XXII

"Marupok"


Noon, alam kong hinde kapa handa nung magdesisyon tayong magsama. Gusto kong takasan ang magulong mundo ko noon. Gusto kong takasan ang mapang-abuso kong pamilya. 13 years ang tanda mo sa' kin. Bente lang ako n'un nang mabuntis ako pero sa kasamaang-palad, nalaglag ang bata sa' king sinapupunan

Pinagplanuhan nating mag-anak ulit. Sinunod naten ang utos ng mga doktor at nagbunga naman ang pinaghirapan natin. Taong 2010, isinilang ko ang masiglang baby girl

Akala ko ay magiging maayos ang lahat. Pero simula ng magkaanak tayo ay napansin kong nagbago ka, naging alipugha ka sa pagsusustento sa' min. Naging malamig ka na 'din sa akin at bihira nalang tayo kung magsiping sa kama

Alam kong walang perpektong pamilya kaya pinilit ko pa ring makisama sa' yo. Nagsama pa tayo ng matagal na panahon sa pag-asang makakayanan naten ang lahat ng pagsubok

Ginawa ko ang parte ko sa relasyon naten. Pilit ko ding sinasalo ang mga obligasyon hanggang malubog ako sa utang. Taong 2015, dumating ang malaking pagsubok sa buhay ko at sa relasyon naten

Nagpasama ako sa' yo sa Baclaran para magsimba. Ang hinde mo alam, iniisip ko n'on na magpatiwakal pero sa halip na magpakamatay ay mas nanaig sa' kin ang takot. Parang binago ako ng aking pagdarasal. Hinde ko tinuloy ang aking plano at nagpakalayo-layo nalang

Nalaman ko na araw-araw ka daw umiiyak at labis kayong nangungulila sa pagkawala ko. Hinde ka 'din daw natutulog sa paghahanap mo sa' kin. Tini-text mo' ko ng maraming beses na magbabago ka basta ay bumalik lang ako

Magkagayunman, hinde ko pa ring pinili ang bumalik sa piling mo. Magulong-magulo ang isip ko at hinde na kailanman maniniwala sa mga pangako mo.

Tumagal pa ng anim na buwan ang aking pagkalugmok, sa mga panahon na 'yon ay nakilala ko si Jerome na nagsilbing taga-aliw ko sa malalamig kong mga gabi

Patawarin mo ako sa'king karupukan, sana ay alagaan mo ang naging bunga ng pagmamahalan naten. Mag-uumpisa ako ulit pero mag-uumpisa ako na wala ka

Makakalimot ka rin balang araw

Paalam at mag-ingat kayo ng anak naten

Nagmamahal,
Maria

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top