Entry #1: Ang Nakikita Niya Sa'kin

"Ang Nakikita Nya Sa'kin"

...

Marami nang nagsasabi sa'kin na hindi na'ko magkaka-nobyo dahil sa panget kong itsura, at hindi naman ako aangal do'n. Totoo naman kasi, kung pisikal na kaanyuan lang ang pagbabasehan... tanging mga aso lang sa kanto ang maghahabol sa mga kagaya kong pandak, maraming tigyawat sa mukha, may malabong mga mata na kelangan ko pang magsuot ng makapal na glasses, at mga ngipin na hindi gaanong pantay.

Hindi naman ako nababahala sa mga sinasabi nila. Mabubuhay pa din naman ako ng walang nobyo.

'Yun nga lang,  buong buhay ko marami na'kong mga natatanggap na pangungutya. Nung una iiyak-iyak pa ako sa tabi, pero kinalaunan ay nasanay na din ako na umabot pa sa puntong namanhid na lang ako ng tuluyan at hindi na nakakaramdam ng anumang sakit kahit anong pang-iinsulto pa ang ibabato nila sa'kin.

"Hi miss beautiful!"

Hanggang sa... dumating ang araw na makilala ko itong nakakaasar na lalaki na bumabati sa'kin ngayon sa tahimik at walang katao-taong hallway bukod sa'ming dalawa alas sais pa lang ng umaga.

Papunta na kasi ako ngayon sa'ming first period class at nakaugalian ko na talagang maagang pumapasok para makaiwas na din sa maraming tao sa umaga.

Ano'ng pangalan niya kamo? Siya lang naman si Ronnie Alcantara, ang tinaguriang campus hearthrob ng eskwelahan namin. Naging magkaklase kami simula pa nung grade 7 students kami hanggang ngayon na grade 12 na kami.

Nagsimula ang pantitrip nya sa'kin nung grade 8, nung mga oras na naghahanap ang English teacher namin ng pwede niyang maging personal tutor dahil sa pabagsak nya nang grado noon sa English subject. At sa dinadami-dami ba naman ng sobrang willing na magtutor sa kanya noong araw na iyon...

"Gusto ko yung naka-glasses ang magtutor sa'kin."

Naalala ko pang sabi nya noon sabay turo sa'kin. Kaya sa kasamaang palad, ako, na nananahimik lang sa gilid, ang napili ng guro namin na maging personal tutor nya. Nagtagal din ang tutoring lessons ko sa kanya hanggang grade 9.

..

"Hoy Jane Castro, tinatawag kita! "

Nabalik naman ako sa realidad nung maramdaman kong may isang pares ng mga kamay ang biglang humawak sa balikat ko dahilan para mapaharap ako sa taong iyon...

At sa kasamaang palad ulit, ako nga iyong tinawag nyang Jane Castro- ang tampulan ng tukso sa eskwelahang ito.

Pagkaharap ko sa kanya, agad naman akong namula nang bumungad sa'kin ang kanyang napaka-gwapong mukha-na syang naging dahilan para mahumaling sa kanya ang libu-libong mga babae dito sa campus.

Hindi naman sa OA akong magdescribe pero dahil sa features ng kanyang pisikal na kaanyuan, namely: mapupungay na mga kulay kahel na mga mata,  itim na buhok na parang hindi nadaanan ng suklay pero bagay pa din tingnan sa kanya, matangos na ilong, saktong kulay ng skin tone, at kissable red lips... hindi na nakakapagtaka kung madaming nagkakagusto dito.

Kumbaga total opposite ko sya!

Tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako para lang harapin sya ng mata sa mata. Pero masyado syang maliwanag sa paningin ko, nakakatunaw!

"Ang aga aga nantitrip ka na ha!" pabalang kong sabi na halos sumigaw nako. Matapos iyon ay dali-dali naman ulit  akong tumalikod sa kanya at iniwasan siyang makasabay sa paglalakad kahit pareho lang kami ng classroom na pupuntahan.

"Bakit? Hindi ba totoong maganda ka?" natanong nya pa habang pinipilit na humabol sa bilis ko sa paglalakad. Nag-init naman ang ulo ko at mas lalo ko pang binilisan ang paglakad.

"Malamang hindi! Bulag ka ba?! Kung trip mo akong lokohin, mas mabuti pang lubayan mo na lang ako! Hindi na kita estudyante, remember?! " asar na asar kong tugon habang 'di pa din tumitigil sa paglalakad.

Matagal nang tapos ang tutoring lessons namin pero bakit ganun, ayaw nya akong tantanan?! Araw-araw na lang... sinasabihan nya ako ng mga salitang sa kanya ko lang naririnig.

Hindi ko na siya naramdamang sumusunod sa'kin matapos kong sabihin iyon kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kung may bulag man sa atin, ikaw yun Jane..."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya na nasa likuran ko lang.

"Hindi ako bulag... at mas lalong hindi kita pinagtitripan." dagdag pa nya.

Dahil kami lang dalawa ang nasa hallway ngayon, tanging mga yabag ng kanyang leather shoes lang ang naririnig ko, hudyat na naglalakad na naman siya palapit sa'kin.

*Dugdug... Dugdug.. *

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang hawakan nya ang aking kanang kamay at dahan-dahan akong niyakap mula sa likod.

"Hindi mo man nakikita ito, at nang kahit sinumang nilalang sa eskwelahang ito...pero ako, nakikita ko ang isang napakaganda at napakabait na babaeng nakilala ko sa campus na ito na nagngangalang Jane Castro." husky nyang pagkakabulong sa dulo ng tenga ko habang nakayakap pa din sa'kin.

"Sana makita mo din yung nakikita ko..."

-THE END-

-----------------------------------------------------------

Author's Note:

Whatcha' think of this one? Comment your thoughts down below. And don't forget to vote.

Have a great day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top