XXI

"Pagkitil"




Lumaki ako sa marangyang buhay. Ang mga magulang ko ay may business n'on at sangkatutak ang pera namin. Sunod ako sa layaw, bukod sa madaming pera, marami rin akong mga kaibigan n'on. Ako lang nilalapitan nila sa panahon ng kagipitan. Iniisip ko na 'pag ako naman ang nagipit ay matutulungan nila ako

Dumating ang araw na kinatatakutan ko, nagkasakit ang Daddy ko at na-comatose sa matagal na panahon

Umabot ng halos isang taon si Daddy sa Ospital. Lumobo ng lumobo ang gastos at bills, napabayaan na namin 'yung business namin dahil tutok kami sa kalagayan ni Daddy. Bunga nito'y marami na kaming bills na 'di nababayaran

One year and two months to be exact n'ung magising si Daddy mula sa pagka-coma. Labis ang saya namin dahil akala namin ay tuloy-tuloy na ang recovery niya pero ang saya namin na 'yon ay panandalian lang pala. Eksaktong isang buwan matapos niyang makalabas ng Ospital, tuluyan na kaming iniwan ni Daddy

Isang buwan matapos ang libing ni Daddy, tumatawag na ang mga bangko dahil ireremata na daw nila ang negosyo at bahay namin, d'on ko lang napagtanto na lubog na sa utang ang aking mga magulang. Nakasangla pala sa bangko ang bahay na kinatitirikan namin. Hiyang-hiya ako nang sapilitan kaming pinapaalis sa bahay at may karatulang "House For Sale" Nanliliit ako habang pinagtitinginan kami ng mga kapit-bahay.

Gumawa ako ng paraan para kahit paano ay makabawi. Sinubukan kong singilin ang mga kaibigan ko na may pagkaka-utang sa' kin. Ang masaklap, wala kahit isa lang man ang nagbayad.

Sa sobrang stress ko, Hinde na ako makapag-isip ng tama at parang gusto ko na lang sumunod kay Daddy. Nagcheck-in ako sa Hotel at tila baga buo na ang isip kong kitilin ang sariling buhay

Habang umuupo ay binuksan ko ang TV. Bumungad sa' kin ang isang Christian program

"May isang tao diyan na nagpla-planong magpakamatay... Kaibigan, makinig ka sa' kin.... 'Wag mong gawin 'yan, Mahal ka ng Panginoon." Nang marinig ko 'yon ay napa-iyak nalang ako habang dahan-dahan na ibinababa ang lubid na hawak ko at tila nawaglit sa isipan ko ang planong pagpapatiwarik.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top