Selfish Love

Gaya ng sabi ni Alex kay Rick. Hindi nakakapagod ang magmahal. Mas nakakapagod ang paulit-ulit na nasasaktan. Paulit-ulit na nagpapakatanga. Paulit-ulit na kumakapit kahit malabo na. Paulit-ulit na bumabalik sa pag-ibig na walang kasiguruhan.

Hindi ka naman kayang mahalin kaya bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto. Buti umalis na lang. Magpakalayo-layo. Muling buuin ang sarili at muling tumayo. Hindi ka puwedeng magpakabilanggo na lamang sa pag-iig na walang mapupuntahan. Walang maayos na patutunguhan.

Ako si Ayaliesh. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan at ngayon nauntog na sa katotohanan na kahit gaano pa kalalim ang pag-ibig na iukol mo, kahit gaano mo pa kapitan ang taong minamahal mo. May pagkakataong kusa ka na rin pa lang bibitiw. Kusa ka na lamang magpaparaya. Palayain ang taong inikutan ng mundo mo para sumaya siya. Kahit pa nga ikamatay mo na dahil sa sakit at pangungulila.

Nandito ako ngayon sa terminal ng bus. Hinihintay ko na lamang ang oras para sa pag-alis. Dala ko ang ilang gamit na dala ko rin noong una kong tapak sa Maynila. Wala akong ibang kinuha maliban sa mga iyon. Hindi ko pinag-aksayahang kunin ang mga bagay na oo nga at regalo, pero alam kong wala naman akong karapatan.

Muling nagbadya ang pagtulo ng luha ko sa pisngi. Pilit kong pinapatatag ang aking sarili dahil naalala ko na naman si Ryan, ang taong naging dahilan ng kasiyahan ko sa loob ng dalawang taon. Pero naging dahilan din ng kasawian ko at ang paglubog ko sa lawa ng lungkot at hinagpis.

Nagkapira-piraso ang puso ko. Nagkandadurog-durog ang pagkatao ko. Dahil sa isang taong makasarili, sariling kaligayahan lamang ang inuuna. Hindi niya alintana kung may nasasaktan na siyang iba.

Hindi ko siya masisisi, dahil mqg8ng ako, naging makasarili sa pagmamahal sa kanya.

Si Ryan na kahit anong gawing pananakit sa akin ay minahal ko nang lubos. Siguro nga dahil ako lamang ang nagmamahal kaya hindi naging matiwasay at matagumpay ang pagsasama namin.

Bakit nga ba naman niya ako magugustuhan. Isa lamang akong hamak na probinsiyana. Walang pinag-aralan. Tanging mga karanasan lang sa buhay ang naging baon ko. Sariling karanasan sa hirap ng buhay kaya ako natuto.

Dalawang taon ang nakararaan. Lumuwas ako sa Maynila para sa trabaho. Akala ko isang paraiso ang Maynila. Lalo na kapag nag-uusap ang taga sa amin tungkol sa  kapamilya nilang nakaluwas na. Sa naririnig kong kuwento nila masaya at sagana raw dito. Sa totoo lang, hindi naman pala totoo. Impiyerno ang naging buhay ko dito.

"Isa ka lang puta na pinulot ko sa pipitsuging bar na iyon! Kaya huwag kang umastang napakalinis mong tao!" Sigaw sa akin ni Ryan. Lasing na naman siya na umuwi sa bahay.

Imbes na umiyak sa mga nasabi niya, ngumiti lang ako. Mas gugustuhin ko pa yatang lagi na lamang siyang lasing. Kasi sa ganito, kinakausap niya ako kahit pasigaw. Pinapansin niya ako kahit pagalit. Nararamdaman kong tao pala ako at hindi hangin sa paningin niya. Dahil kapag hindi siya lasing, hindi niya ako nakikita. Hindi niya ako kilala. Isa lamang akong katulong na pinagsisilbihan siya. Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya ako itinuturing na asawa.

Bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon? Bakit pinasok ko ang isang relasyon na hindi ko naman pala ikaliligaya. Bakit hinayaan ko ang aking sarili na mahulog ng husto at hindi na kayang makaahon.  Bakit mahal ko pa rin siya kahit pinaikot-ikot na lamang niya ako at sinasaktan ng paulit-ulit.

Tama, pinulot lamang niya ako sa isang bar. Kaya nasabi kong impiyerno ang Maynila. Dito ako dinala ng babaeng umengganyo sa akin na lumuwas. Para gawin pa lang bayaran at parausan.

"Ang ganda mo. Makinis at maputi. Bagay ka sa amin. Tiyak sisikat ka." Naalala kong sabi nito. At ako na isang mangmang ay napaniwala, humantong tuloy ako sa sitwasyong muntikan ko nang ikinalugmok, ikinapahamak.

Kung hindi ako iniligtas ni Ryan sa gabing iyon, malamang isa na akong kriminal o kaya isang biktima ng panggagahasa.

Kinupkop ako ni Ryan. Binihisan, binigyan ng bubong sa ulo, pinakain. Para mabayaran siya, pinagsilbihan ko siya. Mabait siya sa akin. Alam niyang hindi ako nakakaintinde ng ingles kaya lagi niya akong kinakausp ng tagalog. Lagi niya akong kinakumusta sa tuwing nakakauwi siya galing tarabaho. Nakilala ko rin ang fiancee niya na ubod ng ganda at bait. Bagay naman sila dahil napakatikas ni Ryan.

Si Ryan ay isang negosyante. Si Shaira ay isang modelo.  Tinuring nila akong isang kapamilya. Para akong kapatid kung ituring ni Shaira. Minahal niya ako. Kaya lagi akong nakakaramdam na may mali sa nararamdaman ko, minahal ko ng lihim at pinagpantasyahan si Ryan. Minsan nga, naiisip ko at naidalangin na sana wala na lang si Shaira sa tabi ni Ryan  Siguro mabibigyan niya ako ng pansin. Magagawa niya akong mahalin.

Kung bakit kasi sobrang bait ni Ryan. Iyan tuloy nahulog ako ng husto. Sobrang hulog na isang gabi na umuwi  siyang lasing, nagawa kong gawin ang bagay na kahit idinikta na ng isip kong mali sinunod ko ang puso kong nagbaka-sakali.

Doon kami inabutan ni Shaira na hubad dahil may nangyari.

Umiiyak si Shaira habang hundi makaoaniwala sa nakikita. Habang si Ryan ay galit na galit at halos patayin na ako sa talim ng titig.

Hindi ako nagpatinag sa tingin niyang iyon.

"Panagutan mo ako. Ikaw ang nakakuha ng pagkabirhen ko!" Saad kong punong-puno ng determinasyon. Naging makasarili ako dahil sa pagmamahal sa kanya. Ipinilit ko ang sarili ko dahil gusto kong maging akin siya. Sinaktan ko ang taong itinuring akong kapatid dahil sa isang pag-ibig.

Galit na galit siyang sinunggaban ako. Halos pagbuhatan niya na ako ng kamay dahil sa galit.

"Tama na! Tama na!" Umiiyak na sigaw ni Shaira. Puno ng sakit ang mababanaag sa kanyang mukha.  Nakukunsensiya ako pero pilit kong nagpakatatag at pinanindigan ang bagay na nagawa ko na. Nasira ko na ang isang samahan. Hindi ko na kayang buuin pang muli. "Napagsamantalahan mo siya, Ryan. Babae ako, naiintind9mihan ko ang kagustuhan niyang panagutan mo siya."

Halos wala ng boses na ika ni Shaira. Nanlaki ang mga mata ko habang hindi makapaniwala si Ryan na lumapit sa babaeng minamahal.

"Ano ang pinagsasabi mo?" Tanong niya kay Shaira na hindi maampat ang luha sa mata. "No, ayaw ko!" Saad na muli ni Ryan at lumuhod para magkaawang hindi siya iwan. Samantalang ako ay natulos sa kinatatayuan. Hindi makahuma sa nasasaksihan. Lihim na nasasaktan.

Masakit tanggihan. Pero mas masakit ang mga ipinaranas niya sa akin noong maging asawa na niya ako. Halos hindi niya ako uwian. Hangin kung ituring niya ako. Nawala na ang Ryan na mabait. Na laging nag-aalala.

Pinalitan na ng laging galit na Ryan. Ryan na tila ba pinandidirihan ako. Wala na ang Ryan na minahal ko. Naging isang halimaw kung saktan ako. Oo hindi niya ako sinasaktan ng pisikal, pero mas masakit ang ginagawa niyang pananakit ng emosyonal.

Magdadala siya ng babae sa bahay. Magpapakasasa silang dalawa sa kama niyang minsan ko lang nahigaan. Pinapakita niya  sa akin na wala akong halaga, na kahit sa kama niya, wala akong silbi.

"Can you just leave me alone!" Bulyaw niya sa akin noong katukin ko siya kuwarto. Hindi  kasi siya lumalabas.

Hindi ko naintindihan kaya pumasok pa rin ako.

"Fuck!" Muli niyang sigaw at naibato niya pa ang unan sa akin. Hindi ako natamaan pero talagang namutla ako sa gulat. "Sabi ko umalis ka! Umalis ka sa buhay ko nang tuluyan! I don't need a fucking lady like you! Bullshit!" Galit na galit niyag sigaw. Hindi ko naintindihan pero kusang naglandas ang luha sa mga mata ko. Ang sakit, ang sakit-sakit na hindi ko alam kung paano ko nagagawang tanggapin lahat. Dahil na naman sa pagmamahal! Pagpapakatanga.

Nagkasakit siya, inalagaan ko siya  Nagkasakit ako, pero nasaan siya? Wala! dahil na kay Shaira. Inaalagaan  niya ito dahil napag-alaman naming may stage three Cancer pala ito. Tinanggap ko, mas malala ang sakit na meron siya. Kesa sa akin na nagdadalang-tao lang naman.

Bawat araw hinihintay ko so Ryan. Gusto kong ibalita ang magandang regalong ipinagkaloob sa amin. Magiging ama na siya. Umasa ako na magbabago ang lahat kapag nalamn niya. Siguro, mamahalin na rin niya ako.

Pero isang linggo na, hindi pa rin niya ako inuuwian. O kaya tawagan man lamang. Tanungin kung buhay pa ba ako at humihinga. Muli ko siyang inunawa, kailangan siya ni Shaira eh. Pero ako ba? Hindi ko ba siya kailangan? Kailangan ko din naman siya! Kami ng anak namin.

Laking tuwa ko noong isang araw naabutan ko siya sa sala. Kagagaling ko lang sa klinika.  Waring hinihintay ako. Napatanong ako sa sarili kung mananatili na ba siya sa tabi ko? Sasabihin ko na ang tungkol sa magiging anak namin.

"Puwede ba tayong mag-usap," sabi niyang may pilit na ngiti sa labi.

Napangiti rin ako. Halos maiyak nga ako dahil sa unang pagkakataon, kinausap niyang muli ako gaya ng dati. Malumanay at hindi pasigaw.

Inilatag niya ang isang papel pagkatapos kong maupo kaharap niya.

"Pirmahan mo," utos niyang nakatitig sa mga mata ko.

Pilit kong binasa at inintindi iyon. Nasa wikang ingles kaya halos hindi ko naintindihan. Pero dahil inutos niya, pinirmahan ko. Hindi na ako nakipag-argumento. Mukha kasi siyang  pagod at ayaw ko nang dagdagan pa kung ano man ang bumabagabag sa kanya.

Iyon lang, pagkatapos noon, muli siyang umalis. Iniwan niya akong mag-isa. Umiiyak sa sulok, walang kakampi kundi ang sarili. Ni hindi niya ako binigyan ng tyansa na ibalita na magiging ama na siya.

Isang araw, pinuntahan ako ni Shaira.  Payat na siya at nawala na ang dating ganda. Maganda pa naman siya pero halata na ang pagbagsak ng katawan niya.

"Bakit mo pinermahan?" Iyon ang unang lumabas na tanong sa bibig niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. "Ang annulment, bakit mo pinermahan? Hindi na ako mabubuhay ng matagal kaya hindi ko matatanggap na isinasauli mo siya sa akin, masasaktan lang siya!" Nanghihinang sambit niya. Umiiyak.

Hindi ko siya isinasauli. Hinding-hindi ko siya ibibigay pabalik kahit may sakit ka. Akin lang siya. Lalo na at magkakanak na kami!

Gusto ko iyon sabihin, gusto kong isigaw pero naumid ang dila ko. Walang lumabas ni isang salita. Nanginginig ang mga tuhod ko habang patuloy ang paglandas ng luha sa mga mata ko.

Ginawa ko naman ang lahat para mahalin niya ako, matutunan niya akong ibigin. Pero hindi pa rin pala sapat. Hindi ako kailanman magiging sapat.

Sa huling pagkakataon. Gusto kong maging masaya sa piling niya. Nagmakaawa akong umuwi siya. Pinagbigyan niya ako.

"Ano bang kailangan mo?" Naiirita ang boses na tanong niya noong nasa bahay.

"May inihanda akong dinner. Kain muna tayo," aya ko sa kanya, pilit pinapasaya ang boses. Padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Hindi niya ba nahalatang nagpaparlor pa ako, isang oras akong naligo. Napansin niya bang seksi ang suot ko ngayon. Hindi, dahil wala ang mga mata niya o atensiyon sa akin.

Naglagay ako ng malawak na ngiti sa labi. Kahit pa nga nalulunod na ako sa sakit. Gusto kong umiyak at magmakaawa. Pero nangako akong hindi ko na muling gagawin iyon. Huli na ito!

"Puwede bang kahit ngayong gabi, mahalin mo ako. Iparamdam mo sa akin ang pagiging asawa. Iparamdam mo sa akin kahit ngayon lang na kailangan mo ako!" Sabi ko habang palapit sa kanya. Isa-isang hinuhubad ang aking mga damit.

Nakamata  lamang siya sa akin. Hindi man lamang kumikilos. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Idinampi ko ang aking mga labi sa labi niya. Ayaw niyang tumugon. Kaya naglandas ang luha sa mga mata ko at kumawala ang hikbi sa labi ko habang hinahalikan ko siya.

Wala akong napala kaya tumigil ako. Ayaw niyang talagang tumugon. Hindi niya talaga ako kayang pagbigyan. Masakit pero tanggap ko na.

Tumalikod na ako sa kanya at nanghihinang humakbang palayo. Nang bigla niya akong hilahin at kabigin. Mapusok na hinalikan. Sa gabing iyon, minahal niya ako. Pinaramdam niya sa akin na kailangan niya ako. Masaya ako kahit isang gabi lang. Salamat sa isang gabi ng pagmamahal. Kahit panandalian lamang at pagkukunwari.

Nakayakap siya sa akin. Mahigpit at para bang ayaw niya akong pakawalan. Pinakatitigan ko siya habang mahimbing ang tulog. Habang patuloy ako sa impit na pag-iyak. Dahil ngayong gabi, iiwan ko na siya. Palalayain ko na siya.ng tuluyan.

"Salamat. Maraming salamat!" Bulong ko sa kanya. Kinintalan ko siya ng halik sa pisngi. "Paalam mahal ko!"

Ngayon, sakay na ako ng bus pauwi sa probinsiya. Ngunit hindi na ako nag-iisa. May nabuong isang anghel dahil sa makasarili kong pagmamahal. Hanggang sa huli, naging makasarili rin pala ako dahil hindi ko na nagawang sabihin kay Ryan ang pagbubuntis ko.

Mas nakakabuti na rin siguro iyon dahil alam kong makadadagdag lang iyon sa kanyang alalahanin. Mas magiging masaya siya kapag umalis ako sa buhay niya nang tuluyan. Wala ni isang mang kukunekta sa amin.

Mahirap pero kakayanin ko. Dahil ngayon, dala ko ang isang regalo mula sa kanya.

Sana pagdating ng panahon. Kapag magkaharap na kaming muli ay naghilom na ang mga sugat at handa na kaming muling magmahal. Basta ang idinadalangin ko ngayon, sana ay masaya siya dahil ako, pipilitin kong maging masaya. Magiging maligaya ang buhay ko.

*gagawan ko itong nobela. Sa ngayon oneshot muna*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top