01 - Vacation

"Yeheyyyy! We're going on vacation again." 

I giggled as I was inside my room.

I just heard a while ago, Mommy and Daddy talking about vacation again at my grandma's place. Waaah! I'm super excited. I have really liked the province since day one.

Btw. My grandma is my Mommy's mom.

Kinagabihan. Mommy, daddy and I, had dinner together.

"Clara..." tawag ni mommy.

Tumingin muna ako sa kanila ni daddy bago sumagot.

"Y-Yes mom!?" gosh! can't hide my excitement.

"Have you finished your school clearance?" she asked me.

"Yes mommy... kanina lang po." nakangiting sagot ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Okay. We're going to visit your grandma tomorrow. Inatake na naman daw ng sakit n'ya, and by the way she's looking for you." mommy said without looking at me.

"W-What hap--."

"Shhh... Baby stop asking. Just continue your food." daddy said in a soft voice.

Napatingin naman ako kay mommy. Then I saw sadness in her face. Hindi na rin ako nagsalita. I know how's sad mommy is. Until we finished eating dinner hindi na ulit kami nakapag usap nila mommy.

"Are you ready baby?" tanong ni daddy. Nasa airport na kami at naghihintay ng oras ng flight namin.

"Yes dad!" I answered immediately.

"You will stay there for the mean time ha? Habang bakasyon." nakangiting sabi n'ya.

"Yes dad." nakangiting sagot ko.

I always stay with grandma every time we go on vacation. So I'm used to it. Masaya naman sa lugar nila grandma kaya it's ok for me to stay there habang bakasyon. And I already have friends there and I am excited to see them all.



Nasa labas na kami ng bahay ni grandma ng sinalubong kami ni tito ricky. Kapatid ni mommy.

"Ciara... buti nakadalaw kayo?" tanong ni tito kay mommy. And they hugged each other.

Ngumiti lang si mommy at tumango. Ganun din ang ginawa ni daddy. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang lungkot ni mommy.

"Oh! Eto na ba si clara?" tanong n'ya sabay hawak sa ulo ko.

"Opo tito...ako na po 'to." nahihiyang sagot ko. Sabay mano.

"Dalagang dalaga ka na at ang ganda ganda mo pa. Parang kailan lang ang liit mo pa." saad n'ya

"Thank you po tito." sagot ko na lamang.

"Pasok na kayo. Nasa kwarto si Mama nagpapahinga." sabi ni tito.

"Ciara... anak ikaw ba 'yan?" tanong ni lola habang nakahiga, halata sa boses n'ya ang panghihina.

"O-Opo mama...k-kamusta ka na po?" sabay upo ni mommy sa gilid ng kama ni grandma.

"M-Maayos na ako anak... wag na kayo mag-alala." nakangiting sagot niya. Sabay tingin sa gawi ko.

"Grandma..." mahinang sambit ko

"I-Ikaw na ba yan clara?" masayang tanong n'ya.

"O-Opo grandma." sagot ko.

Lumapit naman ako agad sa kanya at niyakap sya. Kahit sa katawan ni grandma halatang namayat s'ya.

"Ang laki laki mo na. D-Dito ka ba ulit muna apo?"

"Opo grandma." sagot ko.

Tumango lang si grandma at ngumiti sabay yakap ulit sa akin. Maya-maya pa ay pinag pahinga muna ulit namin si grandma at pumunta na kami sa kabilang kwarto.

Kinabukasan ...

"Aalis na kami anak, alagaan mo ang lola mo.ha?" malungkot na sabi ni mom sa akin.

"Opo mom. Don't worry po babantayan ko si Grandma." nakangiting tugon ko.

"Mag-ingat ka rito ha? Susunduin ka namin before your enrollment." sabi ni dad.

"Yes po mommy and daddy… take care po and I love you both."

"We love you too baby..." sabi nila sabay yakap sakin bago sila tuluyang sumakay paalis.

***

I am here now in front of old hut, nakatayo habang nililibot ang paningin sa kabuuan nito. Luma na ito at maalikabok na din ang mga dingding, wala na sigurong naglilinis. Dito ako tumatambay noon kasama ang ibang mga nakilala kong mga bata, hindi naman 'to kalayuan sa bahay ni grandma kaya pinapayagan nila akong pumunta dito.

Isang linggo na rin pala akong nandito sa probinsya, isang linggo ko na ring inaalagaan si lola at ilang araw na rin akong pabalik-balik dito sa kubo. Pero hindi ko parin sya nakikita.

I went inside the hut and I shook the dust on the wooden chair. while thinking about those past memories. I'm in that state ng may naramdaman akong parang may tao.

"Y-Your back..." 

I jumped in shock when suddenly someone spoke from my back.

Wait.. I-I know kung kanino ang boses na iyon. Kilalang kilala ko 'yon. Oh my gosh! How I miss that voice.' I miss him so much. Then I slowly turned around from my back… until I finally saw him. And there... our eyes met once again.

"J-Jerome..." I said, almost whispering

"C-Clara..." he said.

I know that, we both shocked. Who would not right? After a years nagkita ulit kami. At sa lugar pa kung saan kami unang nagkakilala.

"H-How are you?" tanong n'ya. At dahang dahang lumapit sa'kin.

"I-I'm fine... I-Ikaw kamusta kana?" kabadong saad ko.

"I'm fine too... I though your not coming back anymore." he said huskily. Sabay yakap sa akin ng mahigpit. Oh my gosh! I miss him so much.

"C-Crazy... nangako ako diba na babalik. That's why I'm here." mahinang sagot ko habang nakayakap pa rin sya sakin. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko.

Dahan dahan naman siyang kumalas at hinarap ako.

"I miss you..." mahinang sabi n'ya habang malapad na nakangiti. Ngunit... bakit parang ang lungkot ng mga nababasa ko sa mga mata niya?

"I miss you too." sagot ko na lamang.

When the day ended, I was so happy. We talked a lot about the years that we have not been together.

"Mukhang masaya ang apo ko ah." nakangiting sabi ni grandma. Sabay upo n'ya sa gilid ng kama ko. Umuwi akong may ngiti sa labi.

"G-Grandma... opo masayang masaya po." sagot ko

But I was surprised when she suddenly hugged me and I even saw the sadness in her eyes.

"G-Grandma..."

"Dalaga kana talaga apo ko.... S-Sana... s-sana makayanan mo."

Yun lang ang sinabi n'ya at nagpaalam ng babalik sa kanyang kwarto.

Ano bang nangyari? Is there anything I do not know or should I know? Until I fell asleep because of thinking too much.

Two weeks passed, jerome and I, we always go out together. Binabalikan namin ang mga lugar kung saan kami madalas magpunta noon. Sa tatlong taong nagdaan hindi pa rin siya nagbabago. Maalalahanin, sweet, kind, and h-hot. 'Gosh! What am I thinking?'. Nag matured na din siya mentally and physically.

One week na lang alam kong susunduin na ako nila mommy. Dahil mag start na ang enrollment. I want to tell them that I want to study here, and I hope they will allow me.

"Inumin mo muna 'to, para hindi ka ma dehydrate." sabay abot niya sakin ng mineral water. Sobrang init kasi ngayong araw. 'malamang summer'

"Thank you." sabi ko. Ngumiti lang s'ya at tumango.

Nandito kami ngayon sa Manggahan sa Guimaras Festival na ginaganap every month of May.

Habang umiinom ako ng tubig. My eyes suddenly went to him, while he's busy watching the festival, I could not help but to stare at him. I know it's been 3 years at alam kong marami pa akong hindi alam. Naninibago man ako sa kanya minsan dahil bigla bigla na lang siyang nawawala. Pero hindi ko na lang pinapansin basta ang mahalaga kasama ko siya.

The festival ended and we are happily went around with holding hands

Pumunta rin kami sa tiangge tiangge dahil may nakita akong couple bracelet na plastic pero ang ganda ng style. Nakikipagtalo pa ako na hayaan n'ya akong magbayad pero sa huli s'ya pa rin ang nagbayad.

Pauwi na sana kami ng may makita akong maliit na convenience store, nagpaalam muna akong may bibilhin, tumango naman sya at nag-paiwan na lang sa labas. 

After I bought what I needed, I went out. Just as I opened the glass door, someone pulled jerome. And the woman with the red dress suddenly kissed him passionately.

Suddenly my eyes widened in shock. But what makes me even more wondering is why he didn't even push or let go of that woman. A few minutes passed before they stopped. 

And suddenly he's eyes looked at my place kung saan ako nakatayo. I saw shock, sadness and concern in his eyes.

"J-Jerome..." mahinang sambit ko. Pero alam kong narinig niya 'yon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko parang bigla akong nanghina at parang masakit ang dibdib ko.

"C-Clara--"

"Who is she babe?" tanong ng babae. Then she suddenly look at me with a smile.

"S-She's my childhood friend." mahinang sagot n'ya.

Bigla naman sinabit ng babae ang braso niya sa braso ni jerome.

Fvck!. Ang sakit na nga ng dibdib ko because of what I heard, Pati ba naman mga nakikita ko.

I want to run away from them because I can feel the pain in my chest, It really hurts. kaya lang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang pati siya ay namanhid sa sakit.

"Come on babe pakilala mo ako." masayang sabi ng babae sabay lapit sakin.

"Hi... You're so pretty. Btw I'm chona. Jerome's fiance." dere-deretsong pakilala niya.

"H-Hi...I'm C-Clara..."

Hindi ko na inabot ang kamay n'ya at bigla akong umatras.

"S-Sige mauna na ako baka h-hinahanap na ako ni grandma... Bye."

After I said that words, I ran away from them, and tried to hold back the tears that wanted to fall. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sa'kin ni jerome.

Pero umaasa akong hahabulin niya ako, but... he didn't. 

Pagdating sa bahay ni grandma, I went straight to my room and I immediately lay down on my bed and there.. my tears slowly falling. It hurts... It really hurts. He is a liar! I hate him. I kept crying that time, until I fell asleep.

"Mommy...can you pick me here na po?"

Kagigising ko lang at agad kong tinatawagan si daddy pero hindi niya sinasagot, kaya si mommy ang tinawagan ko. At habang kausap ko siya pilit kong inaayos ang napaos kong boses.

"Why baby? Don't you want to be there anymore?"

"N-Not that mom, I like it to be here but... My classmates before, texted me, start na raw po ng enrollment for freshmen students." I replied. But it's a lie. Next next week pa ang enrollment namin, not this week. 

"Oh. Is that it?"

"Y-Yes mom… I miss you." I said in a sad tone.

"Sure baby, we will pick you up there after two days. After our work."

"Thanks mom...I will hang up this call na po."

"Take care baby, we miss you too. Bye." Mom said sweetly.

Lalabas na sana ako but my grandma suddenly appears in front of me. I looked at her face with a smile on my lips.

"Good morning grandma." I greeted her cheerfully.

"Good morning, how are you apo?" she suddenly asked to me. At umupo sa gilid ng kama ko.

"I-I'm fine grandma...ikaw po kamusta?" gosh! I'm stuttering.

"Hmmm." 'yon lamang ang lumabas sa bibig ni grandma. At tumango tango.

"Grandma--"

"I saw you crying yesterday, Nag-usap na ba kayo?"

Nag-usap? Sino naman kakausapin ko. Ilang linggo na ako rito wala naman nababanggit si grandma na kailangan kong kausapin.

"G-Grandma ano pong sinasabi niyo?" takang tanong ko.

"Apo… I know everything." nakangiting sabi n'ya.

"Grandma… hindi ko po kayo naiintindihan." takang sabi ko.

"Nag-usap na ba kayo ni jerome?"

Then my mood suddenly changed, and my smiles on my lips suddenly disappeared. Pero ayokong malaman ni grandma ang totoo kaya pilit kong pinasaya ang boses ko.

"O-Oh! Y-You know jerome grandma...My childhood best friend."

"Of Course! Who wouldn't be right? He's your childhood sweetheart. Childhood sweetheart n'yo ang bawat isa. And you promised to each other na paglaki n--"

I immediately cut her words, and I suddenly cried in front of my grandma.

"G-Grandma..."

Iyak lang ako ng iyak habang siya ay hinahagod lang likuran ko.

"G-Grandma...He is a liar! He is a liar.! I hate him so much!" I said while crying.

"Did you two talk?"

Umiling ako bilang sagot.

"Don't hate him apo, he has a reason. Let him exp--"

"N-No need na po grandma, after two days susunduin na ako nila mom and dad." Pagpuputol ko sa sinasabi ni grandma.

"Basta mag-usap kayo." hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni grandma.

Hanggang sa tumahan na rin ako sa pag iyak at lumabas na kaming magkasabay.

I was at home all day with grandma and Aling Nena.Ayokong lumabas, ayokong siyang makita o makausap man lang. Napaka sinungaling n'ya. Wala siyang isang salita.

Lumipas ang araw na sa bahay lang ako naglagi at binabantayan si grandma. Thankful din ako dahil nagkaroon kami ng quality time together at sinusulit ko ang mga araw na kasama si grandma. Bago bumalik sa maynila.

Nasa kwarto ako at nagliligpit na ng mga gamit ko dahil bukas na ako susunduin nila mommy. Pero naudlot 'yon ng biglang pumasok si lola na may ngiti sa labi.

"May kailangan po kayo?" tanong ko habang nakangiti

"Wala naman apo.. natutuwa lang ako sa pag-aalaga mo sa akin." masayang sabi n'ya.

Niyakap ko na lamang si lola. Mamimiss ko s'ya pag nakabalik na'ko sa maynila.

"Nga pala apo, May bisita tayo mamaya. Mag ayos ka" 

pagkasabi n'ya ay lumabas na s'ya ng room ko.

Wait? What? sino naman kayang bisita ni grandma ngayong gabi. Hanggang sa gumabi na kaya naligo muna ako bago bumaba.

"Grandma, hindi pa ba tayo kakain? Anong oras na po." pagmamaktol ko. Almost 30 minutes na kasi kaming naghihintay sa bisita daw ni grandma kano.

"Apo may bisita tayo. Sandali na lang."

Wala na akong nagawa at tumango na lamang.

Habang nagbabasa ako ng mga chats sa group chat namin, natatawa ako ang kukulit pa rin nila. Then I accidentally click the like sign kaya napunta sakin ang topic.

"look! Nabuhay din si Maria Clara. kamusta?" si jina

"kamusta? How's the province clar?" si Paul

"kailan uwi mo? @Clara Mae Reyes" si juvy

"Pasalubong teh ha?" si lina

Ang dami pa nilang nagtanong pero isa lang ang sagot ko sa lahat.

"I'm fine guyz. I will go home na tomorrow. See you guyzz bye."

Saktong pagkasend ko ng chat ay nag pop up naman ang chat ni caleb.

"Binibini?"

"Yes po Mr. caleb? Haha"

"How are you?"

"Ayus nga lang. Kulet naman -_-"

"Naninigurado lang. Sure ba bukas uwi mo?"

"Yes po. Mr. Caleb ^--^ "

"Good. Sabay na tayo mag enroll aking binibini."

"Oo na, pero tumigil ka d'yan sa kaka binibini mo. Hindi ako natutuwa."

"Kinikilig lang? Haha "

"Baliw.. bye na nga."

Pagkalapag ko ng cellphone ko sa gilid ng lamesa. Nagulat pa 'ko ng nakatingin sa'kin si grandma.

"G-Grandma?" sambit ko

"Kanina ka pa nakangiti d'yan, mukhang masaya ka."

"Ah hindi naman po, natutuwa lang ako sa kakulitan ng mga kaklase ko."

"Oo nga apo. Sa sobrang tuwa mo hindi mo pinapansin kanina pa nandyan ang bisita natin." natatawang sabi ni grandma.

"Grandma, sino po ba ang bisi--"

"Oh! Maupo kana iho."

Paglingon ko sa likuran ay tumambad sa akin ang malapad na pangangatawan ng isang lalaki.

"J-Jerome..." usal ko.

"You done chatting?" seryosong tanong n'ya.

hindi ko siya pinansin at tumingin ako kay grandma. Na wari'y nagtatanong.

"Kailangan n'yong mag-usap apo."

"N-No need gr--"

"Please take a sit iho. Dinner is ready." pagpuputol sakin ni grandma.

Wala na akong nagawa kaya kumain na lang din ako. Pero si grandma at jerome busy sa pag-uusap. Parang hindi nila ako kasama sa dining.

Binilisan ko na lamang kumain at tumayo na ako.

"Hmmm. Grandma I'm done na po. Akyat na ako." paalam ko bago tumayo

"N-No! You st--"

"Let her lola. Ayos lang po." sabat ni jerome

"Tsk." sabi ko lang at iniwan na sila.

Kapal naman ng mukha nyang magpakita pa. Pagkatapos niyang mag sinungaling at paasahin ako sa wala..

Nasa terrace ako ng aking kwarto at nilalabas ang inis ko sa lalaking 'yon. Bwisit siya! paasa siya. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Pero agad ko ring pinunasan ng may biglang kumatok. Baka si lola.

"Pasok, bukas 'yan." mahinang sigaw ko pero alam ko na rinig naman ng nasa labas.

I looked up at the sky pretending to look at those shining stars. But the truth is to hide my slightly reddened eyes.

Akala ko boses ni grandma ang maririnig ko, but I was suddenly stunned when I felt someone hugging me from behind. And I know kung sino 'yon. I want to feel that hug even more.

I wanted to stay in our position, but I was preceded in anger by him. Kaya agad kong kinalas ang nakayakap n'yang braso sa'kin at hinarap s'ya.

"A-Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito." mahinang bulyaw ko.

"I-I'm sorry cla--"

"S-Stop! Umuwi kana!" mariing sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"P-Please hear me--"

"No need jerome. Alam ko na hindi ako tanga!"

"Please let me explain." pakiusap n'ya at pilit inaabot ang aking kamay.

"Tama na rome... Ok na tanggap ko na, Ako lang naman 'tong umasa sa pangako natin noon."

"No! B-Baby please pakinggan mo muna ako."

Oh gosh! That call sign. At doon naramdaman ko na lamang na napaupo na'ko sa sahig at hinayaan ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. While staring straight into his eyes with mixed emotions.




"B-Best totoo bang bukas na ang uwi mo?" malungkot na tanong ni jerome. Habang kumakain kami ng mangga na sinungkit pa n'ya.

"Oo best eh... tapos na kasi ang summer magpapasukan na ulit." malungkot na paliwanag ko. Kung ako lang ayoko pang bumalik sa maynila.

"P-Pwede ka namang mag-aral dito best. Para sabay tayong papasok."

"Kung ako lang best, ayoko pang umuwi kaso sila mommy and daddy hindi papayag."

"Pano na yan w--"

"Ano ka ba, every summer naman akong nagbabakasyon ah. Magkikita pa rin tayo."

"Oo nga pero ka--"

"Shh. Best ano bang problema mo?"

Hindi naman siya ganyan dati sa tuwing matatapos ang araw ng bakasyon ko. Pero bakit ngayon ang OA niya.

"Ikaw!" agad niyang sagot

"B-Best nam--"

"C-Clara gusto kita. G-Gustong gusto na kita noon pa man!"

"J-Jerome..."

"Matagal na kitang gusto best. Araw-araw kitang iniisip lalo na sa tuwing ang layo layo mo sa'kin." diretsong sabi niya. Bakas ang labis na kalungkutan.

"P-Please best, stay here." pakiusap pa n'ya.

"J-Jerome... I like you too, but we're too young pa for that. And you know hindi rin papayag sila mommy na dito ako mag-aral." paliwanag ko.

"Y-You like me too? Totoo?"

Tumango naman ako bilang tugon.

"Yes! Yes! Hoooooh! Gusto rin ako ni Claraaa!" sigaw pa niya. Buti na lang walang taong dumadaan dito sa tambayan naming kubo.

"T-Tumahimik ka nga diyan.!" pagsuway ko sa kanya.

Pero nagulat ako ng bigla niya 'akong pinatayo at may sinuot sa leeg ko at meron din siya. It's a couple necklace. Hindi naman siya mamahalin, simple lang pero nakakaakit. Heart shape na may hati sa gitna. Kaya tag half shape kami sa heart.

"N-Nakita ko lang 'yan kanina sa tiangge. Pasensya kana at mumurahin lang. Pero hayaan mo kapag pulis na ko tunay na ang isusuot nating dalawa." paliwanag niya habang nagkakamot pa ng ulo.

"A-Ang ganda... Pero para saan 'to?" tanong ko.

"Clara...Please! Let's hold on to this necklace as a sign of our young love and our promises, for the right time to come for the two of us." He said, at pinagdugtong ang kwintas na suot namin kaya nabuo ang puso.

"Diba kulang ako pag wala ka." banat pa n'ya.

Sasagot pa sana ako pero nagulat ako ng I-kiss nya ako sa lips ko. Hala! First kiss ko 'yon. Napatakip agad ako ng bibig ko at lumayo sa kan'ya.

"Hoyy! First kiss ko 'yon!" bulyaw ko sa kanya.

S'ya naman ang lapad lapad ng ngisi. Parang tuwang tuwa pa talaga.

"Edi mabuti, Simula ngayon akin ka na at sayo lang ako."

"Ang corny mo!" natatawang sabi ko.

"Pero kinikilig ka?" sabi pa n'ya at bigla akong kiniliti.

"H-Hoyy! Jerome tama na. Hahahahahaha....t-tama.. na kasi.. hahaha."

hanggang sa tumigil na siya. Pero nagulat ako ng mag seryoso siya at tumingin sa'kin ng diretso. At pinagtapat ang palad naming dalawa.

"Clara Mae Reyes. Ako si Jerome Dela Cruz nangangakong, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at nangangakong maghihintay sa pagbabalik mo." nakangiti na siya ngayon.

"Ikaw naman." masayang sabi n'ya.

"A-Ako si Clara Mae Reyes. Nangangako kay Jerome Dela Cruz na siya lang ang lalaki sa buhay ko maliban kay daddy at lolo." bigla naman siyang natawa. "At nangangakong babalik ako dito, para sa kanya."

Pagkatapos kung sabihin yun ay niyakap n'ya ko ng mahigpit.

"M-Mamimiss kita baby..." he whispered 

"B-Baby..." usal ko

Bigla siyang tumingin sa akin at matamis na ngumiti.

"Simula ngayon baby na ang tawagan natin hah?"

Tumango lang ako bilang tugon.

"M-Mamimiss din kita b-baby." madamdamin kung bulong.

And that day. The small hut is one of the witnesses to our young love and to the promises we made.

Back to present...

"B-Baby..." he called me. And trying to hold my hand. Kaya agad akong tumayo at inayos ang sarili.

"Tama na jerome. Ayos lang ako." sabay ngiti sa kanya.

Maaaring nagulat s'ya dahil sa pagbabago ng mood ko.

"T-That promised we made, I still-- "

"Stop it na best! We're just too young that time. Hindi naman natin kailangan tuparin 'yon."

Pagkasabi ko noon ay lumapit ako sa gilid ng kama at binuksan ang maliit na box doon kung saan ko nilalagay ang kwintas na galing sa kan'ya. Kinuha ko 'yon at muling humarap sa kan'ya.

"Malaki na tayo ngayon at nasa tamang pag-iisip na. Kaya naiintindihan ko kung bakit di mo ako nahintay. 3 years ba naman kasi akong hindi nakabalik agad eh." mahinang sabi ko sinamahan ko pa ng konting tawa.

"Bakit nga ba 3 years ka bago nakabalik? You didn't even bother to contact me."

I don't know if he's mad or what. Pero ngumiti lang ako. Sabay abot ng kamay nya at pinatong ang kwintas na bigay n'ya 3 years ago.

"H-Here. I don't know if I can still keep that necklace. That's why I'm going to return it to you. You decide kung anong gagawin mo d'yan."

Alam kung sa puntong 'to gusto ko ng maiyak. Pero kailangan ko munang pigilan.

"C-Clara..."

"By the way. Congrats best... Hindi mo naman sinabing may p-pinalit ka na sa akin." pilit kong pinapasaya ang boses ko pero pumiyok pa rin sa huli.

"Baby please answer me... Why didn't you come back before?" pakiusap tanong n'ya.

"Umuwi kana best. Sobrang gabi na." pag-iiba ko ng usapan.

"I have my car." seryosong sabi n'ya.

"Please answer me. Bakit hindi ka bumalik agad. Did you find another man in your city? Is there someone that--"

"Stop it jerome! I'm not like you! I still know how to keep my promises!" I shouted at him

"T-Then why? Bakit nga?" paulit-ulit n'yang tanong.

"What for? You have a fiance na right? Umuwi ka na."

"I'm not leaving, until yo--"

"I'm sick that time!" sigaw ko.

"Now leave. I already --"

"W-What? Please b-baby tell me more." pakiusap n'ya. At pilit inaabot ang kamay ko.

"Wala ka na d'on. Umalis kana jerome. Pakiusap parang awa mo na."

"Please b-baby tell me, anong sakit?"

Tinitigan ko muna siya. Bago ako nagsalita.

"Aalis kana pag sinabi ko?"

Matagal pa bago s'ya tumango.

"Heart failure... 3 years ago pagbalik namin ng maynila madalas akong naospital dahil sa mga nararamdaman ko. That time hindi ko alam na may sakit ako. 'til one day nalaman na lang na may sakit ako sa puso at habang tumatagal palala na ng palala. And that time sobrang nanghihina na rin ako hanggang sa dinala ako sa US for heart transplant daw at na comatose ako for 1 year. I don't know the other details ayaw kasi sabihin nila mommy. Baka daw maka apekto pa sa'kin."

Pagkatapos ko sabihin 'iyon ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. At nararamdaman kong parang umiiyak siya.

"I'm sorry. I'm sorry b-baby... I did not know." paulit-ulit n'yang sabi.

"J-Jerome... heyy stop! Maayos na ako ngayon."

"B-Baby..."

"Please umuwi kana. Baka hinahanap kana ng fiance mo, ayokong makasira sa inyo." I can feel my own pain because of what I said.

"B-Baby... I don't love her."

WHAT!? Paano niya naging fiance kung hindi niya mahal?

Kung ganun baka pwede pa kami. Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. Oo tama galit lang din s'ya sa'kin.

"Paano kayo naging mag fiance? Kung--"

"I need to marry her." mahinang sabi n'ya.

"W-Why?" may pagtatakang tanong ko.

"Her parent's. They want me to marry their daughter..."

"B-But why?"

"B-Baby..." 

"W-Why? what for?" naguguluhan na tanong ko ulit.

"S-She's pregnant.." he said, almost whispering. And I can see sadness in his eyes.

But because of what I heard, I suddenly push him from hugging me. Gosh! This is too much pain. Umasa na naman ako sa wala.

"B-Baby please let me explain, first.." pakiusap n'ya.

"Congrats then. Now leave she needs you, more than me. Tapos na rin tayo mag-usap." kalmadong sabi ko, pilit tinatago ang sobra sobrang sakit. 

But he's trying to hold my hands. 

"Umalis kana jerome!" sigaw ko sa kanya. Sabay takbo papasok ng Cr ng kwarto at doon ko binuhos lahat ng hula at tuluyan ng humagulgol, dahil sa sakit.




"You okay sweetheart?" tanong ni mommy.

Tumango lang ako at matipid na ngumiti.

We are now inside the car, And were going back to Manila. Kaninang madaling araw sila dumating kaya tanghali pa lang ay nakapag-ayos na kami agad pabalik.

I looked out in the car window and looked around as the car kept moving. May driver namang kasama sila mommy kaya nakapag pahinga si Daddy.

While observing the green and peaceful environment. All my childhood memories come back together with the other childrens. Including the young jerome.

My childhood best friend, My childhood sweetheart and My first love.

Maybe we're not really meant to be. It hurts so much, because this is not the vacation I am expecting. 

But somehow I am also happy for him dahil magka-kapamilya na siya. kahit hindi ako ang taong 'yon. At least after 3 years we met again. At masaya na ako doon.

Siguro nga pinaglaruan lang kami ng panahon. 

Pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top