XXV

"ᴇᴍɪʟɪᴀ ᴅᴇ ᴘᴇʟɪɢʀᴏ"



"Bakit gusto mong mailathala ang k'wento mong ito?" Sabi nung tagapatnugot na prenteng-prente na nakaupo sa taborete habang maiging binabasa ang manuskrito na aking isinumite

Tumingin muna ako sa buong dagap ng bahay-limbagan na aking kinatatayuan ngayon

Dust collected everywhere as far as I could see, spider webs wove loosely around books, dirtied shelves, and stands, Busted lamps hung fro weathers, braided wires that were embedded into the cracked ceiling. The ground was littered with dirt, glass, books, and torn paper. The crevices in the wall allowed small amounts of light to filter inside along with thin ropes of ivy. Dust floated lazily in the air causing them a difficult time breathing, and every step put more of it in to the air.

Huminga ako ng pagkalalim-lalim bago tuluyang nagpasakop sa matatalim niyang mga titig, The man is resting against the wooden pillar with a face of utter nonchalance, as if he were merely waiting for a bus on a spring day, apple in hand. He isn't slumped at all, his body is clearly too muscular for that, yet it is just as relaxed as his face. He's almost smiling - smiling as if something good were about to happen.

"Hinde po sa' kin ang k'wento na 'yan." Tugon ko dahilan para magbago ang kanyang ekspresyon at mapa-iling ng ilang beses, akma niya na sanang kukuyumpitin ang papel sa kanyang harapan ng magsalita ako ulit

"Pero hayaan niyo po akong isalaysay sa' yo ang lahat." The anticipation was a nervous kind of energy. It tingled through me like electrical sparks on the way to the ground, gathering in my toes. Before I knew it, I was under orders and the owner of this publishing house positioned himself on the blocks

Pumikit muna ako bago nagsalita muli at nag-apuhap ng mga salitang maaring gamitin sa pagsisiwalat ng isang k'wento na matagal ng patay sa mga isipan ng tao dito sa Sitio Demasinagan

"N'ong taong 1865, maraming mga manunulat ang pinapapatay dahil sa mga akda nilang kumukuwestiyon at kumakalaban kay Mayor Matias na siyang nakaupo parin sa kanyang p'westo dito sa Sitio Demasinagan. si Emilia De Peligro ay isa sa mga tanyag na manunulat n'ong kapanahunan niya, hinahangaan siya dahil sa taglay niyang katalinuhan at katapangan

Kung ang ibang mga manunulat ay natatakot at naglilingid sa mga k'waderno at sa mga agiw ng kanilang mga pluma dahil sa buktot na pamamaraan na may'ron si Mayor Matias pero naiiba si Emilia dahil 'di siya tumigil sa pagsusulat kahit sobrang laganap na ang patayan sa kanila, 'di siya natinag kahit maubos man ang dagta ng kanyang pluma, mapudpod man ang kanyang lapis, o maubusan man siya ng papel ay 'di siya napagod sa kaka-trabaho magdamag kaharap ang kanyang makinilya na nagsisilbing pag-asa niya sa kalunos-lunos nilang pinagdadaanan, daan niya ito para matulungan ang mga kababayan niyang tikom ang mga bibig. Siya'y kumakandili at para narin magsilbing boses nila dahil siya'y lumiyag sa sarili niyang bayan

Ibubunyag at ititigis niya na parang krudo na 'pag sinindihan ay mag-aalab ang mga karumal-dumal na mga pinagagawa ni Mayor Matias. Nagpabulag ang karamihan sa kaniya habang ang bawat laman ng balintataw at ng kanyang isipan ay  pera at salapi lamang, mga maling adhikain ay ang kanyang mga pangako kaya mas ginaganahan si Emilia na magsulat ng mga bagay-bagay ukol sa 'di makat'wiran na pamamalakad niya na animo'y bagong tasa na lapis

Nagpatuloy sa pagsaliksik si Emilia habang binabaktas ang daan patungo sa bahay ng mga martir na Arsobispo na siya ring matalik na kaibigan ni Mayor Matias, pati sila ay sinusuhulahan 'wag lang madungisan ang kanyang mabangong pangalan, pati ang mga malalaking Santo na hango sa pilak at asoge ay ibinibenta sa kabilang bayan para lang sila'y kumita at magkar'on ng malaking pera na kalaunan ay gagamitin nila sa pagbili ng mga pinagbabawal na mga gamot at drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na mga sangkap, mga inhalante, marihuwana o mga cannabis at mga isteroyd

Naalala ko nga minsan nang nakita ni Emilia ang bangka na galing sa Isla ng Marinduque ay sakbibi dahil sa dami ng karga nitong mga kalakal at mga kagamitan na may mga droga sa loob, alam niya dahil minsan na niyang nakita si Mayor Matias kasama ang mga alipores nito na binubuksan ang isang bayong na naglalaman ng gipalpal na mga kontra bandos na gagamitin nila para mabusog sila t'wing gabi sa paghithit na animo'y ikinabubuti nila ang paglanyos ng mga droga habang nagkakalasog-lasog ang kanilang mga baro t'wing nagsusulsi ng mga balabal para sa mga lediratong itinuring nilang mga Diyos. 'Pag di ka nagsamba sa paanan nila, kinaumagahan ay makikita na ang katawan mong duguan sa may ilog o sa tabi ng daan

Kung minsan ang laki kung magpataw ng buwis na parang isang ire lang nila sa kanilang mga palikuran o letrina ay makakapaglabas na sila ng pera para maibigay sa kanila, pero ang 'di alam ng mga tao ay ginagamit lang nila ang nakokolekta nilang mga pera para suhulan ang mga tagapagbalita sa telibisyon pati narin sa radyo para sila'y lalong umangat sa mga pandinig at pananaw ng mga tao sa Sitio Demasinagan, idinamay nila ang literatura para sila'y mabigyan pagpupugay sa mga tampalasan at salipanya nilang mga aktibidad. Ang pera na dapat sa mga mamayan lamang ay 'di nila pinapalampas na animo'y bawat guhit sa kani-kanilang mga palad ay may nakabaon na kayamanan, mga kayamanan na sila lang nakaka-benepisyo. Masinsinang nakabantay sa p'wedeng mga gawin ni Mayor Matias, ayaw niyang bitawan ang nasimulan niya. Magwawagi rin siya sa pagsisiwalat ng mga baho ni Mayor. Walang kahit sino man ang dapat maabuso dahil lang sa nagpadala sila sa sinag ng karangyaan. Walang masama sa paghangad ng marangyang buhay pero 'pag nadungisan kana dahil nalublob ka sa kumunoy ng tagumpay hanggang sa umabot sa punto na kinakalantari ka na ng naturang tagumpay. Diyan simulang umabuso ang mga tao, katulad ni Mayor Matias

Umabot ang araw para pumili ng panibagong Bise Mayor sa Sitio Demasinagan, abala si Mayor no'n sa paniningalang pugad sa nakababata niyang kapatid na si Elias na patuloy sa pagdidiga para makuha ang simpatya ng madla at madami-dami rin silang mga nabingwit at karamihan dito'y binayaran lamang para makasigurado ng panalo, alam na alam ni Emilia kasi maging siya ay binigyan rin ng puting sobre na naglalaman ng limang daang piso. Akala nila'y mababayaran nila ang dalisay na budhi ng mga mamamayan. ibahin nila si Emilia dahil totoo siya sa kanyang prinsipyo at adhikain

At 'di nga siya nagkamali dahil nanalo si Elias bilang Bise Mayor. Napa-isip si Emilia na dapat na niyang matapos ang istorya at para masumite sa mga bahay limbagan para mapukaw ang atensiyon ng mga tao at 'wag magpadala sa lagaslas ng politika at tanging lagaslas lamang ng makatarungan ang dapat sundin. Kung may mga k'wento silang dapat bigyan ng buhay ay sana'y hayaan rin ang mga manunulat sa paglalahad ng k'wento na hangad lamang ay magbaybay ng katotohanan

Sariwang-sariwa pa sa isipan ko na may lalaking sumigaw magmula sa tuktok ng bahay-limbagan

"Bakit tinatanggalan niyo kami ng karapatan at kalayaan, kasarinlan ang aming sigaw." Sigaw no'ng matanda dahilan para umalingawngaw ito sa buong kabahayan habang tangan-tangan nito ang mga papel na dapat ililimbag sana bilang dyaryo o kung mas tawagin nila ay "Rejected newspaper"

Ang pamumuna sa peryodismo ay iba-iba at minsan ay marubdob. Ang krebilidad ay pinagdududahan dahil sa mga hindi kilalang pinagmulan, mga mali sa detalye, pagbaybay, at balarila, totoo o kaya natutuklasang hindi patas, at mga alingasngas na may kinalaman sa panunulad at paggawa ng kuwento.

Noon, ang pahayagan ay madalas na pagmamay-ari ng mga makapangyarihang tao, at ginamit ito upang magkaroon ng boses sa pulitika

Biglang hinawi ni Emilia ang mga taong nakapila at 'di napigilan ang sarili na magbigay ng kanyang hinaing. Matagal na niyang gustong punain ang kanilang pamamaraan. Siguro, oras na niya para ibunyag ang mga kasalanan ni Mayor Matias dahil kung magpapasawalang-bahala lamang siya eh baka magpatuloy ang patayan sa mga manunulat lalo na't naitaas na ang kailwang kamay ng nakakabatang kapatid ni Mayor Matias na hudyat ng pagkapanalo nito. Mapanganib man ang gagawin niya ay pinangatawanan na niya ang magiging desisyon niya, dahil kung peligro lamang ang pag-uusapan ay matagal na itong nakapaskil sa kanyang isipan simula nung maging manunulat s'ya at maging boses siya ng mga anak ng dalita

Sinabe ni Emilia lahat-lahat na kailangang malaman ng mga tao sa Mayor nila, biglang nagkaroon ng siwang dahilan para mabigyan ng kakaunting espasyo ang mga alingasngas at alimuom sa lugar na kinalalagyan nila

Nagpupuyos sa galit no'n si Mayor Matias at bagong talagang Bise Mayor na si Elias dahilan para maipatapon sa selda si Emilia, ginuyod siya ng mga pulis at paunti-unting itinali ang kanyang mga kamay sa malalamig na tanikala habang kita-kita ang banaag niya sa salamin na may hungkag na lente, namuo ang takot at lunos sa puso niya hinde dahil sa hinde pabor ang tadhana at hukidatura sa kanya kundi dahil sa hinde niya naipaglaban ang ibang manunulat na nagtatago sa lilim ng mga tinatawag nilang mga Diyos datapwat, Diyos nga ba ang dapat itawag sa kanila kung pati buhay ng tao ay kanilang pinaghuhukuman?

Kahit nasa selda ay nagpatuloy si Emilia sa pagsusulat, hinde siya tumigil pagka't ang salitang "pagtigil" ay para lamang sa mga nakahimlay sa kabaong hangga't may paksang maisusulat ay patuloy siyang magsusulat sa kabila ng mga problema na pilit ipinadadanas sa kanya, minsan nga ay biglaang naantala ang kanyang pagsusulat ng dumalaw ang siyang nakakabatang kapatid niya na babae para hatiran siya ng pagkain

Alalang-alala ko rin no'n kung pa'no siya uhaw na uhaw, ilang segundo palang ang nakakalipas sa pagbibigay ng tapayan na naglalaman ng kakarampot na tubig galing sa poso

Ibinigay niya ang kanyang k'waderno sa kanyang kapatid habang tuluyang lumandas ang mga butil ng luha papunta sa kanyang pisnge, natakot rin ang batang babae pagkat sa 'di niya alam ang gagawin akma na sanang kukunin ng batang babae ang k'waderno ng umingay sa loob ng selda gawa sa mga putok ng baril hanggang sa matamaan ng punglo si Emilia De Peligro sa kanyang ulo at pumasok nalang ng biglaan si Bise Mayor Elias habang hinihipan ang nguso ng kanyang baril

Umiyak ang kanyang kapatid sa pagkat 'di makatarungan ang ginawa nila at dahan dahan niyang kinuha ng tuluyan ang k'waderno mula sa duguan nitong katawan

Mga walang' ya sila, sobra..." Napatigil ako sa pagk'we-k'wento at tuluyang tumingin sa mga naglalakihang mga mata ng aking kaharap, alam kong nabigla siya sa' king mga naipahayag sa kanya ngayon

"Kaya nandito ako ngayon bilang si Salome De Peligro, nakakabatang kapatid ni Emilia De Peligro para ipagpatuloy ang nasimulan niyang mga k'wento at para narin ipaghigante siya!" Bulyaw ko habang inilalabas ang pistola na nakatago sa' king tapapetso at itinutok ito sa kanya

His hands trembled at his sides and he jammed his fist into his mouth to stifle a scream

"Akala mo siguro na p'wede mo ng ibaon sa hukay ang lahat-lahat Elias, binili mo pa talaga itong bahay-limbagan para lang ma-protektahan ang mga pangalan ninyo ng iyong Kuya na si Matias. madami-dami narin kayong napatay na mga manunulat, kaya nabuhayan ako ng pag-asa para tuldukan ang k'wento ni Emilia De Peligro."

Pinihit ko ang gatilyo sa paraang gusto ko at biglaan siyang bumagsak sa kanyang kinauupuan

The cold metal made my skin greyer on my hands as if my blood ran from the gun. His dead eyes reflects the charcoal clouds above, their dark beauty lost to this victim of the night

Nilapitan ko ang duguan niyang katawan habang tinutusok-tusok ito gamit ang aking pluma at agad itong inilapat sa mga naglalakihang puwang sa papel, dugo niya ang nagsilbing tinta

"Tapos ko na, natapos ko na." Huling sabi ko bago isinawsaw ulit ang tungki ng pluma sa duguang katawan ni Elias.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top