SHOT 2: MRS. CLARAMENTE




















"Dilly, ikaw na nga muna ang pumunta sa meeting kay Sir Trosere oh, emergency lang kasi sa bahay," aligagang pakiusap sa akin ni Daile, ang kasamahan ko sa trabaho.

"Sige ako na, puntahan mo na ang dapat mong puntahan," nakangiti kong wika saka kinuha ang mga gamit na gagamitin para sa meeting.

"Salamat ng marami Dilly, libre na lang kita pagbalik ko," agad naman itong nagpaalam sa akin, napagalaman kong sinugod pala sa ospital ang limang taon na anak niyang babae.

Agad kong inayos ang suot kong corporate attire. Nagtratrabaho ako sa MoonJade Inc. Corporation bilang isang Marketing head. Si Daile ay isa ring marketing head na tulad ko, baguhan lamang kami kaya naman hindi pwede ang papetik-petik kung hindi ligwak ang trabaho mo.

Inayos ko naman ang mga gagamitin pati na mga papeles at inilagay ito sa isang attachie case na pinaglalagyan ko ng mga ganitong kaimportanteng bagay para hindi mawala. Naipagpaalam na rin ni Daile na ako muna ang pansamantalang papalit sa proyekto ni Daile dahil nga emergency. Pumayag naman si Big Boss dahil kahit baguhan ay madali pa rin niya akong pinagkatiwalaan.

"Oh Ma'am saan punta?" bati sa akin ni Mang Kaloy ang security guard ng kompanya.

"Nakisuyo si Daile, Manong, isinugod sa ospital ang anak," saad ko.

"Ganoon po ba itatawag ko na po kayo ng taxi," wika na nito bago ako sinamahan sa labas at hinintay na makasakay sa sasakyan.

"Salamat po!"

Nang makasakay ay agad kong sinabi ang destinasyon ko sa driver.

Inilabas ko ang compact mirror ko para maglagay ng bahagyang lipstick para naman magkabuhay ang mukha ko. Hindi talaga ako fan ng make-up tamang pulbos at lipstick lamang ang lagi kong ina- apply sa mukha ko dahil maputi naman na ako.

"Narito na po tayo," wika ni manong driver. Agad ko namang isinilid sa aking mini backpack ang lipstick at compact mirror ko. Hindi ko gusto ang mga shoulder bag at mas gusto ko ang backpack dahil marami itong nadadala.

"Heto ho ang bayad keep the change po," nakangiting wika ko sa driver bago bumaba.

Tiningala ko ang napakalaking gusali sa aking harapan, ang Moortage Inc. Corporation. Agad kong binati ang guard na bantay pati ang mga receptionist.

Bawat empleyadong madaraanan ko ay binibigyan ko ng ngiti na buong puso naman nilang sinusuklian. Mabilis kong narating ang elevator kaya mabilis akong pumasok dito. I press 30th button where Mr. Trosere office is located.

"Good afternoon Mr. Trosere," maligayang bati ko sa isang lalaking may makisig na tindig na ngayon ay nakatalungko at nilalaro-laro ang mapupulang mga labi habang nakatingin sa akin. Mukhang nasabihan na siya na nandirito ako. Ang chismis nga naman may pakpak katatapak mo palang sa tiles ng kumpanya niya naabisuhan na agad siyang naoarito ako.

"Hmm, good afternoon Miss," makahulugang wika nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Ano ang sadya ng magandang dilag sa aking maliit na kaharian?" aniya bago tumayo upang salubungin ako ng isang matunog na halik sa pisnge.

"I see your still have your flowery words Mr. Trosere," I said after taking a seat in his lounge area.

"Oh sorry Miss sadyang kabigha-bighani lamang ang iyong taglay na kagandahan," he said with a flirtious voice. I just shake my head to this man.

"Eherm," isang tikhim na pumutol sa panglalandi ni Mister Trosere.

"Oh sorry Mrs. De Rama, sadyang corny lang talaga ang boss niyo, buti at hindi kayo nauumay," natatawang wika ko sa matandang babae na bakas ang ka-istriktuhan sa mukha ngunit mabait naman. Siya si Mrs. Gayle De Rama ang secretary ng mahanging si Mister Trolese.

"Sanayan lang Miss," nasusuyang wika nito na ikinaangal ng batang— no it's actually isip bata na siyang nasa harap ko.

"Aba, Madam De Rama shut up ka, I'm thanking you for what you've done this few years but still walang laglagan momma aba!"

"Hay ewan ko sa inyo Sir," wika ng matanda bago lisanin ang silid, leaving the two of us. He call his secretary momma dahil ayon sa kaniya mas matatawag pa daw niya kasing ina si Mrs. De Rama kaysa sa tunay niyang ina.

That's what he always tell me. He was my long time best friend that's why I know him well kahit nga ata biography niya alam ko.

"Siya tama na ang mabubulaklak na salita Mr. Trosere, trabaho na muna."

Nang maiayos ko ang mga folders kung nasaan ang proposal at kontrata ay mabilis ngunit mabusisi kong inilahad sa kaniya ang plano. Naiilang man sa mga titig nito ay pinanatili ko pa rin ang pagiging professional ko.

"I see hindi ka na nadadala ng charm ko Miss," kunwaring malungkot na ani ng binata.

"I'm just being professional Mister," I said while arranging the papers in front of me. I give him the contract na agad naman nitong pinirmahan.

"Hay ang buhay ko parang life."

Nailing na lamang ako ng magsimula na namang umaktong parang bata si Mister Trolese.

"I will go ahead na Mister, I need to pass the contract to our boss, thank you for your response," bahagya akong yumuko upang magbigay galang.

"I wish ganiyan ka- magbending pag tayong dalawa na lamang," bulong nito na agad ko namang narinig. Naginit ang buong mukha ko sa sinabi ng lapastangang nilalang na ito.

"Trolese!"

"Welcome, ipahahatid na lamang kita sa driver ko."

"Thank you Mister," labag sa loob kong saad bago siya iniwang may waging-waging ngiti sa mga labi.

'Isip bata talagang tunay.'

Masaya akong sinalubong ng buong Marketing Department ng ibalita ni Big Boss ang pagakakasara ko ng deal kay Mister Trolese. Kilala kasing mahirap i-please ang hambog na iyon kaya ganoon na lamang ang relieve ni Big Boss ng maisara ang deal.

"Congrats, Dilly."

"Kagaling talaga head namin."

"Congrats Ma'am Ganda!"

"Salamat."

"Ano naman ikinagaling niyan, parang nakapag-close lang ng deal eh. Mas marami naman na akong nai-close kaysa sa babaeng iyan," bitter na wika ni Alkemia.

Isa rin siyang Marketing head at senior ko siya, ngunit minsan pansin ko ang mga pasaring niya sa akin at masasamang tingin. Hindi ko na lamang siya pinagtutuunan ng pansin. Hindi naman ako mapapalamon ng mga salita niya diba? So ignore na lang natin ang mga ganiyang tao pinaganak na may xama ng loob sa lahat.

"Alam naman po namin iyon Ma'am, ang kaso po siya po ang nakapag-close ng sa ngayon kaya namin siya binabati, hayaan niyo po at kapag nakapag-close po kayo ulit eh palalagyan pa ho namin kayo ng bulaklak," sarkastikong sabi ng isa sa mga employado.

Nagpaalam na laman aong babalik sa aking cubicle nang masimulan ang ginagawa kong proposal na ipinagagawa ni Big Boss para sa nalalapit naming conference meeting kasama ang matataas na company owner sa buong asia.

Matapos mayari ang ginawa kong proposal ay agad ko itong inilagay sa mahiwaga kong attachie case. Nakarandam naman ako ng uhaw kaya bumaba muna ako sa pantry sandali para kumuha ng maiinom . Saktong nag-uwian na ang iba kaya walang masyadong tao sa pantry.

Nagtimpla lamang ang ng kape para hindi ako makatulog. Mahaba pa kasi ang ibiyabiyahe ko.

Nahagip ng mga mata ko si Alkemia na nagmamadaling lumabas ng kompanya.

'She still here? Hindi ko ata siya napansin?'

Bumalik na lamang ako sa aking cubicle saka inubos ang kape bago magligpit.

Dala-dala ang attachie case ko ay nagpahanap ako kay Manong Kaloy ng masasakyan, luckily may  dumadaan pa ng ganitong oras. Magaalas-diyes na kasi ng gabi buti at mayroon pang dumadaan.

Kinabukasan

"Dilly are you ready na?"

"Yes boss."

"Good, Alkemia, Daile tara na."

Agad kaming pumasok sa conference room at sinalubong kami ng maiingay na mga media at matatandang company owner tanging si Mr. Trolese lamang ata ang bata sa kanila. Mayroong iilang media ang pinadalo sapagkat isa ito sa pinakamatunog na balita ngayon.

Halos ilan kaming kompanyang magpapakita ng ginawa naming proposal at lima lamang ang matatanggap. Hinipan ko muna ang namamasa kong mga palad bago inilapag ang dala kong attachie case.

Mabilis ko itong binuksan ng mapukaw ko na ang atensiyon nilang lahat. Halos naitaob ko na ang attachie case ko ngunit hindi ko pa rin ito mahagilap.

Halos maiyak na ako ng sabihin ko ang problema sa Big Boss namin na nagtitimpi ng galit.

"Nandito lang ho talaga sa case ko ang mga papel eh," halos mangiyak-ngiyak kong wika sa kaniya.

"Do something, nakakahiya,Dilly," may kahinaang wika nito.

"Sir."

"Not now Ms. Alkemia."

"Sir meron akong back-up, noong sinabi niyo sa meeting ang patungkol dito ay gumawa ako ng akin in-case ofemergency," may ngiti sa labing wika nito. I have a bad feeling about it.

"Go Ms. Alkemia save the face of our company."

"Gladly Sir."

Napatingin naman ako kay Trolese na may pagaalalang nakatingin sa akin nag-iwas na lamang ako ng tingin at ibinaling ito kay Alkemia

"A pleasant afternoon gentlemens, sorry for the delay may kaunting errors lang," wika nito bago umpisahang basahin ang proposal na ginawa niya.

"Paanong...?" hindi ito maaari.

"Anong problema Dilly?"

"Gawa ko iyan Daile eh, kabisadong-kabisado ko bawat letra at pangungusao ng pinaghirapan kong oroposal kagabi," nanghihina wika ko.

Agad akong lumabas ng conference room upang lumanghap ng hangin. Hindi ako makapaniwalang magagawa sa akin ni Alkemia iyon.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng conference room at nakitang lumabas si Big Boss na galit na galit.

"Dilly paano mong nagawang iwala ang mahalagang bagay na iyon?! Paano na lamang kung hindi nakagawa si Alkemia ng proposal? Nakakahiya sa mga company owner!"

"Pasensiya na po talaga," I said. Gustuhin ko mang sabihin ang katotohanan ngunit alam kong sarado ang utak ni Big Boss sa oras na ito.

"You dissapoint me!"

Magkasunod kaming muling pumasok sa conference room at naabutan naming nakayari na si Alkemia sa presentation at binabati na ito ng mga company owner.

Napansin kong nagiigting ang panga ni Trolese at akmang tatayo ngunit inilingan ko na lamang siya. Akala ko ay makikinig ito ngunit hindi ako nito pinansin at agad na tumayo at tinunton ang harapan kung nasaan si Alkemia.

Pansin ko ang pamumula ng mukha ni Alkemia ng mapansing papalapit si Trolese sa harap niya. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagayos nito ng kaniyang buhok saka may ngiti sa labing sinalubong si Trolese at akmang makikipagkamay ngunit nilagpasan lamang siya ng binata.

"Good afternoon gentleman, also congratulations for your great presentation Ms. Alkemia. Kukuhanin ko lamang ang kaunti niyong oras kung maari lang naman," wika nito na sinangayunan naman ng lahat.

Ang tunog ng mga camera na dala-dala ng mga reporters ay pinuno ang katahimikan ng silid.

"Gusto ko lang samantalahin ang oras na ito para ipakilala ang pinakamamahal kong asawa, Mrs. Dilly Claramente can you please go here at my side?"

Gulat ang masasalamin sa mukha ng mga tao lalo na sa mga katrabaho ko. Samantalang nanigas naman si Alkemia sa kinatatayuan niya at may halong sakit sa mga mata.

'I knew it, she has a huge crush on my husband what a bitch for stealing my presentation to seek for my husband attention.'

"Also I just want to reveal a secret, hindi naman talaga nawala ang presentation ng Misis ko kung hindi ninakaw what do you think Ms. Alkemia?" kahit seryoso ang boses ay hindi nakaligtas sa akin ang panunuyang pagkakasabi nito.

'Ano pa nga bang aasahan ko sa baby damulag nito, mukhang nilagyan na naman ng maliit na camera ang coat ko.'

Gawain kasi iyon ni Trolese pagkaaalis ako para daw mamonitor niya ako. Ngayon ko lang ata masasabing may silbi din pala iyon.

"What are you saying?"

"Oh alam mona ang ibig kong sabihin," Trolese said before opening the TV revealing how Alkemia steal my works while I'm out.

"No one dares to hurt my wife you know. Diba baby ko?" parang batang wika nito dahilan upang magtawanan ang mga kalalakihan. Paano ba naman ang isang strikto at mabangis na bussinessman ay nagpapacute sa harap ng marami.

I just smile with it.

I'm Dilly Claramente and Trolese Claramente is my husband. And I'm proud to say that I love him even he's imperfection.

●●●●●●

Wrong grammars ahead.
Unedited

Votes and comments are highly appreciated

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top