2 Words, 9 Letters
Part II of Was It Just A Lie.
Rence's POV
Ba't ba sya umiiyak? May nararamdaman ba sya sakin? Ay. Ewan ko. Hirap mag'assume.
Pero sa totoo lang, mahal ko tlaga si Nichole. Ewan ko ba sa sarili ko pero gumawa ako ng rason na sinabi ko lang na mahal ko sya dahil dare yun ng barkada namin. Pero ang totoo tlaga eh aamin na dpat ako sa kanya pero natatakot akong i'reject niya. Natatakot ako na baka di niya ako gusto at lalayuan niya ako. Natatakot ako na di na niya ko papansinin kahit kailan.
Haaaay, torpe na kung torpe. Pero ayw ko lang masaktan. Ayw kong i'take ang risk kasi baka mawala ang friendship nmin. Di ko kayang sabihin ang 2 words, 9 letters na yon sa kanya.
Ilang linggo na ang lumipas at iniiwasan ako ni Nichole. Eh dba nga di ko nman inamin na totoo na mahal ko sya. Pero bakit ganito? Iniiwasan nya ako? May nagawa ba akong mali? Bukas kakausapin ko sya.
*Kinabukasan
Woooooh! Nandito na ako sa room kanina pa. Ang aga ko nga eh, alam ko kasing maaga pumapasok si Nichole. At pagdating na pagdating niya ay kakausapin ko sya agad. At sasabihin ko na ring mahal ko sya. Kinakabahan na ako at namamawis pa ang kamay ko. Iba tlaga epekto ng babaeng yon sakin.
At makalipas ang ilang saglit ay nakita ko na sa may pintuan ng room nmin si Nichole. At agad na nagtama ang mga mata nmin. Ang binibining nagpapatibok ng aking puso at ang aking iniirog. Naaaaks. Lalim na tlaga ng tagalog ko. Nagiging makata ako ng wala sa oras eh.
Okay, balik tayo sa topic natin. Ayun nga nagkatitigan kami ng ilang segundo pero nag look away sya agad. At pumunta na sa kanyang upuan at umob'ob sa desk nya.
And now, this is my chance na kausapin siya ng masinsinan.
*Kalabit
*Kalabit
" Hmm? Bakit ba? " Si Nichole yan.
*Kalabit
*Kalabit
" Ano ba?! Nang'iinis ka b- "At natigilan sya ng imulat niya ang mata nya at ako agad ang nakita niya. At gulat na gulat tlaga sya. Bakit? Ganyan na ba ako kagwapo? Este, may dumi ba ako sa mukha?
" A-aaahm. An-anong kai-kailangan mo-o Re-rence? " At namumula pa sya. Galit ba sya sakin? Ba't ba parang nararamdaman ko na ayaw niya akong makasama o makita man lang? Parang iba kasi ang tono ng pagsasalita niya ngayon.
" May itatanong lang sana ako sayo Nichole. Pwede ba? "
" Aaaaahm, s-sge. " Ito na ang tamang oras para sabihin ko na sa kanya ang totoo. Dumarami na rin ang tao dito sa room dahil 5 minutes nlang before the time. At marami na rin ang nakiki'tsismis dahil nga ang lakas ng boses ni Nichole kanina.
" Nichole, mahal mo ba ako? " Naglakas loob na akong tanungin siya dahil kahit hindi nman ang isagot niya ay aamin pa rin ako sa kanya.
Mukhang nagulat sya kaya nanlalaki ang kanyang mata at namumula pa ang mukha niya. Akmang aalis na sya pero nahawakan ko sya sa braso at ikinulong sa aking mga bisig. Pwe! Ba't ang lalim ko ng magtagalog ngayon? Ganyan ba tlaga ang nagagawa ng pag'ibig?
" Kyaaaaaaah! Ang sweet nman ni Rence. "
" Nakakakilig! Hihi "
" Oy! PBB Teens! "
" Sagutin mo na yan Nichole! "
" Bagay kayo. Promise! "
Mga kaklase nmin yan. Agad nman akong napangiti dahil sa may nagsabi na bagay daw kami.
" Nichole, mahal mo ba ako? Kasi ako, MAHAL NA MAHAL KITA. Di nman kasi totoo na dare lang yon ng barkada nmin. Ang totoo nyan eh aamin na tlaga ako no'n sayo pero natatakot ako kasi baka di mo ko gusto. Pero ngayon, kahit sabihin mong di mo ko gusto ay okay lang. I'm willing to do everything to have your heart. " Sinabi ko yan habang magkayakap kami.
O_____O
Nagulat ako ng umiyak sya at hinigpitan niya ang yakap niya sakin. Anong nangyari?! Ba't ba palagi ko nlang syang pinapaiyak?
" Ba't ka umiiyak Nichole? Di mo ba tlaga ako magugustuhan? Please, sabihin mo. " At nababading na yata ako kasi nangingilid ang luha ko. Aish!
" A-ano kasi *huk Re-rence *huk
Masaya lang ako kasi *huk di ko akalaing mahal *huk mo pala ako. *huk Akala ko kasi, ako lang ang nagmamahal. *huk Rence, mahal na mahal din kita. "
At tumulo ang luha ko hindi sa sadness kundi sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.
Kasi all this time, akala nmin na di magiging mutual ang feelings nmin sa isa't isa.
Pero masayang masaya ako dahil sinabi niya ang 2 Words, 9 Letters na yon sakin. Ang salitang MAHAL KITA.
Alam kong marami pang pagsubok na darating sa'min. But as long as we have each other. Makakaya kong lampasan ang mga struggles na darating kasama ang minamahal ko. Kasama si Nichole Suarez.
~The End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top