The Decision

A/N:

This story is dedicated to Jiro and Amber. Ang setting nito is BEFORE MY PRINCE kaya wag kayong maco-confuse. Supposedly one shot lang to pero dahil hindi kinaya ng one shot.. idi-divide ko siya into two parts.

Sa mga hindi pa nakakabasa ng My Prince, don't worry, pwede niyo paring basahin ang story na to.. maiintindihan niyo naman po siya though yun nga lang medyo mabibitin kayo sa magiging ending kaya ituloy niyo ang pagbabasa ng My prince.. bwahahaha [sabay promote?]

Anyways, sana po magustuhan niyo :)

Copyright © 2012 by Alyoony Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

***

The Decision

[Amber’s POV]

Decisions.

I believe that life is full of decisions. Sa araw araw ng buhay natin, kailangan nating gumawa ng mga desisyon. Babangon ba ako sa kama o hindi? Kakain ba ako ng almusal o hindi? Sasakay ba ako sa kotse o mag co-commute na lang? Simple decisions.

Pero naranasan niyo na bang gumawa ng decision kung saan ito ang naging dahilan para magbago ang pananaw mo sa buhay? Isang napaka hirap na desisyon kung saan madami kang nasaktan, pero alam mo sa sarili mo that among all of them, ikaw ang pinaka nasaktan dahil ikaw mismo ay nagsisisi sa nagawa mong desisyon?

I’m now riding an airplane boarding to London, England. I’m leaving everything behind..... including him. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko sa napakalaking pagkakamali na nagawa ko.

Sana nakuha ko manlang mag paalam sa kanya. Sana nasabi ko manlang kung gaano ko siya kamahal.

Sana hanggang ngayon, kasama ko parin siya.

Pero sa isang maling desisyon, nawala saakin ang lahat, pati ang kaligayahan ko.

[2 years ago…]

“sige na pumapayag na ako! Doon ka na mag enroll sa school na yun! But make sure na matataas ang grades mo or else ililipat talaga kita sa Prince Academy!” sabi saakin ni Daddy.

Bigla naman akong napatalon at napayakap dahil sa sinabi niya “I promise dad! I promise na pagbubutihin ko talaga! Thank you dad! Thank you!”

I am Amber Lopez, a daughter of an elite business man. Incoming first year highschool na ako and usually, ang mga kasing edad ko na mga kapwa elites ay nag eenroll sa Prince Academy, isang prestigious school na kilala sa bansa.

Pero ako hindi. Nag enroll lang ako sa isang mumurahing private school kung saan ang mga taong makakasalamuha ko ay mga average people lang. Yung tipong masaya na silang nakakakain ng apat na beses sa isang araw.

Nung una ayaw pa akong pag aralin ni daddy dito kasi kumpara nga naman sa standards ng Prince Academy, walang wala itong school na papasukan ko. Isa pa hindi daw di-aircon ang mga classroom at maliit lang yung school. Pero wala akong paki doon. Gustong gusto ko talaga mag-aral sa school na yun. Gusto kong mamuhay ng simple. Ayoko ng makihalubilo pa sa mga mayayaman na wala namang ibang ginawa kundi ang mang kutya. Doon kasi sa dati kong school, madalas akong nabu-bully ng mga kaklase kong babae. Sabi naman ng ilan kong mga kaibigan ay naiingit lang yung mga nambu-bully saakin dahil ako daw ang madalas ilaban ng teacher namin noon sa mga quiz bee contests pati narin sa mga kung ano anong beauty contest sa school.

Oo, marahil yun ang dahilan, pero grabe na akong na-trauma doon. Masyadong competitive ang mga tao to the point na nagagawan nilang saktan ang kapwa nila para manalo lang. Kaya naisip ko, siguro kung doon ako sa mas simpleng school, wala ng mangyayaring ganito.

At hindi nga ako nagkamali. Naging masaya ang stay ko sa bago kong paaralan. Mababait yung mga kaklase ko. Well hindi sila katulad ng mga kaklase ko dati.  Let say, mas mahaharot sila at mas padalos dalos kumilos. Pero kahit ganun ang mga yun, mga tunay silang kaibigan at marunong gumalang ng pagkatao mo.

Freshmen pa lang din ako ay nawili na ako sa pagsali sa iba’t ibang clubs sa school pero ang pinaka nag enjoy ako ay nung sumali ako sa taekwondo club. Nung una sumali lang ako para ma-exercise ang katawan ko at hindi ako tumaba kakakain, but it turns out na nakaka enjoy din pala ang sports na to. Pati narin ang mga kasamahan ko sa team, sobrang saya nila kasama.

Mga bandang November ng magkaroon ng sportsfest sa school namin. May ilang mga schools kami na ininvite para lumaban saamin at isa na doon yung Prince Academy, yung dapat na school na papasukan ko.

At dahil dakilang bitter ako sa mga dati kong mga kaklase na nagaaral sa school na yan ngayon, lahat ng mga varsity sa iba’t ibang sports na lalaban sa Prince Academy ay todo encouragement ako para pabagsakin ang school na yan! Bwahahahaha! At syempre nag practice din ako ng husto no! Hindi ako makakapayag na matatalo ako ng mga nag hahari-harian at reyna reynahang mga mayayamang matapobreng tao. =__=

(Sportsfest)

“Ikaw na Amber! Ikaw na talaga!” puri saakin ni Naomi, kasamahan ko sa taekwondo team, matapos ang game namin sa Prince Academy “biruin mo yun, mas malaki yung kalaban mo pero napatumba mo? ang galing mo talaga!”

“thanks ikaw din naman eh! natalo mo din yung kalaban mo!”

“syempre malakas ang team natin eh!” sabi niya saakin.

Napangiti ako. Mission accomplished! Natalo namin sa taekwondo ang Prince Academy! Mwahahaha.

Dahil sa panalo kami sa laban namin sa taekwondo, nag treat naman yung coach namin ng lunch pero bumalik din kami agad nun sa school dahil nag volunteer kami as medics in case na may mga ma-injured na players.

“Amber and Naomi, doon muna kayo mag bantay sa game ng volleyball tapos kami naman sa swimming. If ever may mainjure sa ibang games, tatawagin na lang namin kayo. Sorry ha? oonti lang kasi talaga ang nag volunteer na medics eh. And salamat sa pagtulong niyo saamin” sabi nung P.E teacher namin

“ok lang po yun! wala naman kaming gagawin na ni Amber” sagot ni Naomi

“oo nga po! We are very glad to help”

Dumiretso na kaming dalawa ni Naomi sa volleyball team. Tinignan ko yung scores nila kung sino ang lamang, at sa kasamaang palad, ang Prince Academy ang lumalamang sa scores.

“uy uy! Cheer natin ang mga ka-schoolmates natin para mas ganahan sila!” sabi ko doon sa iba kong mga ka-schoolmates na nanunuod ng game.

“Go Minerva Academy! Go! Go! Go!” cheer namin sa mga ka-schoolmates namin. Nung marinig siguro nila ang cheer, nakita ko naman na nag improve ang paglalaro nila at kahit papaano ay nakakahabol na sila sa score. Naku sana manalo kami dito! Hindi rin pala biro kalabanin ang mga volleyball varsity ng Prince Academy! Ang gagaling pa ng mga players nila!

Meron doong isang player na narinig kong tinatawag nilang “Ms. Michelle” at mukha din siyang freshmen lang pero ang galing niya mag spike at mukhang professional na maglaro. Siya siguro ang biggest threat ng team naming. >__<

“Amber, nag ba-vibrate yung phone mo!” sabi saakin ni Naomi.

Napatingin naman ako sa phone at nakita kong tumatawag yung PE teacher namin. Lumayo muna ako sa may volleyball field atsaka ko ito sinagot.

“hello ma’am?”

“Hello Amber? Pwede ka bang pumunta sa gym locker room? May nainjured kasi”

“oh ok po ma’am! Teka bakit hindi na lang po siya ideretso sa clinic?”

“matigas ang ulo eh. Gusto pang mag laro”

“ay sige po ako na po bahala!” I ended the call and bumalik ako kina Naomi para sabihing pupuntahan ko lang yung game ng basketball para tignan kung sino yung nainjure doon. After that dumiretso na ako doon sa gym kung saan yung game ng basketball.

“coach sino daw po yung na injured?” tanong ko doon sa coach ng basketball team namin.

“ay taga prince academy hija. Nandun ata sa locker room, puntahan mo na lang”

“ay ganun? Sige po”

Akala ko naman taga school namin, taga Prince Academy pala. School for elites, bakit di sila nag dala ng sarili nilang medics? =__=

Dala-dala ang first aid kit ko, dumiretso ako doon sa locker room at nakita kong may isang lalaking nakaupo doon habang naka stretch yung right leg niya.

Nilapitan ko siya at ibinaba ko yung mga gamit at cellphone ko katabi ng mga gamit niya.

Tinignan ko yung right foot niya at hahawakan ko na sana ito para i-check kaya lang bigla niyang tinabing ang kamay ko.

“walang injured yan kaya wag mo ng tignan. Mabuti pa sabihin mo na sa kanila na nasa wastong kundisyon na ako para mag laro” seryoso niyang sabi saakin.

Aba ang taray ng lolo mo! tignan mo tong lalaking to eh no! Mayaman nga ito. Though hindi siya mahangin, grabe naman makapag sungit! At aba, nangutos pa ah! Patikimin ko kaya to ng flying kick ng marealize niyang nandito siya sa teritoryo namin! =__=

Hay keep your cool Amber. The guy over there is injured. Tsaka mo na siya patikimin ng flying kick mo pag fully healed na siya.  Bwahahaha XD

Nginitian ko lang si Mr. Sunget at dali-dali kong tinignan yung ankle niya.

“ano ba?!” sigaw niya saakin sabay tabing ng kamay ko. But it’s too late, I already saw his ankle at sa lagay nito eh mukhang namamaga siya.

“ayan ba ang nasa wastong kundisyon?! Eh namamaga nga ang paa mo eh!” sabi ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at dinedma ang sinabi ko. Umayos siya ng upo at nag akmang isusuot ang rubber shoes niya.

Napa buntong-hininga na lang ako

“sige bumalik ka! Mag-laro ka ulit! Pero wag kang made-depress pag sinabi sayo ng doctor na hindi ka na ulit makakapaglaro. Goodluck sa paa mo. Wag ka sanang malumpo”

Kaasar tong isang to, ako na nga nagmamalasakit, tapos siya pa nagsusungit. Mayayaman talaga. Buti na lang at hindi ako pinalaking ganyan ni mommy. Even though I also born with a golden spoon in my mouth, my parents are always reminding me to be humble. Pero isang to, akala mo kung sinong prinsipe >___<

Dahil sa wala akong pasensya sa mga masusungit at matitigas na ulo na mga tao, inayos ko na lang ang gamit ko ng makaalis na ko. Exciting pa naman yung game sa volleyball. Makapanuod na nga lang.

“uhmm, p-pwede mo bang tignan ang paa ko?” napatigil ako sa pagaayos ng gamit at napatingin sa kanya. This time nawala na ang masungit na aura niya because he’s smiling brightly at me. Yung tipong smile na makalaglag panga at panty—de joke lang. Pero itong lalaking palang ito ay may napaka gandang ngiti na pag nag smile siya, parang mapapasmile ka parin.

“ah s-sige..” lumapit ako at chineck ko ang ankle niya

“uhmm sorry pala kung sinungitan kita kanina ah? I’m just frustrated with myself”

“a-ayos lang yun”

“I’m Jiro by the way, you are?”

I smile at him “Amber“

During that time, I don’t have any idea that that guy will change my life. Akala ko isang stranger lang siya na isang beses ko lang makakausap. Isang stranger na later on, makakalimutan ko rin.

But I’m wrong.

 

Mukha atang naisipan kaming pagtripan dalawa ni tadhana.

Nung gabing makauwi ako, narealize ko na hindi akin yung cellphone na dala-dala ko. Kapareho ito ng unit, ng kulay at ng casing pero hindi ito saakin. And it hit me. Nung nilapag ko yung mga gamit at cellphone ko katabi ng gamit ni jiro, napansin ko na kapareho ko siya ng unit.

Napapalo ako sa noo ko. Mukha atang nagkamali ako ng dampot kanina T___T

Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all


Napatingin ako bigla sa cellphone and nakita kong may tumatawag na unregistered number dito.

Say goodbye, say hello to a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end

Pero nung tinignan ko maigi, cellphone number ko pala yung tumatawag sa phone.

Agad ko tong sinagot

“hello?”

“hello?” dinig kong sabi doon sa kabilang linya “ah miss mukhang nagkapalit ata tayo ng cellphone”

“ah oo nga eh. Sorry mukhang nagkamali ata ako ng kuha kanina”

“oh no, don’t blame yourself. Are you free tomorrow?”

“h-huh?” teka bat ako tinatanong nito kung free ako tomorrow?! Don’t tell me yayayain ako makipag date ng isang to? O__O

“I-I mean, pwede tayong mag meet para mai-soli natin yung cellphone ng isa’t isa” sabi niya saakin

Aah akala ko naman eh. Sorry advance lang magisip masyado. Wahahaha

“ah oh sure, saan tayo mag me-meet?” tanong ko sa kanya

“sa mall na lang malapit sa school niyo. Ok lang ba? Mga before lunch?”

“sure it’s fine with me”

“all right then see you tomorrow. Good night”

“ok, good night. Bye”

I was about to click the end call pero narinig ko na bigla siya nagsalita

“Wait!”

“bakit?”

“uhmm.. t-thanks again kanina..bye” at before pa ako makapag react, he already hang up the phone.

[the next morning]

“Naomi.. hindi mo ba talaga ako masasamahan today?” tanong ko kay Naomi habang kausap ko siya sa phone. Nagpapasama kasi ako sa kanya na imeet si Jiro sa mall. Mamaya rapist pala ang isang yun. =___=

“naku Amber sorry talaga! Naka promise kasi ako sa best friend ko na si Kryzel na pupunta ako sa bahay nila at isa pa may part time job ako ngayon eh”

“ay ganun ba? Sige ok lang. enjoy ka na lang”

“ikaw din te! Mag enjoy ka ha!” sabi ni Naomi saakin ng may halong pangaasar

“huh? Bat naman ako mage enjoy eh kukunin ko lang ang cellphone ko?”

“ano ka ba! Ang gwapo kaya nung Jiro ba yun? Gawin mong boyfriend! Bagay kayo! Pareho kayong mukhang model dalawa! Wahahaha”

“heh tumigil ka nga diyan! Mamaya nga rapist pa yung lalaking yun!”

“ayaw mo nun? Mare-rape ka ng gwapong nilalang?”

“naku Naomi tumigil ka nga!” =__=

Narinig ko naman siyang tumawa mula sa kabilang linya “ano ka ba girl! Taekwondo player ka di ba? if he did something fishy then just give him a flying kick below the belt. For sure magsisis yun dahil pag ikaw ang sumpia, malamang di na magkakaanak yan”

Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Naomi “yeah yeah I got it. So I need to hang up na baka ma-late pa ko sa usapan namin”

“ah Naomi!”

“hmm?”

“on the second thought don’t make the kick to hard… sayang ang lahi pag nabaog yan!” sabi ni Naomi sabay tawa then she hang up the phone.

Tong babaeng talagang to, puro kalokohan =__=

Nagayos na ako ng sarili ko then nag punta ako sa mall kung saan ko ime-meet si Jiro. Nung makarating naman ako doon, nakita kong nandun na siya at nag aantay. Napansin kong may dala din siyang saklay, siguro gawa ng injury niya.

“Jiro..”

“oh you’re here” inilabas niya yung phone ko “here’s your phone”

Kinuha ko to “thanks” then inabot ko naman yung kanya “here’s yours”

“salamat”

“sige una na ko bye”

“ah wait!” bigla naman niyang hinawakan yung braso ko “uhmm g-gusto mo bang kumain ng lunch?”

“huh?”

“I-I mean I want to treat you kasi ikaw yung tumingin sa paa ko”

I smile at him “no need to treat me. Trabaho ko naman yung ginawa ko eh”

“but still… please? Let me treat you a lunch? Please?” tinignan ko yung nagmakakaawang mukha ni Jiro at halos mapatulala naman ako.

Bakit ba ang gwapo ng nilalang na to?

“amber” hinawakan niya ang braso ko “please?”

Napalunok ako. Oo nga sige na tama na si Naomi, gwapo nga ang lalaking to. Tsaka mukha naman siyang harmless at isa pa.. 

Libre daw eh oh! mwahahaha ang hirap tanggihan ng libre! XD

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya “s-sige na nga. B-basta after kumain alis na ko ah?”

Nakita ko siyang nag smile “sure! So saan mo gustong kumain?”

“sa mcdo!” mabilis kong sabi sa kanya

“huh? Uhmm how about sa Fridays? Or sa Italiannis? Or sa Burgoo?”

“eh ang mamahal doon! Mag mcdo na lang tayo!” tsaka isa pa doon kami madalas kumain nina daddy pag nag gagala kami sa mall. For pete’s sake sawang sawa na ko sa pagkain diyan. Gusto ko mcdo! Gusto ko ng one piece chicken then coke float then fries! Tapos yung fries isasaw saw ko sa sundae! Ay panalo!

“Amber if you’re worrying about the bill, don’t worry I can pay it. Masarap doon sa mga sinabi ko. Bat ayaw mo itry?”

Ngumiti ako sa kanya. Hindi nga pala alam ng isang to na I am also an elite. But oh well, there’s no point in telling him.

“basta mag mcdo na lang tayo! Mas gusto ko doon!”

He shrugged “oh okay if you insist”

Nginitian ko lang siya then tumalikod na ako at naunang mag lakad papunta sa Mcdo. Bwahaha makakalibre ako ngayon! Ang sarap sa feeling! Bwahahaha.

Nararanasan kaya ng mga taga Prince Academy ang sarap sa pakiramdam ng salitang “libre”? I guess not!

Masayang masaya akong naglalakad ng magulat ako ng may biglang umakbay saakin. Pagtingin ko, si Jiro ito.

“h-hey! What are you doing?!” bulong ko sa kanya sabay tabing ng kamay niya sa braso ko pero agad naman niyang ibinalik ito

“Amber—“

“hands off please!” I hissed at him but then again, kesa alisin ang kamay niya saakin, pumunta pa siya sa may likuran ko at medyo dumikit saamin at kung titinginan kami ng mga tao eh malamang panget ang iisipin saamin.

Ay pagong mukhang manyakis ang isang to ah!

“Ano Amber--!”

Bago pa siya mag next move eh hinarap ko na agad siya “YOU PERVERT! I KNEW IT!” sigaw ko sa kanya at hindi na ako nag atubili pang gawin yung sinabi saakin ni Naomi. I kicked him pero dahil may awa ako, sinipa ko siya doon sa kabilang paa niya na walang injury.

“OUCH! What the heck?!” sabi niya habang napaupo siya at hawak hawak yung binting sinipa ko

“what the heck? Huh! I should be the one asking you that you pervert! Sabi na eh may masamang intensyon ka sakin!”

“huh?! Are you crazy?! I’m only doing that because—“

“Miss may tagos ka”

Napahinto ako bigla ng may mamang kumalabit saakin at sinabi ang mga katagang yun.

Tagos? napatingin ako sa may likuran ko at ayun, kitang kita ang malaking circle na color red sa may pwet ko. Not to mention, i am wearing a white shorts.

Napatingin ako kay Jiro then he gave me a “that-is-what-i-am-trying-to-tell-you” look.

S-so kaya siya nasa likod ko kanina is because tinatakpan niya yung tagos ko para hindi makita ng ibang tao?

Napalunok ako. I smiled at him then…

Kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya. I heard him calling my name pero di ko siya nilingon.

Oh gosh Amber, you’ve done something very stupid.

Sinipa mo ang nilalang na walang ibang intensyon kundi ang protektahan ka lang sa kahihiyan. At ngayong ay tinakbuhan mo pa siya?

Wow! Napaka bait kong nilalang! Sa sobrang kabaitan ko, makikipag friends na saakin si Lucifer T___T

 Eh kasi naman si period, dadating na nga lang napaka wrong timing pa T___T

“Huy Amber, nakapangalumbaba ka diyan?” tanong saakin ni Claire, yung best friend ko na kaklase namin.

“Claire... ahuhuhuhuhu I am so mean. Ahuhuhuhu” T___T

“huh? Bakit naman?”

Nagpangalumbaba ulit ako at nagbuntong hininga. Kakatapos lang ng second subject class namin pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng konsensya dahil sa ginawa ko kay Jiro. Hindi ko naman meant na sipain siya eh at mas lalong hindi ko meant na iwan siya doon. Sadyang inatake lang talaga ako ng grabeng kahihiyan dahil sa pinagisipan ko siya ng masama, sinipa ko pa siya! At idagdag mo pang natagusan ako. Wala na akong ibang nagawa nun kundi ang lumayas sa eksena T___T

Ahuhuhuhu for sure galit na galit saakin ang lalaking yun. Baka mag hire pa yun ng kung sino para ipa-assassinate ako. I’m scared. T___T

Pero kung sabagay, hindi na naman siguro kami magkikita ng lalaking yun di ba? Hindi naman nagagawi ang mga taga Prince Academy dito. Kaya dapat kalimutan ko nay un.

Walang nangyari. Walang nangyari. Walang nangyari.. Wala.. wala.. wala.. wala..

“tara kain tayo ng tusok tusok!” yaya ni Claire saamin nung dismissal time na.

Medyo nawala narin sa isip ko yung nangyari sa mall. Buti na lang at piniga ang utak namin sa quiz kanina kaya naman nakalimutan ko ang kahihiyan na yun. At ngayon naman nagyaya pa sila kumain ng streetfoods. Bwahahaha. Heaven ito!

Dumiretso kaming magbabarkada sa may park malapit sa school namin kung saan nagkalat ang street foods. Mwahahaha favorite ko talaga ang mga to kaya namang gustong gusto ko mag meryenda dito sa park though laging patago kasi ayaw nina mommy na kumakain ako ng ganito. Madumi daw at kung anu-anong sakit ang pwede kong makuha, pero wala akong paki! Masarap eh. Tsaka hindi naman ako madalas kumain nito.

“manong isang order nga po ng kwek kwek at gulaman” sabi ko doon kay manong na nag be-benta ng kwek kwek.

“manong tatlong order pa po ng quack quack at gulaman!” sabi naman nung isang lalaking nakasabay ko bumili.

Napatingin ako sa kanya then nakita kong naka uniform siya ng pang Prince Academy. Aba, ngayon lang ako nakakita ng taga Prince Academy na kumakain dito ah? Meron pa palang estudyante doon na nagpupunta sa lugar na to?

“hija ito na order mo” sabi ni manong kwek kwek saakin sabay abot ng pagkain ko

“salamat po!”

“eto naman yung sayo hijo” abot niya doon sa lalaking taga Prince Academy

“thank you! Uwaaaa makakain narin kita pinaka mamahal kong quack quack!” sabi nung lalaki habang titig na titig siya doon sa kwek kwek. Kung anime ito eh malamanb korteng puso na ang mga mata nito.

“Ren ang tagal mo. Tara na alis na tayo”

“Sorry Jiro bumili lang ako”

Nung marinig ko ang name na Jiro, agad akong napalingon doon sa tumawag at ayun nga, ang lalaking kaawa-awa kong sinipa ay naglalakad palapit saamin.

Naku po naman! Ano ba ginagawa ng isang yan sa lugar na to?

Napatalikod ako bigla.

Hindi niya ako nakita. Hindi niya ako nakita.. Alam ko hindi niya ako nakita.

“ano ba yang binili mo?” tanong ni Jiro doon sa lalaking nakasabay ko

“ah wala pagkain lang! gusto mo?”

“wag na mukhang kulang pa yan sayo eh”

Habang busy silang nag uusap doon, dahan-dahan akong naglakad palayo para di niya ako mapansin. Makakaalis na sana ako ng buhay doon kaya lang…

“Amber! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala! Tara doon sa table sa may puno, doon tayo kumain!” sigaw ni Claire saakin habang patakbo siyang palapit saakin.

Napa facepalm ako. Dyusko po Claire bat kailangan mong isigaw ang napaka gandang pangalan ko sa panahong nasa bingit ako ng kamatayan? T____T

“ah Ren, una ka na sa van, may aasikasuhin lang ako” rinig kong sabi ni Jiro

Naku po mukhang katapusan ko na.

“tara na te!” sabi ko kay Claire sabay hatak sa kanya papalayo doon sa nagbabandyang delubyo kaso bago pa ako makahakbang eh naramdaman ko na ang kamay ng delubyo na humawak sa braso ko.

Dahil sa wala na kong choice, nilingon ko na si Jiro at nakita kong ngiting ngiti siya nung makita niya ako. Pero yung mga ngiti niya parang sinasabi saakin na “katapusan mo na!”

“Hi Amber! Kamusta? Thank you nga pala kahapon ah! because of you dalawang hita ko na ang injured! Pero buti na lang hanggang pasa lang ang natamo ko, yun nga lang alam mo ba na color purple na yung pasa na yun?” ngiting ngiti niyang sabi saakin.

Mas lalo akong kinabahan. Jusko po Lord, pahabain niyo pa ang buhay ko! huhuhuhuhu.

Dahil sa takot dito sa lalaking to, pinagdikit ko ang dalawa kong palad then yumuko ako sa kanya.

“sorry! Sorry talaga sa ginawa ko! sorry sorry sorry! Wag ka na magalit! Sorry talaga! Lilibre na lang kitang kwek kwek wag mo lang ako ipa-assassinate! Sorry talaga!” T____T

I heared him chuckled “kung sana matatanggal ng sorry mo yung pasa sa binti ko edi masaya!”

“ehh sorry na talaga! Ano bang dapat kong gawin wag ka lang magalit? Sorry na po!” T____T

“anong dapat mong gawin? Let’s see” lumapit siya saakin at ipinatong niya ang mga kamay niya sa mag kabila kong braso at then lumapit siya sa may gilid ng mukha ko then he whispered in a husk voice…

“go on a date with me”




***


A/N: May part 2 pa po ito.. don't worry. Anyways sana nagustuhan niyo.. wahaha medyo hindi ako satisfied nung binabasa ko.. pero in some ways sana nagustuhan niyo :)



P.S .. sorry kung medyo may pagka isip bata si Amber dito... dahil sa setting ay before My Prince... 14 years old pa lang sila dito XD 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top