GHOSTo KITA

Naglalakad ako sa madilim na pasilyo ng paaralan ng Guistavo Senior High School kung saan ako nagtuturo at kung saan din ako nagtapos ng senior high, nang makaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin sa likod ko. Ewan ko ba, napakahilig ko kasing umuwi ng gantong oras dahil ayaw kong nagdadala ng trabaho ng paaralan sa bahay.

Habang pasakay na ako nang sasakyan ko ay nakaramdam nanaman ako ng tila may umihip na hangin sa gilig ng aking kaliwang tenga. Kalalake kong tao pero hayop ‘tol, nakakakaba.

“Sir Ace Vlad Lassitter!” tinig na nagmula sa likod ko na agad ‘kong ikinalingon. Sino namang tatawag sa akin ng alas nuebe ng gabi sa eskwelahan na ‘to? Malabong si Kuya Migz ang tatawag sa akin dahil hindi pa oras ng pag-ikot non sa eskwelahan.

Isinara kong muli ang nakabukas na pinto ng sasakyan ko upang siyasatin ko kung sino bang herodes ang tumawag sa akin. Tinig pa man din ng isang babae, baka mamaya ay may nalock palang estdyante dito at hindi napansin.

“Sino ‘yan!?” pasigaw na tanong ko upang kahit malayo man ang taong tumawag sa akin ay marinig niya ako.

“Sir Ace Vlad Lassitter!” pag uulit lamang nito sa pangalan ko.

“Sino ka ba? Lumabas ka kung nasaan ka man at mag-usap tayo. Anong oras na nasa eskwelahan ka pa,” panenermon ko dito.

“Sir,” ganon na lamang ang gulat ko nang ang tinig ay tila nasa likuran ko na lamang. Agad akong napalingon at tumambad sa akin ang isang babaeng estudyante na sa wari ko ay hindi din naman nalalayo sa edad ko. Bente anyos pa lamang ako at sa wari ko, ang babaeng kaharap ko ay nasa edad disiotso.

“Anong ginagawa mo dito sa eskwelahan ng ganitong oras? At isa pa, parang hindi kita kilala? Parang hindi naman kita estudyante?” tanong ko rito ngunit imbes na sumagot siya ay ngumiti lamang siya sa akin saka ako biglang nilundag ng yakap na napakahigpit.

“YES! YES! YES! ATLAST, I FOUND SOMEONE WHO CAN SEE ME!” sa gulat ko ay bigla ko siyang naitulak na agad naman niyang ikinasibangot. “You’re such a snob!”

“Ano!?” halos hindi ko masabayan ang mga pangyayari. Anong pinagsasabi ng batang ito. “Iha, mabuti pa umuwi ka na. Anong oras na, hindi ka ba hinahanap ng parents mo?” usisa ko.

“Nope! I’m living on my own Sir,” wika nito sa akin saka muling ngumiti. Doon ko napagmasdan ng mabuti ang itsura ng dalagang nasa harap ko. Maganda ang hubog ng kanyang mapupulang labi, mapungay ang kanyang mga mata na animo nangungusap, maganda ang pagkakalapat ng kanyang ilong, at maganda din ang malasutla niyang balat at mahabang tuwid na buhok.

“A-Anong ginagawa mo dito?” hindi ko alam pero bigla na lamang akong nautal ng mapagtanto ko ang kagandahan niya.

“Well honestly Sir, I’ve been waiting for you to notice me but it looks like na after six months ngayon mo palang ako napansin,” may himig pagdadamdam ang tinig nito.

“Anong ibig mong sabihin? Six months ago? Eh kakapasok ko pa lang noon sa eskwelahan na ‘to,” pang uusisa ko dito.

“Hay naku Sir, basta. Ang mabuti niyan Sir, isama mo muna ako sa bahay mo at doon ako magpapalipas ng gabi,” suhestyon nito na ikinalaki ng mata ko.

“What are you saying?”

“I’m saying Sir that I want to spend the night in your house,” confident na sagot naman nito.

“Are you insane?” hindi ko napigilang wika ko dito. “Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo.”

“Is that even a problem Sir? E ‘di magpapakilala ako. I am Anaiah Nizhel Hemsworth,” saka pa siya humalukipkip na tila nagmamalaki.

“I think you’re insane Miss. Mabuti pa umuwi ka na at uuwi na din ako dahil pagod ako at maaga pa ang pasok ko bukas.”

“Pero Sir, I need to come with you, natatakot ako dito,” doon muling napakunot ang noo ko.

“Look here Miss, gets kita, ang hindi ko gets ay kung bakit dapat kalingain kita? I mean we’re not even close—” ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay umangkla ito ng mahigpit sa braso ko.

“Oh ‘yan Sir, are we close enough para isama mo sa bahay mo?”

‘Tol, nauubusan na ako ng pasensya sa kanya pero dahil babae siya ay pinipilit kong umunawa.

“Miss ano bang gusto mong mangyari?” tanong ko dito sa may nagbabantang tono.

“Ang kulit mo naman Sir, kanina ko pa naman ‘yon sinasabi sa’yo e. I want to spend the night at your house. ‘Yun lang,” sagot nito sa akin.

Naiilang man sa posisyon namin ay binalingan ko siya. “Fine, bumitaw ka at sumsakay na ng sasakyan para matapos na ang lahat ng ‘to,” pagsuko ko sa estranghera na ito.

“YEHEY!” pagbubunyi naman nito dahil sa aking pagpayag.

Goodness gracious, it’s like I picked up a strange girl in the school.

NAKARATING na kami sa sarili kong apartment. Well yes, apartment. Apartment pero parang hindi naman apartment dahil two storey building ito. It’s like a studio type of apartment.

“Baba,” wika ko sa kanya.

“Sir, call me Aya kung na aawkwardan ka po. Hehehe.”

Shit! Bakit ang cute niya!

“J—Just please don’t talk. Do me a favor. Don’t talk,” saka na ako lumabas ng sasakyan at nagtuloy sa pintuan ng apartment ko. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko. Nang mabuksan ko na at sana ay aayain ko na si Aya, nagulat na lamang ako pagka’t nauna pa siyang nakapasok kaysa sa akin.

Weird.

“Ang laki pala ng bahay mo, Sir.”

Tila tuwang tuwa siya na naggala sa bahay ko. Tama ba ang ginawa kong pagpapapasok sa estrangherang ito? Paano kung maagnanakaw pala ang isang ito? Ngunit sa ganda niyang taglay ay parang malabo iyon.

“Kumain ka na ba?” tanong ko dito.

“Hindi pa Sir, pero kung magpapakain ka— I mean pakakainin mo ‘ko ay go na go ako dyan,” masayang wika nito. Napakamasayahin ng personalidad niya kahit pa sasaglit na oras kopa lamang siyang nakakasama.

“Sige. Maupo ka na muna sa  sofa at magpahinga habang naghahanda ako ng kakainin saka tayo mag-uusap ng maayos,” wika ko dito na ikinatango laman niya.

Nilagay ko sa screen mirror ang android tv ko at nagpatugtog ako ng malaamyos na kanta. Kahit na lalaki ako ay mahilig ako sa mga malalamyos na tugtugin.

TEARS IN HEAVEN

Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?
I must be strong and carry on
'Cause I know I don't belong here in heaven

Would you hold my hand
If I saw you in heaven?
Would you help me stand
If I saw you in heaven?
I'll find my way through night and day
'Cause I know I just can't stay here in heaven

Time can bring you down, time can bend your knees
Time can break your heart, have you begging please, begging please

Beyond the…
Beyond the door there's peace I'm sure
And I know there'll be no more tears in heaven

Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?
I must be strong and carry on
'Cause I know I don't belong here in heaven

Nang matapos ang kanta ay nakarinig ako ng mumunting pagsinghot galing sa sala kaya’t napa punta ako doon.

“Anong nangyari?” tanong ko. Siya ang naabutan kong tila umiiyak at sisinghot singhot.

“Kasi naman e Sir, bakit ka ganyan?”

“What!?” litong tanong ko.

“Kadrama drama ng kanta mo tapos gusto mo chill lang ako?” inirapan pa ako nito. Ibang klaseng babae pambihira.

“Ay ewan ko nga sa’yong bata ka—”

“Ooopss! Sir, don’t forget hindi ka ganoon katanda sa’kin,” sabat nito kaya’t napahinto ako sa pagsasalita.

“Bahala ka nga sa gusto mong paniwalaan. Halika na kakain na tayo,” wika ko dito kaya’t tumayo na siya at nauna ng tumungo sa kusina. Hindi uso sa babaeng ‘to ang mahiya.

Naupo na din ako sa tapat niya. Bago ko pa siya anyayahan ay nauna na siyang sumandok ng pagkain at magiliw na kumain.

“Hmmmmm! Ang sarap po nito Sir!” magiliw na wika nito samantalang itlog at tinapa lang naman ang inihapagko sa kanya. I haven’t to grocery stores yet.

“Pasensya ka na iyan lang ang naihanda ko, hindi pa kasi ako nakakapamili ng mga pagkain. Palagi din kasi akong wala e,” paliwanag ko dito na akala mo ba e I owe her an explanation.

“Ano ka ba Sir, ang sarap kaya nito. It’s been ages since I last ate kaya sobrang sarap nito,” wika nito na lubhang pinagtakhan ko.

“Anong—”

“Hehehe. Mamaya po Sir, ikwekwento ko. Kain muna po tayo,” sinunod ko naman ang gusto niya at kumain nalang din ng matiwasay.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng plato at siya naman ay bumalik na sa pagkakaupo sa sofa.

“So care to tell your story?” tanong ko habang nagpupunas pa ako ng kamay.

“Sir please, huwag kang mabibigla,” paninimula niya na ikinakaba ko ng bahagya. She’s so weird.

“Bakit?”

“I’m a ghost.”

WHATTTTTTTTTTTTTTT!??????????

“W—What the hell are you saying?” halos utal na wika ko dito.

“I’m telling the truth Sir. I’m really a ghost. Ikaw lang ang nakakakita sa akin,” dagdag pa nito.

“Stop kidding with me Aya. Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Gusto kong malaman ang istorya kung bakit ka nasa eskwelahan ng ganoon oras at hindi iyang mga kalokohang piangsasasabi mo,” nawawalan ng pasensya na wika ko sa kanya.

“Sir Ace hindi po ako nakikipaglokohan sa iny, totoo po ang sinasabi ko sa inyo na isa po akong multo,” pag uulit nito na dahilan kung bakit parang gusting kumawala ng kaluluwa ko sa katawan ko.

“I think you’re insane Miss. Hindi ako nakakakita at naniniwala sa multo, so snap the hell out of it ad tell me the goddamn reason why are you wearing the school’s uniform at that hour!” inis na turan ko dito. Kadami niyang paglolokohin ako pa na isang guro. Kahit ba hindi pa ko permanent teacher ay wala siyang karapatan na paglolokohin ako.

“Sir please paniwalaan mo ‘ko. I’ve been stuck at that place for God knows how long. Hindi ko maaalala kung anong ikinamatay ko. Hindi ako makalabas ng eskwelahan unless may magsama sa akin palabas. Ikaw lang ang namumukod tanging nakakita sa akin. Ikaw lang ang nag  iisang nakarinig ng tinig ko. Kahit si Manong Migz na lagi kong kinakalabit at kinakausap ay hindi ako nakikita at naririnig, Ikaw lang Sir Ace, ikaw lang,” mahaba niyang pahayag na lalo kong ikinatakot.

Things are getting weirder and weirder and weirder. Ghost!?

“Kung sino ka man tigilan mo na ‘ko—”

“Sir I am really Anaiah Nizhel Hemsworth, tignan mo pa ‘tong nameplate ko,” saka pa niya ipinamukha sa akin ang nameplate niya na naka kabit sa kaliwanng dibdib niya.

“FINE!” saka ko siya marahang itinulak.

“Kung hindi mo mapapaniwalaan na isa akong multo maaari mong tignan muli ang pinagsimian natin na tinik ng tinapa kanina. Makikkita mong buo pa ang isdang tinapon mo. Nakakain lang ako ng pagkain kapag inalay o inihanda iyon para sa akin.”

Hindi na siya nagdalawang salita at hindi na ako nag atubili. Mabilis kong tinungo ang trash bin at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong totoo ang sinasabi niya. Buo nga ang tinapa na sa paningin ko ay tinik na lamang kanina.

Nothing makes sense not unless paniwalaan ko siya na multo nga talaga siya. Nakakabaliw!

“Sir—” halos mapatalon ako sa kaba nang marinig ko na lamang ang tinig niya sa likuran ko gayong hidi ko naman narinig ang yabag ng paa niya papalapit sa akin.

“DAMN!”

“Naniniwala ka na ba Sir?” tanong pa nito sa akin ngunit sa halip na sumagot ako ay nagtatakbo ako patungo sa kwarto ko at naglock ng pinto.

“Shit. Babaliwin yata ako ng babeng ‘yon—”

“Sinong babaliw sa’yo Sir?” halos muntik na akong mapamura ng napakalakas nang makita ko siya na prenteng nakahiga sa kama ko at nakangiti sa akin.

“H—How the fuck did you do that!? Iniwan kita sa labas!”

“Multo nga po kasi ako Sir. Kaya kong tumagos sa pader, pintuan at kung anu-ano pa. Name it and I’ll tagos into it,” himig nagbibiro siya ngunit ako ay halos hindi na makagalaw sa sobrang takot.

“NOOOOOOOOOOOOOOOOO!” iyon lamang ang huli kong naaalala bago ako tuluyang panawan ng ulirat sa sobrang takot.

GINISING ako ng walang humpay na tunog ng alarm clock ko. Pagmulat ko ay nakita kong 5:30 na ng umaga. Kailangan ko ng kumilos dahil baka malate pa ‘ko

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto ko na sa sahig pala ako nakatulog.

What the hell? Bakit nandito ako? Bakit dito naman ako nakatulog?

Kasalukuyan akong nagmumuni muni ng bumalik sa alaala ko ang mga kaganapan kagabi.

“I’m a ghost.”

“I’m telling the truth Sir. I’m really a ghost. Ikaw lang ang nakakakita sa akin.”

“Sir Ace hindi po ako nakikipaglokohan sa iny, totoo po ang sinasabi ko sa inyo na isa po akong multo.”

“Sir please paniwalaan mo ‘ko. I’ve been stuck at that place for God knows how long. Hindi ko maaalala kung anong ikinamatay ko. Hindi ako makalabas ng eskwelahan unless may magsama sa akin palabas. Ikaw lang ang namumukod tanging nakakita sa akin. Ikaw lang ang nag  iisang nakarinig ng tinig ko. Kahit si Manong Migz na lagi kong kinakalabit at kinakausap ay hindi ako nakikita at naririnig, Ikaw lang Sir Ace, ikaw lang.”

“Sir I am really Anaiah Nizhel Hemsworth, tignan mo pa ‘tong nameplate ko.”

“Kung hindi mo mapapaniwalaan na isa akong multo maaari mong tignan muli ang pinagsimian natin na tinik ng tinapa kanina. Makikkita mong buo pa ang isdang tinapon mo.”

“Sir—”

“Naniniwala ka na ba Sir?”

“Sinong baballiw sa’yo Sir?”

“Gising ka na ba Sir?” ang tinig na iyon ang nagpabalik sa pagmumuni muni ko.

“WAAAAAAAAHHHHHHHH! MULTOOOOOOO! ‘WAG KANG LALAPIT SA AKIN!” sigaw ko dito nang bigla na lamang itong lumitaw sa harap ko.

“Hala grabe siya. Sir nakakasakit ka ng feelings ha,” wika nito sa akin sabay pa ako inismiran.

“Hoy multo ka, umalis ka na sa bahay ko ngayon. Lumayas ka na dito!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabulyawan ko na siya.

“Nope. Hindi ako aalis dito. Hindi ako aalis sa tabi mo dahil ikaw lang ang tanging nakakakita sa akin,” pagmamatigas nito.

“Isa pa Sir, wala ka naman dapat ikatakot sa akin. Hindi naman ako pangit na multo gaya ng iba, hindi naman lasug-lasog ang katawan ko, hindi din naman ako nananakot at higit sa lahat ang ganda ko kaya.”

May punto siya sa mga sinasabi niya ngunit hindi maaari ang sinasabi niyang sa tabi ko lang siya palagi. Tatakasan talaga ako ng bait kapag nangyari ‘yon!

“Nagmamakaawa ako umalis ka na. Lubayan mo na ‘ko bago pa ako tuluyang mabaliw dahil sa’yo,” pagmamakaawa ko dito.

“Fine. Lulubayan kita gaya ng gusto mong mangayari but you have to make a deal with me first,” taas kilay na wika nito sa akin.

“Anong deal?” tanong ko.

“You have to help me find out how did I die and why did I got stuck for a long period of tiume in that school while wearing this school uniform,” saad nito.

“No,” tanging sagot ko saka ko na siya tinalikuran. Unti unti ng nawawala ang takot ko sa kanya dahil una, mukha naman talaga siyan tao. Pangalawa, hindi naman niya ako inaano. Pangatlo, maganda talaga siya.

Kinuha ko na ang twalya ko at pumasok na sa loob ng banyo parqa maghanda sa pagpasok. Hindi ako maaaring umabsent dahil lang sa may multo na umaaligid aligid sa akin.

Saktong umupo ako ng bowl nang bigla na lamang….

“SIR! PUMAYAG KA NA KASI!” mabilis akong napatakip sa pag aari ko.

“What the hell— Aya! LUMABAS KA DITO!” bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan ko. As in face to face.

“Ayoko hangga’t hindi ka pumapayag sa deal ko,” nakangisi pa nitong wika.

“LUMABAS KA MUNA SAKA TAYO MAG UUSAP!” sigaw ko sa kanya.

“Okay sige sige Sir. Promise ‘yan ha,” wika nito na mabilis kong ikinatango. Saktong paalis na siya nang bigla pa itong nagsalita, “Infairness sa’yo Sir, six inches na ‘yan hindi pa matigas. Hihihihi.”

“WTF! LABAS!!!!!!!!!”

KASALUKUYAN akong naglalakad patungo sa advisory class ko nang bigla na lamang lumitaw si Aya sa tabi ko.

“Sir sinungaling ka, sabi mo mag-uusap tayo pero bigla ka nalang umalis. Hindi ako nagpakita sa sasakyan kasi baka bigla kang matakot.”

Hindi ko siya pinansin dahil maraming estudyante sa pasilyo na dinadaanan ko. Mamaya ay isipin pa nilag nababaliw ako.

“Sir kausapin mo naman ako. Nagpromise ka pero hindi ka naman marunong tumupad,” pagmamaktol nito. Madidinig mo kasi sa tinig niya ang tinig ng naghihinananakit.

“Sir. Uy!”

“Sir—”

“PWEDE BA AYA TIGILAN MO MUNA AKO!?” gigil na bulyaw ko dito. Ibang klase ang kakulitan niya.

“Hala, sinong kausap ni Sir Ace?”

“Bes tayo ba ‘yong binulyawan ni Sir?”

Dinig kong bulong bulungan sa pasilyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Mapgkakamalan pa akong baliw ngayon.

“Hey Vlad!” napalingon ako sa nagsalitang iyon. Si Julie. Isang teacher din dito. Vlad ang tawag niya sa akin.

Huminto ako saglit para antabayanan si Julie dahil nga sa naging pagtawag nito sa akin. Pinukulan ko naman ng matalim na tingin si Aya na parang sinasabi ko na dapat ay manahimik muna siya.

“Fine. Shut up na muna po ako,” wika naman niya.

“Vlad.”

“Oh Julie, bakit?”

“Papunta ka na ba sa klase mo?” tanong nito sa akin.

“Ah oo sana,” sagot ko naman dito. Mabait naman itong si Julie kaso lang ayoko ang pagiging papansin niya sa akin. Lalaki ako, alam ko kung kailan may gusto sa akin ag isang babae. 4 years na siyang teacher dito. Mas nauna pa siya sa akin dito pero halos ka edad ko lang siya dahil accelerated student siya.

“Can we have dinner later— Aray!” hindi natapos ang dapat sasabihin ni Julie dahil bigla nalang pinitik ni Aya ang tenga nito kaya’t bigla ay napaigtad ito. Sinamaan ko naman ng tingin  si Aya dahil sa ginawa niya ngunit nagkibit balikat lamang siya sa akin na parang sinasabi niya sa akin na wala siyang pakielam at uulitin niya pa ito kung kelan niya gustuhin.

“Sabi ko shut up lang ako, hindi ko sinabing hindi ko pagtitripan ‘tong bisugo na ‘to na naglalandi sa’yo,” saka niya pa ako binelatan.

“Okay ka lang ba?” kunwaring concern na tanong ko kay Julie kahit na alam ko naman talaga ang dahilan bakit siya nagkaganon.

“Okay lang ako. Kita nalang tayo mamaya Vlad,” paalam nito dahil sa pagkapahiya niya sa harap ko.

“Akala niya ah. Sa susunod hindi lang tenga ng bisugo na ‘yon ang pipitikin ko. Napaka kerengkeng!”

“Pumunta ka sa rooftop, mag-uusap tayo,” bulong na wika ko dito at bigla na lamang itong nawala sa paningin ko.

Naglakad na ako papunta sa klase ko. Nag iwan lang muna ako ng gawain nila bago ‘ko nagpunta sa rooftop.

Naabutan ko si Aya na nakatanaw lamang sa malayo.

“Mag-usap na tayo,” pukaw ko sa atensyon niya.

Imbes na lumingon ito sa akin ay hindi ako nito pinansin.

“Aya,” tawag kong muli sa atensyon niya.

“Dito kita unang natanaw,” wika nito saka na siya bumaling sa akin. “Excited ka non para sa unang klase mo. Tinatawag kita kasi ang sigla ng aura mo. Nagababaka sakali ako na marinig at makita mo ‘ko, pero hindi. Lagi nalang kitang sinusubaybayan, dahil ikaw lang ang nakikita kong maaaring makarinig ng tinig ko at makakita sa akin balang araw, ngunit hindi nangyari iyon sa loob ng  anim na buwan. Unti unti na akong nawawalan ng pag-asa na mapapansin mo pa ‘ko, na may tao pang makakakita sa akin. Hanggang sa naganap ang naganap kahapon. Sabi ko huling pagbabaka sakali ko na iyon, sabi ko kapag hindi mo pa din ako narinig ay susukuan na kita. Hahanap nalang ako ng ibang tao na maaaring totoong makarinig sa akin, ngunit iyon nga narinig at nakita mo ‘ko.”

“Aya…” naaawa ako sa kanya kaya’t hindi ko iyon nakubli sa tinig ko.

“No don’t get me wrong. Hindi ko ginagawa ito para kaawaan mo. Gusto ko lang malaman mo na kilala kita, alam ko gaano ka kabuting tao, gaano ka snob sa mga taong hindi mo gusto, gaano ka kaaloof sa mga taong hindi mo feel dahil nga nasubaybayan kita. Alam kong ikaw lang ang magtyatyaga na tumulong sa’kin para mahanap ko ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon.”

“Pero bakit ako? Bakit sa akin ka nagkaroon ng pag-asa?” hindi ako naiwasang magtanong.

“Hindi ko alam. Bago ka pa lamang dito ay napakagaan na ng loob ko sa’yo,” saka siya ngumiti sa akin. “Dagdag na din natin na ang gwapo mo kasi,” saka siya tumawa.

Napaka jolly niyang tao. Sinong mag aakala na isa siyang multo?

“Sige pumapayag na ‘ko.”

“Huh?” maang na tanong niya.

“Pumapayag na ‘ko sa gusto mo. Tutulungan kitang hanapin ang dahilan bakit ka nagkaganyan,” nakangiting sa turan ko dito. Sa gulat ko ay bigla na lamang niyang tinakbo ang pagitan naming at niyakap ako.

“Thank you Ace. Thank you,” sa ginawa niyang pagtawag na iyo sa pangalan ko ay tila huminto ang isnog ng mundo. Tila bumagal ang oras at ang tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na tambol ng puso ko na gusting kumawala sa dibdib ko.

Bahagya ko siyang naitulak dahil sa naramdaman kong iyon. Nakakakaba. Hindi ako kahapon ipinanganak. Alam ko ang nararamdaman ko at dapat kong itigil ito. Hindi ako maaaring magkagusto sa isang multo.

NASA apartment kami ngayon. Nag file din ako ng leave for one week paara masamahan ko si Aya sa pagtuklas ng mga kaganapan sa buhay niya.

“So saan mo balak unang tumungo?” tanong ko dito saka ko siya inabutan ng maiinom. “Mainit pa ‘yan,”

“Punta tayo doon sa katabing school ng school niyo, parang may malabong alaala kasi ako doon na hindi ko mawari kung ano,” wika naman niya na ikinatango ko na lamang. Humigop siya ng inumin at biglang, “OUCH!”

Agad akong napadulog sa kanya at tinignan kung anong nagyari sa kanya. “Sinabi na kasing mainit e!” sermon ko dito habang hawak ko ang pisngi niya at iniinspeksyon siya.

“Ah Sir,” at bigla akong napatingin sa mga mata niya. Doon ako biglang kinabahan. Hindi dahil multo siya, kung hindi dahil sa napakalapit namin sa isa’t isa. May nag uudyok sa akin na halikan ko ang mapupulang labi niya. Sinunod ko ito at unti unting bumaba ang mga labi ko sa mga kabi niya ngunit bago pa tuluyang maglapat ang mga labi naming ay parang bula siyang nawala sa pagkakahawak ko.

Napalinga linga ako sa paligid at nakita ko siya malapit sa pintuan ng kwarto ko, pulang pula ang mukha.

“S—Sorry Aya,” paghingi ko ng paumanhin dito.

“Huwag kang magsorry Ace. Pasensya ka na, gusto din naman kitang halikan e. Kaso lang matagal na akong hindi nagtotoothbrush. Hindi ko na alam kung madumi na ba ang mga ngipin ko o mabaho na ba ang hininga ko—” hindi ko na pinatapos ang dapat na sasasbihin pa niya. Tinawid ko ang pagitan namin at kinitalan ko siya ng halik.

“Iyan nalang muna sa ngayon,” saka ko pa siya kinindatan at tinalikuran. Naiwan siyang tulala dahil sa ginawa ko.

Pasensya ka na Aya, hindi ko din kasi nagawang pigilan ang sarili ko.

Umalis na nga kami at tinungo naming ang paaralan na tinutukoy niya. Agad naman akong pinapasok ng gwardya dahil kilala ako nito lalo na’t katabi lang naman ng eskwelahan naming ang eskwelahan na ito.

“Ace dito!” nakita ko si Aya na binabagtas ang isang tagong likurang parte ng eskwelahan kaya’t sinundan ko siya.

“Anong meron dito?” tanong ko nang marating naming ang mismong lugar na gusto niyang marating.

“Maghanap ka lang dyan ng kahit anong makikita mo,” sagot niya sa akin habang busy siyang nakayuko at naghahanap din ng hindi niya din alam kung ano.

Habang naghahanap ako ay may kumintab na isang bagay sa mga mata ko. Agad ko itong dinampot at na wari ko na ito sy isang singsing.

“Aya, look at this,” pukaw ko sa atensyon niya.

Agad niya itong kinuha sa akin at pinakatitigan. “ITO NGA!”

Naguguluhan man ay sinundan ko siya. Sinundan ko ang pagtakbo niya hanggang sa marating namin ang Guistavo Senior High School. Bakit kami narito?

Nang malapit na kami sa building ng paaralan ay bigla siyang humintong maglakad. “Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Dito. Dito ako nawalan ng malay. Dito sa mismong kinatatayuan natin,” wika niya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Sa pagkaka alala ko ay tumakbo ako papunta sa paaralang ito habang may hianahabol,” paliwanag niya.

“Ano namang kinalaman ng singsing doon?” tanong ko.

“Singsing ito ng pumatay sa akin. Singsing ito ng taong tumulak sa akin sa rooftop ng kabilang eskwelahan. Hindi ako maaaring magkamali,” pinidong wika niya sa akin na animo siguradong sigurado siya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Saglit siyang natahimik at biglang sumigaw. “Naaalala ko na ang lahat! Naaalala ko na kung sino ang pumatay sa akin at ang dahilan bakit niya ako ginustong patayin!”

Tila kinabahan ako sa itinuran niyang iyon.

Umangat ang tingin niya sa akin at nagtama ang mga paningin naming. “Ace,” pagtawag niya sa akin. “Hindi pala dahil sa aura mo kaya ikaw ang napili ko, kung hindi dahil matagal na kitang mahal at gusto. Hindi ko alam ilang taon na ang lumipas magbuhat nang mamamatay ako ngunit malinaw na ngayon sa akin ang lahat.”

“Ipaliwanag mo sa akin dahil naguguluhan na ‘ko,” wika ko sa kanya.

“Senior high school student ako noon sa kabilang paaralan at ikaw ay ganoon din dito sa GSHS, palagi tayong nagkakasabay kumain sa fast food sa harap at lagi kitang nakikita. Mula noon nagustuhan na kita. Lagi kitang inistalk sa lahat ng social media accounts mo. Lagi din akong nag aabang sa gate dahil alam ko na ang schedule mo at ang oras ng pag-uwi mo.”

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Para ngang naaalala ko ang mukha niya ngunit hindi ganoon kalinaw.

“Isang araw, ‘yong pinsan ko na schoolmate mo ay nag out of town with my aunt and uncle, naisip kong hiramin ang uniform niya at id para makapasok dito. Madaling araw ako noon nagpunta sa school na ‘to para makaiwas sa maraming mata ng tao ang kaso may isang teacher na nakahuli sa akin at dinala ako sa eskwelahan ko. Doon kami nag usap, doon kami sa rooftop ng school ko nagkabangayan at nagkasagutan. Hanggang sa para na siyang nababaliw at itinulak ako! Itinulak niya ako mula sa rooftop! Nakapitan ko siya at itong singsing niya ang kasama ko sa pagbagsak,” saka niya iniabot sa akin ang singsing.

Ininspeksyon ko ang singsing at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mga letrang nakaukit dito. ‘JAR

“JAR?” saad ko.

“Oo Ace, siya ang pumatay sa akin dahil mahal ka din pala niya. Siya ang pumatay sa akin dahil matagal ka din palang niyang sinusubaybay at obsess siya sa’yo. Hinabol ko siya kahit na bali bali ang katawan ko, kahit na puro na ako dugo at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangayayari. She’s no other than your co-worker, JULIETA ANNA RUBIA o mas kilala mo sa tawag na Julie—” hindi na nagawang matapos ni Aya ang mga sasasbihin pa niya, bigla na lamang ay tila lumalabas ang kaluluwa niya sa katawan niya at bigla na lamang siyang nilamon ng liwanag.

“AYA!” pagtawag ko.

“AYAAAAAAAAAAAAAA!” muling tawag ko sa kanya. Luminga linga ako sa paligid ngunit walang Aya na lumitaw.

“ANAIAH NIZHEL HEMSWORTH HINDI NA ‘TO MAGANDANG BIRO! NASAAN KA!?”

Anu-ano na ang ginawa kong pagtawag ngunit hindi siya lumitaw. Anu-ano na ang ginawa kong paghahanap ngunit hindi ko siya nakita. Tang ina ang sakit. Sobrang sakit. Kung kailan tinanggap ko na ang sitwasyon naming dalawaa saka pa siya nawala.

Mananagot ka Julie!

ISANG taon. Isang taon na nag nakakalipas buhat ng huli ko siyang makita. Isang taon na mula ng hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanya. Kung kani-kanino ako lumapit na albularyo, nag eexorcist at mga taong may kinalaman sa kaluluwa ngunit hindi ko siya nahanap.

“Sir Lassitter, tawag po kayo ni Dean Tiongco sa office niya,” wika ng isa kong estudyante sa akin.

Habang naglalakad ako ay naaalala ko ang ginawa kong pagpapahuli kay Julie. Tama kayo ng nabasa. Naipakulong ko na siya. Kusa siiyang umamin sa lahat ng kasalanan niya nang iabot ko sa kanya ang singsing at nag animo baliw na nagawa niya lang daw iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin.

Narating ko ang Dean’s office at nagtuloy tuloy na akong pumasok.

“Dean?” pagbagi ko dito na busy sa mga pinipirmahang papeles.

“Nariyan ka na pala Ace. Maupo ka,” wika nito sa akin na sinunod ko naman.

“Bakit niyo po ako ipinatawag?” tanong ko.

“May isang estudyante akong idadagdag sa klase mo. Nagyon ang dating niya. Pakitunguhan niyo siya ng maayos lalo na’t galing siya sa isang malalang karamdaman,” saad nito sa akin. Wala akong ibang nagwa kung hindi ang tumango na lamang at bumalik na sa klase ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo nang biglang may mahihinang katok sa pintuan ang pumukaw sa atensyon ko.

“Class sit straight. Mukhang nandito na ang new student na sinasabi ni Dead Tiongco sa akin. Huwag niyo siyang bubullyhin o aasarin dahil galing siya sa isang karamdaman. Naiintindihan niyo ba ‘ko?” paliwanag ko sa mga ito ng sitwasyon.

“Yes Sir!” magkakapanabay na sagot naman ng mga estudyante ko.

“Pasok!” saad ko sa taong nasa pintuan.

Sinunod naman ako nito at halos mahulog ako sa kinatatayuan kong flatform nang mapagtanto ko  kung sino ang bagong estudyante. Ang magandang hubog na mapupulang labi, ang mapupungay na mga mata na animo nangungusap, ang matangos na ilong, ang mahaba at tuwid nitong buhoy. A—AYA!

Hindi na ako makagalaw at makapag salita nang unti unti siyang lumapit sa akin.

“Good morning Sir, good morning classmate. I’m Anaiah Nizhel Hemsworth but you can call me Aya for short, 22 years of age, a returning student because I got comatose for 5 years. I hope to get along with all of you,” wika niya na parang hindi nagrerehistro sa utak ko.

“Ang ganda niya!”

“Swabe ‘tol! Gandang chicks! Kaso limang taon ang tanda sa atin. Matanda pa nga yata siya kay Sir?"

Bulong bulungan ng mga estudyante ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Ahmm Sir, where can I sit?” tanong niya sa akin kaya’t nagtagpo ang aming mga mata.

Imbes na sagutin ko siya ay hinatak ko ang kamay niya at dinala ko siya sa gilid ng stock room na hindi accessible sa mga estudyante.

“Aray Sir! Ano bang problema mo!?” galit na wika niya sa’kin. Gulong gulo ako, hindi niya ba ako naaalala!?

“Are you for real!?” hindi makapaniwalang wika ko sa kanya. “Hindi ka ba multo? Talaga bang nakikita ka din nila?”

“What the heck are you saying Sir? Of course I’m real and I’m not a ghost!”

“Hindi mo ba ako natatandaan!?” saka ko pabalang na binitawan ang kamay niya.

“You are my teacher for this academic year!” galit na sagot niya.

“Hindi Aya! Bukod pa roon! Hindi mo ba ako natatandaan!?”

“Why Sir? Do I even need to remember you?” taas kilay na wika niya.

Doon nagsimulang gumunaw ang mundo ko. Doon ako parang pinatay ng paulit ulit. Ang multong halos kabaliwan mo na sa paghahanap ay nasa harap mo ngayon buhay na buhay, humihinga, nakakausap at nakikita ng lahat ngunit hindi ka naaalala. TANG INA ANG SAKIT!

“Babalik na po ako sa klase,” paalam niya samantalang ako ay napaupo na lamang doon sa sakit na nararamdaman.

Nakakailang hakbang na siya palayo sa akin nang huminto siya.

“Cheer up Ace. I remember you. I remember how obsess I am to you. I remember those days na ikaw lang ang nakakakita at nakakarinig sa akin. I remember those times na ikaw lang ang nandyan para sa sakin. I remember our first smack kiss. I remember you.”

Biglang tila nilindol ang pagkatao ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis akong tumayo saka hinatak siya palapit sa akin. Mga ilang segundo ang lumipas bago ko siya marahang nilayo. “You’re such a tease! Ngayon sure ako, nag toothbrush ka na,” at hindi na ako nagdalawang salita, pinalapat ko na ang mga labi namin.

“Ace?” tawag niya nang maghiwalay ang aming mga labi.

“Hmmm?”

“I may be a ghost before but I’m so sure of one thing.”

“What is it?”

“Ghosto kita, ghosto mo ba ‘ko?” she teasingly smiled at me. I didn’t answer her instead, I pulled her again closer to me and claimed her lips.

I LOVE THIS GHOST— I MEAN THIS PERSON. I LOVE HER SO MUCH!
--

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top