Hey Bestfriend!

Sabi nila, one of the boys daw ako. 

Well, sabi ko din un.

Mas madami pa kasi akong kaibigang lalaki kaysa sa babae, panu ba naman, ang hirap pakisamahan ng ibang babae, maaarte, madalas pakikipag plastikan lang ang alam.

Eh ung mga lalaki, natural lang, walang plastikan, puro kalokohan man, at least alam kong totoo. 

Heto nga at may bestfriend akong lalaki. 

Close na close kami, parang kapatid na nga ang turing ko dun eh. 

Pero hindi ko alam kung bakit biglang nagbago..

"Magz, patulong naman oh." he's my bestfriend. 

"Anu nanaman un?"

"Ung mga nililigawan ko kasi." dami namang nililigawan nito. Tsk, playboy kasi.

"Oh anung meron?"

"Tulungan mo kong dumiskarte."

"Un lang naman pala eh. Anu ba magiging role ko?"

"Mag pa-practice lang naman akong mag propose eh. Kunwari ikaw ung nililigawan ko, okay?" madali lang naman pala eh, engot talage neto. Kala ko naman kung anu na.

"Sus, un lang pala eh. Sige, dali na, nang matapos ka na.."

Nagulat ako nung bigla nya kong hinawakan sa magkabilang braso ko, nakatitig sya sakin, nakaramdam ako ng ilang, sa loob ng mahigit dalawang taon naming mag bestfriend. Ngayon lang ako nakaramdam ng ilang sa kanya. Natural na kasi samin ung mga walang hiya hiya. Pero ewan ko ba ngayun, bigla akong na-concious sa itsura ko.. 

"Noon pa lang, gusto na kita.. ay mali... gustong gusto na kita. At kada lumilipas ang araw, minamahal na kita." bumaba ang kamay nya papuntang kamay ko. 

Hawak hawak nya ang kamay ko, at mas nagulat pa ko dahil bigla nyang hinalikan ito. Napalunok ako ng dalawang beses. Lord, bakit ganito?

Nagpatuloy pa sya sa pag sasalita nya..

"Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon para mas maparamdam sayo un... pwede ba kitang maging girlfriend? o kung gusto mo naman manliligaw pa ko sayo.. Basta, give me a chance to prove my love."

Napaka-over whelming ng mga sinabi nya. Hindi ko alam kung anung irereact ko, basta nakatingin lang kami sa isa't isa ngayon. Ayokong mag salita.. 

BAKIT GANITO ANG NARARAMDAMAN KO? ANUNG IBIG SABIHIN NITO??

"Huy best, natulala ka na dyan. Galaw galaw naman. Anu na? Wala ka bang sasabihin?"

Ang ewan ko lang, feel na feel ko pa. Practice nga lang pala to.

"M-may... m-may muta ka, best. Nakakahiya ka. Panu kung gumanyan ka sa harap ng nililigawan mo, at nakita nyang may muta ka. Anu ka na ngayon? kadiri ka." 

Kinapa nya ang mata nya..

"Wala naman best eh. Niloloko mo naman ako eh. Ung seryoso naman." bakit parang kinukurot ung puso ko? ang sakit.. 

"Ice cream ka ba?" siguro muntanga ko ngaun, nakukuha ko pang bumanat kahit kinukurot ung puso ko ng walang dahilan.

"Bakit? anu nanaman ba yan best?" mainipin talaga tong engot na to..

"Ang CORNEtto mo kasi eh." 

"Kung korni, bigyan mo na lang ako ng mga damubs mo."

"Gago, di ako nanliligaw, kaya wala akong alam sa damubs na sinasabi mo." napakamot na lang sya ng batok nya, at umiling iling na parang wala ng pag-asa sa buhay. Malungkot syang tumalikod sakin. Problema nun? di lang ako nakapagbigay ng damubs.

Ilang linggo ko na ding hindi nakikita ang bestfriend ko.. Anu namang nangyari dun? 

Di kaya busted, kaya ganun? 

Sa ilang linggong un, hindi ko alam kung bakit namiss ko sya ng sobra.. Takte naman Luke, anu tong ginagawa mo sakin.

Para kong tangang zombie na naglalakad sa hallway, at narealize kong, dulo na pala ung, kaya pag liko ko.. nakit ko si Luke..

Ganung ganun sya ngayun sa babaeng kasama nya. Ung prinactice nya sakin. Katulad din ngayun ng sa babaeng kasama.

So, sya kaya ung nililigawan?

Hindi pwede tooooooooo.. bahala sya..

Ramdam ko na eh, di na ko papapigil pa..

"Hey bestfriend, Luke!!. Napaka babaero mo talaga. Pag katapus mong mag propose sakin, heto ka sa harap ko ngaun at nag po-propose sa iba? Tantado ka!"

Nakatingin sya sakin, gulat na gulat. Napabitaw ung babae sa pagkakahawak nya.

At bigla syang binatukan..

Kaya napaharap sya dun, at umiling iling..

Binatukan ulit sya.

Serves him right. Lol, ang sama ko sa bestfriend ko.. naku, for sure. Putol ang friendship namin.

Bakit ko kaya nasabi un? shongek ko din.

"Nag propose ka na pala sa kanya Insan eh, may paganyan ganyan ka pa. Tsk! Labo mo!" buti nga sayo Luke, nang dahil sa pag propose mo sakin ng bongga, di ko dapat nararamdaman to ngaun..

Humarap sya sakin, at naglakad patungo sa direksyon ko.

"Anong sabi mo? Juice ko, kikilabutan na ba ko?

"Mahal mo ba ko Margarita?"

Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos, tinawag nya kong Margarita. 

Im sure, namumula ako ngaun..

"Sumagot ka!!"

Dahil medyo lumakas ang boses nya, nataranta ako, kaya lahat ng iling nagawa ko.

"Sira ka talaga. Sana di na ko nahirapan pa ng ganito. Kala ko manhid ka eh! kala ko di mo naramdaman ang pag po-propose ko sayo... mahal kita Magz... mahal na mahal."

Bago pa ko maka-react..

He zip my lips using his'

It was great.. I can hear fireworks.. I can feel butterflies. 

Inlove na ba ko sa Bestfriend ko??

Gusto ko yang idea na yan..

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top