We Fight and Make-up ♥

"Anu ba naman yan Arol, umaayos ka nga. Nakakairita ka nanaman eh."

Sinong hindi maiirita, eh napaka seloso. Takte! lahat na lang ng kilos mo kailangang alamin. Lahat na lang ng galaw mo, binabantayan. Maka-chat lang ung dating mga classmate, ang dami ng tanong. Nagyaya lang ng reunion ung classmate kong lalaki, nakatanong agad. 

"Galit ka nanaman? ganyan ka lagi, laging mainit ang ulo mo. Lagi ka na lang naiirita sakin. Wala na ba kong nagawang tama sayo?"

"Eh ano ba kasing problema mo? wala ka nanamang tiwala sakin. Anu ka ba Arol, two years na tayo. TWO STUPID YEARS! at hindi mo pa rin ako mapagkatiwalan. I don't think na mag wo-work pa to. "

"So anung ibig mong sabihin, Liera?"

 Napabungtong hininga ako. At napapikit ng madiin. Bago nagsalita.

"Maghiwalay na lang tayo."

"Anung sabi mo?"

Naiirita nanaman ako, nakakabwisit talaga.. Nag-aaway na nga kayo, pinapaulit ulit pa nya ung sinabi nya sakin. Oo, madali akong mairita at mainis. Ganito na ko eh, wala na kong magagawa. 

Naramdaman ko na lang na tumulo ung luha ko..

"M-mag hiwalay na lang tayo. Mas makakabuti satin to."  tuluyan ng nabasag ung boses ko, para na kong ngongo na hindi maintindihan ang sinasabi dahil barado ang ilong ng sipon.

"Sigurado ka ba dyan? ha Liera?"

Sigurado nga ba ko? Basta ang alam ko, naiirita na ko sa kanya, napaka seloso, walang tiwala. Minsan nga hindi ko alam kung mahal ko pa din sya or hindi. Minsan kasi ok sakin ung di sya nakakausap. Minsan feeling ko single ako. Kahit nagdadalawang isip ako sa nararamdaman ko, hindi naman sumagi sa isip ko ang mag landi at makipag fling sa ibang lalaki. Pero nakaka-irita na talaga ung mga kilos nya.

"Siguro nga ang pag kakakilala mo sakin noon, eh malandi, lagi mo kong nakikitang madaming katext, sino nga ba naman ako? eh hindi naman tayo naging mag kaibigan. Niligawan mo lang ako tapus sinagot ka. Hanggang ngayon ba ganun pa din ang tingin mo sakin? Malandi? Maharot? Maarte? and worst, PLAY GIRL!! ANG SABI MO, MAG PAKA-MATURED AKO, WAG AKONG MAG PA-BABY BABY KAY DADDY. PERO ANU TONG GINAGAWA MO NGAYON, HA?? NAPAKA-IMMATURE MO.."

Hindi ko na napigilan ang pag-sigaw ko. Oryt, nasigawan ko nanaman sya. Buti na kaya ko pang magsalita kahit na ngongo na ko. Sana naman, naintidihan nya ung ibig kong sabihin.

"Isang tanong, isang sagot Liera. Hiwalay na ba tayo? Oo, o hindi lang."

"Ikaw naman kasi eh. Sorry na, nasigawan kita. Sorry, nairita nanaman ako. Sorry, hindi ako nagiging mabuting girlfriend sayo. Gusto ko lang naman mag tiwala ka sakin. I love you, babe."

"Nagseselos lang naman ako eh, nai-insecure lang ako. Alam mo naman siguro ung sitwasyon natin diba? Akala ko hindi ka na makikipaghiwalay sakin."

Napangiti naman ako sa huling sinabi nya. Ilang beses na nga ba ko nag attempt na makipag hiwalay? Ilang beses ko na din sinabi sa kanya na hindi na mauulit un. 

"Eh, hindi naman totoo un eh, hindi ko kaya un. I love you na, ha? alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko eh."

"I love you too, babe. Sige na. Matulog ka na. Alam kong pagod ka sa school kanina. Good night. Sleep sweet. Hindi ko muna papatayin. Hintayin kitang makatulog."

Pagka-tapus nyang sabihin un, napangiti ako. Tapus narinig ko syang kumakanta.

"Naalala ko pa

Nung nililigawan pa lamang kita

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti

At Ika’y sasabihan

Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan

Buo ang araw ko

Marinig ko lang ang mga himig mo

Hindi ko man alam kung nasan ka

Wala man tayong komunikasyon

Mag hihintay sa’yo buong magdamag

Dahil ikaw ang buhay ko"

Napangiti ako, masarap nanaman ang tulog ko nito.. 

"Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ‘ko marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko

Naalala ko pa

Nung pinapangarap pa lamang kita

Hahatid, susunduin

Kahit mga bituin aking susungkitin"

Wala na kong ibang lalaki na mahahanap na gaya nya.

Ung iintindihin ako, ung pagiging moody ko. Ung pagtataray ko, ung pagmamaldita ko. Sya lang ang makakagawa nun.. Wala ng iba.

"Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ‘ko marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko

Araw-araw kitang liligawan

Haharanahin ka lagi

Kitang liligawan

Haharanahin ka lagi"

Sobrang lambing nya, lagi nya kong kinakantahan para makatulog ako. Panu ko nagagawang pahirapan ang lalaking tulad nya.

Napakasama ko nga siguro.

"Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Pumuti man ang mga buhok ko

ohhhh... 

Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko"

Sigurado ako na mahal na mahal ko tong lalaking to.

"Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na kumulubot ang balat

Kahit na hirap ka nang dumilat

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ako marinig 

Ikaw parin(ikaw pa rin)

Ang buhay ko.

I love you babe, sleep tight."

~toooooot toooot toooot~

Pinatay nya na ang cellphone. Siguro, akala nya, nakatulog na ko.

Kahit nasa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP kami.

May mga flaws man ang relasyon namin. 

Lagi man kaming nag aaway.

Mahal na mahal pa din naman ang isa't isa.

Kaya nga kami umabot ng TWO YEARS eh.

At alam ko, may FOREVER pa kami ♥

(c) Eilramisu

###

True story, pero sya ganun ka exact sa totoong mga pangyayari. Hindi totoo ung mga names, ni-rumble ko lang. Basta, haha. Ang gulo ko :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top