I
"Luhen"
The world is so obsessed with defining sexuality for everyone and attaching labels to it. Any time and any person openly leaves the sexual norm, their sexuality becomes, more often than not, the absolute defining characteristic of that person. It becomes the first thing people think about and often the first thing they mention. Every other part of that person disappears
"Alec, hinde naten siya basta-bastang ipamimigay." Singhal ko sa kanya na abalang-abala sa pag-aayos ng mga talaksan
"Hinde naten siya pagmamay-ari Jared." Singhal niya sa'kin pabalik habang ang mata nito'y pulang-pula na animo'y pinipilit ang mga ito na huwag mamanglaw
He was looking down at his feet like a nervous teenager boy, his hands tucked in the pockets of his jeans. The sun was shooting down, presenting his copper mane with streaks of honey run through it. His face was shadowed so his eyes appeared as a forest green unlike their amazing faded green. He looked up at me with a pout on his lips
"Hinde lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon naten Jared, ayaw ko rin siyang ipamigay na parang isang kagamitan ngunit makukulong tayo kung lagi mong ipagpipilitan." Patuloy niya pa habang hinihilot ang kanyang ulo
"Basta hinde ako papayag, Mahal ko siya." Tugon ko sa kanya, dahilan para mapa-iling siya ng sobra
"Mahal ko rin siya Jared pero hinde na naten hawak ang desisyon." I can see how the fine lines around his teal eyes are scrunching in anger
Mahal ko siya, binihisan ko siya, pinakain, at pinag-aral tapos babawiin lang ng mga taong iniwan siya? Nakakainis naman ata yun.
Naramdaman kong biglang may namuong mga luha sa'king mga mata, hinde ko lubos maisip na kukunin na siya sa'min. Mawawalan ng sigla at kulay ang aming tirahan
Biglang umingay ang taborete at lamesa ni Alec sa tabi at rinig na rinig ko ang mga yapak niya papunta sa'king kinatatayuan
"Sshhh, wag ka nang umiyak at baka magising pa naten siya." Bulong ni Alec malapit sa'king tenga habang ang mga kamay nito'y nagsisimulang pumulupot papunta sa'king bewang
"Ilalaban ko siya kahit humarap pa ako sa korte Alec dahil akin siya, atin siya." Humarap ako sa kanya habang inilalapit ang aking mukha sa kanyang dibdib na nababalutan ng kulay itim na balabal
My tiredness and sadness makes me hang limp like wet laundry on a cold still day. I feel like every muscle is giving into gravity. What I want is sleep, a nice warm bed and a solid night of dreams. But my thoughts won't let me. I can't have chaos outside and chaos in here too. My accessories are scattered over the dresser and my paperwork has sprawled over the easy chair. I should put them away the first time, try to stick to my resolutions but the truth is, hinde naman talaga siya sa amin in the first place para ipagdamot
"Alam kong mahirap dahil napamahal na siya sa'tin pero may pamilya siyang naghihintay sa kanya and sadly, hinde tayong dalawa 'yon." Sabi niya at hinawakan ang likod ng aking ulo na animo'y iginugumon niya ito mainit na tasa ng kape habang dinig na dinig ko ang bilis na pagtahip ng kanyang dibdib
Siya nalang ang nag-iisang nakaka-intinde at makaka-intinde sa'kin, siya lang ang kauna-unahan at ang hulihang magiging kabig ko sa buhay habang abala ang ibang tao sa kaka-kutya sa relasyon naming dalawa
"Ganon ba talaga yun? Dahil sa pareho tayong lalake eh pagbabawalan na nila tayo?" Bahagya kong ini-angat ang aking ulo para tignan muli ang kanyang buong pagmumukha
He had a thin, high-cheeked face, with a vertical wrinkle between his eyes, and a clipped blond mustache
"Hayaan mo sila sa iisipin nila sa'ting dalawa basta alam nating mahal naten ang isa't isa and.." Huminto siya at idinako ang paningin sa'ming kobre kama at kagaya niya ay tumingin rin ako sa kama, pareho namin siyang tinignan habang mahimbing itong natutulog
"And we both love him na parang nagmula talaga siya sa isa sa'ting mga tiyan." Pagpapatuloy ko sa kanyang naudlot na sasabihin habang iginigiya niya ako papunta sa'ming kama na parang may malaking batubalani na parehong hinihila ang aming mga paa papunta doon
"Pwede naman tayong umalis dito Alec, pumunta tayong Amerika o sa may bandang Europa basta kahit saan na hinde nila tayo matutunton." Sabi ko habang dahan-dahang lumuluhod sa sahig at pilit na inaabot ang mukha ng aming pinakamamahal na anak
"Anytime soon, kailangan na naten siyang isuko Jared at isusuko naten siya hinde dahil sa hinde siya nararapat sa puder naten, isusuko naten siya dahil mahal naten siya." Tugon niya at pilit niyang pinatong ang kanyang mga palad sa ibabaw ng aking kanang kamay habang ang kabila nito'y hinahagod ang aking likuran
"Naalala mo Alec, nung nakita naten siya sa labas ng bahay tapos takot na takot tayo kasi wala sa'ting dalawa ang marunong mag-alaga ng supling hanggang sa natuto na tayo magmula sa pagkakarga hanggang sa tamang paglalagay ng diaper tapos yung nagpapalitan tayo sa pag-aalaga sa kanya kasi may trabaho ako kinabukasan and then, ikaw may trabaho tuwing gabi." Nararamdaman kong umiinit ulit ang ilalim ng aking mga mata dahil sa maliligayang mga araw na pwedeng-pwede naming alalahanin ngunit hinde na namin mababalikan kahit kailan
"Tsaka naalala mo rin yung unang pagpasok niya sa eskwelahan at pareho naten siyang hinatid." Masaya niyang sambit habang di bumibitaw sa'king mga kamay
"Baka nakakalimutan mo yung family day nila sa school tapos panay practice naten ng sayaw para sa magiging presentation kaso ayun, di natuloy pero masayang-masaya tayo nun Alec, sobrang saya na parang di na naten alintana ang masasalimot na mga bagay na pwedeng magpa-iyak sa'ting dalawa." Sambit ko naman habang hinahawakan ang buhok ng aming anak
"Masaya sana kung naging sa'tin nalang talaga siya, ayaw kung umuwi bukas galing trabaho na hinde siya nasisilayan, naiibsan niya ang lahat ng pagod na meron ako magmula sa bakbakang trabaho. Nagiging okay ako kung nandiyan siya Alec at alam kung ganun din ang epekto niya sa'yo." Patuloy kong saad na hinde humihiwalay ang tingin sa maamong mukha niya dahil sa takot na baka ilang kurap ko lang eh, mawawala na siya sa paningin namin at hinde pa ako handa para doon
"Sariwang-sariwa sa isipan ko kung gaano ka-hectic ang schedule ko sa banko, tapos nag-away pa tayo to the pont that almost brought us to separation pero bigla nalang siya umeksena habang tumutulo ang mga luha and after that nagka-ayos tayo because of him." I can hear Alec almost sobbing and his caustic voice is the only proof to that
We'd cry today without forgetting how we lose someone important to us, the truth is, we can make a move but those little moves are too absurd just like how every chessman are being vulnerable to the two biggest chesspiece which is the King and Queen but our situation today is more onerous than those who play their minds within the chessboard
"Kaya ba naten to Alec?" I looked up to his face, only to find him weeping that I've never seen before since when we decided to lived-in
Hinde siya nakasagot at patuloy parin siya sa paghikbi habang naglilingid ang mga di magigiit na mga luha sa kanyang mga mata na animo'y tuluyan na siyang nagahis sa laban namin
Di ko rin mapigilan na maluha habang nakikita ang boyfriend ko na umiiyak at kagaya niya'y di ko rin alam kung anong magiging sagot ko
"Halika ka nga dito." Sabi ko kay Alec habang itinataas ang aking mga kamay patungo sa kanya na indikasyon upang aluin siya at biglaan ko nalang naramdaman na bumigat ang ang aking katawan dahil sa yakap niya habang tinapik-tapik ang kanyang likuran na nagdudulot ng kakaibang boltahe ng init sa bawat hipaypay ng aking katawan dahilan para ngumiti ako
Ngunit biglang naudlot ang aming 'moment' nang may marinig kaming sunod-sunod na katok, humiwalay kami sa isa't isa at nagkatinginan ng iilang segundo
"Ako na ang magbubukas." Sabi niya habang pinupunasan ang bawat butil ng luha na naglalakbay papunta sa kanyang pisnge hanggang sa kanyang leeg
Narinig ko ang malakas na ingay na nagmumula sa bisagra ng aming pintuan
Biglang lumapit si Alec sa'kin habang may isang babae na walang pakundangan sa pagpasok sa'ming silid
"Ako si Ellen from DSWD and alam niyo naman siguro kung ano ang ipinunta ko dito, asan na yung bata?" Sabi niya na bakas ang galit sa mga boses nito
Nagkatinginan ulit kami ni Alec nung walang lumabas na salita sa'ming mga bibig habang itinatago namin sa'ming likuran ang kama na hinihigaan ng bata
"Alam niyo naman siguro ang batas Mr. Valdez and Mr. Cua na hinde kayo pwedeng mag-alaga ng bata dahi...."
"Dahil sa pareho kaming lalake? Ganun po ba yun?" I cutted her off and started to get enrage on what she's about to say
"Nakita niyo lang siya and may totoo siyang pamilya na naghihintay sa kanya at mahal na mahal siya." Saad pa niya na binigyang diin ang salitang 'Mahal' habang may hawak-hawak na kapirasong papel at ballpen
"Kung mahal talaga siya ng mga tunay niyang mga magulang, bakit hinde sila ang humarap sa'min dito ngayon at kung totoong mahal talaga eh, bakit siya iniwan ng nanay niya sa labas ng pintuan namin?" Tugon ko habang nag-aalimpuyo
"Isipin niyo itong dalawa, paano kung lumaki at magka-isip siya tapos tanungin niya sa inyo kung sino ang nanay niya sa inyong dalawa? Hinde siya habang-buhay magiging bata." Napahinto kami sa'ming mga kinatatayuan habang mariing hinawakan ni Alec ang nanginginig 'kong mga kamay
Bigla kong napagtanto na tama siya, pano kung talagang tanungin niya kami kung sino ang nagluwal sa kanya tapos wala kaming mai-sagot?
Bigla umuga ang kama sa kinatatayuan namin dahilan para mapa-iyak ako ulit ng makita ang aming anak na napabangon sa kanyang hinihigaan habang kinukusot nito ang kanyang mga mata at may kasabay pang hikab. Tumingin siya sa'min habang nakataas ang mga kilay nito at alam naming nagtataka siya kung bakit kami umiyak. Kahit sa bata niya pa lang na edad eh, matalino na siya at marunong ng umitinde
He was a sweet and gentle child when I knew him, though it may sound like a cliche, I wish I could have saved her from the years ahead of him, but I couldn't
"Come here." Sabi ko sa kanya
Tumango siya bilang kanyang tugon at lumapit sa'kin
"Me and your Papa would buy a big cake and ice cream for you but in order for you to have that, kailangan mo munang sumama sa.....kanya." Those words we're like tearing me apart at kay hirap mabigkas habang tinuturo ko si Ellen at iginigiya siya papunta doon
Sumilay ang sigla sa kanyang mga mukha ng masabi ko ang mga paborito niyang pagkain
"But before you go to her. Luhen, always remember that let the blue of the sky and ocean take your blue away when you feel blue. We love you." Sabi ko sabay halik sa kanyang pisnge, sabay ayos ng kanyang hearing aid habang di mapigil ng aking mga luha sa pagbaba
Iminuwestra niya ang kanyang mga kamay sa iba't ibang mga porma na ang ibig sabihin ay "I'll be back and I love you too."
I wish it's true
Luhen smiled while going to the threshold. I hope that he'd still smile like that even without us and even his still battling 'Dysarthria' which is a speech condition
I waved my hand to him and a smile formed that went all the way through to his core even though it's blurry because of my tears descending down my cheeks, Alec bent down his knees while letting go of his emotions that he's been caging earlier
I love you our Luhen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top