Huling El Bimbo
Sa bayan ng Santa Rosa may mga batang naglalaro, nagsasaya kahit may mga problemang nadadama.
Pero sa isang bahay may batang babae na hindi pinapalabas sa kanilang bahay dahil strikto ang kanyang magulang, at ang kapitbahay naman nito ay may nakatirang tatlong batang lalaki. Laging naiinggit ang batang babae sa mga batang lalaki dahil ito ay nakakapagsaya at siya ay nakakulong sa kanilang bahay. Pero hindi alam ng babae na may paghanga ang isang batang lalaki sa kan'ya, kaya lagi itong nasa tapat ng bahay nila naglalaro gusto kasi nitong masilayan ang mukha ng babae.
"Ma, gusto kong maglaro."
"Hindi pwede dito ka lang sa loob, saka sino ang magiging kalaro mo diyan. 'Yang mga batang 'yan!?"
"Opo, payagan niyo na ako."
"Hindi pwede." Saka umalis ang kan'yang nanay para bumili ng kanilang kakainin. Napailing nalang ang babae at pumunta sa kanilang DVD player at isinalang doon ang paborito niyang tugtugin. Nang ito ay tumunog na nagsimula na siyang sumayaw, ikot doon ikot dyan hanggang sa makarating siya kung saan malapit siya sa bintana kaya ang babae ay tanaw na tanaw ng tatlong lalaki. Hindi maalis ang paghanga sa mga mukha ng lalaki dahil sa angking galing ng babae sa pagsayaw.
"Napakagaling talaga ni Clara basta sa pagsayaw," ani ng isang lalaki.
"Oo nga," pagsang-ayon ng isa. Hindi naman makapagsalita ang isang lalaki dahil sa kan'yang paghanga sa babaeng kanyang pinupusuan. 'Napakagaling at ang ganda niya.' ang sabi niya sa kan'yang isip.
"Kung magpaturo kaya tayo sa kanya." Agad namang nitong naagaw ang atensyon ng mga kaibigan niya.
"Sige," sabay sabay na ani ng dalawa.
"Pero paano 'di ba hindi naman siya pinapalabas at galit ang kanyang nanay sa atin," parang problemadong sabi ni Mario. Si Mario ang pinakabata sa tatlong magkakaibigan sumunod naman ay si Eduardo at ang pinakamatanda ay si Manuel.
"Umakyat tayo sa puno para makarating tayo sa kan'yang kwarto," ani Manuel at tumingin ulit kay Clara na nakatingin na pala sa kanila kaya agad na umiwas ng tingin si Manuel saka ito ngumiti.
"Loko, paano kung may makakita sa atin?" tanong ni Eduardo kaya tumango naman si Mario bilang pagsang-ayon sa tinuran ni Eduardo.
"Bakit magpapahuli ba kayo?" matapang na tanong ni Manuel. Kahit ano ay gagawin ni Manuel basta ang dahilan ay tungkol kay Clara.
Si Clara naman ay tulala lang nakatingin sa tatlong nag-uusap nagtataka siya dahil laging natingin sa kanyang pwesto ang lalaking matangkad na ang ngalan ay si Manuel. Hindi niya kilala ang mga pangalan nito dahil nga hindi naman siya pinapalabas ng kan'yang nanay. Ilang minuto pa ay umalis na ang tatlo kaya pumasok na si Clara sa kan'yang kwarto para magpahinga.
Kinabukasan
Dapit hapon na kaya nakatingin na naman si Clara sa bintana kung saan tanaw ang labas. Wala siyang kasama sa bahay dahil umalis ang kaniyang nanay at tatay. Napabalikwas siya ng may biglang tumunog sa kanyang likuran kaya agad siyang napalingon.
"Ay butiki," agarang niyang ani dahil sa pagkagulat.
"Sino kayo?" kinakabahang tanong ni Clara sa lalaking matangkad. Bigla namang nangunot ang noo ni Clara dahil parang namumukhaan niya ang tatlong batang lalaki na ito
"Kayo yung mga bata kahapon na naglalaro sa tapat ng bahay namin diba?" sabay-sabay namang tumango ang tatlo.
"Anong ginagawa niyo dito? Umalis na kaya kayo baka madatnan kayo nila mama," pagtataboy niya sa tatlo.
"Hindi kami aalis dito--"agad na sumabat si Clara kaya napatigil sa pagsasalita si Manuel.
"Huh bakit may masama ba kayong gagawin?" Bumalik ulit ang kabang naramdaman kanina ni Clara.
"Hindi ah," agarang ani Eduardo. Nakahinga naman ng maluwag si Clara.
"Kung gano'n ba't ba kayo andito?"
"Matagal na kaming humahanga sa angking galing mo sa pagsayaw ng el bimbo kaya nais naming magpaturo." Naguguluhang tumingin si Clara kay Mario.
"Huh, hindi ko nga kayo kilala bat ko kayo tuturuan."
"Ako si Manuel."
"Mario."
"Eduardo ang ngalan ko."
"Ngayon kilala mo na kami Clara maari mo na ba kaming turuan?" Tumaas ang isang kilay ni Clara.
"Kilala ko kayo sa pangalan, sige pero sa ugali malay ko bang masasama kayo."
"Itong mga mukhang 'to mukha ba kaming gumagawa ng kalokohan?" tanong ni Mario.
"Oo siguro akyat bahay kayo dahil alam na alam niyo kung paano makapasok dito sa bahay namin."
"Masyado kang masakit magsalita Clara," kunwaring nasasaktang ani Manuel saka lumabas ng bahay nila Clara kaya sumunod naman ang dalawa. Agad namang nakonsensya si Clara kaya sumilip siya sa bintana.
"Manuel sige tuturuan ko kayo!" sigaw ni Clara dahil sa tinuran ni Clara ay tumakbo pabalik ang tatlo sa loob ng bahay nila Clara.
"Simulan na natin," natutuwang sabi ni Eduardo.
Lumapit si Clara sa DVD player at sinalang do'n ang paborito niyang tunog na el bimbo. Nagsimula na silang sumayaw pero nalilito pa rin ang tatlo dahil hindi naman nila alam ang el bimbo.
"Maari bang ikaw muna ang sumayaw at papanoodin ka namin?" tanong ni Manuel, napaisip naman si Clara at agad ding tumango.
"Sige." Nagsimula ng sumayaw si Clara at kagaya kahapon ay hangang-hanga pa rin ang tatlo. Ilang minuto pa ay natapos na ang pagsayaw ni Clara kaya nagsipalakpakan ang tatlo.
"Napakagaling mo talaga," turan ni Manuel.
"Salamat," pagpapasalamat naman ni Clara.
"Clara!" Nanglaki ang mata ni Clara at agad sumilip sa bintana.
"Sila mama." Tumango naman ang tatlo at lumabas na sa bintana. Nasa likod ang bintanang nilabas ng tatlo kaya hindi sila makikita ng magulang ni Clara.
"Mama, papa." Saka ito nagmano sa nanay at tatay niya.
"Kamusta?"
"Ayos lang po."
Kinabukasan
Gan'on din ang nangyari at sa mga sumunod na araw ay gan'on din. Mas lalo silang nagkakakilala at nagiging magkakaibigan na rin silang apat.
"Bukas ulit."
"Ahm, sige."
Makalipas isang buwan
"Mama," tawag ni Clara sa kan'yang nanay na masamang nakatingin sa kanilang apat.
"Bakit ka nagpapasok ng mga ibang tao dito!?" sigaw ng mama niya na nakatingin kila Manuel.
"Nagpaturo lang naman po kami," biglang singit ni Manuel.
"Wala akong pakialam lumabas na kayo at huwag na huwag kayong papasok sa pamamahay namin!"
"Pero mama--" agad napahinto si Clara sa kan'yang sasabihin ng bigla siyang sampalin ng kanyang mama, kaya agad-agad ding lumapit yung tatlo kay Clara.
"Sabing umalis na kayo!"
"Clara halika na," aya ni Manuel, pero umiling si Clara.
"Umalis na kayo pakiusap."
"'Pero Clara," pagpupumilit ni Manuel.
"Pakiusap Manuel." Kinuha ni Clara yung DVD at binigay kila Manuel pero agad din itong inagaw ng kanyang mama at pinutol sa gitna. Lumuluha naman itong tinignan ni Clara.
"Ma!" Hindi maiwasan ni Clara na huwag magalit dahil 'yon ang pinakapaborito niyang DVD kaya masakit para sakanya na nasira iyon.
"Umalis na kayo, halika na Clara." Hinila na siya ng kan'yang mama. Kaya wala ng nagawa sila Manuel kung hindi lumabas na.
Ilang araw ang lumipas wala na talaga, hindi na sila nagkausap. Laging malungkot si Clara at umiiyak sa kanyang kwarto. Si Manuel naman ay laging tulala, hindi kumakain at laging malungkot.
"CLARA!" sigaw ng kanyang mama.
"MANUEL!" sigaw naman ng kan'yang tatay.
Ganiyan-ganiyan lagi ang scenario sa loob ng mga bahay nila.
ILANG TAON ANG LUMIPAS
Wala ng balita sila Manuel, Mario at Eduardo tungkol kay Clara. Hindi na kasi rito nakatira sila Clara pumunta na itong Maynila.
Kahit sampung taon na ang nakakalipas hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ni Manuel kay Clara. Pero hindi pa rin ito nalalaman ni Clara.
Isang araw may balitang nakalap si Eduardo.
"Manuel!" pagtawag niya kaya agad sumilip si Manuel sa kanilang bintana at sumenyas naman si Eduardo na pumunta dito sa pwesto niya.
"Bakit?"
"Si Clara may anak na." Biglang huminto ang mundo ni Manuel, hindi siya makapaniwala. Hindi niya aakalain na sa edad 20 ay magkakaanak na kaagad ang babaeng mahal niya.
"Pero wala siyang asawa at ang trabaho niya lang ay taga hugas ng plato sa isang karenderya."
"Asan ang mga magulang niya?"
"Itinakwil siya nito dahil hindi matanggap ng kan'yang magulang na may anak ito."
"Totoo ba yan?"
"Oo alam na nga ng buong bayan na ang anak ng pinakamayamang pamilya dito sa Santa Rosa ay may anak at ngayon ay naghihirap na." Napaupo si Manuel at nagsisisi. Kung umamin ba ako maayos pa rin kaya ang buhay niya?
Ilang buwan ang lumipas
Napagpasiyahan ni Manuel na pumunta sila sa Maynila para hanapin si Clara. Pero ang hindi nila alam ang Clara'ng hahanapin nila ay wala na. Nasagasaan ito at hindi na inabot sa ospital.
Nang malaman ito nila Manuel lahat ng pangarap niya ay biglang natunaw na parang bula.
-------------------------
Favorite ko kasi ang kantang ANG HULING EL BIMBO kaya sinubukan ko lang gawan ng story.
VOTE, COMMENT, FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top