He loves her

I have been in a relationship with my boyfriend, Ethan, for almost one year now.

It's has been so long since we were together but he didn't even invited me to his place at all. It's not like I am throwing myself at his place but as his girlfriend, he should've asked me to come over at least right? He never did that.

He was a sweet boyfriend. He isn't lacking at anything except for the fact that he's not clingy at all. I love acts of service and physical touch. It has been my dream when I finally made him my boyfriend.

Okay naman siya noong nililigawan niya pa lang ako. I fell for his physical touch, act of service, and his word of affirmation. Dahil sigurado naman na ako sa kaniya pagkatapos ng ilang buwan niyang panliligaw sa akin ay sinagot ko na siya pero parang nagbago talaga iyong ugali niya and it started when he visited his hometown in Venice on our third monthsarry. Mula noong umuwi siya ay parang hindi na siya iyong Ethan na kilala ko. He changed.

"You're zoning out again, huh?"

Napakurap ako nang magsalita si Ethan. Huminto na pala ang kotse at nasa tapat na kami ng bahay ko.

"U-Uh, sorry. M-May iniisip lang." sagot ko nalang at ngumiti, nagpanggap na walang mali.

Tumango lang siya at may kinuha sa compartment ng kotse niya. Tumunganga lang ako at sinundan ang galaw niya hanggang sa may inabot siya sa akin.

"What's this?" kinuha ko ang paper bag na binigay niya at titignan na sana ang laman noon nang pigilan niya ako.

"Mamaya mo na buksan..." he gave me a dry smile.

I couldn't do anything but nodded.

Noong nakapasok na ako sa kwarto ko ay doon ko na binuksan ang ibinigay niya. Inside the paper bag was a rectangular size box. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang makinang na diyamante ng pendant ng kwintas nuon.

"Ano bang meron don?" ngiti ko at isinuot ang kwintas.

Hindi makapaniwalang binili niya ang nagustuhan kong kwintas kanina sa jewelry store sa mall kung saan kami nag date. I wasn't able to buy it because it cost thousands. Almost million and I would rather spend my money on necessary things.

"Kaya pala kung makatitig ka kanina ay sobra-sobra ah..." sambit ko at inaalala ang paraan ng paninitig niya kanina habang kumikinang ang mga mata kong tinititigan ang kwintas.

Napahinto ako sa pagngiti nang may maalala.

"Come to think of it... Bakit parang... may iba sa kaniya kanina?"

Oo nga. The boyfriend I know wasn't clingy pero kanina ay halos hindi niya na ako pakawalan. I don't know but... parang iba siya minsan.

"Bakit mo ba ako tinititigan nang ganiyan, ha? Hindi ako makapag concentrate, Ethan." ngiti ko habang nasa cinema kami.

Ngumisi siya at kinuha ang kaliwang kamay ko. My eyes were at the screen when I felt his breath unto the back of my palm. He kissed it softly and intertwined our fingers. Binalingan ko siya ng tingin dahil nagulat ako.

"I love you..." he mouthed before giving me a peck on my forehead.

Ethan doesn't like games kasi napapagod siya agad but earlier... We played a lot of games on arcades!

"Ako na dito! Hala! Sa kabila!" sigaw ko sa car racing habang abala sa pag da drive ng monitor.

"No! Ako na dito! Sa kabila ka nalang, babe." ani Ethan.

Napatitig ako sa kaniya at natulala. Dahil doon ay natalo kami. I thought he was going to get mad at me but he smiled and pulled me.

"I love you..." he mumbled before pulling me papunta sa ice cream section.

The Ethan today was the Ethan I longed for. Anong nangyari? Bakit biglang parang nag-iba? What exactly happened? Hindi na ako nasanay sa love language niya dahil hindi niya naman iyon ipinapakita sa akin. Well, hindi naman si hindi talaga pero minsan... Minsan lang talaga. Hanggang holding hands lang ang kaya niyang ibigay sa akin ever since. Kung maghalikan man kami ay hindi nagtatagal ngunit... kanina...

"You have a stomach cramp? Bakit hindi mo agad sinabi sakin? We should've stayed at home then kung ganito pala." alalang-alala siya noong lumabas ako ng women's restroom at hawak-hawak ang puson.

"Okay lang naman ako. This is nothing serious. Mawawala rin to." sabi ko nalang at babalik nalang sana sa table namin noong hinawakan niya ang kamay ko and hugged me tight.

"I'm sorry..." his voice was trembling.

Kumalas ako sa yakap nang nakakunot ang noo.

"Hey... umiiyak ka ba?" mas lalong nangunot ang noo ko noong makumpirma ko.

He stared at me directly. His tears were flowing down his cheeks and before I could ask something, he pulled me to a kiss. It was soft, feather-like kisses. I could feel his love with his kisses. I couldn't asked for more until magpaalam siya saglit noong papauwi na kami. After minutes of waiting, bumalik siya at nakasimangot na. Ibang-iba kanina. Ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon at natahimik ngunit hindi mapigilan ang maisip kung gaano kaiba ang Ethan na kasama ko ngayon sa Ethan na nanligaw sa akin noon at sa nakasama ko kanina.

"Ethan..." humiga ako sa kama at natulala saglit.

Nabuhayan lang noong may maisip.

"Hindi ako makakatulog kapag hindi ko siya nakausap. I must make things clear." dahil doon ay umalis ako ng bahay at nag drive papunta sa bahay niya.

He won't be mad, right? I am his girlfriend after all kaya hindi naman siguro. Kung magagalit man siya ay bahala na. Pero hindi naman siguro. Pero paano nga kung oo? Edi didiretso nalang ako sa punto ko?

"Ano ba, Savannah." bumuntong-hininga ako at bahala na.

For the fifth time, I sighed and finally, rang the doorbell. Ilang ulit kong pinindot iyon at matapos ang ilang minuto ay binuksan na ang gate.

"Ang tagal—"

I was taken aback when a pretty girl with a shocked face opened it.

"S-Shit?" she shockingly gasped before blinking.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong nakita ko ang babae. Mixed emotions hugged my whole being. Despite of many what's... isa lang ang konklusyon ko at masakit mang isipin ay may hinala na ako. Ethan might be cheating at me. Still, he's my boyfriend. Sinagot ko siya dahil may tiwala ako sa kaniya at tanga na kung tanga pero dumiretso ako sa loob ng bahay.

"Savannah, stop! Shit!" she even tried to stop me but I didn't let her.

Nagpatuloy ako sa paglalakad noong may makitang bulto sa may kusina. Familiar iyon at kung hindi ako nagkakamali.

"Ethan!" sigaw ko at napalingon agad siya.

Gaya ng ekspresyon ng babae ay gulat na gulat iyon.

"Anong nangyayari, ha? Sino siya?" tinuro ko ang babae.

Kahit na kinakabahan ako sa magiging sagot niya ay tinapangan ko. Tinatagan ko ang aking loob. Like I said, I must make things clear ngayong gabi.

"H-Hey, listen-" lumapit siya sa akin ngunit limang hakbang palang niya ay may narinig akong mga yapak sa likuran ko.

"Who's there, Nathaniel?" it was a familiar voice.

I trembled. Dahan-dahan kong nilingon ang taong nasa likuran ko. Naka hospital gown na lalaking nakatayo sa may hagdanan ang bumungad sa akin. My hands went to my mouth as I was stopping the gasp coming from it. Gulat na gulat ako. Hindi ko maipaliwanag.

"S-Sav..." the man's voice trembled.

"A-Anong nangyayari? Why-Why is there two Ethan?" binalingan ko ng tingin ang lalaking nasa likuran ko na gulat parin. "P-Paanong..."

"Savannah, let me explain." and before the man in the stair could touch me ay sumigaw ako.

"YOU REALLY SHOULD!"

Binalingan ko ng tingin ang lalaki. Namumuo ang mga luha sa mata niya. Nanghina ako at hindi makapagsalita. The way he sobs is the way... how Ethan cried earlier... Tumungo ako at tinakpan ang mukha upang itago ang mga luha.

And right then, a warm embrace wrapped me.

"Bitawan mo—"

"Ethan!"

Bumagsak sa sahig ang lalaking yumakap sa akin.

The man collapsed. A doctor arrived and take him to a room. Ang room na iyon ay parang hospital room lang. Lahat ng aparatus, from heart beat monitor to dextrose. Lahat ay naroon. It looked like it was a hospital that was purposely made for a special patient.

"Ano ba talaga ang totoo?" naguguluhan kong sabi noong lumabas ang doctor.

"Let's talk outside, Savannah. Kuya must rest."

Sinunod ko nalang ang sinabi ng lalaki dahil hindi ko na alam ang nangyayari. Kailangan kong intindihin.

"Kuya, I mean... my brother, Ethan... was involved in an accident in Venice. Car accident. A random car hit his car and he was badly wounded. It caused to a two-month comatose." he started.

"Ano?" gulat na gulat ako.

"Yes," the girl sat beside me. "Nathaniel's twin was in a coma before. Matagal bago siya nagising and when he finally did... Isa lang ang sinabi niya."

"He asked me to pretend as your boyfriend." the guy continued.

"What?!" I was still shocked. Sino ba ang hindi? "Since when did this happen, ha? Nathaniel? Kailan niyo pa ako niloloko? You two said he was in a coma in a span of two months pero bakit hanggang kanina... Ikaw iyong naghatid sa akin pauwi, hindi ba?"

He nodded.

"So you were Nathaniel and my boyfriend's Ethan... but you pretended as your brother. Damn it. Niloko niyo ako!"

Napatayo ako sa galit.

"Ginusto ba ni Nathaniel, ha? Hindi! But he loves his brother kaya siya pumayag. You should at least be thankful to him kasi parang kasama mo parin ang boyfriend mo kahit na ang totoo ay nasa comatose si Ethan." inis ang tono ng babae.

Hindi ko mapigilan ang ngumisi, "Thankful? Gusto mo magpasalamat ako? Niloko niyo ako, Nathaniel! Bakit? Sa tingin niyo ay hindi ko maiintindihan ang sitwasyon ni Ethan? Hindi makitid ang ulo ko, ano ba!" I cried in agony because I just couldn't take it anymore.

Sobrang nasaktan ako sa mga nalaman. All this time, akala ko ang boyfriend ko ang kasama ko pero hindi pala.

"Lahat ng mga pagkakataon na akala ko si Ethan ang kasama ko ay wala... Pagsisinungaling at purong pagpapanggap lang pala."

"Hindi ako ang palaging kasama mo, Savannah. Not all moments you thought you were with him were pretend. Dahil hangga't kaya niya ay pumupunta siya sayo. Inaaya ka niyang mag date. Sa kahit saan basta wag lang sa bahay niya kasi ayaw niyang malaman mong ang kwarto niya ay parang hospital na. Savannah, Ethan was getting better... He was... Pero sumuway siya sa sinabi ng doktor. Kahit bawal siyang lumabas kasi mapapagod siya pero wala... Sumusuway parin siya dahil mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya kaya niya nagawang kumbinsihin ako na magpanggap. He loves you so much kaya siya nanghina ngayong araw." Nathaniel bursted out of tears.

Mas lalo akong nanghina sa lahat ng nalaman ko. All this time... naghihirap si Ethan... Dahil sakin ay nanghina siya... Kung hindi niya ako girlfriend ay tiyak na gumaling na siya noon pa. Kung wala lang siyang sinusuway at pinupuntahan ay siguradong wala nang problema at maayos na siya pero wala... I exist. It's all on me.

A loud strange tone filled the house.

"He's awake... Mag-usap muna kayo."

Pagkatapos nilang umalis ay pumasok ako sa kwarto. Nanghihina at nanginginig pa.

Ethan was lying on the bed as he was staring at me directly. Seryoso siya at halatang nag-aalala sa akin.

Nang umupo ako sa tabi niya ay humagulhol ako ng iyak.

"Ansama sama mo naman. B-Bakit mo ba 'to ginagawa, ha? Dahil sakin... Nanghina ka ulit. Kasalanan ko 'to lahat, Ethan... Sorry."

Naramdaman ko ang hawak niya sa akin at ang pag-upo niya sa kama. He reached my face and made me looked at his eyes.

"Hey, wala kang kasalanan, okay? Mahal na mahal kita at ako lang ang may kontrol dito kaya wag mong sisihin ang sarili mo." he pointed at his heart.

Umiling ako. He gave me a smile.

"Nakuha mo pang ngumiti sa ganitong sitwasyon, ha?!" singhal ko sa kaniya at pinahid ang mga luha.

"My girlfriend's pretty and I miss you... everyday."

Before I could react, he kissed me passionately. I didn't kissed him back. I felt guilty. Ilang beses kong dinudahan ang pagmamahal niya sa akin. Ang sama ko. I should have known better.

"I'm sorry... I'm really sorry for not telling you sooner... Kasalanan ko lahat. Tatanggapin ko kung hindi mo na ako matanggap." he stated after the kiss.

I bit my lower lip and initiated a kiss. He kissed me gently and I felt a tear from his left eye dropped in my face. His hand held me tight. As if he was afraid to let me go.

---

Six Years Later

"I'm so sorry, babe... Sana nalaman ko agad. Siguro kung alam ko, ako sana ang nag-alaga sa'yo. Kung may masakit sa'yo, ako sana ang humahawak sa kamay mo para maibsan man lang ang nararamdaman mo... Sana ay nasabi ko man lang sa'yo kung gaano kita kamahal... Sana ay—"

"Ang dami mo namang sana."

Nilingon ko ang nagsalita sa likuran ko.

"Wala ka bang ibang magawa, Nathaniel?" sarcastic kong sabi sa kakambal ng boyfriend kong may dala-dalang bulaklak.

"Ito naman di mabiro." aniya at tumabi sa akin sa pag-upo sa bermuda grass.

"Seryo-seryoso ko dito tapos gaganyan ka lang." reklamo ko at saka binalingan ng tingin ang kaharap kong puntod.

"Wag mo na kasing sisihin ang sarili mo. Nagkasama naman kayo ng five years sa kabila ng lahat hindi ba?" he smiled.

"Mommy!" a kid shouted from behind.

"Nagkaanak pa nga kayo, eh." his smile turned wider.

Tinitigan ko ang batang lalaking papalapit sa akin. His eyes were like his. His gorgeousness was inherited from him. His smile was from him. Right.

Tumingala ako at nagbigay ng isang ngiti.

"Sorry, Ethan. Hindi ko na sisisihin ang sarili ko. Miss na miss na kita... Wag kang mag-alala, aalagaan ko nang mabuti ang anak natin. He's my Ethan now. Our little Ethan. Naririnig mo ako, right? Love... Sana ay huwag mong kalimutang mahal na mahal kita... Sa kabila ng lahat na nangyari at mangyayari, walang makahihigit sa'yo. Kahit ngayon o sa darating pang pagkakataon. I love you, so much..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top