Girl On The Side ➵ Edited Version

Based on a true story =)

***

One sided love is never easy. The pain alone is unbearable.

You feel unloved and your heart falls apart everytime he looks away and turns to smile to pretty girls. You always want to make him yours. It makes you selfish and desperate.

You don't want to give up even after seeing the closed door in front of you because deep inside, you're still hoping to see that he'll come out for you.

You always give and expects something in return. That's just part of the human nature. You want to be loved by someone you love.

But if the pain of having a one-sided love is unbearable, why do people keep on returning instead of walking away from that pain?

"Ali!" napatingin ako sa tumawag sakin.

"Oh, Juris ano namang kelangan mo?"

"Eh kasi, Ali ano eh.." sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Parang nararamdaman kong bad news to ah. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyugyog, "Pucha, Juris. Ano 'yun? Kinakabahan ako sayo eh."

"E kasi nakita ko kahapon si Gian kasama niya si Candice eh. Akala ko ba sabi mo wala na sila? Bakit kung makapaglandian sila parang sila pa?"

Napabitaw ako sa kanya. Ouch. Bakit sabi niya sakin-este narinig ko sa kanya na nag-away sila ni Candice nung isang araw at nakipag-break na raw siya dito?

'Assumera ka lang o bingi ka lang talaga,' sagot ng utak ko.

"Sabi ko naman sa'yo di ako sure eh. Pero di bale na, di ko na naman gusto 'yun eh. Sige pasok na ako."

Nag-excuse na ako sa kanya. Lagi naman eh. Ikaw naman kasi Aliya Chandria Montez tigilan mo na yang kakapantasya mo kay Gian Rene Angeles. Hindi mo ba nakikita na may girlfriend na siya? Ha? Taken na siya! Taken na!

Papasok na ko sa classroom ng magring ang bell. Nagpapalate talaga ko. Actually nadating talaga ko sa school ng mga 6:30 kaso hindi muna 'ko pumupunta sa room namin dahil kay Gian. Papansin ako eh. Sorry.

Nasa may pintuan na ko ng may humila sa bag ko, "Aray! Ano ba?!"

"Ay sorry." sabi niya habang tumatawa.

Napatingin ako dun sa humila ng bag ko, "Gago ka Gian. Ang bigat-bigat na nga ng bag ko eh."

"Ay mabigat ba? Sorry. Tulungan na kita. Alam mo namang ayokong nahihirapan ka eh."

Bigla niya namang hinigit ang dala kong bag. Dinala niya ito sa upuan ko tapos sumunod na lang ako sa kanya. Mali bang ipagdasal na sana wala na nga talaga sila para kahit papaano baka may katiting akong pag-asa kay Gian?

***

Natapos na ang assembly at eto na nagkaklase na kami. Or should I say sila? E paano ba naman kasi 'tong katabi ko wala ng ibang ginawa kundi ang pakiligin ako. Hindi ko nga alam ang itsura ko ngayon eh. Siguro pulang pula na 'ko. Shit lang.

"Alam mo, Ali.. lahat na ng matamis natikman ko."

Nakatingin lang ako sa kanya at sumagot, "Oh ano ngayon?" mataray kong sabi.

"Maliban lang sa matamis mong OO."

"Gagu." Tangina! Hindi niya ba alam kung gaano ako nagpipigil ngayon sa kilig? Gustong-gusto ko nang sumigaw sa kilig. Minsan humahanga na rin ako sa tolerance ko sa lalaking to eh. Damn him! Sa ginagawa niya, lalo akong naiinlove sa kanya.

"Ayos ba?"

Ayos na ayos!! "Pwede na."

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo, "Miss excuse me po, magpapasama lang po ako kay Ali."

Hinigit naman niya ko patayo, "Ha? Saan?"

Takte. Wag ka munang manlandi Ali. Wag ka munang sisigaw dahil hawak niya ang kamay mo. Wag na wag! Pigilin mo, Ali! Pigilin mo! Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin. Feeling ko lalabas na ang puso ko any minute. Okay lang, willing naman akong ibigay sa kanya eh.

"At san naman kayo pupunta? Bakit kelangan mo pang magpasama kay Ali?" tanong ni Mrs. Rojello.

Inilapit niya ang mukha niya sakin kaya medyo lumayo ako, "Magpapasama lang po ako kay Ali.. habangbuhay."

WHAT THE HELL?! Is he serious?!

Biglang nag-sigawan ang mga kaklase ko. Pagtingin ko kay Mrs. Rojello, iling lang siya ng ilang habang tumatawa. Tinulak-tulak pa ako ng mga katabi ko palapit kay Gian tapos pinaupo na kami ni Mrs. Rollejo. Nasabi niya talaga yun? Oh my god. Kahihiyan 'to pero aminin mo, Ali. Kinilig ka. Argh. Nakakainis. Wag kang masyadong kiligin, please.

"You're blushing." pang-aasar sakin ni Gian. Gustong-gusto ko siyang banatan at gantihan para makita ko rin ang epekto ko sa kanya dahil ang epekto niya sa akin? Pwede na akong masiraan ng bait.

"Che! Hindi no. Mainit lang talaga." sabay paypay ko sa sarili ko.

"Talaga? E naka-aircon tayo ah?" sabi niya sabay akbay sa akin.

"Yuck. Lumayo ka nga. Ang landi mo."

Pakipot effect pa ako. E kasi naman no! Alam kong nilalandi na niya ko, di 'to tama. May girlfriend pa siya. Masasaktan lang ako. Takte kasing lalaki 'to oh. Napakalaking PAASA.

"Eto pa Ali.. Diabetic ka ba?"

Hala eto na naman. Napalunok ako bago sumagot, "Bakit?"

"Kasi.. I'm planning to be the sweetest person for you.."

Oh shit. Please. God. Help me with this guy. Pag hindi ako nakapagpigil, dadambahin ko 'to. Seryoso. Magkakasala ako.

"A-ayoko na. Masyado ka ng corny."

"Corny ha? Kinikilig ka na eh." Napatungo naman ako.

"Uy, ngumingiti na 'yan. Wag kang tumungo. Hindi ko makikita ang maganda mong mukha."

"Pwede ba, Gian?!" sabay akmang hahampasin ko siya ng kamay ko. Umiwas naman siya kaagad.

"Pwedeng-pwede. Ano bang gusto mo?"

"Baliw."

"Siguro nga baliw ako. Baliw na baliw sa'yo. Uy teka, namumula ka na naman. Masyado ba kong HOT?"

"Che! Tumabi ka nga diyan!"

E paano ba naman? Sobrang lapit niya kaya sakin. Inaakit talaga ako eh.

"Don't forget ha? We'll have a short quiz tomorrow.. Class dismissed."

Umalis na si Mrs. Rollejo. Ay ano ba yon? Wala man lang akong naintindihan kay Mrs. Rollejo. Pero aminin mo, Ali.. nagenjoy ka sa landian niyo no? Arte mo. Kahit kelan hanggang landi-landi lang yun no. Never ka niyang makikita.

"Ali, ako nga pala si Gian." sabi niya tapos parang inaabot niya yung kamay niya sakin at dahil malandi ako ngayon, sinakyan ko ang trip niya at kinuha ito.

"Gusto ko lagi akong nanGIAN sa puso mo," sabi niya sabay ngiti.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng-Argh. Nilalandi ka lang niyan, Ali. Wag kang bumigay.

"Ayeeee. Ano yan ha?" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.

"Parang may namumuong pag-iibigan."

Kinukuha ko na ang kamay ko kay Gian pero pinipigilan niya ito, "Gian! Ano ba! B-bitawan mo na nga ako!"

"Ayoko nga. Kahit kelan, hinding-hindi kita bibitawan."

"Hoy tama na. Baka langgamin ang classroom natin!"

Tapos binitawan na niya yung kamay ko. Masama 'tong pinapasok ko.

***

Dismissal na ngayon. Ang ganda-ganda ng araw ko. Paano ba naman? Walang katapusan ang mga banat ni Gian sakin. Nakakakilig talaga. Feeling ko in-love na ata ako sakanya. Ayoko nga kasi alam ko talo ako eh. May girlfriend na 'yong tao tapos sisingit pa ako.

Nag-stay muna ako sa canteen ng ilang oras kaya bag ko na lang siguro ang natitira sa room. Okay lang ako din naman taga-sara nun eh. Pabalik na nga pala ako ngayon, uuwi na ako. Pagabi na din kasi. Pagbukas ko nung ilaw nakita kong nakahiga si Gian 'dun sa may platform sa unahan ng room namin. Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi siya sumagot sa akin kaya lumapit na ako.

"Uy Gian, dismissal na. 'Di ka pa uuwi?"

Umupo ako at inalis ang pagkakapatong ng braso niya sa mata niya. Bigla na lang siyang namulat. "Oh, Ali. Andiyan ka pala."

Hindi pa siya nabangon, sa halip ay iniunan pa niya ang kanang kamay niya. "Uwi ka na." sabi ko sabay tayo. Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay. Feeling ko bigla akong nainitan.

"Dito ka muna. Pahiga ako sa'yo."

"Ha?!" Bigla akong nag-panic kaya napabitaw ako sa hawak niya. Muntik pa siyang mahulog sa platform na hinihigaan niya kasi napalakas ako ng higit sa kamay ko.

"Pahiga ako sa lap mo sabi ko."

"Ahhhh." Bigla tuloy akong nahiya sa iniisip ko kanina. Akala ko naman kung anong gagawin niya. Dahan-dahan akong umupo sa may ulunan niya pagkatapos, ipinatong na niya ang ulo niya lap ko.

Tumingin ako sa left side ko at napahawak sa batok ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang lagkit ng tingin niya sa akin. Na-conscious tuloy ako.

"Bakit nga pala nandito ka pa?" sabi ko.

"Humiga lang ako saglit. Sumakit ulo ko eh."

Kusa namang gumalaw ang kamay ko at hinilot ang ulo niya. Pagkakasulyap ko sa kanya, kita kong napapapikit siya sa hilot ko.

"Ali?" tawag niya sa akin. "Ang laki ng pinagbago mo no?"

"Ako? Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Kung titingnan kita ngayon at noon, ang laki talaga ng pinagbago mo."

"Nababaliw ka na ba? Syempre lahat ng tao nagbabago ang itsura."

"Ang ibig kong sabihin, mas gumanda ka ngayon."

Isa lang ba 'to sa mga pick-up lines niya para pakiligin ako? Ilang minuto siguro ang nakalipas pero wala na siyang sinabing kasunod. Walang halong joke o ano. Pakiramdam ko, 'yung sinabi niyang 'yun hindi lang galing sa bibig pero may galing din sa puso.

"May sasabihin sana ako sa'yo, Ali."

"Ano 'yun?"

Hininto niya ang paghilot ko sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Kita kong parang nag-aalangan siyang magsalita pero, "Gusto ko sanang sabihin na-"

"Gian?!"

Napatingin kaagad ako sa pintuan nung may magsalita. Nakita kong nandoon si Candice hawak ang bag niya. Nawala ang ngiti niya nung makita niya ako lalo na nung bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Gian. Hindi niya masyadong pinansin iyon at kinausap lang si Gian, "Let's go, Gian. Sorry medyo na-late. Na-extend kasi ako eh."

Naramdaman kong binitawan niya ang pagkakahawak sa akin at tumayo na, "Labas ka na? Tara na."

Napatungo na lang ako nung pareho na silang umalis. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. 'Yung para bang hindi man lang ako nag-exist kanina? Bigla kong napagtanto kung bakit. Kasi dumating na ang totoo niyang mahal at nababalewala na lang ako bigla.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Ang sakit isipin na ang nagpaligaya sakin at ang naging dahilan ng pagkabuo ng araw ko, ang siya rin palang wawasak sakin. Wala lang pala sa kanya 'yon. Ang problema kasi sakin sineryoso ko eh, tapos sa kanya siguro lokohan lang 'yon. Sabi ko naman sa'yo, Ali eh. Ang tanga-tanga mo. Umalis na lang ako, dahil hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko.

***

Simula ng mangyari ang insidenteng yon, madalang na lang kaming mag-usap. Hindi ko na sinasakyan yung mga trip niya sakin dati. Hindi ko na rin siya masyadong kinukulit at ganun rin naman siya. Siguro kapag mag-uusap lang kami ay tungkol lang rin sa school. Magtatanong siya, sasagutin ko tapos wala na.

Lumipat na din kasi ako ng upuan kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap simula noon. Alam kong nagtataka rin siya sa inasal ko. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Minsan naman lumalapit siya sa amin ni Juris pero sila lang ni Juris ang nag-uusap. Minsan nga sinabi sa akin ni Juris na tinatanong raw ni Gian kung may problema daw ba ako at hindi ko siya pinapansin. Gusto ko lang kasing makalimot pero kahit hindi ko aminin, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang gawin.

Dumaan ang madaming activities, sports fest, retreat, halloween and christmas party, choric speech, at finals natin hindi pa rin tayo nagpapansinan. Sa mga nagdaang araw na 'yon napansin ko na sinusubukan niya akong kausapin pero kusa na akong lumalayo sa kanya. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung gaano na siya kalayo sa akin. Pero kahit na ganun, kahit konti hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang graduation namin.

Alam kong pagkatapos ng araw na ito, mas lalong lalawak ang distansya sa pagitan naming dalawa. Siguro, mas magiging madali para sa akin ang lahat. Lalo na at hindi na kami magkikita.

Ito na ang pagkakataon kong sabihin sa kanya lahat bago ko pa 'to tuluyang itigil. Isa-isa kong niyakap ang mga kaklase ko. Kita kong halos lahat ng ka-batch ko ay nag-iiyakan at nag-tatawanan. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko para hanapin si Gian. Saktong nakita ko siyang nakikipag-usap kina Roni at sa girlfriend niyang si Candice. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at kinuha ang papel sa bulsa ko. Kung hindi ko man kayang sabihin pwede naman sigurong idaan ko na lang sa sulat diba? Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa unahan ko. Ang lalaking mahal ko at ang babaeng mahal niya.

Pagkalapit ko, napatingin silang tatlo sa akin. Nag-paalam naman yung dalawa at iniwan kami ni Gian. Nag-alinlangan pa akong magsalita nung una kaya siya ang unang bumati sa akin.

"Congrats, graduate na tayo. S-saan ka magc-college pala?"

"Kaya nga eh. Congrats. Um ano, para sa'yo nga pala." sabay abot ko ng sulat ko sa kanya, "H'wag mo munang basahin dito. Nakakahiya eh."

"Ah para san ba 'to?"

Ngumiti ako sa kanya at napahawak sa batok, "Basta. Ahh, sige. Good luck na lang pareho sa'tin. Sana maging masaya ka."

Tumango siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Goodbye." mahina niyang sabi sa akin.

Pagkaalis ng yakap niya sa akin, tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo. Naramdaman kong may namumuong luha sa mata ko kayq huminga ako ng napakalalim. Bigla kong naalala ang lahat ng sinabi ko sa kanya sa sulat.

"Dear Gian,

Paano ko ba 'to sisimulan? Kakamustahin ba muna kita o mags-sorry muna? Mukha ka namang okay kaya sige. Sorry nga pala kung hindi na kita pinapansin. Weird ba kung bakit ako sumusulat ngayon? Hindi ko kasi kayang aminin harapan eh. Alam mo kasi.. gusto na kita noon pa. Sorry ha? Hindi ko napigilan. Grade 5 pa lang ata tayo nung una kitang nagustuhan. Tagal na no, akalain mo 'yun? Pero alam mo ba, nakakainggit si Candice. Napakaswerte niya kasi eh, mahal mo siya. Minsan nga naisip ko, bakit ang unfair ng love? Hindi ba pwedeng maging Ako+Ikaw=Tayo na lang tapos bahala na sila? Hay. Ang dali-dali sabihin pero napaka-imposibleng mangyari. Alam ko namang hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Minsan ba sa buhay mo, naitanong mo na lang kung ano ako para sa'yo? Sorry ah, ang weird ata ng tanong ko pero gusto ko lang kasing malaman kung kahit minsan ba nahalata mo na gusto kita? Sinadya mo ba na maging malapit sa akin at pahulugin ako sa'yo? Ano ba para sa'yo ang naging relasyon natin, Gian? May mga araw na pakiramdam ko, gusto mo ko. May mga araw na pinapasaya at pinapangiti mo ako. May mga araw na pinaparamdam mo sakin na importante ako sa'yo. Pero at the end of the day, nararamdaman ko rin na lokohan lang 'yun kasi may mahal kang iba. Sinasadya mo ba 'yun para saktan ako?

Sana naintindihan mo kung bakit ako umiwas sa'yo. Ayokong maguluhan. Ayokong makasira ng relasyon at ayoko ring masaktan sa huli kaya hindi ko na pinilit. At some point of my life, aaminin ko, minsan ko na ring hiniling na mag-break kayo ni Candice at mapasakin ka pero narealize ko na it was a selfish act. You don't steal love from someone, it just happens naturally. Hindi 'yun pinipilit, kusa yung dumadating at binibigay sa taong worth ng love na 'yon. Don't worry. Kapag nabasa mo 'to, siguro wala na ako. Aalis na kasi ako eh. Hindi ako manggugulo. I just thought you should know at least para na rin hindi ako magsisi. So, i guess hanggang dito na lang. Thanks for everything. Mahal kita. Goodbye, Gian.

-Ali"

It's never easy to sit by the side lines and watch someone you love being taken away.

I guess I'd be that 'GIRL ON THE SIDE' forever.

END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top