Bestfriend
Two years na rin ang nakaraan simula ng lumipat ako ng school. Simula kasi ng umamin ako sa kanyang gusto ko sya ay agad akong lumipat ng mapapasukang skwelahan. Nahihiya ako sa kanya at natatakot na malaman ang reaksyon niya dahil alam kong may girlfriend na siya non na mahal na mahal niya. Kasalanan ko ba na ma'inlove ako sa kanya? Eh kasi lahat ng gusto ko sa lalaki eh nasa kanya na. Pero dahil sa bestfriends kami eh pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko. Pero langyang puso to! Sa lahat ba nman na pwedeng mahalin eh bakit bestfriend ko pa? Pwede nman yung gwapong schoolmate ko o yung kaibigan niya dba? Pero ano bang magagawa ko? Nandito na eh. Wala nakong magagawa pa. Eh sa mahal ko eh. Pake niyo? Aish nman-
*Kriiiiing Kriiiiiing
Di ko na tiningnan kung sino ang tumawag at agad ko itong sinagot.
" O? " Sabi ko.
" Ahh. Lyn, punta ka sa school ah. Miss ka na ng barkada. "
" Jean? Ha? Ah eh. " Si Jean ay kabarkada ko sa dati kong school.
" Lyn, please nman. Palagi mo nlang kaming tinatanggihan. Kahit ngayon lang o. "
" O, sge sge. Kailan ba? "
" Ngayong weekend. Gala tayo. Kita nlang tayo sa gate ng school. "
" Oh sge. "
At agad kong binaba ang tawag. Miss ko na rin nman ang barkada pero kasi ayaw kong pumunta ron dahil makikita ko lang si Rich. Oo, si Rich yung bestfriend ko. Simula kasi nong lumipat ako ng school eh wala na kaming communication. Nag iba ako ng number at tanging kabarkada ko lang ang katext ko sa dati kong school. Wala na rin akong balita kay Rich pero dun pa din nman sya nag'aaral.
Lumipas ang ilang araw at ngayon na kami magkikita ng kabarkada ko sa gate ng dati kong school. Kakababa ko lang sa sakayan malapit dun at nilakad ko nlang patungong gate. Sinalpak ko nlang ang earphones ko at umalingawngaw ang kantang Bestfriend by Jason Chen. Aish. Nanadya yata tong kantang to eh. Hanggang ngayon kasi, mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal.
Malapit na ako sa gate ng may makita akong taong nakatalikod. Teka lang, pamilyar to ah. Ah ewan. Wala pa pala ang kabarkada ko. Aish, late na naman sila panigurado.
Umupo nlang ako sa bench malapit sa gate at pinikit ang mga mata ko ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Sa pag'aakalang isa yun sa kabarkada ko ay iminulat ko ang aking mga mata. At nagulantang ako sa aking nakita. Si.... Si Rich! At ang lapit ng mukha niya. Mga one inch nlang ang pagitan ng ilong namin. At agad akong pinamulahan ng mukha. Di ko maipagkakailang mas gumwapo sya ngayon.
" A-ah e-eh. Hehe. Excuse me! " At dali'dali akong lumayo sa kanya at tatayo na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.
" Lyn " At naghuramentado ang puso ko. Grabe tlaga ang epekto ng presensya niya sa sistema ko.
Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko.
" Lets talk. "
" Wala tayong dapat pag'usapan. " Nagpupumiglas pa rin ako pero nawindang ang katawang lupa ko ng yakapin nya ko. Langya nman! Ano bang nangyayari sa kanya? Bat sya nagkakaganito? Naaksidente ba sya? Nauntog sa pader? Nadulas sa putik? Ano? Akala ko galit sya sakin? Bat niya ako niyayakap?
" Ano ba?! Bitiwan mo ko. Sge, sisigaw ako ng rape dito! " At itinulak ko sya palayo sakin pero di man lang sya nagalaw sa kinatatayuan niya at nanatili parin syang nakayakap sakin. Aish! Higante nman kasi tong taong to eh. Naku naman!
At tumawa sya. " Ganyan ka pa rin pala Lyn. " At natahimik ako sa sinabi niya.
" Ako munang magsasalita ah. Pwede ba? " At tumango nlang ako.
" Alam mo bang nagulat tlaga ako sa confession mo? Di mo man lang ako pinagsalita at agad kang tumakbo non. " At tumawa sya ng mahina. " Sasabihin ko sanang- " At pinutol ko ang sasabihin niya.
" Sasabihin mo sanang hanggang kaibigan lang ako at wala akong pag'asa. Dba? "
" Aish. Pinapangunahan mo na nman ako. Tumahimik ka muna pwede? " At umismid ako. " Sasabihin ko sanang mahal rin kita at liligawan na kita. Pero dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Eh umalis ka nman agad at di na nagpakita. "
" ANO?! Totoo?! Walang halong joke? " Gulat na gulat kong tanong sa rebelasyon niya.
" Mukha ba akong nagjo'joke? " At tumawa sya. " Haaaay, ayan ka na nman Lyn. Di ka kasi marunong makinig eh. " At sinapak ko nga.
" Walangya ka! Di mo man lang ako hinabol non! Tangengot ka tlaga! Eh kung hinabol mo ako edi sana di na ako lumipat ng skwelahan at tayo na sana ngayon! " At natigilan ako sa sinabi ko. At humagalpak sya ng tawa at ang walangya, hawak hawak pa ang tiyan niya.
Sumeryoso ang mukha niya ng makita niyang nakataas na ang kilay ko sakanya. " Tangengot man ako. Mahal mo nman. " At kinindatan niya ako.
" Aish. Whatever! " At pinameywangan ko sya.
" Eseeeees. Ayan ka na nman, tampo ka agad eh. " At niyakap niya ulit ako ng mahigpit, niyakap ko rin sya pabalik.
" Mahal kita Bes Lyn. "
" Mahal din kita Bes Rich. "
~The End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top