INTRODUCTION

A/n: Ang sakit sa heart<3

______________________________________________

Isang segundo.

Para sa akin, lahat ng bagay' nag-uumpisa sa isang segundo. Segundong masaya o segundong malungkot. At magtatapos sa segundong nakatawa ka, nakangiti o lumuluha .

Manhid. Isa akong manhid na nabulag sa pagkakaibigan kung kaya't huli na ng maramdaman ko ang isang bagay sa puntong hindi ko na kayang ipaglaban pa.

Ngunit sa kabila ng kamanhiran na iyon, nandiyan ang isang saglit upang ipaalala sa akin na naging manhid ako ngunit ang pag-ibig na iyon ay nagsimula rin sa isang segundo.

Kasunod ng isang segundo na yun, doon ko nahinuha ang napakaraming bagay.

Ganun ba kabilis si kupido ay pumana? Na sa loob lamang ng isang segundo nagawa niyang panain ang puso ko, kasabay ng pagkahulog nito.

Sa isang iglap, di ko inasahang maaaring magulo ang lahat lahat. Dinaig ng isang segundo na yun ang isang napakalaking ipo-ipo. Na hindi inaasahang darating at guguluhin ang mula sa isang segundong iyon ng buhay ko.

Bigla nalang sumulpot...

At hindi ko na nagawang ilagan pa at alisin pa sa puso ko.

~~~~

He's my living diary.

And unconsciously I fell in love with him in just one second.

______________________________________________

A/n: Ramdam ko na. Kayo ba? 💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top