XLVII
"Ang wakas sa ating simula"
"Magba-bus na ako, text na lang kita kapag nakauwi na ako"
Nung gabing iyon ay ito ang huling text na natanggap ko sa aking girlfriend na si Pepper. Kakatapos lang daw ng shift niya sa pinapasukang convenience store, habang ako naman ay kakauwi lang ng gabing iyon galing sa university para mag-report dahil kanina lang natapos ang internship ko sa isang kompaniya.
Ibig sabihin lang nun ay gra-graduate na ako sa susunod na linggo, at hindi na ako makapaghintay na sabihin ang lahat kay Pepper kapag nagkita kami kinabukasan na siyang araw ng mga puso.
Ayaw kong sabihin kay Pepper sa text o tawag lang ang magandang balita. Gusto ko ay personal kong masabi, nang sa gayon ay makita ko ang magiging reaksyon niya, dahil noong isang taon pa namin napag-usapan na kapag nauna akong maka-graduate ay puwede na kaming magsimula ng panibagong buhay, panibagong buhay bilang mag-asawa.
Four years na kaming mag-boyfriend at mag-girlfriend ni Pepper, at sa loob ng apat na taon na iyon ay walang araw na hindi ko hiniling na makasama siya sa susunod na yugto ng aking magiging buhay.
Nai-imagine ko na siya na nakasuot ng traje de boda at dala-dala ang isang pumpon ng bulaklak na rosas habang naglalakad patungo sa akin. Sa imagination ko pa lang ngayon ay labis-labis na ang saya na nadarama ko, paano na lang kaya kung totohanan na.
Matutunog na buntong-hininga na waring maliliit na kuwitis ang kasalukuyang pumupulas sa aking dibdib.
"Asa'n ka ba? Puntahan na lang kaya kita para mas safe?" dinaig ko pa ang isang kisapmata, kahit madilim dito sa kuwarto namin ng kapatid ko ay mabilis ko iyong nai-type at na-send.
Kapag ganitong mga oras kasi ay more often than not ay sinusundo ko siya kapag once na nag-text siya sa akin na kakatapos niya lang sa work. Kun'di lang talaga sa internship ko ay baka inaraw-araw ko na siyang nasusundo at nahahatid pabalik sa bahay nila.
Panay ang text ko sa kan'ya ng kung anu-ano gayong wala naman akong ginagawa maliban sa pagyakap sa unan at paggulong sa kama na parang isang teenager na naghihintay sa isasagot ng kaniyang adviser kung may quiz bang gaganapin bukas.
Ang hindi ko pala namamalayan ay mag-i-isang oras na o mahigit simula ng makatanggap ako ng reply kay Pepper, ngunit bukod do'n sa text na diyaan na lang siya magte-text kung nakauwi na siya sa bahay nila na hindi naman ganoon kalayo mula sa pinagtratrabahuan nito ay wala ng iba.
Tinignan ko pa nga sa facebook kung online siya, subalit pati dun ay walang chat niya ang nagpa-pop out sa notifications ng gamit kong cellphone, pero kahit ganoon ay chinat ko pa rin siya, "Huwag mong kalimutan na i-text ako ha. Labyu!"
Hindi ko na sinubukang tawagan pa si Pepper dahil tiyak na magagalit iyon sa akin. Ayaw pa naman nun na maya't mayang nagche-check sa cellphone, dahil kapag ginawa niya daw iyon ay baka hindi na siya makauwi kasi lumampas na iyong bus sa entrada ng subdivision nila.
katulad na lang no'ng first time niyang sumakay ng bus at hindi niya alam na napunta na pala siya sa bahay nung mamang driver gayong uuwi na pala ang driver ng ganoong oras, at hindi nga niya namalayang lumampas na siya sa kung saan lang dapat siya bababa.
Naisip ko na baka hindi pa nakakauwi sa oras na iyon si Pepper, kung kaya't chinarge ko muna ang cellphone ko, saka nilakasan ang volume nito para kung sakaling makatanggap ako ng text ay madali ko na lang malalaman. Pagkatapos ay napadako na lamang ang tingin ko sa pinapanood ng kapatid ko sa TV na siyang dahilan upang mapabalikwas ako sa kama at mapakunot ang noo.
Sa maliwanag na screen kasi ng TV namin dito sa kuwarto ay biglang nag-flash ang breaking news tungkol sa victory liner na bus na nadiskaril dahil sa linsad ng daanan. Nasa footage ng camera na ginamit ng mga reporter ang pagkakasunog ng bus malapit sa paradahan ng mga jeep at trycicle.
"Tingnan mo kuya oh! Kawawa naman iyong mga nakasakay diyaan sa bus. Kung bakit sa ganitong oras pa kasi sila kailangang umuwi." sabi ng kapatid kong si Aldous na naiilawan ang buong pagmumukha ng samu't saring kulay galing sa screen ng TV.
Nung gabi ring iyon ay daglian kong kinuha ang aking cellphone sa tabi at sa mabilis na pagtahip ng dibdib ay mabilis ko ring sinent ang mensahe ko para kay Pepper, "Nakauwi ka na ba?"
Ngayong February 14 ay maganda ang sikat ng araw! Abot-tanaw ang kumikintab na mumunting alon. Ang linaw ng langit, kaunti na lang at kita na ang mga gusali ng kalapit bayan. Sa normal na tag-init, walang naiiba. Ngunit wala nang normal ngayon, masyadong tahimik. Isa, dalawa o walang bangka ang dumadaong.
Dati’y dinig ang lumalayag kahit walong kanto pa ang layo. Wala nang sumisigaw ng “Taho!”, mga batang naghahabulan at mga tambay na nagkuwe-kuwentuhan sa tindahan. Noon, nakakainis ang malalakas na tugtugin ng mga tricycle at bus na dumadaan. Pati mga karaoke ng kapitbahay. Ngayon, malapit ko na ring hanapin.
Inilbot ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nagbabakasakali na sa hinagap ng hininga at sa dagsa ng mga taong dumadaan ay makahagilap ako ng pag-asa dito sa aking panggigipuspos.
"Kuya! Kanina ka pa d'yan eh, baka hinahanap ka na ni ate Pepper doon." mula sa malayo ay narinig ko na lang si Aldous na tinatawag ang pangalan ko sabay turo doon sa isang puwesto malapit sa pinaglagyan ng mga tolda. Nandoon rin marahil sa itinurong puwesto ni Aldous ang girlfriend kong si Pepper.
At sa pagkakabanggit kay Pepper ay masaya kong binitbit ang mga binili naming pagkain at hinayaan kong si Aldous na ang magdala ng dalawang pumpon ng bulaklak na rosas. Pagkatapos ay mabilis naming tinalunton ang madamong daan patungo sa kung saan naroroon si Pepper.
Hindi nagtagal ay agad rin naming narating ang puwestong iyon, at inilapag sa mga talahiban ang dalawang naglalakihang basket na naglalaman ng mga pagkain katulad ng lasagna, relyenong bangus, tortang talong, baked spagghetti, at iba pa na mga paborito ni Pepper.
Sa set-up namin ay para kaming magpi-picnic ngayong araw ng mga puso. Gusto ko sana maging engrande itong celebration namin ng valentines kagaya nung mga nauna, kaso kakatapos lang kasi ng trabaho ko tapos sinundo ko pa sa paaralan si Aldous para sabayan ako dito sa gagawin kong pakikipagkita kay Pepper.
Hindi naman ako nahirapang ayusin ang lahat dahil nand'yaan naman si Aldous para tulungan ako. Buti na lang itong kapatid ko ay walang karekla-reklamo kapag inutusan ng kung anu-ano. Malapit rin kasi sa kaniya si Pepper, saka ayaw ko ring pumunta dito ng mag-isa kaya sinama ko na.
Maingat kong inilagay isa-isa ang mga rosas sa plorerang ilang buwan na sigurong nakalagay doon sa talahiban, "Magandang araw sa iyo mahal, at happy valentines pala sa atin. Kasama ko ngayon dito si Aldous." panimula ko.
Tiningnan ko si Aldous na ngayon ay inuusisa ang natuyong mga bulaklak na isinantabi namin para palitan ng bago. Hindi ko tuloy alam kung ano ang hinihilatsa ng pagmumukha ng kapatid ko, dahil sa bangs nitong nakatabing na halos sa buong dagap ng pagmumukha, "Pati rin pala mga bulaklak na may tinataglay na ganda ay nawawalan rin ng saysay kapag nasira. Katulad sa pag-ibig, kapag nawala sa landas ang isa ay mawawala naman sa bait ang isa."
Ilang sandali akong natigil doon. Napaisip ako sa sinabi ng kapatid ko. Kung paano nito inihambing ang isang bulaklak sa pag-iibigan ng dalawang tao ay hindi ko maiwasan na hindi mapatulala sa mga alapaap. Unti-unti na akong nababaliw sa mga nangyayari at baka habang buhay ko na ring dalhin ang sakit.
Umiling ako ng marahan at siniko ang kapatid ko kahit sa kabila ng ilang dipa na layo namin sa isa't isa, "Ikaw ha! Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo. Batiin mo ang ate Pepper mo."
"Hi ate Pepper. Kamusta po kayo?" yumuko ito at ikinaway ang kanang kamay sa may lupa. "Ahh at saka ate, pagsabihan niyo nga po itong si kuya Olive na huwag akong pagalitan sa tuwing lalabas kami ng mga barkada ko para mag-practice sa banda." pahabol pa nito.
Natawa na lang ako sa lahat pinagsusumbong ng kapatid ko kay Pepper. Kesyo strikto daw akong kuya, kesyo palagi ko daw siyang pinagsasabihan, maya't maya ko daw siyang hinahatid at sinusundo sa paaralan na parang bata gayong ayaw ko daw siyang mag-bus pauwi ng bahay.
Kasi kung si Pepper pa ang pagsasalitain ngayon ay baka kunsintinhin na naman niya itong si Aldous. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong ginagabi ito sa pag-uwi, dahil kahit mahilig mangatwiran ang kapatid kong iyan ay hindi ko naman ito gustong mapahamak.
Kung kaya't hanggang maaari ay tinatapos ko agad ang mga trinatrabaho ko sa kompaniya para masundo siya at maiwasang sumakay sa bus.
"Ay naku mahal! Huwag kang makinig diyaan kay Aldous. Pinag-iingat ko lang ang batang iyan dahil. Dahil...." hindi ko na magawang madugtungan, hindi ako makaapuhap ng mga salitang maaaring irason sa harap ni Pepper nang hindi lumuluha.
Pero paano ako hindi luluha kung hanggang sa tingin na lang ako kay Pepper?, kung hanggang sa paghawak at pagbisita na lang ang kaya kong gawin sa tuwing may bakanteng araw?. Hindi ko na siya magagawang mahawakan, mahalikan, at masambitan ng 'Mahal kita' sabay halik sa noo nitong palaging nagpapawis.
Hindi ko na rin maririnig mula rito ang pagsambit ng 'I do' sa araw ng kasal namin, "Dahil ayaw kong may tao na naman ang ma-mawala sa bu…buhay ko." naiiyak kong sabi.
At doon na nga umeskapo ang mga butil ng luha na kanina pa namumuo sa mata ko, habang nakapikit na hinahawakan, dinadama ang pangalang nakaukit sa lapida nito:
In Everloving Memory Of,
Pepper Liu Sanchez.
December 8, 1994 - February 13, 2019.
May nakasulat pa na isang quote sa bandang ilalim na nagsasabing, "Those we love don't go away, they just walk beside us everyday. Unseen, unheard, but always near. Still loved, still missed and forever dear."
Dalawang taon na simula nung namatay ang aking gilrfriend na si Pepper. Nakasama siya doon sa iilang mga tao na nasawi sa nadiskaril na bus, at iyong last text niya sa akin nung gabing iyon na, "Magba-bus na ako, text na lang kita kapag nakauwi na ako" it's also been two years since I waited for her reply. Ang hindi ko pala alam ay sa heaven na pala ang uwi niya instead na sa bahay.
Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay ni Pepper. Kung umuwi lang ako ng mas maaga ay baka nasundo ko pa siya, at hindi na sana nangyari na mawawala siya sa aking piling.
Lumipas ang ilang oras at hindi ko man lang namalayan na nagkulay itim na pala ang kalangitan. Nakapunla na ang mga bituin at mayabang na naman ang buwan. Ang nasasakupan ay pipikit ngunit hindi lahat ay hihimbing.
Hinahalikan na ng araw ang mga ulap sa huling pagkakataon. Kahel ang bagong kulay ng pamamaalam. Sa kabila ng rikit ng dapit-hapon, malamlam ito sa karamihan, maging sa akin ay malamlam rin ito.
Pinalis ko ang mga butil ng luha na nagsilandas sa aking pisnge, saka tumingala sa langit na may ngiti sa labi. Panibagong yugto at panibagong mga pahina na naman sa buhay ko ang aking bubuksan. Nararapat lang siguro na tapusin ko na itong madilim kong kahapon, dahil ito na marahil ang wakas sa aming simula ni Pepper.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking suot na lonta, at hinanap ang huling mga text namin ni Pepper sa isa't isa dalawang taon na ang nakakaraan. Pagkatapos ay mabilis nagtipa ng mga sasabihin.
"Nawa'y sumaya ka diyaan sa heaven na inuwian mo kasama ng Diyos at mga anghel. Mag-ingat ka dahil magkikita pa tayo soon. I love you to the heaven and back Pepper" 'til death, I still love her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top