SHOT 4: THE DEMISE A NOVEL CONVEYS

The demise a novel conveys
By Clumsynot

**********

Dugo't pawis ko ang ibinuhos ko sa nobelang isang taon 'kong isinulat, halos makaligtaan ko na ang kumain para lamang matapos ko ang mga kabanatang nakapaloob dito, pero sa isang iglap ang lahat ng pagod na inilaan ko dito ay naglahong parang bula.

Sa isang iglap nakita ko na lamang ang sarili kong tinatanaw ang likod ng babaaeng ngayo'y masayang nakikipagusap sa mga tao at ninanamnam ang popularidad na nakuha nito mula sa ninakaw niyang nobela mula sa akin.

Sinubukan ko ang lahat, sinubukan kong isiwalat sa publiko ang kasakimang ginawa ng aking kapatid, si Millie ang aking kapatid ang pangalawang taong nakasaksi ng lahat ng paghihirap na inilaan ko sa nobelang iyon pero hindi ko alam kung bakit, bakit niya nagawang nakawin ito at angkinin na siya ang gumawa noon?

Gayong nasaksihan niya ang mga araw na halos isugod na ako sa ospital dahil sa puyat at dehydration.

Pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa bulok na hustisya sa mundo? Sinubukan kong humingi ng hustisya, nang i-post ko, na ako ang gumawa ng nobelang inaangkin ngayon ng aking kapatid ay halos mapuno ito ng negatibong komento na kesyo naiinggit lang daw ako kay Millie dahil ito ay sikat na at ako ay isa lamang patapong basura.

Sinubukan ko ding ilabas ang lahat ng ebidensiyang ako ang may gawa ng nobelang iyon subalit ako ay muli lamang nabigo sapagkat sa halip na ako ang paniwalaan lalo lamang akong nabaliktad. Sarili kong kapatid ang naghatid sa akin sa hukay.

Tuluyan na lamang akong sumuko, nakakapagod din na ipagtanggol ang sarili lalo na 'kung wala rin namang maniniwala.

Napagod na lamang akong sumubok, hanggang sa isang araw namalayan ko na lamang na wala na pala akong buhay.

Hanggang sa kamatayan negatibo pa ding komento ang siyang naghatid sa akin sa kabilang buhay.

- Solar

*****
Abo't tainga ang ngiti ni Millie matapos ang pangalawang book signing niya ngayong taon subalit ang lahat ng iyon ay nabahiran ng takot ng ang bumungad sa kaniyang condo ay mga nagkalat na gamit at mga bintanang hindi niya mawari kung pintura ba o totoong dugo ang nakasulat sa mga ito.

"Savour that happiness of yours, when the time come I'll get the justice that I want."

Kinilabutan si Millie dahil doon, naestatwa na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan habang mulat ang mga mata dala ng pinaghalong takot at gulat. Ilang mga salita pero tagos ang gustong ipahiwatig nito kay Millie.

Iisang tao lamang ang alam niyang gagawa noon subalit paano? Paano kung ito ay matagal ng patay?

"Hindi ito maaring mangyari! Matagal ng patay si Solar!" parang baliw na wika ni Millie sa kaniyang sarili habang sinasabunutan ang kaniyang buhok dahil sa mga negatibong ideya na pumapasok sa isipan niya.

Lumipas ang isang linggo na nabalot ng takot ang pamumuhay ni Millie, kahit ang mga fans nito ay nagtataka na kung bakit tila tahimik ito sa social media. Kahit ang mga kapitbahay nito ay minu-minutong kumakatok sa kaniyang pintuan para alamin kung maayos ang kaniyang kalagayan ngunit ni isa ay wala siyang nilabas sa mga ito sa takot na sa pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang mukha ng kaniyang kapatid.

Halos araw-araw din ay binabangungot siya dahilan upang katakutan niya ang pagtulog. Sa tuwing kaniyang ipipikit ang kaniyang mga mata ay imahe ng kaniyang kapatid na nakalambitin sa kisame ng kwarto nito ang siyang lagi niyang nakikita.

Isang araw habang himbing na natutulog si Millie ay may himig na pumangibabaw sa kabuuan ng kaniyang condo.

Dingdong~
I know you can hear me~
Open up the door~
I only wanna play a little~

Halos tumayo ang balahibo ni Millie sa nakakatakot na musikang iyon, idagdag pa ang sunod-sunod na katok na lalong nagpadagdag ng takot sa sistema niya. Nangangatog na nilisan niya ang kaniyang kama at nagkukumahog na lumabas ng kaniyang condo at parang baliw na naghihihiyaw.

Ding dong~
You can't keep me waiting~
It's already too late~
For you to try and run away~

Nabulahaw ang mga katabing kwarto nito at nagsilabasan at sabay-sabay nilang nasaksihang ang trahedyang naging kaakibat ng pagnanakaw nito sa nobelang gawa ng sariling kapatid.

"Naibigay ko na ang hustisyang dapat noon pa ay nakamit mo ate Solar. Naipaghiganti na kita at alam kong masaya mo akong tinatanaw kung nasaan ka man," wika ng babae habang nakangiting nakatitig kay Millie na ngayon ay hindi na makilala dahil sa pagkabunggo dito ng isang truck at kinukutya ng mga taong nakapaligid dito.

Breaking News,

Kapapasok lamang ng balita na si Millie Diglanon na kilala sa nobelang isulinulat nito ay napagalamang ninakaw lamang pala ang nobelang dahilan ng kasikatan nito mula sa kapatid nitong si Solar na isang taon naring patay.

****
Song Used: Hide and Seek by Lizz Robinett

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top