I Thought It Was...
For four years, marami man akong kinaharap na problema, hindi naman ako sumuko. Dahil nandito si Cyrus, ang boyfriend ko. Hindi nya ko pinapabayaan. Lagi lang syang nandyan sa tabi ko. Lagi nya kong pinapasaya. Siya ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Sa kanya ako kumakapit pag di ko na kaya.
At ngayon nga, andito kami sa isang expensive restaurant. Celebrating our Fourth Anniversary. Most of our friends and relatives, says that we are really meant for each other, and I'm hundred percent agree with that.
"Bakit ba ang tahimik mo Cyrus, kanina ka pa hindi mapakali dyan. Para kang pusang di mairi." Tinignan nya lang ako, at binigyan ng isang ngiti. Ngiti na hindi mo alam kung san hinugot para lang matawag na ngiti.
"Ganito na lang ba tayo? Cyrus, anu ba. We're celebrating our anniversary. Ang tahimik mo lang dyan."
He sighed deeply.
"I have something to tell..."
Medyo nabahala ako sa sinabi nyang un. Anu bang problema ng isang to.
"What is it?" Pumikit sya ng sobrang diin.
Halos hindi naman kami nakakain dito, pano ba naman, napaka uneasy ng isang ito. Nawalan tuloy ako ng gana.
"Not here..." tapus tumayo sya.. "C'mon, let's take a walk." Kahit na kinakabahan na ko sa actions nya, ayoko pa ring magduda at mag-isip ng kung anu ano..
Lumabas kami ng resto pag kabayad nya sa bill, shit lang. Medyo malayo na ung nalalakad namin, madilim na nga sa side na to. Wala ng mga streetlights. Liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Seriously, may sasabihin daw sya sakin. Pero anu to? walk trip ang peg nya,? hay naku. Kung hindi ko lang mahal itong lalaking to, inupakan ko na to.
"Cy, anu ba? Anu ba ung sasabihin mo sakin? Kanina pa tayo lakad ng lakad. Anu bang problema mo. Magtapat ka nga."
Kahit na boyfriend ko to for four years, natatakot pa din ako syempre. Ikaw ba naman ang dalhin sa isang lugar na napakadilim. Akala mo nasa zombieland lang, o baka naman gahasa-- napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya with disgust written all over my face.
"Hey, it's not what you think, ok?"
"Then what is--" natigil ako sa pagsasalita dahil biglang lumiwanag. Napatingin ako sa likod ko kung san nagmumula ung mga liwanag..
At nakalimutan kong huminga.
"Wow!!"
Ang ganda!! ung gilid ng pathwalk may mga iba't ibang kulay ng ng xmas lights ata, tapus sa pinaka dulo nun, may gazebo, makukulay din ung ilaw na nandun, wala namang table or parang dinner. Gazebo lang sya.
Napatingin ako kay Cyrus na nakangiti ng sobrang lawak na akala ko pinunit na yero kaya ang lapad na akala mo di na babalik sa normal na kissable lips nya.
Niyakag nya ko papunta dun sa gazebo. Syempre, nagpaakay naman ako. Ang gwapo kaya ng yumayaya sakin..
"Hindi ko na papatagalin pa, kasi baka mainis ka na sakin, at bigla na lang makipag break dahil sa inis na di ako nagsasalita sa date natin."
"Buti alam mo, hmp!!" tumawa lang sya sa sinabi ko.. Pasalamat sya may ganitong etchoos sya, naku!! kung wala, asa pa sya..
May tumugtog na violin, ang ganda lang sa pandinig. Pero di ko malaman kung nasan un. Well, baka nasa tabi tabi lang..
Napatingin ako kay Cyrus.. Na biglang lumuhod. At ako, shock. Well, alam ko na tong mga ganitong style, pero nakakagulat lang talaga pag sayo na ginagawa.. Ibang iba ung dating sakin kaysa sa mga napapanuod ko lang.
"Siguro, aakalain mo na masyado pang maaga para dito. 22 lang ako, at ikaw 20. Pero, gustong gusto na kita makasama. Gusto ko nasa tabi lang kita. Gusto ko, gumising na ikaw ang una kong makikita. Hindi na ko makakapaghintay pa ng ilang buwan at ilang taon para lang makasama ka. Mahal na mahal kita, Aika. Will you marry me?"
Syempre di ko na napigilan ang pag patak ng luha ko. Di rin ako makapag salita. Kaya tumango na lang ako ng tumango. Pagkasuot nya sa daliri ko ung singsing. Tumayo sya at niyakap ako. Tapus pinunasan nya ung luha ko at hinalikan ako. At narinig ko na lang ang mga fireworks. Inakbayan nya ko habang pinapanuod ung fireworks.
Nagstay pa kami ng ilang oras doon. At ngaun nga nandito na ko sa tapat ng bahay namin, hinatid nya kasi ako eh.
"I love you babe." mas damang dama ko ngaun ung mag a-i love you nya sakin. At mas kinilig ako.
"I love you too babe." niyakap nya ko ng mahigpit.
"Bukas, pupuntahan kita dito. Hintayin mo ko. Sasabihin natin sa parents mo ang tungkol sa kasal natin. Hintayin mo ako, Aika.. Mahal na mahal kita. Wag na wag mong kakalimutan un. Ingatan mo ung singsing. Tanda yan ng pagmamahal ko sayo."
Ewan ko ba pero, niyakap ko din sya ng mas mahigpit, at bigla na lang tumulo ung luha ko. Siguro dahil di pa rin ako nakaka get-over sa happiness at kiligness na pinaramdam nya sakin.
"Sige na, pumasok ka na. Gabi na. Good night."
Pumasok na ko sa loob ng bahay. Tapus narinig ko ang pag bukas ng makina at ang pag aalis ng kotse nya.
Nahiga ako sa kama pag katapus ko mag shower. Ang sarap lang sa pakiramdam.. Pinikit ko ang mga mata ko..
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.. Nakita ko ung oras, 4:44am. Nakita ko kung sino ung tumatawag. Napangiti naman ako.
"Hello babe! bakit napatawag ka? madaling araw pa lang eh."
Naghintay ako na magsalita sya. Kaso baka napindot lang nito ung call. Kasi wala namang nagsasalita. Kaya pumikit na lang ulit ako.
Nagising ako ng 9:04am. Nagulat ako kasi nandun si Tita, ung mama ni Cyrus.
Ang aga naman nilang mag mamanhikan. Napangiti na lang ako.
Pagkakita niya sakin, nilapitan nya ko, at nag iiiyak.
"W-wala na sya, Aika. Wala na.. Iniwan na tayo ng anak ko. Wala na si Cyrus."
At nagimbal ang mundo ko. Anu ba tong joke na to?
"Nabangga ang kotse nya Aika. Naisugod pa sya sa hospital, pero namatay sya kanina 4:44am."
At ako?? Napa upo sa sahig. Isang kalokohan to.. Tumawag pa nga sya sakin eh. Ang sabi nya, hintayin ko daw sya..
Napailing ako. Hindi totoo yung sinasabi ni Tita. Pero nagsimula na kong humagulhol.
"Tita, sabi nya hintayin ko daw sya. Ikakasal na kami. Hindi yan pwedeng mangyari. Nag propose na sya sakin kagabi. Sabi nya hintayin ko sya. Hihintayin ko sya.. Maghihintay ako sa kanya!"
Niyakap nya ako pati ni Mommy. Hindi pwede to.
"Please, tell me that this is just a big fucking bullshit joke!!"
Pero hindi...
Dahil may inabot si Tita..
Ung necklace na annversary gift ko kay Cyrus, puro dugo..
At tuluyan na kong umiyak at nagwala.
Bakit? bakit ngayon pa? Akala ko ba gusto nya ko makasama, gusto nya ko magisnan pag gising nya sa umaga.. Pero bakit?
Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nagwala na ko. Hindi ko makayanan ang katotohanan..
Wala na ba talaga?? Hanggang dun na lang ba talaga un??
(c) Eilramisu
~~~
May, ginawa po akong part. 2 nito. Pero hindi dito sa compilation. Gagawin ko po kasing short story.
Abangan na lang po..
Vote and don't forget to leave a comment :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top