Love Lasts Forever♥
Dedicated po ito sa mga lolo at lola niyo na nagmamahalan, at nags-stay parin together <3
Sana po magustuhan niyo ito.. At sana, may mga ganito pa kong makikita sa future.. Hahaha :)
Yun lang po enjoy reading.. Kung maguguluhan man kayo, ask me kasi basta-basta jan susulpot yung present time at yung flashback.. pero sana nga maintindihan niyo *cross fingers*
Copyright © 2012 by girlinparis. All rights reserved.
***
#2 One-Shot: Love Lasts Forever
"Lola, tulungan niyo naman ako sa project ko.." napatingin ako sa apo kong nakatayo sa harapan ko
May hawak syang isang notebook at isang lapis. Inaabot niya ito sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon at kinuha ko ang salamin na lagi kong sinusuot sa table na katabi ng upuan ko..
"Tungkol saan ba ang project na yan, iya?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ko ang papel niya..
binasa ko ito.. "Sabi po kasi jan, kelangan mag-interview ng kahit sinong lola.. tungkol daw po sa love eh." nakangiti pa sya habang sinasabi ito
"Magkukwento daw po kayo nung mga naexperience niyo ni Lolo Miguel.. kung paano daw po kayo nagkakilala, kung paano naging kayo.. Ganun po." pagpapatuloy niya
"Yun lang ba, iha?"
"Umm.. lola kelangan pa po palang ivideo.."
[Fast Forward]
Andito ako ngayon. Kaharap ang dalaga kong apo. Ang sabi niya magbihis ako ng kahit anong maganda kong maibibihis. Pinili ko ang pinakaimportanteng damit na binili sa akin noon ni Miguel.
Nakaupo na ako ngayon habang inaayos naman ni Camille ang camera na gagamitin sa harap.
Napangiti ako. Naaalala ko na naman kung saan nagsimula ang lahat. Naaalala ko na naman ang mga pinagdaanan namin ni Miguel.
"Lola ayos na po.. sabihin ko na lang po kung game na.." lumingon sya at tiningnan ang camera..
Ilang saglit nama'y nagsalita na siya..
"Hmm.. Gusto ko nga pala ipakilala sa inyo ang lola ko, Si Lola Kristi. Ikukwento niya sa'tin ngayon ang mga naging karanasan nila ni Lolo Miguel. Siya ang naisipan kong interviewhin ngayon kasi eto na rin yung chance para malaman ko ang story nilang dalawa.."
Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako..
"Lola, maaari niyo na po ba akong kwentuhan ng mga karanasan niyo sa pag-ibig?"
Ngumiti muna ako sa kanya. Umubo saglit tapos nagsimulang magsalita.. "Pitong taong gulang ako nun. Bata pa ako pero tandang tanda ko pa ang mga pangyayaring ito. Walang nagbago. Hanggang ngayon, tuwing titingnan ko ang lolo mo.. nakikita ko pa rin ang malabituin sa mga mata niya.."
[Flashback]
"Papa!! Gusto ko ulit makita si Miggy.. Gusto ko syang kalaro.. Papa! Hatid mo ko kina Miggy!" nagtatatalon ako sa harap ni papa para mapansin niya ko. Hawak hawak ko ang mga manikang binili niya sa akin. Gusto kong pumunta kina Miggy kasi lagi ko syang kalaro.. Kapitbahay lang namin siya kaya hindi naman mahirap pumunta doon.
"Wait baby.. We'll go there. Antayan lang natin si Mommy. Pupunta naman talaga dapat tayo doon e.." binuhat niya ko
"Talaga papa? Where's Mama? Tell her to hurry.. I wanna see Miggy now. I want to play with him.." 7 years old na ko nito pero napakahilig ko talagang maglaro. Gusto kong maglaro na lang ng maglaro maghapon pero syempre dapat kasama si Miggy..
Sa di kalayuan, nakita ko ang mama ko.. "Mama! Hurry up.. I will play pa with Miggy..."
Nakangiti lang siya sakin. Kinuha niya ako kay papa.
"Ikaw talaga, anak. Lagi mo nang gusto pumunta kina Miggy ha.. Crush mo ba sya anak?" tinawanan ako ni mama at papa. Maliit pa ko nun kaya wala pa akong alam sa mga crush-crush na yan..
"What is crush, Mama?" tumawa muna sya bago ako sinagot
"Hmm.. kapag gusto mo ang isang tao, crush mo siya baby.. So crush ba ni baby si Miggy?" lumabas kmi ng gate. Naglalakad na kami ngayon papunta kina Miggy..
"No, Mama. I just wanna play with him.."
"Dont worry baby, Mama's just joking you.." sabi ni Papa
Nakaramdam ako ng excitement ng makita ko ang gate nina Miggy..
"That's Miggy's house.." turo ko
Nagdoorbell si Papa.. tapos maya maya lang, lumabas na si Tita Maricel kasama si Miggy.. Tumingin ako kay Miggy.. Tuwing tinitingnan ko sya, para nadin akong nakakakita ng bituin. Hindi ko alam kung bakit. Binaba na ako ni Mama.. Nag-usap sandali ang parents ko at si Tita Maricel..
"Sabi ko na nga ba eh pupunta ka.. halika pasok tayo sa loob." hinawakan niya ang kamay ko.. naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa parteng dibdib ko..
'Ano tong nararamdaman ko?' isip ko
Pumunta kami sa garden kung saan madalas kaming naglalaro.. Kinuha niya ang lahat ng laruan niya at nakipaglaro sa akin. Masaya ako. Ito lang ang nararamdaman ko ngayon..
"Tara umakyat sa tree house.."
"Anong tree house?" tanong ko ng may pagtataka.
'May ganun ba?' isip ko
"Yung bahay sa puno.."
"Ha? May ganun ba? Nasaan?"
"Dun sa likod ng bahay namin.." niligpit namin ang mga laruang pinaglaruan namin. Dinala ko yung manika. Dala naman niya yung laruan niyang sasakyan.
Naglalakad kami ngayon sa likod ng bahay nila.. At nung nasa tapat na kami ng sinasabi niyang tree house... Napatulala ako. Ngayon lang ako nakakakita ng ganito
"Wow.. dito ka tumitira?" sabi ko ng siyang ikinatawa niya
Tiningnan ko sya ng masama..
"Ano ba miggy.. nagtatanong lang naman ako e.." nagpout pa ko
"Hahaha.. e ikaw naman kasi.. san mo ko pahihigain kung natutulog ako jan? at saka e di nilamok ako? Hahaha.."
Lalo lang niya akong tinawanan. Hinampas ko sya sa may balikat tapos naglakad papuntang tree house. May parang ladder naman siya tapos yun. Umakyat na ko..
"Oy ingat ka ha. Kapit ka lang dito.." turo niya dun sa hawakan sa tabi..
Agad naman akong kumapit at nagtungo dahan-dahan paakyat ng tree house. Pagkaakyat naming dalawa...
"Wow! Ang ganda naman dito.." sabi ko tapos hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa may dulo. Wow kita dito sa taas ang dagat *O* Ganda-ganda ng view
"Nagustuhan mo ba?"
"Pinagawa ko kasi to kay daddy.. Sabi ko atin tong dalawa.. Dito tayo maglalaro palagi.. Nagustuhan mo ba?" tumingin sya sakin. Kita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya kung magugustuhan ko o hindi..
Ngumiti ako sa kanya.. inilapit ko siya sakin na ikinagulat niya.. Pero mas nagulat siya nung..
.. hinalikan ko sya sa pisngi.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nagulat din ako sa ginawa ko. Siguro dala na din ito ng saya ko.. Nakatitig lang siya sakin..
"Salamat, Miggy. Nagustuhan ko sobra.."
***
"Wahaha.. ang cute niyo pong dalawa lola.. Kahit bata pa kayo nun, nakakakilig po.."
"Ganon talaga kami ng Lolo mo, hija pero hindi naman maiiwasan ang mga tampuhan at awayan.. lalo na nung naging mas malawak na ang isip namin para sa mga ganyan.." kita ko ang pagkainteresado sa mukha ng apo ko..
'May sinisinta na kaya itong apo ko na to?' isip ko
***
"Dalhin mo nga tong bag ko.." inabot ko kay Miggy ang bag ko na super gaan. Nasa bahay pa kami at sinundo niya ko dito sa amin
"Oo na lagi naman e.." pagkakuha niya nito, agad naman niyang sinakbit ang bag ko sa balikat niya.. Binuksan pa niya ito para tingnan ang laman nito
"E wag mo nga tingnan.. baka mamaya kung ano pa makita mo dyan.." sinara ko yung zipper ng bag ko. Wala namang ibang makikita doon e. Ayoko lang talaga na tingnan niya..
"Aish nakita ko na naman lahat ng gamit mo eh.."
"Oh nakita mo na pala lahat e. Eh di wag mo ng tingnan.." napakamot siya ng ulo
"Oh anjan na pala ang dakilang boyfriend ng anak ko.." napatingin kami pareho ni Miggy sa kaliwa. Nakatayo lang si mama sa may hagdan habang may ngisi sa kanyang labi..
And oo nga pala, kami na ni Miggy. Legal ang relasyon namin. Wala naman kasing ibang bago e. Siguro ang pinagbago lang ay matanda na kami ngayon. 17 na ko, sya naman 19. Magkasama na naman kami simula bata kaya siguro mas naging komportable kami sa isa't-isa pero kahit na matanda na kami.. nakikita ko parin ang maliit na si Miggy. Nakikita ko pa rin ang malabituin sa mga mata.. Hindi ko inaakala na aabot kami sa ganito, na magiging kami at magiging masaya kami pero nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng isang MIGUEL TOMAS LUNA na hindi magsasawang mahalin ang isang katulad ko.
"Hi Ma, susunduin ko na ang pinakamamahal kong babe sa buong mundo at mamaya pala po ma, magdadate kami.. Ayos lang ba sa inyo?" - Miggy
"O sige na.. Sino ba ako para pagbawalan kayo? E simula nga pagkabata niyo, ni hindi namin kayo mapaghiwalay e.." nagtawanan kaming lahat. Oo nga, ang sarap balikan ng mga araw na yun.
"Hay naku ma, pano kasi tong si Miggy e ayaw akong pakawalan.."
"Anong ayaw kitang pakawalan? Ako pa rin ngayon? Sus e sino kaya tong umiiyak palagi kapag hindi ako kasama?" sabi niya tapos kinurot niya po ko sa ilong
"Hay nako ang mga babaysot na ito.. umalis na nga kayo bago pa langgamin ang buong bahay natin.." sabi ni ma habang kumakagat ng tinapay
"Hahahaha.. "
"Sige na ma, alis na kami" kinuha ko ang iba ko pang gamit tapos kiniss ko si mama..
Tapos lumabas na kami ng bahay. Hinawakan ni Miguel ang kamay ko. Kahit kami na, kinikilig pa rin ako sa kanya :">
Ayokong makita niya kong namumula kaya tumingin ako sa kabilang direksyon.
"Ang cute talaga ng girlfriend ko magblush." napatingin agad ako sa kanya
"At panong-"
*tsup
"I love you.." ngumiti siya.
Omo. Natutunaw ako sa mga titig niya.
"Ikaw talaga lagi kang ganyan.." hinampas ko siya sa may balikat
"Well gusto ko lang naman makitang nagbublush ang girlfriend ko. Pakiss nga ulit. "
"Eto gusto mo?" sabay pakita ko ng kamao ko
"Sabi ko nga wag na lang.." nagtawan lang kami..
Nagtuloy-tuloy ang mga araw na ganyan. Napakasaya ko. Alam kong siya na.. Nakikita ko ang future ko kasama siya.. Mahal na mahal namin ang isat-isa at hindi magbabago yon..
***
"Wow. Ang swerte niyo naman po kung ganon..
"umm lola, may tanong ako.. Sa mga taon ba na nagdaan never po ba kayo nag-away?" pagpapatuloy niya
Umiwas ako ng tingin sa apo ko
"Syempre, nag-aaway din kami. Minsan, dahil lang sa maliliit na bagay pero may isang kasalanan siyang nagawa sakin. Kasalanan na muntik ng umabot sa hiwalayan.."
***
[November 11, 2010 - 6pm]
Andito ako ngayon. Hinihintay ang pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo.. 6th anniversary namin ngayon. Ang tagal na noh? Tumatanda na din ako. Well 21 na ko hehehe..
2 oras na akong naghihintay dito sa park na lagi naming pinupuntahan. Tinetext, tinatawagan ko sya pero hindi naman siya sumasagot.
'Nasan na ba yung lalaking yon? Tss nakalimutan niya ba?' pinilit kong hindi maniwala sa mga sinasabi ng utak ko. Alam ko darating sya..
"Konting tiis na lang, Kristi. Mamaya lang naglalakad na sya palapit sayo at sasabihin niyang natraffic lang sya.." hinintay ko sya
Naghintay ako ng 5 oras. Nasan ka na, Miggy? Anniversary natin ngayon.. Walang nangyari. Nilamig lng ko sa kakahintay sa kanya.. Iyak ako ng iyak habang nagdadrive pauwi sa amin. Tinatry ko pa rin syang tawagn pero kahit isang sagot wala. Wala akong nakuha sa kanya.
Napilitan akong pumunta sa bahay nila. Tutal, malapit lang naman ang amin sa kanila. Nasira ang plano ko, sosorpresahin kol pa naman sana siya.. pero ako ang nasorpresa sa hindi niya pagsipot.
Makalipas ang ilang minuto, nandito na din ako sa may tapat ng gate nila. May mga naririnig akong mga ingay sa loob. Nagsisigawan. Parang may party.
'Anong nagyayari?' nagdoorbell ako, ilang minuto na akong nakatayo dito pero wala pa ring nagbubukas sakin. Baka dahil sa ingay sa loob, hindi nila narinig na may nagdoorbell..
Binuksan ko ang gate. Bukas naman pala? hindi ko napansin. Tumingin ako sa paligid. Ang daming lovers. Sa may swing.. may mga naghahalikan, may mga nagyayakapan, kulang nalang magkapalit sila ng mukha..
Habang palapit ako ng palapit sa pinto, palakas na ng palakas ang music mula sa loob at ang mga hiyawan ng mga tao..
'Yunnn naman!'
'Whoo. Ang hot niyo..'
O_______O
A-ano to?!
Nakatingin ang lahat kay Miguel. Sunod-sunod na mga hiyawan at tawanan ang mga narinig ko sa paligid.
'Miguel si Kristi!' narinig ko sa kanan ko. Napabitiw naman siya kay Amanda. Isang sikat na cheercaptain ng school namin dati. So ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya sumipot?!
Tumalikod na ako at tumakbo palabas. Pano niya nagawa sa kin to?! Ang tagal ng pinagsamahan namin.. ngayon pa ba siya magkakaganito?!
"Teka lang, Kristi!" narinig kong tawag niya sakin pero hindi ako lumingon
Hanggang sa naramdaman ko ang hawak niya sa kanang braso ko at iniharap niya ako sa kanya..
"Let me expl-" bago pa man niya naituloy yung sasabihin niya.. sinuntok ko na sya na ikinabagsak niya sa sahig
"Hindi na kelangan miguel! Tama na yung nakita ko! G*go ka! Ayan lang pala ang kinaabalahan mo?!" sinubukan kong hindi maiyak pero hindi ko nagawa
Tumayo na sya.. Kita ko na din ang mga luha sa mata niya.
"T*ngina, Miguel.. Hindi ko akalain na magagawa mo to sakin."
"Please, Kristi maniwala ka sakin. Hinalikan niya ko.. Wala akong balak halik-"
"That's bullsh*t! Kitang-kita ko, miguel! At kahit balibaliktarin mo pa yan, nagpahalik ka pa rin sa kanya. At ano to ha?! Bakit hindi ko alam to? May balak ka bang sabihin sakin na may party dito sa bahay mo?! O wala? dahil gusto mong may mangyari sa inyo ng Amanda na yon? Pano nalang kung hindi ako dumating? Nasaan na kaya kayo ngayon?! Ha?!" pinaghahampas ko siya
Hindi ko na napigilan ang galit ko. Gusto kong sabunutan at pagsasampalin ang babaeng yon pero ayoko ng mageskandalo. Wag lang sana siyang magpakita sakin ngayon, dahil magdidilim talaga ang paningin ko..
"Kristi, please.. I'm sorry.. I'm sorry.." paulit ulit niyang sabi sakin habang pinipigilan niya ang mga kamay ko na hampasin siya
Umiiyak parin ako habang naglalakad patalikod pero nakaharap parin ako sa kanya
"Aalis na ko, Miguel. Alam kong hindi ito ang panahon para mag-usap tayo. Ayokong magpadala sa galit ko dahil baka pagsisihan ko ang mga sasabihin ko.." nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa, gustong gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa..
"Kung tlagang sorry ka.. Prove it." pagpapatuloy ko
Tumalikod na ko at naglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ng magsalita siya..
"I will, Kristi. I love you.." pinahid ko ang mga luha sa mata ko, huminga ng malalim at lumingon ulit sa kanya
"Happy 6th Anniversary." sabi ko na ikinagulat niya
Nakalimutan niya. Alam ko. At ang sakit-sakit malaman yun.
Pumasok na ko sa kotse. Malapit lang ang amin sa kanila kaya ilang minuto lang at nakauwi na ako..
Pumasok na ko sa kwarto ko, ayokong malaman nina mama to. Buti na lang at hindi ko na sila naabutan sa baba. Siguro natutulog na sila.
'Ano kayang mangyayari satin, Miguel?' napabuntong hininga ako. Ilang minuto lang, nakatulog na ko. Siguro dahil na rin to sa kakaiyak ko..
***
[December 6, 2010]
Lumipas ang mga oras, araw, linggo.. wala pa ring ginagawa si Miguel. Akala ko ba papatunayan niya? Asan na siya? Pinapaasa niya ba ko sa wala? Miss na miss ko na sya pero hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa kanya. Anong sasabihin ko? 'Uy babe nagbago na ang isip ko.. bati na tayo ha?' ganun ba? Tsss.. Hindi ko na alam
"Oh, Kristi. Malungkot ka na naman.." sabi sakin ni Maui
"Hindi noh. Ang saya ko nga eh."
"Hindi ako tanga, Kristi. Kita naman sa mata mo eh. Ala ewan ko ba naman sa inyo. Ayaw niyo kasing mag-usap eh. Para kayong mga bata."
Naglalakad kami ngayon sa mall. Kakatapos lang namin magshopping. Gusto ko lng kasing aliwin ang sarili ko.
"Gusto ko pero.."
"Hay naku. Kung gusto mo talaga siyang kausapin, gagawa ka ng paraan kesa maggawa ka ng mga dahilan diyan."
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Tama siya pero bakit siya, hindi man lang niya magawang makipag-usap sakin?
"Oh ano natameme ka jan? Tss. Puntahan mo na sya.. Alam ko namang gusto mo.."
"Pero-"
"Wala ng pero-pero.. Punta na dali.." pinagtulakan niya ko. Napangiti ako. Kung ayaw niya, ako ang pupunta sa kanya..
Nagmadali akong pumunta sa kotse tapos nagdrive papunta kina Miggy. 7 na ng gabi kaya malamig na. Nagsuot ako ng jacket bago bumaba. Kinuha ko na lang ang phone ko sa bag. Nakalimutan ko na pala tong buksan simula pa kahapon.
Nakabukas na yung gate nila kaya pumasok na ko. Pagkapasok ko, nagtaka ako kasi wala yung mga katulong nila tsaka wala sina Tita Maricel. Pumunta akong garden pero wala din akong nakitang Miggy. Aalis na sana ako ng maalala ko ang 'Tree House' kung saan una kong nalaman na gusto ko sya. Kung saan kami naglalaro nung bata pa kami, kung saan kami tumatambay nung magdalaga kami.. Kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Tama. Maaaring nandun siya..
Naglalakad na ko papuntang tree house ng marinig kong tunog ng tunog ang cel ko. Mabilis ko itong nakuha at lumantad sa akin ang mga text na galing kay miggy.
'Pumunta ka sa tree house.. I'll wait for you. I love you..'
'I love you babe and I'm sorry. Pumunta ka please..'
Napatingin ako sa tree house.
"Wow.." naibulong ko sa sarili ko
Ang liwanag. Puro fairylights ang tree house. Wow. Just wow. napakaganda. Napakaromantic. Napansin ko din na may table at dalwang upuan dun. At kahit malayo, tanaw na tanaw ko ang mga nakahandang pagkain doon.
"You came.." saka ko lang napansin na nasa unahan ko na pala si Miggy
May ngiti sya sa labi. Namiss ko ang mga ngiting yon. Isang buwan lang na hindi kami nagkasama pero para sakin.. parang 5 taon na yon. Sobrang namiss ko siya
"Nung araw na yon.. Sobra akong nagsisi. Bakit hindi ko naalala na anniversary natin? Bakit hindi ko kaagad nasabi sa'yo na may party sa bahay?" naglalakad siya papunta sakin
Nakikinig lang ako sa kanya. Gusto kong marinig ang side niya.. Gusto kong marinig ang lahat ng sasabihin niya at lahat ng nararamdaman niya..
"Hindi ko siya gustong halikan, Kristi. Alam mo yon, dahil ikaw lang. Ikaw lang ang mahal ko diba? pero.."
"Nasaktan kita. I'm sorry. Hindi ko sinasadya yun.. Nung gabing yun, nun ko lang nabasa at nakita ang mga texts at tawag na galing sa'yo. Lalo akong nagsisi sa ginawa ko. Ang gago ko, Kristi. Ang tanga-tanga ko. Pinaghintay kita ng ganung katagal? I'm sorry.." tumungo sya pero kahit ganun kita ko ang mga luha na pumapatak sa kanya. Napaiyak na lang din ako sa nakita ko
"Gustong-gusto kitang yakapin. Gusto kitang makasama. Gusto kitang lapitan pero napanghihinaan ako ng loob. I'm sorry.."
"Tama na, Miguel. It's ok. Naiintindihan kita.." tumingin siya sakin at ngumiti
Nilapitan ko siya agad at niyakap. I miss this man.
"Ang t*nga mo naman kasi eh. Pasalamat kang g*go ka, mabait ako at mahal kita kung hindi, hindi kita sisiputin dito.. AT sa ganda kong to? Dun ka lang mapupunta sa mukang tuko na babaeng yon? Pfft.. wag na lang. Ayos ka na sa tabi ko :)"
"Hahaha.. ikaw talaga. Namiss kita, Kristibaboy.."
"Anong baboy? Sexy to uy!"
Ilang minuto kaming hindi nagsalita. Magkayakap lang kami. Ang sarap sarap ng feeling..
"I love you.." sabay naming sabi
"Siguro nga ito na ang tamang panahon para patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal.."
Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napakunot ako. Bumitiw na ko sa pagkakayakap namin, at tumingin sa kanya na may halong pagtataka..
Tumingin siya sakin at..
lumuhod..
Naglabas siya ng isang box, binuksan niya ito at tumingin ulit sa akin..
Napaiyak na lang ako ng sinabi niya ang mga katagang iyon na sa simula pa lang ay gusto ko ng sabihin niya..
"Madami na tayong napagdaanan, Kristi. Bata pa lang tayo, magkasama na tayo. Lagi tayong magkalaro, lagi tayong nag-aasaran, nagkukulitan. Lagi tayong magkasama sa lahat. Hindi nga nila tayo mapaghiwalay e.. Hahahaha.. Lagi tayong tinutukso ng mga magulang natin sa isa't-isa pero sabi mo 'hindi yun mangyayari, hindi ko siya gusto' tanda mo ba yon? Kasi ako tandang-tanda ko pa yon.. Tutoy pa ko nun pero may isip na din naman ako nun." napatawa kami parehas
"Pero anong nangyari? Naging tayo, minahal mo ko. Yun na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sakin. Mahal na mahal kita, Kristi. Gusto kitang makasama habang buhay. Pwede na nating gawin lahat, magkakaanak tayo, magkakaputing buhok ako, magkakaputing buhok ka na rin. Tatanda tayo ng magkasama."
"At eto ako ngayon, nakaluhod sa harapan mo. Hihintayin ang sagot mo sa mga tanong kong.." nagpause sya sandali. Kita ko ang mga ngiti sa labi niya.
"Will you make me the happiest man in the world?"
"YES!" pagkarinig na pagkarinig niya non, binuhat niya ko at pinaikot-ikot. Ang saya-saya ko.. I love you, Miguel. Forever and Always.
***
[June 13, 2011]
Lahat masaya. Lahat nag-iiyakan dahil sa tuwa. Madaming dumalo. Kamag-anak, kaibigan, mga katrabaho, at mga importanteng tao na nakasaksi sa buhay namin ni Miguel. Masaya ako, napakasaya ko dahil dumating ang araw na ito. Ang araw na pinakahihintay ko, namin.
Ang kasal namin ni Miguel.
Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito. Parang kelan lang, magkalaro lang kami lagi sa kanila at walang iniintindi kahit na ano. Hindi ako makakapaniwala na magiging kami, at mamahalin namin ang isa't-isa.. Kung ang iba nga e, nagsasawa na kapag matagal na ang relasyon. Pero kami? Mas lalo kaming tumatag. May mga problema mang dumating, paghiwalayin man kami.. never ko syang isusuko. Dahil naniniwala akong kami lang ang para sa isa't isa. Akin sya, kanya lang ako :">
Nakatingin siya sakin habang isinusuot ang singsing na tanda ng pagmamahalan namin sa isa't-isa.. Kita ko ang luha sa mga mata niya, luha ng kasiyahan..
"I, Miguel Tomas Luna, take you, Kristienne Louie Veloso, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part."
Turn ko naman ngayon. Umiiyak na din ako. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, ang sarap sa pakiramdam na umiiyak ka dahil sa tuwa. Napakasarap ng feeling..
"I, Kristienne Louie Veloso, take you, Miguel Tomas Luna, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part."
"I now announce you husband and wife.. you may now kiss the bride.."
Dahan-dahan niyang inalis ang belo at bumulong..
"I love you, Mrs. Luna.."
Ngumiti ako at sumagot..
"I love you, Mr. Luna.."
Hinalikan niya ako sa labi. Dahan-dahan pero punong-puno ng pagmamahal. Napakaswerte ko. Mahal na mahal kita, Miguel.
***
"Kahit kelan talaga mahal na mahal mo ako, Kristi. Baka mamaya nasa tv na ang storya natin niyan.." napatingin ako kay Miguel na kakalabas lang ng kwarto. Hawak-hawak niya ang kanyang tungkod at dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko..
Pagkalapit niya sa akin..
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Kaya mahal na mahal din kita eh.." napangiti ako. Kita ko din ang mga ngiti sa labi niya.
Siguro nga masyado na kaming matanda, pero kahit na ganun.. Hindi nawala ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Hindi kami katulad ng iba na habang tumatanda, nawawala na ang pagmamahal sa kanilang mga asawa dahil para saamin, paglipas ng mga araw at panahon.. mas minamahal namin ang isa't-isa.
Tumingin si Camille sa kanyang lolo at lola. Napangiti siya. Pero nasaisip niya 'Sa panahon kaya ngayon, madami pang tatanda magkasama? Yung tipong katulad nina lola na.. Hindi dumaan sa hiwalayan at mag-aasawa ulit?'
Kinuha niya ang papel na pagsusulatan ng kanyang REALIZATION.
Realization:
"The MOST romantic story is NOT Romeo and Juliet who died together BUT grandpa and grandma who GREW OLD TOGETHER.♥"
Natutunan ko ngayon na nageexist nga talaga ang FOREVER. Humanga ako sa samahan nina Lola Kristi at Lolo Miguel dahil simula pagkabata, magkasama na sila. Sa tagal ng samahan nila na yon, mas lalo nilang minamahal ang isa't-isa.
END♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top