ASA KA PA!

Its been two months at ganito pa rin ang status namin: More than friends, Less than lovers. Oo, yung parang kayo pero hindi. Yung sweet kayo, yung magkasama kayo palagi, yung nagho'holding hands at iba pang ginagawa ng mag'on. Ewan ko pero di pa sguro kami ready mag commit sa isa't isa. Pero ang alam ko, MU kami. Kumbaga, Mutual Understanding.

At araw'araw may nagtatanong kung kami ba. Ewan ko kung saan ko hahagilapin ang sagot sa tanong nila. Di ko rin nman alam ang sagot. Haaaay nako. Buhay nga naman parang life dba? Ge, pagbigyan.

At ngayon, heto na namin kami. Naglalakad sa mall ng magka'holding hands. Summer na kasi, wala ng pasok.

" Bii, san mo gustong pumunta? "

" A-ah nuod nalang tayo ng sine Bii. " Sagot ko sa tanong niya.

" Kain muna tayo Bii ha. " At ngumiti sya. Gaaaahd! Ang gwapo niya tlaga. Kahit ang daming nagkakagusto sa kanya, nagpapasalamat pa rin ako dahil ako ang nagustuhan niya. Okay lang kahit di kami, bsta gusto niya rin ako. Okay na yun.

" Sge Bii. " At kumain kami, gala, nag'sine at iba pa.

Ganyan lang ang lagi naming ginagawa pag magkasama kami. Di nman kami nagsasawa na ganyan lang ang palagi naming ginagawa bsta magkasama kami. Okay na.

Lumipas ang mga araw at isang linggo nlang bago magpasukan. Miss na miss ko na sya. Ilang araw na din akong nagtetext sa kanya pero ni ha ni ho, WALA. Baka nakakita na sya ng iba, baka may iba na syang gusto. Aish! Aria! Napa'paranoid ka na nman, yan ang napapala mo kapapanuod ng telenobela. Ikaw ang gusto ni Ralph okay? Ay ewan, kinakausap ko na nman ang sarili ko. Ite'text ko nlang sya.

To: Bii
Bii, kumain ka na?

At ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa ring reply galing sa kanya. Haaaaay, nako nman. Kinakabahan nako dito oh. Argggg! Multuhin ko kaya sya? Joke lang. Di pa nman ako multo.

At makalipas ang ilang oras at tumataginting na OO lang ang reply niya. Langhiya! Ang taas nang reply niya. Grabe! Nakaka'frustrate na.

To: Bii
Ahh Bii. Gala tayo.

Please lang! Umayos ka Ralph!

From: Bii
Busy ako.

Fudgee Bar! Ganyan na lang? The heck! Di nman sya ganyan noon ah. Pero ano bang magagawa ko? Di nman kami, di ako pwedeng magreklamo. Wala akong karapatan.

At finally, pasukan na. First day na first day ay nakasimangot ako. Eh kasi nman, palagi niya akong sinusundo sa bahay. Pero ngayon, WALANG RALPH NA DUMATING! Ang sakit sakit na sa puso at sa buto'buto pero kailangan kong ipakita na di ako nasasaktan, na di ako affected na di na sya nagpaparamdam, na wala akong pakealam.

At pagpasok ko pa lang sa school. May narinig agad akong bulungan.

" Alam mo, akala ko tlaga si Aira at Ralph na. "

" Oo nga eh. Pero si Clarisse daw ang girlfriend ni Ralph eh. "

Ano?! Yung mukhang pokpok na Clarisse na yon? Binilisan ko ang lakad ko at ang bait nga naman ni tadhana at nakabangga ko pa si Ralph kasama yung mukhang paa na si Clarisse. Oo na! Bitter na kung bitter!

" S-sorry! " At pumiyok pa tlaga ako. Di ko mapigilan eh. Ang sakit na kasi.

" A-ah. Ralph, pwede ka bang makausap? " Eto na tlaga.

" Tungkol saan? " At mabuti nman at nakaramdam si Clarisse at umalis muna sya.

" Tungkol sa atin. Ikaw, ako. Ano ba tayo? " Pinipigilan ko ang luhang nagbabadyang kumawala sa mata ko, ayaw kong makita niyang mahina ako. Na umiiyak ako dahil sa kanya. Ayaw ko. Hindi, hindi sa harapan niya.

At tumawa sya, " Bakit? Wala nmang tayo Aira ah. " At umalis sya.

Sabay ng pagtalikod niya ay ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko nmang pinunasan yon. Hindi ko dpat iniiyakan ang katulad niya! Isang malaking paasa! Sabi niya pa noon, hihintayin niya ako hanggang sa maging kami na. Ha! Ako namang si uto'uto eh naniwala sa kasinungalingan niya.

Langyang buhay to! Ayan Aira, umasa ka kasi eh. Wala namang kayo! Di hamak na pampalipas oras ka lang niya! Pinagtripan ka lang niya dahil alam niyang gusto mo sya! Mamatay na ang paasa!

Tumalikod na ako at naglakad sabay ng pag'iwan ko sa lahat ng sakit na naidulot niya.

~The End!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top