XI

"Bakit Bukas pa?"




Maraming teenagers ngayon ang matataba. hindi lang simpleng overweight kundi obese. Madalas ay pinasisimple pa natin ang pagtawag dito gaya ng “chubby” para hindi gaanong masaktan ang damdamin ng mga kabataang matataba. Malupit din ang mga tao sa ating paligid. Kung ano ang ayaw na ayaw mong marinig, ‘yun pa ang sasabihin sa ‘yo.

Ang taba-taba mo! Magana sa pagkain. Napabayaan sa kusina at kung mas brutal pa, tatawaging baboy o elepante ang isang kabataang mataba. Nalilimutan nating bagama’t nakikitawa-tawa sila, ang kanilang pagpapahalaga sa sarili ay lubos na naaapektuhan sa mga ibinibigay na label sa kanila.

SA BAHAY NG MGA CRUZ, 11:56 am

"Ano ba naman ito oh! di na nga makagala, wala pang laman itong ref." Sabi ni Jian na nayayamot habang binubuksan ang pridyder nila na ang laman ay puro gulay

"Anong buhay ba naman ito oh!" biglang sambit ni Jian ng pagkalakas-lakas habang padabog na isinara ang pridyder at hinde ito nakatakas sa pandinig ng kanyang Ina na si Lenette

Biglang lumabas si Lenette sa kwarto at agad nilapitan ang anak na si Jian at pinikot ang tenga nito malapit sa batalan nila

"Puro ka na nga lang laro diyan sa selpon mo tapos nagrereklamo kapa kung anong nakalatag diyan sa mesa!" Singhal ni Lenette sa anak na araw araw naglalaro ng kompyuter at namimili pa ng uulamin niya. puro adobo, mechado, menudo, at pritong manok ang laging laman ng utak ni Jian kaya nauwi siya sa pagiging "obese"

Di naman mapigilan ni Lenette ang anak dahil dun masaya si Jian ngunit magiit niyang inaamin na kinukusente niya ng masyado si Jian

"Aray Ma! tama na." pagalit na tugon ni Jian sa ina ngunit hinde parin binitawan ni Lenette ang tenga ng anak hanggang makarating sila sa malaking sala nila

"Ngayong araw na ito at sa mga susunod pa ay mage-ehersisyo tayong dalawa. marami tayong pwedeng gawin dito sa bahay kesa pagtuonan mo ng pansin yang pagko-kompyuter mo diyan buong magdamag." sinabi ni Lenette sa anak nang binitawan nito ang tenga ni Jian na pulang-pula

"Bukas nalang Ma, maglalaro pa ako." Sabi ni Jian habang hinahawakan ang tenga dulot ng pagpikot na ginawa ng kanyang Ina at akma na sana siyang lilihis ng daan patungo sa kanyang silid ay hinampas naman siya agad ng tsinelas ng kanyang Ina sa kanang braso

"Bakit bukas pa? kung pwede naman nateng gawin ngayon hah! atsaka tignan mo nga yang katawan mo, katawan ba iyan ng isang normal na batang lalake?" Inis na sabi ni Lenette kay Jian na agad namang yumuko sa sinabe ng Ina, ilang kutsya at masasakit na salita na ang narinig ni Jian mula sa mga kaibigan at mga kaklase kaya lagi siyang nagkukulong sa kanyang silid at hinde sumasama sa Ina kapag may okasyon kahit ang pag-aaral niya'y nahinto, magkokolehiyo na sana si Jian, matalino at masigasig siya, katunayan nga niyan ay isa siyang iskolar sa kanilang munisipyo at gusto niyang maging isang tanyag na agbarog pagdating ng panahon ngunit tila'y nakabinbin ang kanyang mga pangarap sa hangin dahil hinde niya matiis ang tingin ng mga tao sa kanya kaya mas pinili niyang mapag-isa at ibinuhos ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagkain

'magkakasakit lamang ako kung magpapatuloy ako sa pagiging masimod kaya bakit bukas pa? kung may pagkakataon naman ako para baguhin ang sarili ko' sabi ni Jian sa kanyang sarili

"Halika na, ako'y kumakandili lamang sa'yo. kesa nagmumukmok ka dito at naglalaro diyan sa hatinig mo eh sabayan mo nalang akong mag-ehersisyo dito sa loob ng pamamahay naten." panghihibo ni Lenette sa anak na samahan siya pagpapapawis ng katawan

Tumango naman si Jian bilang pagsang-ayon sa Ina

ngumiti si Lenette sa anak at walang pag-aaksayang pinindot ang gaptol ng panghibago upang itoy gumana at bigla namang tumugtog ang nakaka-indak na musika

agad na gumalaw si Lenette at ikinumpas ang mga braso na animo'y mananayaw talaga at walang atubili naman itong sinunod ni Jian

ngunit ng hinde pa umaabot ng iilang minuto ay napa-upo si Jian sa katabing salumpuwit habang hinahabol ang paghinga

"Pagod kana agad? yan na nga ba ang sinasabe ko eh! konting galaw mo lang ay mapapagal ka kasi puro lamon ka ng lamon ng mga ma-kolesterol na mga pagkain tapos hinde kapa tumutulong dito sa gawaing bahay, halika na at bumalik na tayo sa pagzu-zumba." sabi ni Lenette habang hinihila ang napaka-bigat na si Jian

walang magawa si Jian kundi ang sumunod ulit sa utos ng Ina

nagpatuloy sila sa pagsasayaw, hinihingal parin si Jian ngunit ginaganahan na siyang gumalaw at pinagpapawisan na siya ng matinde

Araw-araw nang ginagawa nila Jian at Lenette ang pagzu-zumba at minsan naman ay nage-ehersisyo sila sa loob ng bahay katulad ng pagtakbo pataas at pababa sa hagdanan, pagda-dumble gamit ang malaking bote ng mineral water, paglilinis sa buong dagap ng bahay, pagsa-squat, pagpu-push up, planking, burpees, sit-ups, jumping jacks, pagja-jogging sa loob ng bahay at iba pang bagay na pwede nilang gawin kahit nasa bahay lang sila, di rin kasi maiwan-iwan ni Lenette ang online shop niya

lumipas ang iilang buwan ay patuloy parin silang dalawa sa paulit-ulit na korida sa loob ng kanilang bahay at naging mas maingat narin si Jian sa kanyang kinakain. kumakain narin siya ng mga masustansyang pagkain at umiiwas narin sa mga ma-kolesterol at puno ng 'MSG' o monosodium glutamate na mga pagkain na maaring magdala ng mga seryosong sakit katulad ng sakit sa puso, osteoporosis, cancer, at iba pa

Si Jian ngayon ay ibang-iba na sa Jian na nakasayan ng ibang tao na masimod at mataba, nagbawas na siya ng timbang at imbes na magbabad sa kaka-selpon at kaka-kompyuter, ipinagpatuloy nalang ni Jian ang pagzu-zumba at page-ehersisyo tuwing umaga at hapon kasama ang kanyang ina

Natutunan na ni Jian ang kanyang leksyon at yun ay ang 'wag abusuhin ang sariling katawan'

The End....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top