One Shot: Collection

#1 One-shot: The Man Who Can't Be Moved


13 months na ang nakakaraan. Nandito parin ako sa dati nating antayan.  Walang nagbago. Araw-araw pa rin akong pumupunta dito, nagbabaka-sakaling nakabalik ka na. Araw-araw para pa ring lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Sa sobrang tahimik, naririnig ko na ang bawat pag-tibok nito. Nasaan ka na ba? Ang tagal ko ng naghihintay sa'yo. Babalik ka pa ba? 


**

"Tom pare, san ka? Uuwi ka na?" tanong sakin ng kaibigan ko habang nag-aayos ako ng gamit.

"Hindi pa, may dadaanan pa ko e." kita ko namang nagkamot sya ng ulo, problema nito?

"Ayan ka na naman dude e, tigilan mo na yan. Antagal na niyan e. Madami pang chix jan, humanap ka na lang ng iba. Gimik na lang tayo." 

"Ewan ko sa'yo pre, next time nalang. Sige alis na ko." 

Naglakad na ko papuntang pinto at hindi na sya inintay na magsalita ulit.. para namang hindi pa sya nasanay. Palagi namang ganun ang sagot ko sa kanya.

Ako nga pala si Tom Rodriguez. 3rd year Highschool na ko. 16 years old and only child. Hindi madaling maging only child, boring e. Hindi kami mayaman, basta may kaya. Hindi din ako matalino pero mahilig ako sa sports. Varsity ako ng soccer team ng school namin, hindi man ako magaling sa academics.. magaling naman ako sa football. Astig ko no?

Isa pa, nang dahil sa football..

Nakilala ko ang taong hindi ko inaakalang mamahalin ko.

Ang babaeng alam kong mamahalin ko na habang buhay.

Siya si Anne Domingo. Isang babaeng, daig pa ang nakamicrophone sa lakas ng boses. Isang babaeng daig pa ang mga lalaki sa katakawan. Isang babaeng, daig pa ang kabayo sa paninipa. Isang babaeng kakambal na ata ang kamalasan pero maniwala man kayo o hindi..  sya ang babaeng minahal ko.

Oo, siguro iniisip niyo.. lalo na kayong mga babae na lahat ng lalaki manloloko, na lahat ng lalaki trip lang magmahal, na hindi lagi seryoso pagdating sa love daw na yan. Mali kayo. Hindi naman lahat e, wag niyo kong isali 'don. Para sakin, ang babae dapat nirerespeto, dapat minamahal at hindi sinasaktan.


*Flashback*

"Hey! Hey, pass the ball!" 

Nagp-practice game kami ng mga teammates ko.

"Shot!" sigaw ng coach ko. Sinipa ko naman kaagad pero...

 "ARAY!"

"MISS, U--lo mo!" halos sabay naming sabi. Nagkamali kasi ako ng sipa, at bago ko pa masabi sa kanya, natamaan na sya. Ouch, sakit nun. Napalakas kasi e.

Tumingin sya sa may direksyon namin, alam kong hinahanap niya kung sino man yung nakatama ng bola sa kanya. kaya nilapitan ko sya. Nakita ko namang nakatitig sya sakin. Aba, naggwapuh-

"Walangya kang lalaki ka!! Ang sakit sakit nun ah? Pano kung magkaamnesia ko ha? Pano kung napugod ang ulo ko dahil sa bolang to? May pang-gamot ka ba sakin ha?! Bwisit ka!!" Ah akala ko naman na love at first sight sa akin ang isang 'to. Hay mga babae talaga. Ang iingay! 

"I'm sorry miss. Hindi ko sinasadya, kaya pwede ba? Tumigil ka diyan sa ka-OAyan mo? Buhay ka pa oh? Buhay ka pa."

"Hindi! Hindi ako ok. Ang sakit. Ang sakit-sakit sa puso. Tinamaan ako ng isang bolang lumilipad. Gagaling lang ako kapag binili mo ko ng strawberry cake. Ibili mo na ko >o<" 

Sino ba tong baliw na 'to? Ni hindi ko kilala tapos magpapabili sakin? Tropa ko nga hindi ko mailibre, sya pa kaya? Aba sineswerte ata sya.

"Dali na!! Kanina pa kong takam na takam dun sa bata oh! Bili mo na 'ko puh-please? *puppy eyes*" sabi niya tapos hinihigit niya yung dulo ng damit ko. 

"Ano ba miss! Bumitaw ka nga, hindi kita kilala. Dun ka na lang magpalibre, tutal mukha naman kayong mag-ama." turo ko sa lalaking nasa labas na mahaba ang buhok at may dalang isang sako tapos gutay-gutay pa ang damit. Mukha nga syang baliw e.

"E dali na kasi.. Gusto ko ng strawberry!!" sigaw niya sabay upo. Ang gulo ng babaeng to, kanina lang galit tapos ngayon naman nagpapacute na.

***

"Yey!! Salamat Tommy!! Angel ka talaga!!" 

Oo nilibre ko ang baliw na babaeng to. Ginawan niya pa ko ng nickname. Napakachildish. Pucha.

"Tom. Tom ang pangalan ko, hindi tommy. Daig mo pa nanay ko ah, kung mabigyan mo 'ko ng pangalan. Bilisan mo na diyan."

"Gush-to ko Tommy e. HAHAHAHA! BILI MO PA KO, GUSHTO KO PA!!" napatakip na lang ako ng tenga, lagi na lang kasi syang nakasigaw.

"Grabe, babae ka ba talaga? Lakas mo kumain ah, maghinay hinay ka nga. Daig mo pa 'ko e."

"E SA MASARAP E! TRY MO! BILI MO PA KO DALI!"

"Parang ikaw ang may pera ah, mag-intay ka nga.."

"YUN!! BUTI NAMAN. SAMAHAN MO NA NG DRINKS AH!" narinig kong sigaw niya. Sa totoo lang, hiyang hiya na ko e. Sigaw ba naman ng sigaw ang kasama mo kaya napapatingin sa amin ang mga tao 'e. Baka mamaya mapagkamalan pa na girlfriend ko ang baliw na 'yon. TSSS.

Umorder na ako ng madami, baka mamaya wala pang isang minuto maubos na niya kaagad. Para ngang hindi na niya nginunguya e. Lunok lang ng lunok =____=

**

Natapos ang araw ko na badtrip, e pano ba naman si ANNE! Oo, alam ko na ang pangalan ng baliw na yon.. Wala ng ginawa kung hindi manipa, magpalibre ng magpalibre, at kung ano ano pa at ako si tanga.. bili nga naman. Ang kulit kasi niya eh. Nakakabad-trip.

Ewan ko ba kung anong meron sa kanya na hindi ko mahindian.

Lumipas ang mga araw, palagi na kaming magkasama.

Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.

Bading na kung bading.. parang nasanay na ko sa presensya niya.

Parang nasanay na ko sa kakulitan niya.

Kapag hindi ko sya nakikita, parang hindi kumpleto ang araw ko.

Parang ngayon..

5 araw ko na syang hindi nakikita, hindi ko na sya nakakasama..

Kapag nakikita ko naman sya, parang umiiwas na sya sakin.

May mali ba kong nagawa, Anne?

Bakit ngayon pa? Ngayong alam ko na..

Alam ko ng.. mahal kita.

Syempre, hindi ako pumayag na ganoon na lang kaya dumating na yung araw na naglakas ako ng loob na magtapat sa kanya.

"Mahal kita, Anne. Nung una, oo nalilito ako.. sino ba naman kasing magaakala na magugustuhan ko ang isang babaeng parang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses, parang kabayo kung manipa at parang halimaw kung kumain sa katakawan? Pero minahal ko ang lahat ng yon, Anne. Minahal kita kahit ganyan ka. Mabibigyan mo ba ko ng chance?" hinintay ko syang magsalita pero wala akong narinig sa kanya kung hindi iyak lang. Anak ng! Wala ba akong pag-asa sa kanya kaya siya umiiyak?!

"Anne?"

"B-bakit ako, Tom? H-hindi a-ako ang karapat dapat sa'yo! Please, bawiin mo ang sinabi mo. Madaming iba diyan, mas maganda, mas sexy, mas maputi. Dun ka nalang.." natatawa ako sa kanya pero hindi ko na lang pinahalata, hindi pa rin sya nagbabago. Baliw parin talaga siya.

"Anong magagawa ko? Ikaw ang mahal ko, Anne. Ikaw lang. Hindi mo 'to madidiktahan dahil kahit anong gawin mo, ikaw lang ang laman nito." sabay turo ko sa dibdib ko tapos lumapit na ako sa kanya.

"Hindi pwede, Tom."

"Bakit hindi? Ano ka ba Anne-?"

"Dahil may sakit ako Tom! M-may sakit ako. May sakit ako sa puso." nakatakip lang ang palad niya sa mukha niya.. "Sinubukan kong mabuhay ng normal at hindi inisip na makakahadlang ang sakit na 'to sa akin hanggang sa dumating ka sa buhay ko. Mas lalong gusto kong mabuhay pero hindi ako ang may hawak nito. Tanging Siya lang ang makakapagsabi kung hanggang kelan ako tatagal. Hindi ko naisip na baka maging unfair ako sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko naisip na baka may masaktan pag nawala ako. Kayo lang ni papa ang rason kung bakit gusto kong lumaban, Tommy."

"Bukas, aalis na ako papuntang Amerika para magpagamot. Hindi ko alam, kung mabubuhay ako. Ayokong paasahin ka kaya kalimutan mo na lang ako, para din sa'yo to. Para sa kinabubuti mo."

Mahirap sa akin i-process lahat ng sinabi niya. H-hindi ko alam na may sakit sya.

Nakaramdam ako ng takot. 

Takot na baka ito na 'yung huling araw na makikita ko sya pero..

"Hindi." Napatunghay naman kaagad siya sa akin. Kita kong sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya.

Nilapitan ko siya at pinunasan ang luha niya, "Kakayanin mo ang operation. Para sakin, para sa papa mo mabubuhay ka diba? Hindi ka susuko, babalikan mo ko 'di ba? Mangako ka sakin."

"Hindi ko kayang mangako, Tom. Mahina ang katawan ko, ayokong maghintay ka sakin. Ayokong masaktan kita."

"Maghihintay ako." Kaya kong maghintay gaano katagal para sa kanya. Ganyan ko siya kamahal.

"Pero-"

"Maghihintay ako, Anne. Kahit gaano katagal. Kapag dumating yung araw na.. bumalik ka, gagawin na natin lahat. Lahat, okay? Dito. Dito ako maghihintay, sa lugar na.. una tayong nagkita." 

Niyakap ko sya. Sana kayanin niya, kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pag nawala siya. Mahal kita, Anne. Mahal na mahal kita.

*Flashback ends*


***

"Nasaan ka na, Anne? Miss na miss na kita. Gustong gusto na kitang makita. Magpakita ka na naman, wag ka ng magtago. Ayokong mapagod, kasi alam ko babalik ka kaya hihintayin kita." 

Araw-araw, pumupunta ako dito sa may soccer field. Nagbabaka-sakaling nakabalik na sya, pero wala. Wala akong nakitang Anne sa mga nagdaang linggo't- buwan. Pumupunta din ako paminsan-minsan sa bahay nila, baka-sakaling nakauwi na sila pero wala pa din. Wala na 'kong balita sa kanya.

Tumayo na ko tapos nilibot ang mata ko sa lahat ng sulok. Wala, wala pa rin talaga siya.

Nagsimula na kong lumakad at nakaka-tatlong hakbang palang ako ng..

"Ganon, hindi mo na 'ko kayang intayin.. Tommy?"

Tommy?

at  ang boses na yon..

Lumingon ako sa likod at nakita ang isang babaeng matagal ko ng hinihintay.

Nakasandal siya sa pader at kumakain ng lollipop.

Wala sa isip na tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko na lang siya. Niyakap ng mahigpit.

Shit. Bakla na talaga kung bakla. Namiss ko ang babaeng to. Namiss ko ang babaeng mahal ko.

"Namiss kita. Namiss kita, Anne."

"A-aray!! Ang puso ko, Tommy! TT^TT" Napabitaw naman kaagad ako sa kanya tapos tiningnan ko kung ayos lang sya.

"Ok ka lang ba? Anong masakit? Saan ha?"

"Uwaaaaa!!! TT^TT" 

Nagpanic na 'ko ng makita ko na siyang umiyak. Shit anong ginawa ko? Napahigpit ba ang yakap ko? Shit.. shit..

"Anne, I'm sorry! Shit, saan masakit? Saan? Uy!"

"Wala namang masakit e. Natutuwa lang ako na hinintay mo 'ko. Kahit na matagal, kahit na hindi mo alam kung mabubuhay ako.. hinintay mo parin ako. Sobra akong masaya kasi kahit papano, nalaman kong may nagmamahal pala talaga sa akin kahit na ganito 'ko. Kahit na hindi ako nangako na babalik ako, alam ko nandiyan ka parin para sakin. Salamat, Tommy. Uwaaaaa!! Naiiyak talaga ko sa'yo e. T^T" hinawakan ko sya sa magkabilang kamay at tinitigan ko sya sa mata.

"Kahit ganyan ka, mahal kita.. Anne. Ikaw lang. Kahit gaano katagal mo akong paghintayin.. maghihintay at maghihintay ako para sa'yo.. Basta ba, tayo na e.." 

Ngumisi ako ng malaki at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Ang cute ng Anne ko.

"NO! HAHAHA. LIGAWAN MO MUNA KO. AT PARA SABIHIN KO SA'YO, HINDI AKO ETG! Bleh :p Habulin mo ko :]" sabi niya sabay takbo.

"Takbo!! Andiyan na ko! HAHAHA. Once na maabutan kita, tayo na!" nakangiti kong sabi sabay takbo.

"AAAAHHHHH!! BAGALAN MO! TOMMY!! HAHAHAHA. AHHHH!"

"HAHAHAHA!!"


END :]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top