My Own Secrets Killed Me

Paikot-ikot ako rito sa kama, hindi makatulog dahil maraming iniisip.

"Arghhh, gusto ko ng matulog!" sigaw ko at nagtakip nang kumot. Napabalikwas naman ako nang tayo ng may marinig na kaluskos.

"Sino iyan?" tanong ko, binuksan ko ang aking lamp at tinignan ang kwarto. Napalingon ako sa aking bintana dahil sa likod ng mahaba't lumilipad na kurtina ay mayroong anino. Biglang nanindig ang aking balahino lalo na't sa aking batok.

"Who the hell are you?!" sigaw ko. Wala akong natanggap na sagot bagkus ay humangin nang malakas dahilan para magsiliparan ang papel na nakapatong sa aking study table.

"Tsk, anong trip mo? Magnanakaw ka? Pwes, umalis ka dahil wala kang makukuha sa bahay namin kundi sapot ng gagamba at balahibo ng alaga kong aso!" Hindi ako umalis sa tabi ng aking kama, kinikilabutan ako!

"Hoy, taena! Sumagot ka. Anong gusto mo?!" Biglang gumalaw ang anino at kitang-kita ko ang malalim na pagtitig niya sa akin.

"Hustisya!"

"Hustisya!"

"Hustisya!"

"HAHAHAHA, Hustisya!"

Agad akong napamulat at bumalikwas nang upo sa kama.

"What the fvck?! What the fvck?! Taena, akala ko totoo panaginip lang pala." Huminga ako nang malalim at tumayo saka dumiretso sa banyo.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng cr at humarap sa salamin.

"Anak, si Dainty andito!" Bumuntong hininga naman ako at naglagay ng pulbo sa mukha.

What is she doing here?

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Agad ko siyang nakita sa sala, prenteng nakaupo sa sofa.

"What are you doing here?" tanong ko habang naka-cross arms. Lumingon naman ito at nginisian ako.

"Masama bang dalawin ang kaibigan?" Umirap lang ako at tumabi sa kaniya.

"So? May problema ka ata?" Tumango ako at kumuha nang cheese ring.

"What it is?" Bumuntong hininga ako. Kailangan ko bang sabihin? Dalawang linggo ko na rin itong tinatago at natatakot akong sabihin.

"Dainty, I made a fvcking big mistake!" Agad nanginig ang aking kamay, at nangilid din ang luha sa gilid ng mata.

"What? Ano naman iyon?" Hinarap ko siya at agad niyakap.

"Nakapatay ako, Dainty. Hindi ko gusto pero—"

"What the hell, Marine? Are you kidding me?" Humiwalay ako ng yakap at saka umiling. Tumingin siya sa akin nang diretso at para bang sinusuri ang buo kong pagkatao.

"What happened?" tanong niya.

"That girl is slut! Nakita ko siyang nilalandi si Vane at ang siraulo kong boyfriend gustong-gusto rin so I made a plan. Sinundan ko sila hanggang sa nagpaalam ang babae na pupunta ng cr at sumasang-ayon ang tadhana. Walang ibang tao sa cr kaya nagawa ko ang aking plano. Kinausap ko siya at todo deny naman ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko..." napahinto ako ng pagsasalita dahil tumulo nang tumulo ang aking luha.

"At ayon nga, ni-lock ko ang pinto at nakipag-away sa kaniya. Sinabunutan ko, tapos hindi ko sinasadyang itulak siya sa inidoro kaya nauntog ang kaniyang ulo. Masyadong malakas kaya nawalan ito ng buhay. Tinago ko siya sa isang cubicle at lumabas ng cr." Nilingon ko si Dainty na nakakuyom ang kamao. Matagal ko na rin itong nililihim at matagal na akong kinokonsensya.

"Dainty?" Nilingon niya ako at nginitian.

"Kilala mo ba ang babae?" tanong niya. Nagtataka naman akong tinignan siya at nag-aalinlangang tumango.

"Darline Smith." Iyon kasi ang narinig ko sa balita.

"D-Darline Smith?" Tumango ako. Agad siyang tumayo at walang pasabing lumabas ng bahay. Weird.

Kinagabihan ay agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod, pero agad ding napamulat ng may marinig na kaluskos.

"Panaginip lang iyon."

Pinilit kong matulog nang ayos pero ang kaluskos ay pilit akong ginugulo. Minulat ko ang aking mata at binuksan ang lamp. Paglapat pa lang ng liwanag sa aking harapan ay agad akong napa-atras.

"M-may tao s-sa aking h-harapan!"

Umupo ako at siniksik ang sarili sa pinakadulo ng kama. Nakasuot siya ng sobrang kapal na jacket, at hindi mo talaga malalaman kung babae ba siya o lalaki.

"S-sino k-ka? Ba-bakit naka-maskara ka! You're so creepy! Pa'no ka nakapasok dito?!" sigaw ko.

"Ma!" sigaw ko.

"Huwag mo ng subukang tawagin ang iyong nanay, dahil sigurado akong nasa langit na siya!" Lumandas ang luha sa aking pisnge. May kung ano rin na bagay ang nagpapabago ng kaniyang boses kaya hindi ko malaman kung sino ang baliw na ito.

"What the hell! Sino ka ba? Anong kailangan mo, huh?!" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko habang paatras nang paatras pero wala na. Headboard na ang aking nasasandalan.

"Hustiya ang gusto ko, para sa kapatid kong pinatay mo!" Nanlamig ang buo kong katawan, nanindig ang balahibo sa batok at namuo ang pawis sa noo.

"S-sinong tinutukoy mo?! Sino ka ba?!"

"Oww Marine. Don't fool me! Si Darline Smith! She's my sister and I'm here to make a revenge!" May kinuha siya sa kaniyang likod, isang kutsilyo.

"Sinong may sabi sa 'yo niyan?"

"Don't trust to much, my dear. Even your friend can be a traitor." Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwala.

"D-Dainty?" Dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara at nanlaki ang aking mata.

"Surprise, Marine. My name is Vane not Dainty. HAHAHAHA." Tumawa siya na parang demonyo.

"B-bakit?" naluluha kong tanong.

"Because you killed my baby sister. Because of your damn jealous, she died!" Umiling ako nang umiling. Hindi, hindi ko alam na magkapatid sila.

"Vane, sorry. I'm sorry, I didn't know. Please forgive me!" Umiling siya at lumapit sa akin.

"Papatayin kita!" Sinaksak niya ang aking binti kaya napasigaw ako sa sakit.

"Vane! Fvck you!" sigaw ko, ngumisi lang siya habang ako ay halos hindi alam ang ipwepwesti dahil sa sobrang sakit.

"Gusto mong malaman kung pa'no ko nalaman ang sekreto mo?" Lumunok ako.

"Narinig ko sa labas ng pinto niyo, habang nag-uusap kayo ni Dainty." Tinignan ko siya habang nagmamakaawa.

"Forgive me, nagawa ko iyon dahil mahal kita." Umiling lang siya at sinaksak ang kabila kong binti.

"Sorry is not acceptable not until you can't breath." Vane! Oy my god, ayoko pang mamatay.

"Arghhh! Vaneee!"

"Your own secrets can kill you!" sigaw niya and she stabbed my chest using the sharp knife.

"I'll kill you!" sigaw niya at hinila ang aking buhok. Nilapit niya ang kaniyang labi sa akin at hindi ko magawang umiwas. Siya ang humiwalay saka ako tinulak kaya tumama ang aking likod sa headboard ng kama.

Napadaing naman ako dahil sa sakit. Katapusan ko na?

"Bye, Marine," aniya bago saksakin ang aking puson, diinan niya ito.

Tinignan ko siya sa huling beses.

"I-i-m s-so-sorry," wika ko habang naghihingalo. Naramdaman ko pa ang pagsakit ng aking braso, nagpapahiwatig na pinalakol niya ang aking dalawang braso.

*****
Sorry po sa mga mali. Libreng-libre niyo pong itama :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top