala siya at kitang kita ko kung paano niya pigilan na pumatak ang luha niya pero kusang nag unahang tumulo iyon. Ramdam ko yung sakit, pero wala akong karapatang magalit dahil hindi naman ako yung sinaktan. Yun nga lang, nasasaktan ngayon ang taong mahal ko dahil sa iba.
"Nag...usap na ba kayo?" Mahinang tanong ko. Pinunasan niya ang luha niya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Yeah, hindi daw niya sinasadiya na mag mahal ng iba. Fuck shit, bakit niya pa sinasagot ang bawat tawag ko kung iba na pala ang mahal niya! Ang masakit pa dun kinunsinti ng buong barkada. Tangina, tinaraydor nila akong lahat, Cla. Sobrang sakit."
"Nagpunta ako dito para sa aming dalawa. Para mag ipon at pakasalan siya. Hindi para maging ganito ang mangyari. Lahat ng pangarap ko para sa amin sirang sira na. Lahat lahat." Kung mayroon mang tao na palaging pinagsasabihan ni Michael ng problema, ako na yon. Lahat ng pasakit niya sa buhay, lahat ng masasayang nangyayari sa kanya. Ako na yata ang palagi niyang unang nasasabihan dahil sa pagkakaiba nila ng oras ni Kathy, pero palagi kong sinasabi sa kanya na huwag niyang kalimutan sabihin lahat kay Kathy.
Mahal ko si Michael. Pero, hindi naman mapipilit ang isang bagay kung hindi naman talaga para sayo, ang magagawa ko nalang ay maging masaya sa kanya palagi. Patuloy ko siyang mamahalin pero hindi ko kailangang umasa ng kapalit na pagmamahal dahil hindi naman siya sa akin.
Mag aalas otso na ng umaga umuwi si Michael at todo pasensya dahil sa abala daw niya sa akin.
--
"Saan kaya nagpunta yung dalawa diyan?" Pang aalaska ni Jhano sa amin ngayong humupa na ang busy hour ng resto namin.
"Hoy! Nagkape lang kami ano." Suway ko dahil panay na ang kantiyawan nila sa amin ni Michael dito, maging sa secret group namin ay puro pang aasar ang natatanggap namin.
Bigla akong inakbayan ni Michael. "Hoy! Kayo diyan, kaya ayokong magkwento sa inyo dahil itong best friend kong ito lang ang nakikinig sa akin ng seryoso!" Nag echo sa pandinig ko ang sinabi ni Michael na iyon.
"Wow! Best friend pa rin kahit niyakap yakap na!" Sigaw ni Jason na Chef namin.
"Pwede ba, tama na yan." Suway ko saka ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pagpupunas ng mga plato upang iwasan ang asaran.
--
Naging mabilis ang paglipas ng araw. Mas lalo kaming napapalapit ni Michael sa isa't isa hanggang dumating ang araw na nasabi ko sa sarili ko na, tama na.
Sinasabi sa akin ng isip ko na tama na, tama na ang pagpapakatanga, pero sumisigaw ang puso ko ng sige pa! Mahal mo diba? Edi magpakatanga ka, sanay kang masaktan diba?!
"Saan naman kayo nag date?" Dinig na dinig ko ang asaran nila David patukol kay Michael.
"Syempre, good boy tayo, tropa. Nagsimba muna kami tapos kumain kami."
"Yown! Naka move on ka na?" Sigaw ni Jhano.
Tumawa si Michael. "Past is past, tropa. Tama na yung apat na buwan." Ngisi niya.
"Ang bilis naman Michael!" Biro ni Sasa. "Sasa, anong mas mabilis yung apat na buwan na pag mo-move on ni Michael o yung magising si Michael na isang araw kasal na si Kathy?!" Sigaw ni David na naging dahilan para pabiro siyang suntukin ni Michael.
Apat na buwan na nga ang lumipas mula ng break up nila ni Kathy at ngayon may iba na siya. Si Dana, naging guest namin siya na nag iwan ng mobile number sa tissue para kay Michael.
Kung dati ay tinatapon ni Michael ang mga tissue na may number ng mga babae, ngayon ay hindi niya pinalagpas ang kay Dana dahil maganda ang isang ito.
Doon na ako nagsimulang umiwas. Doon na ako nagsimulang mag move on kahit na wala namang kami. Pero napakahirap pala. Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo pero mahal na mahal mo.
Pero dumating na naman ang kinatatakutan ko. Ang muli na naman siyang masaktan.
"Hindi ka pa nadala kay, Kathy! Ngayon naman si Dana naman!" Sigaw ni Sasa ngayong magkakatapat kami sa balcony. Maya maya pa ay dumating na sila David dala ang kulay itim na plastic na naglalaman ng alak.
"Uminom nalang tayo." Pag wawala ni Michael ng usapan.
"Takte ka, kung mag luksa ka naman parang ang tagal niyo ni Dana. Limang buwan lang kayo, tropa. Mas matagal si Kathy." Pang aasar ni David saka nilabas ang long neck na alak.
"Ke matagal o maikling pag sasama kung mahal mo talaga, mahal mo." Sambit niya.
Nanatili akong nakatutok sa cellphone ko. Panay ang scroll down ko sa facebook nang marinig kong magsalita si David. "Kung si Clarissa nalang kaya ang minamahal mo para hindi ka na masaktan ng paulit ulit." Nag halakhakan ang buong tropa pero nagkunyari akong walang naririnig.
Ang bilis bilis ng pintig ng puso ko at alam kong namumula na ngayon ang tenga ko dahil mainit na ito. "Clarissa, ba't namumula yang tenga mo?!" Sigaw ni Sasa, tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya.
"May napapansin ako kay Clarissa, lalo siyang gumaganda eh. Siguro may love life na. Umiiwas na kay Michael eh!" Nagtawanan na naman sila, sanay na sanay na kami ni Michael na inaasar sa isa't isa pero ngayon ay iba na. Inihahayag na ng tropa ang totoong nararamdaman ko kay Michael ngunit hindi alam ni Michael na may halong katotohanan na iyon.
"Sino?! Cla! Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Nakakapag tampo!" Sigaw ni Michael matapos tumagay. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit ka umiiwas ng tingin?" Usisa niya na nagpatili kay Sasa.
"May ka-chat ako." Pagdadahilan ko.
At laking pasasalamat ko nang sabihin ni Sasa na mag inuman nalang kami.
Michael's P.O.V
Asar asarin man siya sa akin pero ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya liligawan. Alam ko sa sarili ko na sa aming dalawa ni Kathy, ako ang unang nag taksil. Nagmahal ako ng iba habang kami, pero hindi ko itinuloy.
Nang maramdaman kong may iba na akong nararamdaman para kay, Cla, pilit kong nilihis yung puso ko. Dahil naisip ko si Kathy. Naisip ko kung paano kami nagsimula, kung paano namin nalagpasan lahat ng pagsubok at kung paano ko siya pinaghirapan para mapa-sa akin.
Mahal na mahal ko si Kathy. Pakakasalan ko sana siya kung nagkataon.
Pero hindi ko akalain na sa aming dalawa, siya pala ang mahina sa tukso. Nang mapagpasiyahan kong mag-abroad ay alam kong maraming tukso ang lalapit sa aming dalawa. Kung sa Dubai ang pag uusapan, masasabi kong kung gugustuhin mong magloko, magloloko ka. Pero sa huli, ayokong makasakit ng babae.
Hanggang sa...ako na pala ang sasaktan. Sobrang sakit, pero nababawasan ang sakit kapag nakikita ko si Clarissa. Kapag nakikita ko yung maamo niyang mukha, yung pagkamahinhin niya na nagiging magaslaw kapag ako na ang kabiruan niya.
Pero ayokong dumating sa punto na isipin niyang gagamitin ko siya para kalimutan si Kathy. Nakipag date ako sa isang guest namin na nag iwan ng mobile number sa tissue para malihis ako kay Clarissa. Inabot ng limang buwan pero kagaya ng kay Kathy, pinili rin ni Dana na magpakasal sa iba. Minsan nga gusto ko nalang maniwala sa sinasabi nila David na baka may sumpa ako sa buhay ko, dahil dalawang babae na ang nanloko sa akin.
"Lasing na si Clarissa!" Sigaw ni David dahil panay na ang kanta ni Clarissa ngayon sa Bluetooth microphone. Namumungay na rin ang mata niya.
Sa dalawang taon na kilala ko si Clarissa, kailanman ay hindi ko siya nakitang malasing dahil hindi naman siya mahilig gaanong uminom. Ako pa nga ang madalas niyang alalayan sa tuwing lasing.
"Eto! Eto! Kanta ko 'to kay Michael!" Sigaw ni Cla sa mic saka sinearch sa youtube ang kanta na sinasabi niya.
"Cause I've been waiting for you, all my life, for somebody who. Makes me feel the way I feel, when I'm with you baby. Have you been waiting too? 'Cause I've been waiting for you."
Panay ang tawanan ng buong tropa dahil sa pagbirit ni Clarissa, pero para akong gago na titig na titig sa kanya. Damn it, kung totoong para sa akin yang kanta mo Clarissa, hindi na ako mag aaksaya pa ng oras.
Dire-diretso ang karaoke pero huminto sa pagkanta si Clarissa at tumungo sa lamesa pero nakatutok sa bibig niya ang Bluetooth microphone.
"Ang manhid manhid mong gago ka, mahal kita." Bulong niya na nagpalunok sa akin, sinapak ni David ang braso ko. "Tropa, bulag ka ba? Kung sino sino pang hinahanap mo andiyan naman si Clarissa."
"No boyfriend since birth yan. Walang ibang iniisip kundi kung paano magtipid para makapagpadala sa pamilya niya." Dagdag ni Jhano na matagal ko nang alam. Isa din yon sa nagustuhan ko sa kanya, nakita ko kung paano niya mahalin ang pamilya niya sa Pinas.
Hindi mapakali yung lintik na puso ko sa mga pinagsasasabi ngayon ni Clarissa. Alam kong lasing lang siya, pero gusto kong totoo ang lahat ng iyon.
--
Clarissa's P.O.V
"Ugh. Ang sakit talaga." Reklamo ko kay Michael habang hawak hawak ko ang ulo ko ngayong naglalakad na kami pauwi.
"Alak pa." Pang aasar niya, inirapan ko naman siya dahil hindi naman dapat ako sasabay sa kanya pag uwi.
May liwanag na nang magising ako sa kusina nila Sasa at si Michael nalang ang natitirang gising doon na pinapanood akong natutulog na siyang nagpawala ng kalasingan ko.
"Bakit hindi ka pa sumabay kela David kanina?" Usisa ko sa kanya.
"Dahil lasing na lasing ka." Aniya.
Totoong nalasing ako, hindi ko na nga alam kung nakailang bote kami ng alak.
Hindi ko na dapat siya iimikin pa pero huminto siya at napatingin ako sa kamay niyang humawak sa braso ko.
"Clarissa..." Tawag niya sa akin.
Hindi ko alam kung hulas na bang talaga ako o lasing pa rin ako dahil titig na titig siya sa mga mata ko na para bang lalamunin na ako non.
Sandali siyang lumunok at para bang kinakabahan sa susunod na sasabihin.
"Cla..."
"Ano?" Usisa ko at i-iiwas ko na sana ang braso ko pero mas hinigpitan niya ang kapit doon.
"G...gusto kita." Nabubulol na sabi niya na nagpaawang sa bibig ko. Umiling iling siya.
"No...Mahal kita." Sabi niya, "Noon pa." Patuloy niya na siyang nagpainis sa akin.
Hinila ko ang braso ko sa pagkakakapit niya. "Pwede ba, Michael, kung mantitrip ka. H'wag ako." Natatawa pero mapait na sambit ko.
"Clarissa..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang itaas ko ang kanang kamay ko.
"Tama na, Michael! Kung ano mang nasabi ko nung lasing ako, h'wag mong pansinin yon!" Suway ko sa kanya saka nagsimula na ulit akong maglakad ng mabilis pero sinundan niya ako.
Ano bang katangahan ang ginawa ko kagabi at kung ano anong pinagsasasabi sa akin ni Michael ngayon?
"Clarissa, makinig ka muna sa akin!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.
Oo umaasa ako, pero hindi ako papayag na paglalaruan niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil tanga na nga ako kahihintay sa kanya, mas lalo ko pang gagawing tanga ang sarili ko kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi niya!
"Clarissa, please!" Sigaw niya nagtatawag pansin sa ilang dumadaan.
"Makinig ka muna!" Pilit niya akong iniharap sa kanya pero itinulak ko siya palayo sa akin at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, mabilis na tumulo ang luha ko!
"Michael! Oo na! Kung nasabi ko man kagabi na mahal kita, edi mahal kita!! Masaya ka na?!" Sigaw ko na nagpaawang sa labi niya.
"Shit, you're not drunk anymore, Clarissa." Kita ko ang pag ngisi niya at tuwa sa mga mata niya na siyang nagpapalito sa akin ngayon.
"Ano naman ngayon?! Oo, mahal kita! Araw araw kong hinihiling na sana ako nalang si Kathy, na sana ako nalang si Dana! Na pucha naman! Ako naman ang pansinin mo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya! Wala na akong pakialam kung may makirinig man sa aking mga Filipino o ibang lahi, dahil ito na yung pagkakataon ko para mailabas lahat ng nararamdaman ko!
"God. Clarissa. You're driving me crazy, nag iisa ka lang. Hindi mo kailangang hilingin maging sila. Dahil iba ka."
Gusto kong matawa sa sinasabi niya ngayon, gusto kong kiligin, but no. "Kung sinasabi mo yan dahil nalaman mong mahal kita, hindi kita tatanggapin sa buhay ko, Michael. Dahil, oo tangang tanga ako sayo, pero hindi akong panakip butas lang." Mapait na sambit ko sa kanya.
"Clarissa! Ang dami ko nang sinayang na pagkakataon para maamin sayo kung gaano kita kamahal. Alam kong wrong timing ngayon, pero totoong noon pa kita mahal! Ayoko lang aminin sayo, dahil hindi ko kayang gawing pangalawa ka. Hindi ko kayang isipin mo na gagawin kitang panakip butas. Pero, paulit ulit akong kakatukin ng konsensya ko kung hanggang ngayon hindi ko aaminin sayo kung gaano kita kamahal!"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinayaan ko nalang tumulo nang tumulo ang luha ko.
"Kung hindi mo ako kayang tanggapin ngayon, maghihintay ako." Patuloy niya.
"Ang gusto ko lang, malaman mo na ngayon, na mahal na mahal kita, Clarissa."
Hindi na inis ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang masaya ngayon ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya, kahit pa hindi ako sigurado kung totoo ba ang lahat ng ito? Dahil kung totoo lahat ng ito ay hinding hindi ko na ito palalagpasin pa.
"I'm sorry, hindi ko alam na nasasaktan na pala kita noon. Wala akong idea kung mamahalin mo rin ba ako kung sakali bang umamin ako sayo noon. Ang mali ko, hindi ko sinubukan sabihin sayo. I'm sorry, Clarissa, pero simula ngayon pinapangako kong hindi na kita sasaktan." Kitang kita ko na ngayon ang sensiridad sa mga mata niya.
At halos hindi ko na mapigilan ang matinding tibok ng puso ko nang sabihin niyang...
"Can you please, give me a chance... to prove how much I love you?"
***The End***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top