XLVIII
"Pandemya ka lang, Pilipino kami"
“Nagdulot ng matinding trapiko ang checkpoint sa border ng Quezon City at San Mateo, Pasig, at maging sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa unang araw ng enhanced community quarantine. Nagba-balita, Adrian Ayalin, Brigada FM.”
Ilang araw na ang nagdaan matapos i-anunsyo na magbabalik muli sa ECQ (Enhance Community Quarantine) ang buong Metro Manila ay nagkukumahog na ang iilan sa mga kapitbahay namin sa paglabas para magsibilihan ng mga essential goods.
Sa ngayon na nakaupo ako dito sa labas ng aming dampa ay nahagip ng aking mga mata ang aligagang-aligaga na si Josephine.
“Hoy Josephine!” sigaw ko na siya namang ikinalingon nito sa gawi ng aming bahay, kung kaya’t tumakbo ako gamit ang napudpud kong pares ng tsinelas patungo sa gate naming gawa sa kahoy.
Ngumiti naman ito sa akin kahit sa kabila ng mga butil ng pawis na tumatagtak simula sa noo hanggang papunta sa leeg, “Uy! Nariyan ka pala Andeng. Kumusta na?”
Ang makarinig ng simpleng ‘kumusta ka?’ galing sa sinuman, lalo na sa panahon ngayon ng krisis na kung saan ay apektado ang mental health ng halos lahat ng tao sa mundo ay nakakagaan lang sa loob.
Sandaling napahugot ako sa aking hininga, “Sinungaling ba akong maituturing kung sasabihin ko na hindi ako okay?… Siyempre hindi, kasi ano ba naman iyong makakain kami ng dalawang beses sa isang araw diba?, at saka wala na ata akong magagawa sa sitwasyong ito dahil…..dahil.”
Hindi ako makaapuhap ng tamang salita na idudugtong sa dahil na iyon. Maraming mga rason ang gumugulo sa aking isipan gayong wala akong maisip kung sinu-sino ang dapat sisihin sa lalong paglaganap ng COVID-19 na ito.
Ang nakakabahala pa dito ay mga vaccines na ang nagsidatingan sa bansang Pilipinas—magandang senyales na sana iyon para makabangon ang iilang mga Pilipino na nalugmok dahil nawalan ng trabaho, ngunit nitong nakaraang linggo ay bigla na lang may ibinalita sa radyo at TV na may mga matatanda ang namatay matapos mabakunahan.
Pati pala ang kakarampot na pag-asa naming mga mahihirap na makalaya sa COVID-19 ay wala ring kasiguraduhan.
Ngunit sa panahon ngayon ay wala namang atang kasiguraduhan ang lahat diba?, kagaya ng hindi pagiging sigurado ng mga himpilan ng Gobyerno sa kung kailan magbubukas ang mga paaralan sa mga estudyanteng kapos sa nararapat na edukasyon at iba pa.
Pero ang malaking kuwestiyon dito ay kung kailan matatapos ang lahat ng ito?, kung kailan ba matatapos ang COVID-19?.
“Hindi lang ikaw ang dumadaan sa hirap Andeng. Kaming milyon-milyong mga Pilipino na katulad mo ng kuwento ay ninanais na rin na bumalikwas mula sa pagkakahimlay. Kaya halika! Samahan mo ako sa barangay.” dagliang hinablot ni Josephine ang aking kamay palabas.
“Teka, teka! Bakit naman tayo pupunta ng barangay?”
“Namimigay ang barangay ng lugaw. Para sa ating hindi sigurado kung may ulam na lulutuin o bigas na masasaing mamaya ay sino ang may sabi na lugaw is not essential ha?. Saka pandemya lang itong kalaban natin, mga pilipino tayo!” sa sinabi nito ay hindi ko naiwasan na hindi mapabunghalit sa pagtawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top