Dance with(out) you [Tagalog]
A/N: Hello again!! Grabe katagal magupdate ang babaeng itoXD.
Hindi kasi ako mahilig sa pagsusulat kasi pero dahil inspired*wink wonk* nagagawa ko tuloy to.
Reminders lang, may part diyan na recommended yung kantang 'Kung Di Rin Lang Ikaw.' Puwede namang hindi singitan pero baka mas maganda kasi hahaha. And kung mabilis mabagal kayo magbasa sa part na yon. Try niyo na lamg saktuhan sa timing yung kanta sa kuwento para mas maganda😂
At last pala, magsasabi ulit me again ng mga konteng facts here😂
I hope na maenjoy niyo ang story! Feel free to comment din whatever you want😂Mas prefer ko kasi yung mga madadaldal😂😂 pero kahit hindi na rin.
3rd POV
...
...
...
...
...
Hmmm.. saan ba ako magsisimula?
May project kasi kami sa Music, kailangan naming sumayaw ng interpretative dance.
Mas maganda daw na about love yung sayaw. Facial expression daw kasi -_-
Kailan ko ba yun nalaman?
Ahh.. oo nga pala. Nalaman ko lang yon last 2 months ago, sa kaibigan ko na kasama ko rin sa sayaw.
Wala kasi ako nang time na yon. Nasa malayong lugar.
Tapos Manila lang pala yon diba.
Anyway, yun na nga. Late na ako nasabihan kasi kakauwi ko lang nong time na yon.
Buti medyo alam ko na kung sino yung mga kasama ko. Pero tatlo lang sila. Si Kathy, yung nagsabi nang project na yon, si Jhanna another friend of mine, pati din si Kevin, yung crush ko.
Alam ni Kathy na crush ko siya, kaya kailangan niyang talagang iemphasize yung name niya. Wala eh, shiniship niya ako sa kanya eh.
So ako rin, excited din ako. At may kutob rin ako na ipapartner nila ako sa kanya. Inaasar kasi din kami ng buong klase. Bagay daw kami tsaka sinasabi ng ilan na crush niya rin daw ako. Pero hindi ko na lang pinapansin yon.
Masayang masaya ako, pero hindi ko lang pinapahalata kasi ayaw ko na malaman niya na crush ko siya.
So yun nga ang nangyari. Tatlo kasi yung lalaki namin tapos 6 ang mga babae sa amin. Naisip ng mga kaklase ko na 3 ang pair, tapos 3 din ang magiging single sa sayaw. Kami ni Kathy at Jhanna yung may kapares, at sa akin nakapartner si Kevin.
Ewan ko kung biniyayaan ako ngayon dahil partner ko siya o naswertehan lang talaga ng teacher namin na naging kagrupo ko siya. Di ko alam kung ano yung expression ko non eh.
Dapat bang masaya ako, excited, o kaya poker face lang? Ayaw kong magexpect. Masakit kasing umasa.
At ito pa ang nakakatawa, yung kanta pa namin sa sayaw ay yung kantang "Kung Di Rin Lang Ikaw."
Naririg ko na sa iba yung kanta na yon. Ganda kasi ng music kaya nakikisabay ako sa trip nila.
Pero yan din pala ang kanta na nagbigay sa akin ng ligaya pati sakit sa puso ko nang dahil sa sayaw na yan.
Sa una, ayaw ko sanang magseryoso sa sayaw. Pero dahil honor student ako, no choice ako kasi kailangan ko nang mataas na grade.
Pero ang hirap eh. Bat pa kasi kailangan ng physical contact?!!
Well, nagreklamo din siya, sa tingin ko. Pero ang dahilan ay yung sa mga asar sa amin. Sinabihan na lang siya na para sa projects kaya dapat hindi niya nalang pansinin yung mga pinagsasabi nila. Kasi ganito ang nangyari.
"Okay na diba guys? Sige, sayawin niyo yung sa part ng ginaginaw." Sabi ng isang naming choreographer na si Princess. Pinatugtog niya muna yung naunang verse bago yung sa part na yon.
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa.
Eto na.
Giniginaw
Naglapit kaming dalawa habang nakayakap ako sa sarili ko na parang bang nilalamig ako. Nakatingin siya sa akin pero nakapikit naman ako.
Shocks.. ang bilis ng heartbeat ko. Kaya pikit na pikit yung mga mata ko kasi sa susunod na step.
At hindi makagalaw
Pagtalikod ko, may naramdaman ako init sa likod ko at kamay sa harap ko.
Niyayakap na pala kasi ako ni Kevin ngayon.
Ginawa namin yun for the first time. Eh kami lang yung gumawa non. Hindi gumalaw yung dalawang pares. Grabe ko tuloy kahiya. Yung mga hindi din namin kagrupo na lalaki inaasar nila si Kevin pati ako.
"Nice, Kev!", at "Nice one!" ang karamihan kong naririnig sa kanila.
Ewan ko lang, si Kevin din parang ngumingiti pero di lang niya pinapahalata > <
Pinipigilan ring ngumiti ni Princess at ni Yumi, yung dalawang naming choreographers(kagrupo ko), sa sayaw.. kaya parang ayaw ko na.
Umiikot ako ng pabilog nung time na yon.
Hindi kasi ako mapakali sa puwesto ko.
Bilis kasi ng tibok ng puso ko.
Kaya ang hirap tumingin sa mga mata niya nong time na yun.
Sarap titigan sana pero magiging ackward kasi lalo na kapag tititig din siya sa mata ko.
Kaya its either ako o siya ang hindi titingin kapag magtititigan na rin kami. Pero karamihan ako yung lilingon palayo.
Kaya sinasabi ko na lang sa sarili ko na project lang to.
Project nga lang ba?
Nagprepare kami for years-este 3 weeks lang pala. Masaya din yung nangyari sa mga panahon na yon. Naging close ko kasi din yung iba dahil sa sayaw. Pero sympre, di rin makakalimutan yung mga steps. Yung steps din kumpleto na. At sa mga bagay na yon, meron ding mga close contact sa mga steps kaya.. alam niyo na.
Holdings hands..
Ahhhhhhhh!
*breaths heavily*
Skip natin yon.
So yun nga. Holding hands. Masaya yung ganong physical contact. Kasi pag sa mga part na yon, pagholding hands, hindi rin siya bumibitaw.*blushes a bit*
Takte yang imagination mo.
Pero kahit ganon, same pa rin yung turing namin sa isa't isa. Hindi ko sure kung tatawagin ko ba siyang kaibigan kasi di ko rin alam kung ano yung naiisip niya sa akin.
Pero ok na yon. Masaya ako na nakakausap ko siya non dahil yun ata talaga yung time na naging mas close ko siya.
Meron ding mga improvement sa mga ilang steps.
Yung sa part ng yakap yakap nga pala, dati literal na ginawang pabilog yung braso niya sa akin, so parang pilit yung yakap. Kaya nong ginawa niya yun, parang nasaktan o nalungkot ako ng kaunti. Sympre medyo umasa ako. Nanalangin din kasi ako na walang problema sa amin kasi medyo close kami sa classroom kaya kahit ganon yung mga steps, parang friends friends lang.
Grabe! Friends nga diba?
Pero kahit papaano ngayon, yung yakap niya sa akin mahigpit na. Hindi ko alam kung ako lang yung nakakaramdam pero ang saya kasi sa feeling. Relax na siya sa akin at tsaka parang okay lang na ganito lang kami.
Kung puwede lang na ganito palagi.
Yung meron sanang kami. Kahit sa sayaw lang.
Meron pala konte sa sayaw. Love song nga ang kanta.
Pero yung kanta kasi eh... sakit ng ibig sabihin.
From the title itself nga naman kasi 'Kung Di Rin Lang Ikaw'.
Kung babasahin mo yung lyrics, alam mong masakit sa feeling.
At di ko inexpect na mararanasan ko ang mga bagay na ito.
Timeskip sa performance day
This is the day na! Yung sasayaw na kami ng group ko ng project namin sa Music.
Imbis ang school uniform ang suot namin, nakasuot na ako plain white shirt na nakatock-in sa below-the-knee thin white skirt ko. Same kami ng porma ni Kathy pati ni Jhanna pero knee-length naman yung haba ng skirt nila. Buti ok lang yon daw kasi sa gitna naman kami ni Kevin sasayaw.
Yung mga lalaki naman nakasuot ng black pants pati black shirt. Nakatock-in din. Tapos yung 3 single dancers nakasuot ng oversized white shirt tsaka black short shorts. Simple lang naman yung damit namin pero alam namin na prepared kami.
Pero sa totoo lang kinakabahan na ako sa sayaw. Magiging successful ba? Magiging nakakakilig ba? Papasa ba kami? O hindi? Hindi ko na alam eh.
Pero sana maenjoy ko lang tong supposed to be last dance ko sa kanya.
Baka kasi.. hindi ko na maexperience to ulit.
At yun nga ang nangyari.
Pagkatapos ng dalawang grupo na sumayaw ng A Thousand Years at You are the Reason, tinawag na ng teacher namin sa stage yung last group, which is kami yon.
Buti na lang walang nanonood sa amin maliban sa iba kong mga kaklase kaya atleast relax relax na kami ng konte.
Pumunta na rin kami sa mga puwesto namin sa sayaw. Wala pa yung mga solo girls, sa 2nd verse pa sila papasok.
Pa V yung formation namin. Yung mga lalaki ang nasa right side tapos kaming mga babae sa left side. Yung mga audience a.k.a. my classmates and teacher nasa baba ng stage.
Grabe yung bilis ng tibok ng puso ko. Sympre, graded to. Pero yung nangingibabaw ngayon kasi sa akin ngayon ay dahil sa kanya.
Excited, kabado, saya, lungkot, pati kirot sa puso ko yung nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari ngayon pati sa kanya.
Excited, dahil sa sayaw na mapapakita na namin yung pinaghirapan namin.
Kabado, dahil sympre nasa stage na kami. Alangan hindi ako kabahan. Puwede din kasing magkaroon ng mali sa performance namin kaya kakabahan talaga ako.
Saya, dahil katulad sa pagiging excited, maeenjoy ko yung last na sayaw namin sa time na yon.
Tapos lungkot at sakit sa madamdaming pusong to.
Alam mo kung bakit?
Sa pagsabi ko ng mga salitang ito, pinatugtog na ng teacher namin ang kanta.
Wala kasi siya sa last dance namin.
[Music start]
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Bat ba ang malas ko ngayon?
Pipilitin ba ang puso mong hindi na masaktan
Pipilitin hindi masaktan? Parang baligtad nga ang nanyari sa akin.
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Bakit ikaw pa yung kasayaw o kagrupo ko.
Pipilitin bang umasa para sating dalawa
Kung ganito lang yung manyayari.
Giniginaw
Naglakad ako papalapit sa ere na dapat siya.
at hindi makagalaw
Imbis siya ang yumakap sa akin, ang yumakap lang sa akin ay ang hangin. Lamig ng pagiging isa ang yumakap sa akin.
Nahihirapan ang puso pinipilit ay ikaw.
Humawak ako sa 'kamay' o ang hangin ulit at umikot ako ng mag-isa.
Kung di rin tayo sa huli
Parang di rin talaga tayo sa huli.
Aawatin ang sarili na umibig pa muli
Hindi ko na nga pinupush yung sarili ko sayo.
Kung di rin tayo sa huli
Pero yung ibang tao yung nagiging daan kasi sa atin.
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kaya ang hirap pigilan yung puso ko.
Pagalis namin sa gitna, ang mga single girls sa amin ang sunod na sumayaw.
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Sinadya ba to ng tadhana?
Pipilitin bang umiwas nang hindi na masaktan
Na hindi siya makasayaw?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ano ba ginawa ko para maranasan to?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa
Nagexpect lang naman ako diba?
Masama ba?
Bumibitaw dahil di makagalaw
Bumalik ulit kami sa stage para sa mga susunod na steps.
Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw
Ang sakit.
Kung di rin tayo sa huli
Grabe ka-sakit.
Aawatin ang sarili na umibig pa muli
Ayaw na ngang masaktan.
Kung di rin tayo sa huli
Pero ikaw pa rin..
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Yung nandito sa pusong to.
Naliligaw at malayo ang tanaw
Kung nandito ka lang.
Pinipigilan na ang puso pinipilit ay ikaw
Sasabihin ko sana yung nararamdaman ko sayo.
Pagikot ko dapat nakayap din siya sa akin.
Kung di rin tayo sa huli
Pero wala siya.
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Sana.. iba na lang minahal ko.
Kung di rin tayo sa huli
Kasi sa mga susunod na mangyayari.
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Alam kong hindi magiging tayo.
Sa pagtapos ng kanta, tumulo ang isa kong luha sa sahig pagsabay ng pagbow namin sa kanila.
Wala atang nakapansin ng luha na yon kaya madali kong pinunasan yung luha ko sa mukha ko.
Nakita ko na rin siya sa kadulu-duluhan ng aking mga mata.
Hinihingal siya na para bang kakatapos lang sa pagtakbo sa isang patakbuhan. Pero makikita mong nakangiti pa rin siya.
Makikita mo yung iba kong mga kaklase na inaasar at kinokongrats si Kevin.
Dahil may kahawak siya sa kamay niya na dapat ako ang humahawak ngayon.
Natulala ako sa nakita ko. Dahil close close ko na rin siya, pinilit ko yung sarili ko na takpan yung sakit sa mukha ko lalo na sa mata.
Nilapitan ko sila konte at tiningnan ko ang dalawa. Kita ko sa kanya na masayang masaya siya.
Lumambot ang aking puso sa nakita ko.
Pero masakit pa rin eh.
Malapit ko nang di mapigilan yung luha na lalabas sa mata ko.
Kaya bago ako umalis ay bumalik sa classroom para umuwi, pinuntahan ko sila at pumuwesto sa harap nila.
Tumingon ang dalawa sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at ewan ko lang kung napansin nila ang tubig tubig sa mata ko.
Pinisil ko yung kamay ko nang mahigpit sa likod tsaka ngumiti ng malaki sa kanila. May tumulo na ring patak ng luha ko sa mukha ko.
"Congratulation sa inyo!"
Nagulat si Kevin sa mga sinabi ko. At bago pa siya magsalita tumalikod na ako sa kanila at dali-daling umakyat sa taas para hindi ko na sila makita pa.
Lalo pang lumabas ang mga luha ko kaya nagmadali na ako sa pagakyat sa taas.
Yung ikaw lang din pala yung masasaktan sa dulo. Nang mag-isa.
Lagi naman diba?
At sa pagakyat ko, hindi ko nakita ang mukha niyang malungkot at naguguluhan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa wakas tapos na..
Hindi pa pala😂 Here are the few facts ko pala sa story na to.
1. This is based on real experience. May ilang part diyan na gawa gawa ko lang pero parang ang astig din na puwede kang makaexperience mg ganyan no? Ang sakit😭😭
2. B-day ngayon ng lalaki ko sa story. Hindi ko sasabihin kung real name niya ba yon o nickname lang pero yung whole reason na ginawa ko to is because of him😂(Sa mga may nakakaalam ng name, don't say it kung ano name niya. Gg kayo sa akin pagginawa niyo yon😂)
Yan lang yung facts, ayaw ko na rin magdagdag😂. Musta pala ang story? Di pa kasi ako expert sa mga dapat emotional part diyan kaya baka di kayo naheart broken o kinilig😂
Yung next story pala next month ko pa ipupublish. Di ko sure kung 2 one-shots yon pero try ko lang. May mga draft story na kasi ako pero walang ending😂.
Try ko namang happy ending😂 Puro sad na lang kasi eh😂
So.. that's it. See you again~
-GEM_shile is out
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top