Jollibee Mascot ♥
"Dali na, samahan mo na ko!! Pretty please?" Hay nako! Ang init init ng panahon eh. Maglalakad nanaman kami ng malayo, nakakapagod kaya. Nakakaitim pa ng balat.
"Basta ililibre mo ko?"
"Ang kuripot mo talaga Iana! Please nanaman? Sandali lang tayo dun." Pangungulit pa rin sakin ng babaeng to.
"Bakit ba kasi ngayon mo lang naisipang bumili. Dapat kahapo pa o kaya bukas na lang. Baka magbago ang panahon."
"Eh kasi naman, ngayon lang ako nagkapera. Please?? Punta na tayo dun!"
"Sige na nga. Sandali lang ah?? May iba pa kasi akong pupuntahan eh."
"Oo. Yehey!!!!! Tara na." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bookstore. Nandun pa yun sa ikatlong kanto mula dito sa school namin. Buti sana kung may tricycle. Kaso wala naman. Lakad lang talaga.
Nang marating namin yun, pawis na pawis talaga kami. Walang silbi ang payong kung hindi ka naman napapaypayan nun kada maglalakad. Pumasok na kami sa loob ng bookstore at nagsimula ng magtingin tingin ng libro si Jen. Ako naman, nagpunta sa ballpen section. Nawawala nanaman kasi yung ballpen ko. Nakakainis, lagi na lang.
After ng mahigit kalahating oras, nagbayad na kami sa cashier. Bigla naman akong ginutom. Jusko naman! Kung kailan nararamdaman ko na ang kama ko, ngayon pa ko dinalaw ng kutsara at tinidor.
"Jen, kain muna tayo. Nagugutom ako eh." Pag siya tumanggi. Uupakan ko tong babaeng to.
"Hmm, sige. Jollibee tayo."
"Malamang, eh kapit bahay lang nito ang jollibee eh!" Tumawa lang ang bruha. Sabay na kaming lumabas papunta sa jollibee. "Jen, sakto. Nandito si jollibee." Itinuro ko sa kanya ang mascot ni jollibee na pababa galing sa second floor. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong kinabahan nung makita ko si Jollibee. Feeling ko nakatingin siya sakin kahit na mascot lang siya at ang laki laki ng mata niya. Ah basta!! Basta, nakatitig siya sakin. Tapos ang usapan. Pumila kami ni Jen sa may counter. Nagulat ako ng may kumalabit sakin. Pagtingin ko... yung mascot pala ng jollibee. Nakatayo siya bandang likuran ko. Yung isa niyang kamay nasa may likod. Medyo naka-bend siya ng konti. Yung isa naman niyang kamay nakalahad lang sakin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kasi na shock ako eh! Pero tinanggap ko na lang ang paglalahad niya. Akala ko magshi-shake hands lang kami. Pero nagulat ako ng itinaas niya ang kamay naming dalawa. Yung kamay naman niyang nasa likod niya, humawak sa kabilang kong kamay at ipinatong yung sa may balikat niya. Hindi ko alam kung babawiin ko ba yung kamay kong hawak niya or magpadala na lang sa ginagawa ng mascot na to. Inihawak niya ang kamay niya sa may gilid ko at nagsimula siyan mag sway. Hiyang hiya ako sa pinag gagagawa niya. Over na sa tsansing tong mascot na to ah! Or kung sino man ang nasa loob nito. Masyado ng nag e-enjoy sa hawak.
Sunod sunod ang pag flash ng camera, kaya napapapikit ako. Marami ng nag pi-pictures samin. Nang medyo nahiya na ko, dahan dahan kong binawi ang kamay kong hawak niya at nginitian siya. Hinawakan lang niya ko sa braso at tumalikod na siya. Manyakis yun ah! Hmp!!
Nang maka-order na kami ni Jen. Tawa lang siya ng tawa nung nasa table na kami. Pinapakita din niya sakin ang mga kuha niyang pictures kanina nung sumasayaw kami ng mascot. Nang nasa kaalagitnaan na kami ng pag kaen, lumapit samin yung mascot at pakiramdam ko... nakatitig nanaman siya sakin. Nako-concious ako sa ginagawa ng mascot na yun kaya dinadaan ko na lang sa tawa.
Kinuha ng mascot yung kamay ko na nakapatong sa may table at dinala yun sa labi ni jollibee. Wala na kong nagawa. Tumawa na lang kami ng tumawa ni Jen. Grabe! Tumitingin din samin yung ibang mga customers dito sa jollibee. Hindi ko na lang pinansin ang pagpapa-cute sakin ng mascot. Nung huling sulyap ko sa kanya, ipinasok niya yung kamay niya sa loob ng damit at itinapat sa may dibdib, ni-pump pa niya yun na parang pusong tumitibok tibok lang. Ngumiti na lang ako at hindi na ulit siya tinapunan ng ngiti. Kaya umalis na siya at nagpunta na sa second floor nitong jollibee.
Patapos na kami sa pag kaen ni Jen. Kung anu ano lang nag pinag uusapan namin. Tawa lang kami ng tawa. Nabilaukan ako kakatawa. Halos maluha luha na ko. Nagulat ako ng biglang may lalaking nag abot sakin ng coke. Ininom ko agad yun. Bahala na kung anu man ang meron sa coke na yun. Kung may laway laway na. Basta ang importante, makainom ako. Nang okay na ko, napansin ko si Jen na nakatulala. Pag tingin ko sa direksyon na tinitignan niya, pati ako natulala.
Shet!! Sino yang gwapong lalaki na yan? Siya ba ang nag abot sakin ng coke? Natutunaw naman ako sa titig niya. Gravity!! Kahit may plema pa ang coke na yan, okay lang. YUCK! Kadiri naman ang naiisip ko.
"S-salamat pala sa coke." Parang gaya ng naramdaman ko kanina, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniabot ko sa kanya ang coke na binigay niya sakin kanina pero nginitian lang niya ko.
"Sa'yo na yan. Baka kasi mabilaukan ka ulit. Sa susunod mag iingat ka ha?" Tinapik niya ko sa braso at lumabas na siya ng jollibee. Bakit ganon yung tapik niya? Kakaiba eh! Nung binalingan ko si Jen, nakatingin lang siya sakin at nakangiti.
"Ang gwapo no? Hihihihihi." Nakakita nanaman ng gwapo. For sure, hindi makakatulog to. Nung kumuha ako ng french fries... napansin ko na may coke pala ako. Shet!! Bakit ba nakalimutan ko? Leshe lang. Nakakahiya tuloy. Pagkaubos ng pagkain namin, umalis na din kami.
Hindi ko alam kung bakit parang araw araw ko ng gusto mag jollibee. Kahit simpleng 30 minutes break lang namin sa school, gusto ko na agad mag punta ng jollibee. Para akong sira. Ilang araw na din ako pabalik balik dun. Nandun kasi yung gwapong nag bigay sakin ng coke. Mwahahaha! Regular customer siguro siya dito. Kegwapo gwapo. Minsan mahuhuli ko siyang tumitingin sakin. Minsan naman, ako ang mahuhuli niya. Pero kunwari inililibot ko lang yung paningin ko sa ibang direksyon.
"Yana, ano? Jollibee ulit tayo??"
"Oo, nagki-crave ako sa french fries eh." Sabi ko kay Jen na kasalukuyang nananalamin.
"Nag ki-crave??? Eh minsan nga nakakatatlong balik tayo sa jollibee at puro fries lang ang binibili mo. Nagki-crave ka pa niyan sa lagay na yan?" Hmp!! Pero pag siya ang magyayaya, okay lang. So unfair.
"Pumayag ka na lang kasi. Pumapayag nga ako dati eh, pag ikaw naman ang may gusto ng jollibee." Pangongonsensya ko sa kanya.
"Jusko te! Eh pinupurga mo ang sarili mo sa patatas para lang masilayan yung lalaking pogi! Eh hindi mo naman inaalam ang pangalan."
"Bakit ako pa ang aalam. Eh siya itong lalaki. Hmp!" Nagsimula na kaming pumunta sa jollibee.
Binabagalan ko na nga yung pagkaen ko ng fries. Pero bakit hindi ko pa siya nakikita? Mauubos na ang fries ko. Bakit missing in action siya? Hindi pwede to!!! Kahit mukha akong tanga na isang minuto bago kainin yung isang fries. Okay lang. Hindi naman nila alam ang pakay ko eh. Walang basagan ng trip. Hanggang sa maubos ko ang fries ko ng halos kalahating oras ang itinagal, okay lang. Pero hindi pa din okay kasi wala siya, hindi ko siya nasilayan. At naiinis ako dun!!
Ilang araw din kaming pabalik balik sa jollibee, pero hindi ko na siya nakikita. At sobra akong nanghihinayang kasi hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Hindi ko alam pero... mahal ko na ata siya?? or nahihibang lang ako. Hays!! Mag tu-two weeks na nung huli ko siyang makita. Pero hindi pa rin maalis sa utak ko yung itsura niya. Yung brown eyes niya na medyo chinito, mapulang labi, dimples niyang malalim pa sa marianas trench, yung matangos niyang ilong. Nakakainis! Dapat nilapitan ko na talaga siya eh. Nakakabwisit. Hanggang panaginip ko na lang siya nakikita. Hindi naman siguro nakakahiyang lumapit sa kanya kasi unang una, binigyan niya ko ng coke na may gayuma. Eh kasi naman, hindi siya maalis sa isip ko.
"Hoy! Iana! Tulala ka nanaman diyan. Oh ano? Pupunta pa ba tayo sa jollibee?" Umiling ako sa kanya. Tama na! Pagod na ko eh. Pagod maglakad at pagod manghinayang. Baka sa ibang jollibee na yun tumatambay.
"Diyan na lang tayo sa may convenience store."
"Hay salamat! Natauhan ka din." Inirapan ko na lang si Jen. Nang aasar pa eh! Hmp!!
Nang malapit na kami sa may gate ng university. May napansin kaming pinagkakaguluhan dun sa may gilid. Pero hindi nanamin pinagtuunan pa ng pansin yun. Nang malapit na kami palabas ng gate, biglang may tumugtog. Natawa pa kami ni Jen dahil kanta ng jollibee yung tumugtog. Ang cornetto naman ng nag sa-soundtrip nun. Muntanga lang.
Nagulat kami ni Jen ng bigla kami hinarangan ng guard. Problema nito?? Kung kailan gutom na ko at frustrated... saka sila eepal!!
"Hindi pupwedeng lumabas." Sabi ni mr. epal guard. Gutom na gutom na ko, baka iwasiwas ko siya dyan.
"Sino namang may sabi? Vacant namin at wala naman na siguro kayong pakialam kung ano man ang gagawin sa vacant namin!!" Nakakagigil kasi eh! Kanina ko pa nga tinitiis ang gutom ko, haharang pa siya! Ano siya batas? Ge, bibigyan ko siya ng heart dahil diyan.
Hindi na kami pinansin ng guard. Susubukan pa sana namin tumakbo ni Jen palabas pero may tumapik sa braso ko at napalingon ako ng wala sa oras. Natulala ako ng mapagalaman kung sino yun...paano nag karoon ng mascot ng jollibee dito?
Dahan dahan niyang hinubad yung ulo ng jollibee. Ganon na lang nag pagkagulantang ko ng makita ko sino ang nagsusoot non. Si kuya poging nag abot sakin ng coke. Pawis na pawis siya. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na halos pinapalibutan na kami ng ibang estudyante. Nag sisikuhan lang kami ni Jen. Lumingon pa ko sa likuran ko. Baka kasi nakaharang lang pala kami, nakakahiya yun. Pero wala namang ibang tao sa likod namin.
"Ang sabi ng puso ko... lagi mo daw akong inaabang sa jollibee."
"H-hindi kaya." Sigurado naman na ako ang kinakausap niya kaya sumagot na lang ako.
"Hindi ka na pwedeng magkaila pa... siguro nga hindi mo ako nakikita, pero ikaw... lagi kitang nakikita." Kinilabutan ako, shett! Stalker ata tong gwapo na to. "Ang sabi ng puso ko... mahal mo ako, at mahal din kita. Kaya magmamahalan tayo." Speechless ako sa pinagsasabi niya. Kahit na nakasuot pa siya ng mascot, lumuhod pa din siya sa harapan ko at dirediretsong sinabi ang katagang... "I will court you, and that's an order." Kumunot ang noo ko ng marinig ko yung ibang estudyante na may isinisigaw na name.
"Go Kuya Seph!!!"
"Sinong Seph?!" Malakas ang pagkakatanong sakin ni Jen kaya narinig din ni kuyang pogi. Tumawa siya at tumayo sa tulong ng estudyante sa gilid niya.
"Ako pala si Seph Argon." Seph Argon? Parang familiar.
"Seph Argon... kapangalan mo yung choreographer ng stardance crew." Mas tumawa lalo si Seph sa sinabi ni Jen.
"Ako nga yon."
"Oh my! I-ikaw yun??" Nagulat ako! Pero baka ma-offense ko siya sa tanong ko.
"A-ha! Hindi lang halata dahil, new hairstyle." Shett! ibig sabihin... engineer student siya?? Yung Seph Argon na crush ko.... mahaba ang buhok at halos natatakpan na ang kalahati ng mukha. Pero ang Seph Argon na nasa harap ko... naka clean cut! At sobrang gwapo na talaga!!
"Pwede mo bang palitan yung sinabi mo kanina?" Napatingin siya sakin at napakamot ang kilay. Hindi niya siguro na gets. Pero unti unting nag fo-form ng smile yung labi niya... kaya dahan dahan siyang lumuhod.
"Girlfriend na kita... and that's final." Para akong tanga ng tumawa at bigla na lang siyang dinambahan. Dahilan para mag pagulong gulong kami. Nakamascot pa naman siya. Nagtitilian yung ibang student. May ilan na sumisigaw, yung iba pumapalakpak. Meron ding sumisipol. May nag cha-chant din.
Natigil yung pag gulong namin at nasa ibabaw ako ni Seph. Ang lambot. Hihi. Kinikilig ako.
"I love you Iana de los Santos." Mas kinilig ako. Shett! Alam niya yung buong pangalan ko.
"I love you too Sephine Argon." Dinampian niya ng halik ang labi ko, pero sandali lang. Baka mapatalsik kami dahil PDA na sobra sobra!!
Nag papasalamat ako sa pagpipilit ni Jen na mag punta sa bookstore, kung hindi dahil dun, hindi ako magugutom at hindi kami mag ja-jollibee. Pero bakit kaya siya naka mascot? Hmm, kung ano mang ang reason niya... wala na akong pakialam. Basta ang gusto kong mangyari, sa jollibee ang first date namin, ang celebrationg ng first anniversary namin, kahit hanggang sa kasal... gusto ko sa jollibee gaganapin. Kasi, kung hindi dahil kay jollibee.... wala akong Sephine Argon.
(c) Eilramisu
MWAHAHAHA!! PRODUKTO NG MASCOT NG JOLLIBEE. NAKAKA-UMAY! PERO I-PUSH NA LANG NATIN YAN =)))
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top