Bus Stop
Nandito ako sa bus stop at hinihintay ang bestfriend ko habang nakasalpak ang earphones sa tenga ko at nagsa'soundtrip. Pinagmamasdan ko lang ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada at ang mga taong naglalakad.
Naputol ang iniisip ko dahil may huminto na bus sa tapat ko. Iiwas na sana ako ng tingin ng may mahagilap ako sa pinto ng bus na pababa pa lang.
Isang matangkad, maputi at gwapong lalaki ang nakita ko. Nakatingin lang ako sakanya at di ko namalayang nakatingin din pala sya kaya nagulat ako. Ang ganda nman ng mga mata niya pero di ko magawang ngumiti sakanya dahil tinatamad na nman ako at di ko rin nman sya kilala.
Pinagmamasdan ko lang sya hanggang sumakay na sya sa isang tricycle hanggang ang usok nlang nito ang nahahagilap ko.
Minsan na nga lang ako makakakita ng gwapo pero di ko pa makikilala. Haay nman.
---
Lumipas ang ilang linggo at nandito na nman ako sa bus stop habang nakaupo sa bench sa waiting shed dahil sa lakas ng ulan. Aish, ba't sa lahat ng araw eh ngayon pa tlaga umulan. Nako nman. Di pa nman ako nagdala ng payong ko.
Isinalpak ko nlang ulit ang earphones ko sa tenga ko at nagsoundtrip ulit at pinikit ko ang mga mata ko. Haaaay. Nakakainis nman o. Matagal na nman akong makakauwi nito.
Dahil sa inis ko ay tumayo ako bigla at tiningnan kung malakas pa ba ang ulan. Nako nman, ang lakas tlaga eh. Inilahad ko ang mga kamay ko at pinagmasdan ang pagdaloy ng tubig ng ulan sa kamay ko.
At nagulat ako ng may naglagay ng payong sa kamay ko. At tiningnan ko sya agad. At
O____O
Yung lalaking bumaba non sa bus. At nakangiti pa tlaga sya ngayon ah. Ang gwapo niya tlaga.
May sinasabi siya pero di ko marinig.
" Ano? "
Tinuro niya nman ang earphones ko na nakasalpak pa pala sa tenga ko. Ayy, di ko pa pala natanggal. At tinanggal ko nman ito agad.
" Ay, sorry. Pero ano ang pala ang sinabi mo? At bakit mo binigay ang payong mo sakin? Di nman tayo magkakilala dba? "
" Oops. Isa'isa lang, mahina ang kalaban. " At tumawa sya. Ang cute niya nman.
" Okay. " Speechless ako eh.
" Malakas kasi ang ulan at baka magkasakit ka kung susukob ka ng walang payong. Sayo na yan. " At ngumiti sya.
" Pero- " Di ko natapos ang sinasabi ko ng bigla syang tumakbo patungo sa sakayan ng tricycle. At sumakay nman sya agad.
" Ako nga pala si Justin Morgan. Nice meeting you Kayla Romano. " Sigaw niya.
P-paanong alam niya ang pangalan ko? At tulad ng dati ay di ko namalayang nakalayo na ang sinasakyan niya at ang tanging naiwan niya sa akin ay ang payong niya.
~The End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top