02 - I love you, Goodbye
"Happy birthday, Mahal!"
Masayang bati ko kay Niel pagkapasok niya sa loob ng apartment na inuukupahan niya. Pinaghandaan ko talaga ang araw na'to. Umabsent pa'ko sa school para sa dito.
Nakita ko naman siyang namula, "Nag-abala ka pa, Mahal." he said, before he pinched the tip toe of nose. Kaya biglang lumukso sa tuwa ang puso ko.
Mabilis kong kinuha sa lamesa ang pinagawa kong cake, at sinindihan ang kandila. Bago tinapat sa kaniya. "Mahal! Mag wish kana." I said excitedly.
Mabilis naman siyang ngumiti at dahan-dahang pinikit ang mga mata. Habang mahinang bumubulong. Nang magmulat siya ng mata mabilis niyang hinipan ang kandila. Bago tumingin sa'kin. "Thank you, Mahal..." he uttered.
Nilapag ko ang cake sa lamesa at yumakap sa kaniya. "Anong hiniling mo?" nakangusong tanong ko.
Swabe siyang humalakhak bago ako pinatakan ng halik sa labi. "Secret, Mahal. Akin na'yon." natatawang aniya. Bago nagpaalam na magpapalit ng damit.
Galing kasi siyang trabaho. Isa siyang crew sa Past food restaurant, pero kahit gano'n ang trabaho niya. Mahal na mahal ko 'yon.
Nakangiti kong dinukot ang couple bracelet na binili ko last week. Pinag-ipunan ko talaga 'to. Para may iregalo sa kaniya. Napabaling sa kwartong pinanggalingan niya. He's now wearing his simple white shirt and boxer short. Biglang nag-init ang mukha at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya nang mapansin ang bumubukol niyang alaga.
We've been together for almost 1 year. Yet, wala pang nangyayari sa'min. Maybe this is the right time for us to do the intimate--
"What are you thinking?" napatingin ako sa kaniya nang biglang pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko. "I've been calling you for more than three times, but you're too pre-occupied. Hmm?"
My arms immediately clung to his nape, "Mahal, I'm ready..." I uttered. I can feel him stiffed. "Mahal. Ang tagal na natin. Handa naman akong magpakasal sa'yo."
He breath heavily, "A-Are you sure? You will marry me? I'm just a crew-"
"Niel naman. Kung ganiyan ang tingin mo, edi parang sinabi mo na ring wala kang balak pakasalan ako. Para saan pa ang relasyong 'to?" nag-init na ang sulok ng mga mata ko kaya mabilis akong lumayo sa kaniya. Ngunit mabilis niyang hinapit ang baywang ko pabalik.
"Hindi naman sa gano'n, Mahal. Ang sinasabi ko lang. Masyado pang maaga ang lahat para sa'tin. Studyante ka palang, at pwede pang makahanap ng iba..."
"Eh kung gano'n. Bakit mo'ko niligawan? Kung hindi mo iniisip ang future natin?!" tuluyan ng namalabis ang luha ko. Habang nakatingin sa kaniya.
He quickly wiped my tears, "Because I love you." he gently whispered.
"Kung gano'n, claim me. Claim my body Mahal... I'm willing to give it to you." namamaos na ani ko.
Nakita ko naman ang biglaang pagkabuhay ng pagnanasa sa mg mata niya. At mabilis na sinunggaban ng halik ang mga labi ko. Kaya napapikit na ako, at hinalikan siya pabalik.
Binuhat niya ako habang magkalapat ang mga labi namin. Hanggang sa narinig kong nagbukas-sara ang pinto ng kwarto niya. Naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama.
Mabilis na nagkahiwalay ang mga labi namin nang maubusan ng hangin. Nagtagpo ang aming mga matang namumungay habang hinubuhad ang mga sariling saplot.
Hanggang sa tuluyan ng may nangyari sa'min.
"I love you..." he whispered, before I closed my eyes...
Kinabukasan ramdam ko ang hapdi ng maselang bahagi ko. Napatingin ako sa side ko pero wala na siya. Kaya dahan-dahan akong bumangon sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Niel.
"Good morning, Mahal..." nakangiting bati niya habang dala ang tray ng pagkain. "Kumain ka muna Mahal. Bago kita ihatid sa dorm mo." nakangiting aniya.
Pinilit kong bumangon habang nakabalot sa puting kumot ang katawan ko. "Wala ka bang duty?" tanong ko.
"Mamaya pa. Ihahatid muna kita."
Napangiti naman ako at nag-umpisa ng kumain. Kasabay siya. Pagkatapos ay pinaligo niya muna ako at pinahiram ng damit bago tuluyang hinatid sa dorm ko.
"Bye, Mahal. Huwag ka na basta-basta pupunta sa apartment ko ah." napawi ang ngiti sa labi ko, "Kung gusto mong pumunta tawagan mo ako. Para masundo kita." aniya
"Pero may trabaho ka..." nakangusong sagot ko.
"Basta ipaalam mo sa'kin." naging seryoso ang tono niya. Kaya napatango na lang ako. Ngunit mabilis na tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa niya.
"I have to go na Mahal. Take care." he said and he kissed my lips, before he walked away. Ngunit doon niya pa lang sinagot ang tawag.
Mabilis kong iniling ang ulo ko. Dahil sa mga namumuong tanong. No, mahal niya ako. Kausap ko sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng dorm.
Malapad ang ngiting nasa labi ko habang naglalakad papasok ng Campus. As usual nakangiti sa akin ang mga studyante.
I walked towards the college building. I could hear the rumors about the upcoming intrams. Pero hindi naman ako dumadalo.
The whole day went, without losing the conversation about the upcoming intrams. The fight between our Campus and other school.
Mabilis akong naglakad palabas mg gate diretso sa dorm ko. Malapit lang kasi sa school ang pinakuhang dorm sa'kin ni mama. Para daw hindi ako nagmamadali lagi.
Pagkapasok ko sa kwartong inuukupahan mabilis akong humiga sa kama. Habang binabalikan ang nangyari sa'min ni Niel kagabi. Hanggang sa naalala ko ang couple bracelet na hindi ko naibigay.
Mabilis akong nagpalit ng damit at hinablot ang sling bag. At tuloy-tuloy na lumabas ng dorm, papunta sa apartment ni Niel. Bahala siya diyan, pupunta parin ako at hindi siya itetext. Gusto ko ulit siyang sorpresahin mamaya. May 1 hour pa bago siya mag out sa trabaho. Kaya sumakay na lang ako ng jeep instead na mag taxi.
Napangiti ako ng makitang sarado ang pintuan ng apartment. Kaya dinukot ko sa bulsa ang spare na hawak kong susi. Akmang maglalakad na ako palapit sa apartment ni Niel. Nang bigla itong bumukas. At iniluwa nito mula sa loob ang babaeng kinaiinisan ko. Ang babaeng pinagseselosan ko na katrabaho niya. Ang babaeng sinabi niyang lalayuan niya.
Mabilis na nag-init ang sulok ng mata ko. Nang makitang nakangiti sila sa isa't-isa bago nagkawayan. Mabilis kong dinukot ang cellphone ko sa maliit na bag nang makaalis ang babae.
Nanginginig ang mga kamay ko habang dina-dial ang numero ni Niel. Makailang ring lang ay sinagot na niya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Hello, Mahal..." pinilit kong pinasigla ang boses.
"Oh Mahal napatawag ka? Tapos na klase mo?" tanong niya sa casual na tono. Kaya biglang nanikip ang dibdib ko.
"Oo Mahal. Hmm, nasaan ka? Nasa trabaho kapa?" pigil ang luhang tanong ko.
"Oo hon, mamaya pa ang out ko. Pupunta kaba ngayon?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging sagot niya. Bakit Niel? Bakit mo nagagawang magsinungaling?
I took a deep breath, before I spoke. "H-Hindi M-Mahal, marami kaming assignments eh..." halos pabulong na saad ko.
"Are you okay Mahal? Gusto mo puntahan kita mamaya?"
Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa pag-aalala sa boses niya.
"Huwag na mahal. Magpahinga kana lang." sambit ko habang nangangatog ang mga tuhod.
"Okay Mahal. Magpahinga kana rin after mo gumawa ng assignment. I love you." malambing na aniya, kaya bumuhos muli ang panibagong luha sa mata ko.
"Mahal din k-kita..." mabilis kong pinatay ang tawag ng pumiyok ang boses ko sa huli.
Nakita ko siyang sinara ang pintuan ng apartment niya. Kaya doon lamang ako nagpakawala ng hagulhol. Habang yakap ang sarili.
Two days had passed pinili kong huwag munang magparamdam sa kaniya. Pero lagi akong nakasubaybay sa apartment niya. Kaya nakikita ko parin siya kahit paano. In-off ko ang cellphone ko, ngunit hindi man lang siya gumawa ng paraan upang kontakin o kamustahin ako.
Ganito ba talaga kapag sinuko muna ang sarili mo? Iiwan kana lang basta-basta.
Napaayos ako ng tayo sa kinaroroonan ko. Nang makitang bumaba si Niel mula sa tricycle. Ngunit parang paulit-ulit na sinaksak ang puso ko nang makita ang sumunod na lumabas mula sa loob ang babae. Habang malapad na nakangiti. Nagbayad sila sa tricycle bago ito umalis.
Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa kanilang pumasok sa loob ng apartment. Kaya agad kong in on ang cellphone ko. At tinawagan siya. Ilang ring lang ay sinagot na niya.
"Kiendral!" aniya. Hindi ko mawari ang tono ng boses niya. Kung gulat ba o nasiyahan.
"Niel..."
"Bakit ka napatawag?" malumanay na tanong niya. Ngunit para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"I-I miss you, Mahal..." I said almost whispering. As my tears burst out.
He cleared his throat, "I'm busy, bye." he said. Before he ended the call. Kaya mas lalo pang bumuhos ang luha ko.
Dahan-dahan akong naglakad sa pintuan ng apartment niya. Ngunit tuluyan na akong bumigay.
"Babe, she needs to know." the girl said with her angelic voice.
"No babe. Wala siyang dapat malaman." mariing sagot ni Niel.
"Pero--"
"Please babe, don't make this hard for me..."
Mariing akong napapikit habang nakahawak ng mariin sa naninikip kong dibdib.
"Okay. Hindi ko sasabihin." sabi ng boses ng babae.
"Thank you babe. I love--"
Mabilis kong tinakpan ang tainga ko bago paman narinig ang mga susunod niya sabihin. Nang tumahimik na sa loob, pinilit kong itayo ang mga nanginginig na mga tuhod. Bago bumalik sa gilid ng kalasada kung saan ako nagtatago.
Tuluyan na akong napahagulhol doon. "Bakit Niel? Saan ako nagkulang?" bulong na tanong ko sa sarili habang umiiyak.
Ilang oras ang lumipas medyo kumalma na ako. Ngunit ramdam ko ang pamamaga ng mata ko. Nanatili lamang akong nakatayo doon. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong oras ang lumipas ng bumukas ang pinto ng apartment at lumabas ang babae. They hugged each other bago tuluyang umalis ang babae.
Kahit nanginginig ang mga tuhod pinilit ko paring makapaglakad palapit sa apartment si Niel. Malalim akong bumuntong hininga bago kumatok sa pintuan. Ang ilang minuto ang lumipas ng bigla itong nagbukas.
"Niel..." nanginginig ang mga labing sambit ko.
Humalukipkip siya bago binuksan ng malaki ang pintuan kaya pumasok na ako, kahit ramdam parin ang paninikip ng dibdib.
Mabilis akong humarap sa kaniya kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata. "Mahal..." tawag ko sa kaniya, ngunit malalim lamang siyang bumuntong hininga.
"Kiendra, listen."
Mas lalong nanikip ang dibdib ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko at hindi sa endearment namin.
"N-Niel, I saw you with that girl..." I uttered. Ngunit walang bakas na gulat o ano man sa mukha niya. Naging blanko lang ito. "S-Sabi mo, lalayuan mona siya?" naiiyak na tanong ko. "D-Dahil ayaw mo a-akong nagseselos-"
"Not anymore, Kiendra." malamig na sabat niya. "Let's break up..."
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Kaya mabilis ko siyang niyakap habang umiiling-iling. "N-No Niel... Don't please. I love you so much." pakiusap ko.
Muling nanikip ang dibdib ko. Nang bigla niyang tinanggal ang braso kong nakayakap sa kaniya.
"Ayoko na Kiendra! Hindi ikaw ang mahal ko. Kun'di si Lovely!" he shouted at me, his voice echoed.
"No! No! You're lying. Niel, masaya pa tayo diba? Two days lang akong hindi nagparamdam--"
"I don't care, Kiendra. Just let me go!" he hissed. Kaya tuluyan na akong bumagsak sa sahig habang humahagulhol. "You want to know my wished right?" seryosong tanong niya.
Kaya mabilis akong napatingala sa kaniya at mabilis na tumango.
"Kaya mo bang ibigay?"
Muli akong napatango. "Anything, Niel..." I uttered.
He took a deep breath. "Gusto kong makalaya mula sa'yo." seryosong aniya habang matamang nakatitig sa'kin.
Mapait akong napangiti, at muling namuo ang luha sa mata. "I-Is that really what you want?" nauutal na tanong ko.
Muli siyang humalukipkip bago tumango. Kaya tuluyan ng nadurog sa sakit ang puso ko.
Pinilit kong makatayo kahit na nanghihina. Pinantayan ko siya ng tayo at mapait na ngumiti sa kaniya.
"Kung 'yan talaga ang gusto mo." I sobbed, "M-Malaya kana..." I whispered before I went out from his apartment.
Mabilis kong niyakap ang sarili at patakbong lumayo doon, halos hindi ko na makita ang daraanan dahil sa mga luhang nasa mata ko. Hanggang sa hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan at bumangga ako.
Mahal na mahal kita Niel... I uttered, before everything went black.
Nagising ako nang may maramdamang magaspang na kamay ang humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Kaya tumambad sa'kin si Niel, na puno ng luha ang mata.
Buhay ako!
My eyes watered, "M-Mahal?" I asked. Why he's here?
"I'm sorry, Mahal..." he uttered.
Tuluyang tumulo ang luha ko, at mabilis na hinuli ang kamay niya at niyakap. "H-Hindi totoo 'yong hiling mo diba?" nanginginig ang labing tanong ko.
He nodded. Mabilis niyang pinunasan ang luha ko. Bago niya ako pinatakan ng halik sa labi. "I miss you..." he whispered. So my tears burst out.
"Miss na miss din kita, Niel. S-Sorry dahil hindi ako nagparamdam ng two days--" my words got cut. When he put his two fingers on mouth.
He smiled. "It doesn't matter anymore babe." his tear fells, "I love you, Mahal. But my wished on my birthday was true." dire-diretsong aniya. Kaya bahagyang tumigil ang mundo ko.
"S-Sabi mo mahal mo ako? Bakit mo hiniling na palayain kita?" naiiyak na tanong ko.
He quickly wiped my tears. "Para hindi kana masaktan. Alam kong makakahanap ka pa ng mas better sa'kin--"
"No Niel, ikaw lang ang gusto ko!" napasigaw na ako. "Please Niel, bawiin mo ang hiling mo. I'm begging you..."
Napahagulhol na ako ngunit umiling lamang siya. "I love you, Mahal. Goodbye..." he uttered before he kissed me on lips so long. Bago diretsong lumabas ng pinto.
"Niel!" sigaw ko. Ngunit hindi na siya lumingon pa. Napahahulhol na lamang ako hanggang nakatulog.
Nagising ako kinabukasan nang marinig na nagbukas-sara ang pinto. Ngunit pagmulat ko. Wala namang tao.
Natulala ako sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari. No! Alam kong mahal ako ni Niel.
Mabilis akong bumangon at laking tuwa ko ng maramdamang hindi masakit ang katawan ko. Buti na lang hindi nakaabot kila mama ang nangyari.
Mabilis akong lumabas sa hospital room, nang mapansing na malapit pala ang hospital na 'to sa Apartment ni Niel. Kaya nilakad ko na lamang papunta doon.
Nakangiti ako habang nasa harap ng pintuan ng apartment niya. Oo alam kong hiniling niya. Pero kung Mahal niya ako, lalaban parin ako.
Akmang kakatok na ako ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'kin ang masayang mukha ni Niel at ng Babae.
"Mag-iingat ka, Babe. I love you." malambing na boses ni Niel. Kaya muling tumulo ang luha ko. Kala ko ba mahal niya ako?
"I love you, too. Sasamahan kita mamaya." nakangiting sambit ng babae. At naghalikan sa harap ko.
Napahagulhol na ako sa sakit. Bakit parang wala lang ako sa kanila? Mabilis kong pinalis ang luha ko at patakbong umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala rin akong suot na tsinelas. Hanggang sa makakita ako ng simbahan. Kaya pumasok ako doon.
Mabilis akong lumuhod at tahimik na nanalangin. "Lord, bakit naman po ganito? Ang sakit sakit na po. Parang awa niyo na po. Ibalik niyo na sa'kin si Niel. M-Mahal na mahal ko po 'yon eh..." naiiyak na panalangin ko.
"Lord..." napasalampak na ako sa lupa habang patuloy na umiiyak. Ang naninikip kong dibdib at paulit ulit kong tinatampal. Baka sakaling mawala ang sakit.
Hindi ko alam ilang oras akong nanatili sa loob ng simbahan. Hanggang sa mapansin kong hapon na pala.
Naglakad ako palabas na para bang walang buhay. Hanggang sa dinala ako ng mga paa sa hospital. Sakto namang nakita kong pumasok si Niel at ang babae sa loob ng isang kwarto.
Tumakbo ako at mabilis na pumasok sa kwartong pinasukan nila. Ngunit hindi sila lumingon sa'kin. Sinundan ko lamang sila hanggang sa tumambad sa'min ang nakaratay na pasyente.
Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.
"Babe, she needs to know." the girl said.
Umigting ang panga ni Niel, "No babe. She doesn't need to know. Siya ang dahilan kung bakit nakaratay diyan ang kambal ko!" matigas na wika ni Niel.
Kaya napatingin ako sa nakaratay na katawan habang may oxygen sa bibig. Biglang tumulo ang luha ko.
"She's suffering in pain, Noah! I can feel her pain dahil babae rin ako!"
"Kambal? Noah?! Anong ibig niyong sabihin?" malakas na tanong ko sa kanila ngunit hindi nila ako sinagot.
Hinawakan ko sa braso si Niel. Ngunit tumagos ang kamay ko? Ano 'to!
"Niel!" malakas na sigaw ko. Ngunit hindi niya nililingon.
"Dapat lang sa kaniya 'yan. May sakit na nga ang kambal ko at may taning na ang buhay. Pero nang dahil sa kaniya. Mas maagang nawala si Niel. Kaya hindi niya deserve malaman--"
"Noah! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naghihiganti ka sa taong mahal ng kambal mo?! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Niel?!" sigaw ng babae, at lumayo sa kaniya.
Gulong-gulo na ako habang nakatingin sa kanila. Ano bang nangyayari?
Dahan-dahan akong naglakad sa nakaratay na katawan at tinitigan ang mukha. Kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
Hindi ko alam na may kambal si Niel. Agad akong napatingin sa kamukha ni Niel.
"She deserves to know, Noah. Nandito din siya sa hospital. Dahil ikaw ang nagdala sa kaniya dito." mahinahong ani ng babae.
Mas lalong napakunot ang noo ko. "Hoy, nandito ako!" sigaw ko sa kanila. Ngunit hindi nila ako pinansin.
"Noah--"
"Fine. Sasabihin ko sa kaniya ang totoo." pinal na saad ni Niel. Bago sila lumabas ng kwarto. Napatingin pa ako sa katawan na nakaratay sa kama, parang ayokong umalis. Ngunit kailangan kong malaman ang totoo.
Mabilis akong sumunod sa kamukha ni Niel. Hanggang sa pumasok sila sa kwarto kung nasaan ako. Naabutan ko doon sila mama.
"Hello po, Tita." bati ng kamukha ni Niel kay mama.
Patakbo naman akong yumakap kay mama habang naluluha. Ngunit tumagos lang ako sa kaniya.
"N-Niel--"
"Ay Tita hindi po. Ako po si Noah, kambal po ako ni Niel."
Mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Dahil sa biglaang paninikip nito.
"Tita, patawad po. Ako po ang may kasalanan sa nangyari kay Kiendra." yumuko siya.
"Nagpanggap po akong si Niel. Upang makaganti sa kaniya." sabi ni Noah.
Gulat, sakit at galit ang mababasa sa mukha ni mama. Ngunit hinayaan niyang magpaliwanag ito.
"May sakit po ang kambal ko, at may taning na ang buhay sa loob ng ani na b-buwan." he paused, "Kaya lagi po akong nagpupunta sa apartment niya noon, upang tignan siya. Karelasyon ko din po si Lovely. Kaya doon kami nagkikita." nanlaki ang mata ko. "Mahal na mahal po siya ng Niel. Kaya nang isang araw na hindi siya nagparamdam. Halos mabaliw ang kambal ko. Dahil hindi ma contact. Masyado ring mahugpit sa dorm nila. Kaya nanggabing iyon. Napag interesan siya ng mga tambay sa kalsada at binugbog ng wala dahilan." his tear fells. "Kung sana nagparamdam siya sa kambal ko. Hindi mangyayari iyon. Nasaktan po ako, kaya ginamit ko ang relasyon upang saktan siya..."
Napatingin ako kay mama na patakbong lumapit sa kamay. Kung nasaan ko nakaratay at puro sugat? Teka-- No! Hindi ako patay!
Patakbo akong lumabas ng hospital habang patuloy na namamalabis ang mga luha. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hanggang sa may paparating na sasakyan sa gawi ko. Ahhh---
"Anak... Gumising kana."
Nakapikit ako ngunit naririnig ako boses ni mama. Ramdam kong nakahiga ako sa malambot na kama. Kaya pilit kong ginalaw ang kamay ko.
"Anak! Gising ka! Gumalaw ang daliri mo..." naiiyak ang boses ni mama.
Muli kong ginalaw ang mga daliri ko at dahan-dahang minulat ang mga mata. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Si Niel...
"M-Mama..." paos na tawag ko sa kaniya.
"Anak..." humagulhol na si mama.
"S-Si Niel ma. G-Gusto makita..."
"Anak magpagaling ka--"
"M-Ma please..."
Malalim na bumuntong hininga si mama bago tumawag ng Doctor.
Nasa wheelchair na ako habang tinutulak nila papunta sa kwarto kung nasaan si Niel. Kaya hindi maawat ang pagtulo ng luha ko.
Dahil sa mga pagdududa ko, nawala ang taong mahal ko. Kung sana tinanong ko na lang siya.
Mas lalomg bumuhos ang luha ko ng makarating sa kwartong kinalalagyan ni Niel. Nilapit nila ako do'n at tuluyan ng napahagulhol.
"M-Mahal! Gumising ka..." I sobbed, "Parang awa mo na... Mahal na mahal kita..."
Halos magwala na ako sa kwarto nang biglang tumunog ang makinang nakakonekta kay Niel kaya mabilis nila akong nilayo doon at pinump ang dibdib niya. Ngunit nag-isang linya na ang makina.
Katunayang wala na siya...
"Niel!" malakas na sigaw ko.
"I love you, Mahal. Goodbye..." his words appeared on my mind. Kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"Mahal na mahal din kita, Niel... Kaya mo ba hiniling na palayain ka?" ang sakit ng dibdib ko. "Kung do'n ka matatahimik, Mahal. P-Pinapalaya na kita. B-Basta bantayan mo ako kung nasaan kaman." mabilis kong pinalis ang luha sa mukha. Bago siya pinatakan ng halik sa labi.
"I love you, Mahal. Goodbye..." I whispered. Bago tuluyang bumagsak sa lupa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top