Entry #2: May Crush Ng Iba Ang Crush Ko

"May Crush ng Iba Ang Crush Ko"

...

Si Aldrin Alfonso.......siya lang naman ang crush ko since 3rd yr hayskul nung nagkita kami nung J.S. prom namin. Pero hindi pa kami magkakaklase nun. At ako, si Aliyah Mae Rodriguez, ay ang total NOBODY sa buhay nya. :(

Kung baga, hindi ako nag-eexist sa mundo nya. :((

Pero nung nag-4th yr kami pareho, naging magkaklase kami. At nabigyan rin ako ng oppurtunity na maging isa sa mga close friends nya. Kaya dahil dun, naglakas loob na akong magtapat sa kanya. Pero.....nung magtatapat na sana ako sa kanya... narinig ko mula sa usapan ng kanyang mga kaibigan na pinag-uusapan nila ang so-called 'crush' nya bagamat di nila binanggit yung pangalan.

Pero wala na 'kong balak alamin pa kung sino siya... kasi ang sakit2x lang eh. Oo nga't masakit, pero kelangan ko pa ring umarte na ayos lang ako sa harapan nya kasi ayoko namang mawala ang 'friendship' na meron kami.

"Aliyah! wait up!" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon yung tumatawag sakin.

Habang papalapit sya sakin eh mas lalong bumibilis at lumalakas ang tibok nitong aking puso. Hoy heart, magbehave ka nga. May crush na yang iba you know.

"Oh Aldrin, kaw pala. Akala ko nauna ka ng umuwi."

"Hala, di mo ba alam na asgwjkljkst..."

Ha? Di ko narinig ang huli nyang sinabi dahil hininaan nya ito. Anubey! alam nya naman na wala ng dadaig pa sakin sa pagiging bingi eh.

"Ha?" nasabi ko na lang

"Aish! Sabi ko---"

"Ayieee.... si tol Idol at ang crush nya." Bigla na lang sumulpot mula sa kung saan ang tropa nya.

Nakita ko naman si Aldrin na tinignan sila ng masama. Napalakas tuloy yung kantyaw nila.

Yung crush nya, naririto? Asan? (At ng masampal ko, mehehe jowk!) Nagpalinga-linga ako sa paligid and then... not far from us, nakita ko si Cindy na naglalakad papunta saming direksyon. Surely, magiging crush ito ni Aldrin. Campus princess sya, maganda, matangkad, slim, maputi at higit sa lahat habulin rin ng mga lalaki just as si Aldrin na habulin naman ng mga babae.

Ano namang panama ko sa kanya di ba?

Nang makalayu-layo na kami sa mga tropa niya at ng mapadaan na rin si Cindy palagpas samin, kunyaring tinutukso-tukso ko naman si Aldrin.

"Ayieee... ikaw ha, si Cindy pala ah. Yieee" panunukso ko sabay kiliti sa tagiliran nya kahit sa kaloob-looban ko eh parang paulit-ulit na sinasaksak itong aking puso.

"Anong si Cindy? Kelan ko pa naging crush ang maarteng yun ha?" pagdedeny nya pa.

"Aba ewan ko sayo." sabi ko.

"Psh...hindi sya yung crush noh." nakayukong sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad, ganun rin sya.

"Oh, ba't tumigil ka?"

"Eh sino pala itong so-called crush mo?" kunot-noong tanong ko.

Usisera na kung usisera pero gusto ko na rin malaman noh! Hindi nya ako diretsong sinagot and instead pinakuha nya yung salamin ko. Nagtataka ko naman syang sinunod.

"Now, look into the mirror." utos nya. Sinunod ko naman sya

"Teka nga lang, ba't mo ba 'ko sinasabihan ng mga ganito ha?"

"Whoever you sees in the mirror, sya yung babaeng matagal ko ng crush. :)"

---THE END---

-----------------------------------------------------------

Author's Note:

My 1st ever creation, wahaha! I think this was made nung high school pa ako.

Well, kung havey sa inyo ang story, vote & comment pls. Thanks <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top